際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
1
Saint Pedro Poveda College
Grade School Department
HEKASI 6
Handout bilang 10
Ang Pilipinas Bilang Bansang Malaya at may Soberanya
Ang isang bansa o estado ay binubuo ng mga tao na
naninirahan nang palagian sa isang tiyak na teritoryo sa ilalim ng isang
pamahalaang may soberanya. Ang Pilipinas ay isang estadong
republikano at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng
sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na
pampamahalaan.
Anu-ano ba ang elementong bumubuo sa estado?
 Tao- mamamayang naninirahan sa bansa
 Teritoryo  lupaing nasasakupan
 Pamahalaan- sistema ng pamamahala sa bansa
 Soberanya- pinaka mataas na kapangyarihang magpatupad ng
batas sa tao at nasasakupang teritoryo ng isang estado.
Ano ang Soberanya?
Ipinahayag ang ating kalayaan noong Hunyo 12, 1898 at kalakip nito ang soberanyang katangian ng
isang bansang malaya. Ang Soberanyang ito ang nagpapahalaga sa ating pagiging ganap na estado o bansa. Ito
ang pinakamataas na kapangyarihang magpasunod at magpatupad ng batas sa bansa.
May ilang katangian ang soberanya:
 Palagian  ang kapangyarihan ng estado ay magpapatuloy hanggang hindi nawawala ang estado.
 Malawak  sakop nito ang lahat ng mga tao at ari-arian ng estado.
 Di-naisasalin  hindi maaaring ilipat sa ibang bansa ang kapangyarihan ng estado.
 Lubos  hindi ito maaaring ipatupad ng baha-bahagi lamang.
May Dalawang Uri ng Soberanya, Alam mo ba kung ano ito?
Panloob na Soberanya- Kapangyarihang magpatupad ng mga kautusan, batas, at patakaran sa loob ng
teritoryo ng bansa.
Panlabas na Soberanya- Kapangyarihan ng isang bansa sa pagsupil o pagpigil sa panghihimasok ng mga
dayuhan o ibang bansa sa pamamahala ng isang bansa.
2
Sa ilalim ng international law ang bansang may soberanya ay:
 Malaya at libre sa lahat ng mga panlabas na kontrol;
 Nagtatamasa nang buong legal na pagkakapantay-pantay ng ibang mga bansa;
 Pinangangasiwaan ang sarili nitong teritoryo;
 Napipili ang sarili nitong sistemang pulitikal, sosyal, at ekonomiko: at
 May kapangyarihang pumasok sa mga kasunduan kasama ng ibang mga bansa.
Anu-ano ang mga karapatang nakuha ng Pilipinasbilang isang bansang malaya?
 Karapatan ng Pilipinas na maging malaya sa pakikialam ng ibang bansa.
 Karapatan sa pantay na pribilehiyo sa ilalim ng mga pandaigdig na batas.
 Karapatang ipasunod ang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpapairal ng mga batas sa
nasasakupan.
 Karapatan ng Pilipinas na magkaroon ng mga ari-arian.
 Karapatan sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa.
 Karapatang magpadala ng mga kinatawan sa ibang bansa at tumanggap ng mga kinatawan ng ibang
bansa.
 Karapatang itakwil ang digmaan bilang kasangkapan ng patakarang pambansa.
 Karapatang umaayon sa patakaran ng kapayapaan, pagkakapantay-pantay, katarungan, kalayaan,
pakikipagtulungan at pakikipagkaibigan sa ibang bansa.
Isipin mo:
Sa iyong palagay, bakit kinakailangang magkaroon ng karapatan
hindi lamang ang mga mamamayan kundi maging ang bansa?
3
Ang Pagtatanggol sa Kalayaan at Hangganan ng Teritoryo ng Bansa
Bilang isang bansang malaya at may soberanya, nararapat lamang nating siguruhing mapanatili ang
kalayaang mayroon tayo. Sa pamamagitan ng pagtatanggol sa teritoryong nasasakupan natin kung saan
namamayani ang ating kalayaan at soberanya, maiiwasan natin ang mga bantang pananakop mula sa ibang
bansa.
Anu-ano ang mga paraan para maipagtanggol ang pambansang teritoryo?
1. Sa pamamagitan ng SANDATAHANG LAKAS NG PILIPINAS o Armed Forces of the Philippines
 Ayon sa artikulo II, Seksyon 3,sila ang tagapangalaga ng sambayanan.
 Itinatag sa bisa ng Commonwealth Act No. 1 o kilala bilang National Defense Act.
 Pangunahing layunin nito na Ipagtanggol ang bansa laban sa rebelyong lokal at mga dayuhang nais
sumakop sa bansa.
Mga Sangay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas:
 Hukbong Panlupa o Hukbong Katihan (Philippine Army)
Sila ang nagtatanggol sa panahon ng digmaan; tanod laban sa mananakop, at lumalaban sa mga
nais magpabagsak sa pamahalaan.
 Hukbong Himpapawid (Philippine Air Force)
Tinatawag ding Tanod ng himpapawid kung saan walang kaaway na makakapasok sa bansa gamit
ang himpapawid dahil sa kanilang pagbabantay.
 Hukbong Dagat (Philippine Navy)
Batay-Dagat; Hinuhuli ang mga smuggler o mga taong nagpupuslit ng mga produktong walang
karampatang buwis.
2. Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Kayaman (Department of Environment and Natural
Resources o DENR) - Nangangasiwa sa pangangalagang likas na yaman ng bansa.
3. Kagawarang Ugnayang Panlabas (Department of Foreign Affair o DFA)- Pagtatanggol sa hangganan
ng teritoryo ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagdalo sa mga usapin o isyung panteritoryal.
Sangguniang aklat: Lakbay ng Lahing Pilipino pahina 229-234, 244-248
Isipin mo:
Paano nga ba patuloy na maipaglalaban ng mga Pilipino ang
soberanyang mayroon ang bansa sa kasalukuyan?
Sa iyong palagay, mayroon bang pagbabaanta upang maagaw ang
soberanyang mayroon ang Pilipinas sa kasalukuyan? Bakit?
4
Pangalan: __________________________________ Petsa: _______________
Baitang at pangkat: __________________________
Pagsasanayat Pagpapahalaga
A. Pagsusuri sa mga Pahayag: Isulat kung katotohanan o opinyon ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang
sagot sa patlang.
_____________1. Hindi masyadong napakikinabangan ng pamahalaan ang mga mamamayan ng ating bansa.
_____________2. Ang pagtatanggol sa teritoryo ng bansa ay tungkulin lamang ng pamahalaan.
_____________3. Higit na dapat bigyan ng pansin ang mga panlabas na panganib upang di na tayo muling
masakop ng mga dayuhan kaysa sa panloob na panganib.
_____________4. Ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay itinatag upang mabigyan ng proteksyon ang bansa
laban sa mga mananakop.
_____________5. Tanging ang mga kasapi ng Hukbong Katihan o Philippine Army lamang ang may kakayahang
protektahan ang mga mamamayan at estado laban sa mga dayuhang mananakop.
_____________6. Ang Hukbong Dagat o Philippine navy ay ang tagabantay laban sa mga smuggler na
pumapasok sa bansa.
_____________7. Ang lahat ng mamamayan ay maaaring utusan ng batas na magkaloob ng personal na
serbisyo upang ipagtanggol ang estado.
_____________8. Mas mahirap protektahan ang bansa sa mga panlabas na panganib kaysa sa panloob na
panganib.
_____________9. Tungkulin ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas o Armed Forces of the Philippines na
ipagtanggol ang bansa laban sa rebelyong lokal at mga dayuhang nais sumakop sa bansa.
_____________10. Ang DENR ay nakakatulong din upang mapanatili ang kaayusan at mapangalagaan ang
mga likas na yaman ng bansa.
B. Pagsusuri sa mga Kaisipan: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____1. Sino ang dapat magtanggol sa teritoryo ng bansa?
a. lahat ng mamamayan b. mga pinuno ng pamahalaan c. mga pulis at sundalo lamang
_____2. Alin ang hindi pakinabang ng Pilipinas sa kanyang teritoryo?
a. nagbibigay ng hanapbuhay at libangan
b. nagiging dahilan ng pag-aaway dahil sa agawan ng lupain
c. napagkukunan ng mga pangangailangan
_____3. Anong paraan ang ginagamit ng mga bansa sa kasalukuyan sa pagtatanggol ng kanyang teritoryo?
a. lakas ng armas b. pakikidigma c. usaping pangkapayapaan
_____4. Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng DFA?
a. ito ang nagliligtas sa mga mamamayan sa tiyak na kapahamakan o sakuna
b. ito ang nakikipag-ugnayan sa ibang bansa para sa kasiguruhan ng ating teritoryo at ng mamamayan
c. ito ang nangangalaga sa likas na yaman
_____5. Bakit kaya may ibat ibang sangay ang Sandatahang lakas ng Pilipinas?
a. dahil ito ang gusto ng naging pangulo ng bansa
b. dahil masyadong malaki ang ating bansa para bantayan lamang ng isang sangay
5
c. upang maproteksyunang maigi ang lahat ng bahagi ng teritoryo ng bansa.

More Related Content

Session10 soberanya (1)

  • 1. 1 Saint Pedro Poveda College Grade School Department HEKASI 6 Handout bilang 10 Ang Pilipinas Bilang Bansang Malaya at may Soberanya Ang isang bansa o estado ay binubuo ng mga tao na naninirahan nang palagian sa isang tiyak na teritoryo sa ilalim ng isang pamahalaang may soberanya. Ang Pilipinas ay isang estadong republikano at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan. Anu-ano ba ang elementong bumubuo sa estado? Tao- mamamayang naninirahan sa bansa Teritoryo lupaing nasasakupan Pamahalaan- sistema ng pamamahala sa bansa Soberanya- pinaka mataas na kapangyarihang magpatupad ng batas sa tao at nasasakupang teritoryo ng isang estado. Ano ang Soberanya? Ipinahayag ang ating kalayaan noong Hunyo 12, 1898 at kalakip nito ang soberanyang katangian ng isang bansang malaya. Ang Soberanyang ito ang nagpapahalaga sa ating pagiging ganap na estado o bansa. Ito ang pinakamataas na kapangyarihang magpasunod at magpatupad ng batas sa bansa. May ilang katangian ang soberanya: Palagian ang kapangyarihan ng estado ay magpapatuloy hanggang hindi nawawala ang estado. Malawak sakop nito ang lahat ng mga tao at ari-arian ng estado. Di-naisasalin hindi maaaring ilipat sa ibang bansa ang kapangyarihan ng estado. Lubos hindi ito maaaring ipatupad ng baha-bahagi lamang. May Dalawang Uri ng Soberanya, Alam mo ba kung ano ito? Panloob na Soberanya- Kapangyarihang magpatupad ng mga kautusan, batas, at patakaran sa loob ng teritoryo ng bansa. Panlabas na Soberanya- Kapangyarihan ng isang bansa sa pagsupil o pagpigil sa panghihimasok ng mga dayuhan o ibang bansa sa pamamahala ng isang bansa.
  • 2. 2 Sa ilalim ng international law ang bansang may soberanya ay: Malaya at libre sa lahat ng mga panlabas na kontrol; Nagtatamasa nang buong legal na pagkakapantay-pantay ng ibang mga bansa; Pinangangasiwaan ang sarili nitong teritoryo; Napipili ang sarili nitong sistemang pulitikal, sosyal, at ekonomiko: at May kapangyarihang pumasok sa mga kasunduan kasama ng ibang mga bansa. Anu-ano ang mga karapatang nakuha ng Pilipinasbilang isang bansang malaya? Karapatan ng Pilipinas na maging malaya sa pakikialam ng ibang bansa. Karapatan sa pantay na pribilehiyo sa ilalim ng mga pandaigdig na batas. Karapatang ipasunod ang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpapairal ng mga batas sa nasasakupan. Karapatan ng Pilipinas na magkaroon ng mga ari-arian. Karapatan sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa. Karapatang magpadala ng mga kinatawan sa ibang bansa at tumanggap ng mga kinatawan ng ibang bansa. Karapatang itakwil ang digmaan bilang kasangkapan ng patakarang pambansa. Karapatang umaayon sa patakaran ng kapayapaan, pagkakapantay-pantay, katarungan, kalayaan, pakikipagtulungan at pakikipagkaibigan sa ibang bansa. Isipin mo: Sa iyong palagay, bakit kinakailangang magkaroon ng karapatan hindi lamang ang mga mamamayan kundi maging ang bansa?
  • 3. 3 Ang Pagtatanggol sa Kalayaan at Hangganan ng Teritoryo ng Bansa Bilang isang bansang malaya at may soberanya, nararapat lamang nating siguruhing mapanatili ang kalayaang mayroon tayo. Sa pamamagitan ng pagtatanggol sa teritoryong nasasakupan natin kung saan namamayani ang ating kalayaan at soberanya, maiiwasan natin ang mga bantang pananakop mula sa ibang bansa. Anu-ano ang mga paraan para maipagtanggol ang pambansang teritoryo? 1. Sa pamamagitan ng SANDATAHANG LAKAS NG PILIPINAS o Armed Forces of the Philippines Ayon sa artikulo II, Seksyon 3,sila ang tagapangalaga ng sambayanan. Itinatag sa bisa ng Commonwealth Act No. 1 o kilala bilang National Defense Act. Pangunahing layunin nito na Ipagtanggol ang bansa laban sa rebelyong lokal at mga dayuhang nais sumakop sa bansa. Mga Sangay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas: Hukbong Panlupa o Hukbong Katihan (Philippine Army) Sila ang nagtatanggol sa panahon ng digmaan; tanod laban sa mananakop, at lumalaban sa mga nais magpabagsak sa pamahalaan. Hukbong Himpapawid (Philippine Air Force) Tinatawag ding Tanod ng himpapawid kung saan walang kaaway na makakapasok sa bansa gamit ang himpapawid dahil sa kanilang pagbabantay. Hukbong Dagat (Philippine Navy) Batay-Dagat; Hinuhuli ang mga smuggler o mga taong nagpupuslit ng mga produktong walang karampatang buwis. 2. Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Kayaman (Department of Environment and Natural Resources o DENR) - Nangangasiwa sa pangangalagang likas na yaman ng bansa. 3. Kagawarang Ugnayang Panlabas (Department of Foreign Affair o DFA)- Pagtatanggol sa hangganan ng teritoryo ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagdalo sa mga usapin o isyung panteritoryal. Sangguniang aklat: Lakbay ng Lahing Pilipino pahina 229-234, 244-248 Isipin mo: Paano nga ba patuloy na maipaglalaban ng mga Pilipino ang soberanyang mayroon ang bansa sa kasalukuyan? Sa iyong palagay, mayroon bang pagbabaanta upang maagaw ang soberanyang mayroon ang Pilipinas sa kasalukuyan? Bakit?
  • 4. 4 Pangalan: __________________________________ Petsa: _______________ Baitang at pangkat: __________________________ Pagsasanayat Pagpapahalaga A. Pagsusuri sa mga Pahayag: Isulat kung katotohanan o opinyon ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot sa patlang. _____________1. Hindi masyadong napakikinabangan ng pamahalaan ang mga mamamayan ng ating bansa. _____________2. Ang pagtatanggol sa teritoryo ng bansa ay tungkulin lamang ng pamahalaan. _____________3. Higit na dapat bigyan ng pansin ang mga panlabas na panganib upang di na tayo muling masakop ng mga dayuhan kaysa sa panloob na panganib. _____________4. Ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay itinatag upang mabigyan ng proteksyon ang bansa laban sa mga mananakop. _____________5. Tanging ang mga kasapi ng Hukbong Katihan o Philippine Army lamang ang may kakayahang protektahan ang mga mamamayan at estado laban sa mga dayuhang mananakop. _____________6. Ang Hukbong Dagat o Philippine navy ay ang tagabantay laban sa mga smuggler na pumapasok sa bansa. _____________7. Ang lahat ng mamamayan ay maaaring utusan ng batas na magkaloob ng personal na serbisyo upang ipagtanggol ang estado. _____________8. Mas mahirap protektahan ang bansa sa mga panlabas na panganib kaysa sa panloob na panganib. _____________9. Tungkulin ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas o Armed Forces of the Philippines na ipagtanggol ang bansa laban sa rebelyong lokal at mga dayuhang nais sumakop sa bansa. _____________10. Ang DENR ay nakakatulong din upang mapanatili ang kaayusan at mapangalagaan ang mga likas na yaman ng bansa. B. Pagsusuri sa mga Kaisipan: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang. _____1. Sino ang dapat magtanggol sa teritoryo ng bansa? a. lahat ng mamamayan b. mga pinuno ng pamahalaan c. mga pulis at sundalo lamang _____2. Alin ang hindi pakinabang ng Pilipinas sa kanyang teritoryo? a. nagbibigay ng hanapbuhay at libangan b. nagiging dahilan ng pag-aaway dahil sa agawan ng lupain c. napagkukunan ng mga pangangailangan _____3. Anong paraan ang ginagamit ng mga bansa sa kasalukuyan sa pagtatanggol ng kanyang teritoryo? a. lakas ng armas b. pakikidigma c. usaping pangkapayapaan _____4. Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng DFA? a. ito ang nagliligtas sa mga mamamayan sa tiyak na kapahamakan o sakuna b. ito ang nakikipag-ugnayan sa ibang bansa para sa kasiguruhan ng ating teritoryo at ng mamamayan c. ito ang nangangalaga sa likas na yaman _____5. Bakit kaya may ibat ibang sangay ang Sandatahang lakas ng Pilipinas? a. dahil ito ang gusto ng naging pangulo ng bansa b. dahil masyadong malaki ang ating bansa para bantayan lamang ng isang sangay
  • 5. 5 c. upang maproteksyunang maigi ang lahat ng bahagi ng teritoryo ng bansa.