7.  Ang pinanggagalingan ng kabuhayan ng mga Ilianon ay
pangongolekta ng sera. Ipinapalit nila ang sera sa mga
Moro, sa kanilang mga pangunahing pangangailangan tulad
ng palay, asin at asukal. Nagkaroon ng di pagkakaunawaan
si Agyu at ang datu ng mga Moro dahil sa pagkakautang
nila ng isang daang tambak ng sera. Upang maiwasan ang
madugong labanan, si Agyu at ang kaniyang pamilya ay
umalis sa Ayuman at pumunta ng Ilian. Ngunit hindi
hahayaan ng mga Moro na mamuhay sila ng payapa.
Sinundan nila ang mga ito upang patayin siya at ang
kanyang pamilya. Lumaban si Agyu at ang kanyang
pamilya ng buong tapang at lumabas na panalo sa laban sa
mga Moro. Pagkatapos ng tagumpay ay naisip ni Agyu na
lisanin ang Ilian at pumunta ng Bundok ng Pinamatun.
Doon ay nagtayo sila ng mga bahay sa paanan ng bundok.
8.  Isang araw ay pumunta si Agyu sa bundok ng
Sandawa upang manghuli ng baboy ramo. Umuwi
siya na dala ang kanyang huli habang ang
kanyang kapatid na lalaki na si Lono at mga
kapatid na babaing sina Yambungan at Ikwagan
ay nakahanap ng pulot pukyutan. Hinati nila ang
baboy ramo at pulot pukyutan sa kanila at sa
kanilang mga alipin.
 Bakit ayaw mong kumuha ng karne at pulot para
sa iyo, at sa iyong asawa sa Ayuman, Banlak?
tanong ni Agyu sa kanyang kapatid na lalaki. Ang
asawa ni Banlak na si Mungan ay naiwan sa
Ayuman sapagkat nagkaroon ito ng ketong.
9.  Hindi pumayag si Banlak sa ideya. Nagboluntaryo na lamang si
Lona na pumunta sa Ayuman dala ang karne at pulot para kay
Mungan. Nang makarinig siya ng malakas na boses na nagsasabl
kay Mungan na tanggapin na ang imortalidad sa pamamagitan ng
pagkain ng mga diyos.

 Nang bumalik si Lono sa Panamutan, sinabi niya kay Agyu at
Banlak kung ano ang narinig. Nais ni Banlak na makita si Mungan
ngunit pinigilan sila ni Agyu. Bagkus ay binagtas ni Agyu ang
daan pababa ng Ayuman upang makita si Mungan ngunit huli na
ang lahat. Pumunta na si Mungan sa langit. Ang natira lamang ay
isang gintong bahay. At nang bumalik siya sa Pinamutan, iniwan
nilang muli ang lugar at nagpunta sa Tigyangdang. Ngunit hindi
nila nakita ang kapayapaan sa Tigyangdang. Napakaraming
kaaway ang nagpapaalis sa kanila sa Tigyangdang. At kahit
anong gawin nila ay hindi nila matalo ang kalaban.
10.  Nang' dumating ang pang-apat na araw ng pakikipaglaban ay
lumapit ang kanyang batang anak na si Tanagyaw.

 Payagan mo akong 1umaban, ama, sabi niya.

 Ngunit napakabata mo pa, anak, sinabi niya rito.

 Marahil nga ay bata ako ngunit ako ay matalino, ama, pilit ni
Tanagyaw.

 Humayo ka at nawa ay tulungan. ka ng mga diyos. Ingatan mo
ang sarili mo!

 At umalis na si Tanagyaw upang pumunta sa labanan. At natalo
niya ang mga kalaban.
11.  Nais ng pinuno ng mga kalaban na makasal si
Tanagyaw sa anak nitong babae na si Buy-anon ngunit
tumanggi ito dahil napakabata pa nila. Umabot si
Tanagyaw sa bayan ng Baklayon at iniligtas ang bayan
laban sa mga kaaway. Pinatay niya si Bagili, ang anak
ng pinuno ng mga kaaway ng Baklayon. Nais ng datu
ng Baklayon na ipakasal ang kanyang anak na si
Paniguan kay Tanagyaw ngunit hindi pa ito handa na
mag-asawa. At nang bumalik si Tanagyaw sa
Tigyangdang ay nagpunta si Paniguan sa
Tigyangdang, nagtungo si Paniguan sa kanya. Sinabi
nito kay Agyu na nais nitong pakasalan si Tanagyaw.
Sumang-ayon-si Agyu at ikinasal sina Tanagyaw at
Paniguan.
12.  Sa kabilang dako, hindi tumigil ang pag-atake sa
sambahayan ni Agyu. Paminsan-minsan ay mayroong
mga kaaway na umaatake sa mga pamayanan at
pinapatay ang mga tao at mga hayop ni Agyu. Ngunit
matanda na upang lumaban si Agyu. Upang kalabanin
ang mga kaaway, nagsuot si Tanagyaw ng baluti na
kasing tigas ng metal na sa lakas ay hindi maigalaw ng
hangin. Pagkatapos ay kinalaban niya ang mga kaaway
at lumabas na panalo. Ngunit hindi pa handang
sumuko ang mga kalaban. Sinugod ng anak ng datu si
Tanagyaw gamit ang ginintuang espada. Ginamit ni
Tanagyaw ang gintong tungkod at nagawang patayin
ang anak ng datu at ang kanyang mga kasama at
tumakas sa bundok dahil sa takot.
13.  Napanuto na si Agyu. Nalalaman niya na maghahari na ang kapayapaan
sa kanilang kaharian. Ngayon ay tatamasain na nila ang magandang
buhay na mailap sa kanila noong una. Ang ani ay masagana at ang mga
hayop ay dumarami na sa bilang. Isang araw tinawag niya ang anak na si
Tanagyaw.

 Ibinibigay ko na sa iyo ang Sunglawon. Ipagtatanggol mo ito at
pamahalaan ito ng may hustisya at pagpapahalaga sa mga tao.

 Tutuparin ko po ito sa tulong ng mga diyos, ama sagot ni Tanagyaw.


 Sa sumunod na umaga, sina Tanagyaw at Paniguan kasama ang kanilang
mga alipin ay nagsimulang maglakbay patungo sa Sunglawon. Handa na
sila upang magsimula ng isang pamilya.
