ºÝºÝߣ

ºÝºÝߣShare a Scribd company logo
Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon
Crisostomo Ibarra
• Buong pangalan: Juan Crisostomo
Ibarra y Magsalin
• Ama: Don Rafael Ibarra
• Kasintahan niya si Maria Clara.
• Nag-aral siya sa Europa ng pitong taon.
• Likas siyang matalino at mataas ang
pagpapahalaga sa edukasyon bunga na
rin ng pagtataguyod ng ama.
• Nagmula sa isang mayamang pamilya sa
bayan ng San Diego.
• Nangarap na makapagpatayo ng
paaralan sa bayan ng San Diego.
Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon
Kabanata 2- Si Crisostomo
Ibarra
• Siya ay bumalik sa Pilipinas matapos
ang pitong taong pamamalagi niya sa
Europa nang mabalitaan niya ang
pagkamatay ng kanyang ama na si Don
Rafael Ibarra.
Kabanata 3- Ang Hapunan
• Ininsulto ni Padre Damaso ang tungkol
sa mga karanasan ni Ibarra sa ibang
bansa. Kalmado lamang si Ibarra at
nagpaalam na. Nang gabing iyon, sinulat
ni Ibarra sa kolum ng Estudios
Coloniales ang tungkol sa isang pakpak
at leeg ng manok na naging sanhi ng
alitan sa salu-salo at ang hindi dapat
pag-aaral ng isang Indio sa ibang lupain.
Kabanata 4- Erehe at
Pilibusterismo
• Naglakad lakad si Ibarra at nakilala niya
si Tinyente Guevarra. Pinakiusapan niya
itong magsalaysay tungkol sa buhay ng
kanyang ama dahil wala siyang
nalalaman dito. Ayon sa kanya, ang
kanyang ama ang pinakamayaman sa
kanilang lalawigan, bagamat siya ay
ginagalang ay kinaiinggitan din.
Pinagbintangan siyang nakapatay kaya
siya ay naging erehe at
pilibustero. Isinalaysay din niya ang
tungkol sa pagkamatay nito.
Kabanata 7- Suyuan sa Isang
Asotea
• Nagkita sina Ibarra at Maria Clara na
nagdulot ng kaligayahan sa kanilang
mga puso.
Kabanata 23- Pangingisda
• Tumungo sa dalawang bangkang
nakahinto sa pasigan sila Ibarra, Maria
Clara at iba pa nitong kasama upang
mangisda at mag-piknik.
Kabanata 24- Sa Gubat
• Pinapausig ni Padre Damaso si Ibarra
dahil sa pag-anyaya at pagkupkop nito
umano sa masamang tao (si Elias).
Ginalugad ng mga sibil at sarhento ang
gubat upang hanapin si Elias ngunit
hindi siya nakita.
Kabanata 32- Ang Sermon
• Isang lalaki (si Elias) ang lumapit kay
Ibarra at nagbabala tungkol sa gagawing
pagdiriwang sa paaralan. Kailangang
maging maingat, anya si Ibarra sa
pagbaba sa hukay at huwag lalapit sa
bato sapagkat maari siyang mamatay.
Nakilala ni Ibarra si Elias na kaagad
namang umalis.
Kabanata 33- Ang Kabriya
• Malakihan ang paghahanda ni Ibarra sa
pagbabaon ng panulukang-bato ng
bahay-paaralan. Sa ilalim ng maraming
habong itinayo ay pawang puno ng
pagkain at inuming aalmusalin ng mga
panauhing isa-isang sinundo ng mga
banda at musiko. Ang mga naghanda sa
almusal ay pawang mga guro at magaaral.
Kabanata 34- Malayang Pag-iisip
• Panauhin ni Ibarra si Elias. Hiningi ni
Elias sa binata na ipaglihim nito ang
pagbibigay niya ng babala sa kanya. Isa
pa, si Elias ay nagbabayad lamang ng
utang na loob sa kanya. Ipinaliwanag
din niya na dapat pa ring mag-ingat si
Ibarra sapagkat sa lahat ng dako nito ay
mayroong kaaway.
Kabanata 35- Ang Tanghalian
• Panay ang pasaring ni Padre Damaso
kay Ibarra ngunit wala itong kibo.
Inungkat din niya ang tungkol sa
pagkamatay ng kanyang ama. Sumulak
ang dugo ni Ibarra. Bigla niyang
dinaluhong si Padre Damaso at muntik
na itong saksakin sa dibdib ngunit
pinigilan siya ni Maria Clara. Gulo ang
isip ni Ibarra na umalis.
Kabanata 36- Usap-usapan
• Ang mga pangyayaring namagitan kina
Ibarra at Padre Damaso ay madaling
kumalat sa buong San Diego. Sa mga
usapan, hindi matukoy kung sino ang
may katwiran sa dalawa. Handa ang
binata na dungisan ang kamay nito sa
sinumang lumapastangan sa kanyang
ama.
Kabanata 49- Hiwaga
• Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang
dahilan ng kanyang hindi pinasabing
pagdalaw. Nakatingin lamang sa kanya
si Maria Clara na parang inuunawa ang
bawat katagang namutawi sa kanyang
labi. Malungkot si Maria Clara, kaya
nakuro ni Ibarra na bukas na lamang
siya dumalaw.Tumango ang dalaga.
Umalis si Ibarra na ang puso ay
ginugutay ng matinding pagaalinlangan, gulo ang kanyang isipan.
Kabanata 55- Pagbubunyag
• Sinabi ni Elias kay Ibarra ang
nakatakdang paglusob. Si Ibarra ang
nagbayad sa mga kalahok sa paglusob.
Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili
ng mga kasulatan. Sa mga kasulatan,
nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro
Eibarramendia na lolo ni Ibarra. Nayanig
ang buong pagkatao ni Elias.
Kabanata 56- Malaking Sakuna
• Nakatakdang dumating sa ikawalo ng
gabi sa bahay nila Maria Clara si Ibarra.
Paalis na sana siya nang makarinig siya
ng malakas na pagputok sa pintuan.
Tinig ng isang kawal na Kastila. Lalaban
sana siya ngunit nagbago ang kanyang
isip. Binitawan niya ang kanyang baril at
binuksan ang pinto. Dinakip si Ibarra ng
sarhento ng mga dumating na kawal.
Kabanata 59- Isinumpa
• Walang gapos ngunit nasa pagitan ng
dalawang kawal si Ibarra. Pasuyod na
tinignan siya ng maraming tao.
Umugong ang salitaan na kung sino pa
ang may sala ay siya pa itong walang
tali. Dahil dito, inutusan ni Ibarra na
gapusin siya ng mga kawal. Pati ang
kanyang mga nuno at magulang ay
isinumpa ng mga tao hanggang siya ay
tinawag na erehe na dapat mabitay.
Kasunod nito ay pinagbabato siya.
Kabanata 61- Ikakasal si Maria
Clara
• Nagtungo sa asotea si Maria Clara.
Nakatakas siya sa tulong ni Elias.
Mahigpit na niyapos at pinupog ng halik
ni Ibarra si Maria Clara. Matagal.
Pagkaraan, lumundag muli ito sa pader
at sumakay sa bangka. Nag-alis ng
sumbrero si Elias at yumukod sa dalaga.
Sumagwang papalayo si Ibarra sa
lumuluhang si Maria Clara.
Kabanata 62- Pagtakas hanggang
Lawa
• Tumakas si Ibarra sakay ng bangka sa
tulong ni Elias. Umaga na nang sapitin
nila ang lawa ngunit nabanaagan nila
ang isang palwa ng mga sibil na
papalapit sa kanila. Nakuro ni Elias na
napagtatalikupan sila at isa pa, wala
silang kalaban laban. Mabilis na
naghubad ng damit si Elias. Sinabi niya
na magkita sila sa noche buena sa
libingan ng nuno ni Ibarra.
Si Crisostomo Ibarra,
isang biktima ng
pagkakataon na
humantong ang pagibig para kay Maria
Clara sa isang
masaklap na
pagwawakas.

More Related Content

Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon

  • 2. Crisostomo Ibarra • Buong pangalan: Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin • Ama: Don Rafael Ibarra • Kasintahan niya si Maria Clara. • Nag-aral siya sa Europa ng pitong taon. • Likas siyang matalino at mataas ang pagpapahalaga sa edukasyon bunga na rin ng pagtataguyod ng ama. • Nagmula sa isang mayamang pamilya sa bayan ng San Diego. • Nangarap na makapagpatayo ng paaralan sa bayan ng San Diego.
  • 4. Kabanata 2- Si Crisostomo Ibarra • Siya ay bumalik sa Pilipinas matapos ang pitong taong pamamalagi niya sa Europa nang mabalitaan niya ang pagkamatay ng kanyang ama na si Don Rafael Ibarra.
  • 5. Kabanata 3- Ang Hapunan • Ininsulto ni Padre Damaso ang tungkol sa mga karanasan ni Ibarra sa ibang bansa. Kalmado lamang si Ibarra at nagpaalam na. Nang gabing iyon, sinulat ni Ibarra sa kolum ng Estudios Coloniales ang tungkol sa isang pakpak at leeg ng manok na naging sanhi ng alitan sa salu-salo at ang hindi dapat pag-aaral ng isang Indio sa ibang lupain.
  • 6. Kabanata 4- Erehe at Pilibusterismo • Naglakad lakad si Ibarra at nakilala niya si Tinyente Guevarra. Pinakiusapan niya itong magsalaysay tungkol sa buhay ng kanyang ama dahil wala siyang nalalaman dito. Ayon sa kanya, ang kanyang ama ang pinakamayaman sa kanilang lalawigan, bagamat siya ay ginagalang ay kinaiinggitan din. Pinagbintangan siyang nakapatay kaya siya ay naging erehe at pilibustero. Isinalaysay din niya ang tungkol sa pagkamatay nito.
  • 7. Kabanata 7- Suyuan sa Isang Asotea • Nagkita sina Ibarra at Maria Clara na nagdulot ng kaligayahan sa kanilang mga puso.
  • 8. Kabanata 23- Pangingisda • Tumungo sa dalawang bangkang nakahinto sa pasigan sila Ibarra, Maria Clara at iba pa nitong kasama upang mangisda at mag-piknik.
  • 9. Kabanata 24- Sa Gubat • Pinapausig ni Padre Damaso si Ibarra dahil sa pag-anyaya at pagkupkop nito umano sa masamang tao (si Elias). Ginalugad ng mga sibil at sarhento ang gubat upang hanapin si Elias ngunit hindi siya nakita.
  • 10. Kabanata 32- Ang Sermon • Isang lalaki (si Elias) ang lumapit kay Ibarra at nagbabala tungkol sa gagawing pagdiriwang sa paaralan. Kailangang maging maingat, anya si Ibarra sa pagbaba sa hukay at huwag lalapit sa bato sapagkat maari siyang mamatay. Nakilala ni Ibarra si Elias na kaagad namang umalis.
  • 11. Kabanata 33- Ang Kabriya • Malakihan ang paghahanda ni Ibarra sa pagbabaon ng panulukang-bato ng bahay-paaralan. Sa ilalim ng maraming habong itinayo ay pawang puno ng pagkain at inuming aalmusalin ng mga panauhing isa-isang sinundo ng mga banda at musiko. Ang mga naghanda sa almusal ay pawang mga guro at magaaral.
  • 12. Kabanata 34- Malayang Pag-iisip • Panauhin ni Ibarra si Elias. Hiningi ni Elias sa binata na ipaglihim nito ang pagbibigay niya ng babala sa kanya. Isa pa, si Elias ay nagbabayad lamang ng utang na loob sa kanya. Ipinaliwanag din niya na dapat pa ring mag-ingat si Ibarra sapagkat sa lahat ng dako nito ay mayroong kaaway.
  • 13. Kabanata 35- Ang Tanghalian • Panay ang pasaring ni Padre Damaso kay Ibarra ngunit wala itong kibo. Inungkat din niya ang tungkol sa pagkamatay ng kanyang ama. Sumulak ang dugo ni Ibarra. Bigla niyang dinaluhong si Padre Damaso at muntik na itong saksakin sa dibdib ngunit pinigilan siya ni Maria Clara. Gulo ang isip ni Ibarra na umalis.
  • 14. Kabanata 36- Usap-usapan • Ang mga pangyayaring namagitan kina Ibarra at Padre Damaso ay madaling kumalat sa buong San Diego. Sa mga usapan, hindi matukoy kung sino ang may katwiran sa dalawa. Handa ang binata na dungisan ang kamay nito sa sinumang lumapastangan sa kanyang ama.
  • 15. Kabanata 49- Hiwaga • Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang dahilan ng kanyang hindi pinasabing pagdalaw. Nakatingin lamang sa kanya si Maria Clara na parang inuunawa ang bawat katagang namutawi sa kanyang labi. Malungkot si Maria Clara, kaya nakuro ni Ibarra na bukas na lamang siya dumalaw.Tumango ang dalaga. Umalis si Ibarra na ang puso ay ginugutay ng matinding pagaalinlangan, gulo ang kanyang isipan.
  • 16. Kabanata 55- Pagbubunyag • Sinabi ni Elias kay Ibarra ang nakatakdang paglusob. Si Ibarra ang nagbayad sa mga kalahok sa paglusob. Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga kasulatan, nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia na lolo ni Ibarra. Nayanig ang buong pagkatao ni Elias.
  • 17. Kabanata 56- Malaking Sakuna • Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi sa bahay nila Maria Clara si Ibarra. Paalis na sana siya nang makarinig siya ng malakas na pagputok sa pintuan. Tinig ng isang kawal na Kastila. Lalaban sana siya ngunit nagbago ang kanyang isip. Binitawan niya ang kanyang baril at binuksan ang pinto. Dinakip si Ibarra ng sarhento ng mga dumating na kawal.
  • 18. Kabanata 59- Isinumpa • Walang gapos ngunit nasa pagitan ng dalawang kawal si Ibarra. Pasuyod na tinignan siya ng maraming tao. Umugong ang salitaan na kung sino pa ang may sala ay siya pa itong walang tali. Dahil dito, inutusan ni Ibarra na gapusin siya ng mga kawal. Pati ang kanyang mga nuno at magulang ay isinumpa ng mga tao hanggang siya ay tinawag na erehe na dapat mabitay. Kasunod nito ay pinagbabato siya.
  • 19. Kabanata 61- Ikakasal si Maria Clara • Nagtungo sa asotea si Maria Clara. Nakatakas siya sa tulong ni Elias. Mahigpit na niyapos at pinupog ng halik ni Ibarra si Maria Clara. Matagal. Pagkaraan, lumundag muli ito sa pader at sumakay sa bangka. Nag-alis ng sumbrero si Elias at yumukod sa dalaga. Sumagwang papalayo si Ibarra sa lumuluhang si Maria Clara.
  • 20. Kabanata 62- Pagtakas hanggang Lawa • Tumakas si Ibarra sakay ng bangka sa tulong ni Elias. Umaga na nang sapitin nila ang lawa ngunit nabanaagan nila ang isang palwa ng mga sibil na papalapit sa kanila. Nakuro ni Elias na napagtatalikupan sila at isa pa, wala silang kalaban laban. Mabilis na naghubad ng damit si Elias. Sinabi niya na magkita sila sa noche buena sa libingan ng nuno ni Ibarra.
  • 21. Si Crisostomo Ibarra, isang biktima ng pagkakataon na humantong ang pagibig para kay Maria Clara sa isang masaklap na pagwawakas.