ºÝºÝߣ

ºÝºÝߣShare a Scribd company logo
Ang Sining ng
Pagsulat
(Malikhaing Pagsulat
Kahulugan ng Pagsulat
ï‚› Ang pagsulat ay anumang pagpapahayag na
gamit ang letra o alpabeto.
ï‚› Ang paggsulat ay isang proseso ng pagtatala
ng karakter sa isang midyum na may layuning
makabuo ng mga salita.
Sining
ï‚›Ang Sining ay pinaka mataas na antas ng
pakikipag-ugnayan
ï‚›Ano ang sining ?
ï‚›Sa mundo na ating ginagalawan, maraming
pagpapaliwanag tungkol sa sining, kani-kaniya,
sari-sarili at pagpapalitang kuro-kuro sa
pagkaunawa at nadarama tungkol dito.
Kadalasan ang mga nagpapaliwanag nito ay
yaong nakadadama na at nakaranas na ng
damdaming makasining.
Sining
ï‚›Sining - pagpapahagay ng damdamin sa
pamamagitan ng isip, paggawa at higit sa
lahat ng puso. Noong nilikha ang
sanlibutan, ang sining ay kaakibat na dahil
ginawa ito ng masining na pamamaraan.
Sa taglay nitong kagandahan marami ang
humanga, kalimitan rito ang mga may
damdaming makasining at
nagpapahalaga sa sining.
Tatlong Uri ng Sining
1. Sining - craft
Sa gawaing pagdidibuho ang mga gawaing
inuulit-ulit ng gumawaga dahil sa
kagustuhan ng iba at nagiging palamuti
lamang sa bahay ay masasabing Sining.
Dahil ang mga ito ay kulang sa damdamin
ng gumawa at ang maaring hangarin ay
kumita ng pera.
2. Parang sining - abstract
Ang mga gawaing sining sa pagdidibuho na tulad ng
abstrak ay binubuo lamang ng linya, hugis o di
maunawaang bagay. Ito ay ang malalalim na istilo ng
pagguhit na ang tanging makakaunawa ay mga kapwa
makasining na nakapag aral tungkol sa sining. Subalit
karamihan sa gumagawa nito ay hindi isinasaloob ang
kahulugan at kulang sa imosyon at para lamang
masabing siya ay malalim. Magiging tunay na sining ito
kung buong-buo ang isipan at damadamin habang siya ay
gumagawa at madarama ng titingin ang ibig niyang
ipahiwatig.
Tatlong Uri ng Sining
3. Tunay na sining - damdamin
Ang gawa ng isang batang kahahawak pa lamang ng lapis
ay tunay na sining sa dahilang buong-buo ang isip at
damdamin nito habang nagdibuho. Tulad din ng isang
taong naglalakbay na nanlulumong minamasdan ang
kalbo at walang kapunopunong kabundukan, nasa
pamamagitan man lamang ng isang sangang tuyo na
napulot ay ibinuhos ang kanyang husay sa pagdedesinyo
nito upang sa pamamagintan ito ay buhayin sa isipan ang
kagubatan.
Tatlong Uri ng Sining
Ang Sining ay Ugnayan
Iba-t-ibang klaseng pakikipag-ugnayan. Kahit hangin, ulap,
ibon at ang mga bagay sa panaginip ay nagbibigay pahiwatig
sa pamamagitan ng malalalim na kahulugan. Minsan ang mga
espiritu ay nakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng panaginip
at pandama ng tao.
Lahat ng ito ay maaaring maunawaan sa pamamagitan ng
pagmamasid at pag-aaral sa bawat mga galaw nito.
Impresyanismo - pagsukat sa personalidad ng isang
maniningin. Ang style na ito ay ginagamit sa kaisipan ng tao
dahil ito ay may tinatawag na Psychological Effect.
Expresyonismo - Ang pagpapahayag ng damdamin ng isang
makasining sa pamamagitan ng masining na paggawa.
Ano at Sino ang Kalikasan?
Ang mundo na ating ginagalawan ay may
kalikasan. Kalikasan, binubuo ito ng mga bagay
na hindi gumagalaw at gumagalaw, tulad ng
kahoy, hayop, damo, tao at marami pang iba. Ang
tao ang pinakamagandang kalikasan na nilalang
ang Kataastaasan. Ang Panginoon ang
pinagmulan naman ng kalikasan, ang kalikasan
ay pinagmulan ng kagandahan at ang
kagandahan ay sining. Ang kalikasan ay
nagsisilbing inspirasyon ng isang alagad ng
sining.
Malikhaing Pagsulat
Sa malikhaing pagsulat, hindi sapat ang basta
maintindihan lamang. Hindi sapat ang maunawaan lamang
tayo ng ating kinakausap. Bagaman maunawaan ang
pangunahing layunin ng komunikasyon.Maintindihan ang
pangunahing inaasahan sa lahat ng anyo at uri ng
komunikasyon. Sa malikhaing pagsulat, may kahingian o
requirement na higit sa basta maunawaan lamang.
Dalawang bagay, bukod sa pangangailangang
maunawaan, ang pinakapayak na requirement ng
pagsusulat upang maituring na malikhain: Kailangan
nitong maging mapagparanas at makintal. Sa Ingles, ibig
sabihin ng mapagparanas at makintal ay evocative and
impressive.
Yugto ng Pagsulat
ï‚› Hindi lahat ng manunulat ang nakabubuo ng magandang sulatin sa
isang upuan lamang. Ang isang magandang sulatin ay dumadaan
sa ilang yugto ng pag-unlad mula sa burador hanggang sa pinal na
papel.
ï‚› Isang hamon sa mga estudyante ang mga gawaing pasulat. May
mga estudyante na nahihirapan sa gawaing ito sapagkat hindi nila
nakasanayan, nakakatamaran, o hindi nila nakakahiligan ang
pagsulat. Ang mga katuwirang ito ay maaaring palagay lamang. Ang
totoo nito, magagawa natin ang pagsulat nang maayos kung
susundin natin ang pagsulat na isang proseso at hindi isang gawain
na dala lamang ng pangangailangan.
ï‚› Bilang isang proseso, ayon kina Graves (1982), Murray (1985), at
Arrogante (2000), ang pagsulat ay binubuo ng mga sumusunod na
hakbang: (A) Bago Sumulat; (B) Pagsulat ng Burador; (C)
Pagrebisa; (D) Pag-eedit; at (E) Paglalathala.
ï‚› a. Bago Sumulat (Prewriting)
 Ito’y isang estratehiya tungo sa pormal na
pagsulat. Ito ang unang hakbang na
isasagawa sa pagpapaunlad ng paksang
isusulat. Ang gawaing ito ay maaaring
ginagawa nang isahan o nang pangkatan.
Pagsulat ng Burador (Draft Writing)
 Ito’y aktuwal na pagsulat nang tuloy-tuloy na hindi
isinasaalang-alang ang maaaring pagkakamali.
ï‚› Ang mga kaisipan at saloobin tungkol sa paksang
sinusulat ay malayang ipinahahayag ng
estudyante.
ï‚› Ang guro ay nakaantabay sa maaaring maitulong
o tanong na maaaring hingin ng mag-aaral kung
nasa klasrum ang gawain.
ï‚› Matapos maisagawa, maaaring balikan at suriin ng
estudyante ang natapos na sulatin upang
maaayos at malinaw ang ginagawang paglalahad.
Pagrebisa
 Ito’y pagbabago at muling pagsulat bilang tugon sa
sagot sa mga payo at pagwawasto mula sa guro,
kamag-aral, editor o mga nagsuri.
ï‚› Pangunahing konsern ng rebisyon ang pagpapalinaw sa
mga ideya. Ginagawa ito upang suriin ang teksto at
nilalaman para matiyak ang kawastuhan, kalinawan at
kayarian ng katha na madaling maunawaan ng babasa.
ï‚› Sa bahaging ito, iniwawasto ang mga inaakalang
kamalian, binabago ang dapat baguhin at pinapalitan
ang dapat palitan.
Pag-eedit
ï‚› Ang bahaging ito ay pagwawasto sa gramatika, ispeling,
estruktura ng pangungusap, wastong gamit ng salita at
mga mekaniks sa pagsulat.
ï‚› Sa bahaging ito pinapakinis ang papel upang matiyak
na ang bawat salita at pangungusap ay naghahatid ng
tamang kahulugan. Sa pag-eedit, ang mga di-
magkaugnay na pangungusap ay muling isinusulat
upang higit na maipakita ang kaugnay na mga ideya.
Paglalathala
ï‚› Ang paglalathala ay pakikibahagi ng nabuong sulatin sa
mga target na mambabasa. Kabilang sa gawaing ito ang
mga sumusunod:
ï‚› Paglalathala ng mga piling sulatin sa pahayagang
pangkampus
ï‚› Pagbabasa sa harap ng klase at pakikinig sa pagbasa
ng iba
ï‚› Paggawa ng isang buklet, album o portfolio ng mga
naisulat
ï‚› Eksibit o pagdidispley sa buletin bord ng mga naisulat
Proseso ng Pagsulat
ï‚›Bago Sumulat
ï‚›Kinakailangan maglaan ng
panahon sa gawain bago
sumulat. Sa yugtong ito, ang
isang manunulat ay
makapagtatala ng mga datos na
gagabay sa pagsulat ng burador.
Proseso ng Pagsulat
ï‚›Unang Burador
ï‚›Ang ideya ay kailangan nang
maisalin sa pasulat na
dokumento na maaaring
rebisahin nang paulit-ulit ayon
sa pangangailangan.
Proseso ng Pagsulat
ï‚›Pagrebisa
ï‚›Ito ang pagbasang muli sa
burador nang makailang ulit para
sa layuning mapahubog at
mapagbuti ang dokumento.
Proseso ng Pagsulat
ï‚›Pag-eedit
ï‚›Ang pagwawasto ng mga
posibleng gamit ng salita,
pagbabantas, ispeling at gramar
ay nakapaloob sa huling yugto na
ito.
ï‚›Pinal na Dokumento
Layunin ng Pagsulat
Metalingual – ang layunin ng manunulat
ay maiwasto ang pagkkamali ng wika o
pagsulat at magkaroon ng pagkatuto sa
tulong ng iba o sarili mismo.
ï‚›Emotive- may layunin na maipahiwatig ng
manunulat ang kanyang nadarama at
saloobin sa pagsulat batay sa
mnasaksihang pangyayari, nakitang
larawan at narinig.
Referential – ang manunulat ay maglalahad ng
mga proseso at hakbangin ng isang gawain.
Persuasive – ang manunulat ay
nagpapahiwatig ng kanyang pagkampi o
pagsang-ayon sa pangangailangan,
pagpapaliwanag o argumento.
Poetic/Creative – layunin ng manunulat na
malinang ang kakayahan sa malikhaing pagsulat
tulad ng pagtutuloy ng simula ng isang kwento.
Layunin ng Pagsulat
Isaalang-alang ang Target na
Mambabasa
 – Kinakailangang alamin ang inaasahan
ng mambabasa sa isang teksto.
 – Tiyakin na makita ng mambabasa ang
kahalagahan ng teksto.
 – Ang panlasa ng mga mambabasa ay
mahalaga upang makita ang bisa nito.

More Related Content

Sining ng pagsulat

  • 2. Kahulugan ng Pagsulat ï‚› Ang pagsulat ay anumang pagpapahayag na gamit ang letra o alpabeto. ï‚› Ang paggsulat ay isang proseso ng pagtatala ng karakter sa isang midyum na may layuning makabuo ng mga salita.
  • 3. Sining ï‚›Ang Sining ay pinaka mataas na antas ng pakikipag-ugnayan ï‚›Ano ang sining ? ï‚›Sa mundo na ating ginagalawan, maraming pagpapaliwanag tungkol sa sining, kani-kaniya, sari-sarili at pagpapalitang kuro-kuro sa pagkaunawa at nadarama tungkol dito. Kadalasan ang mga nagpapaliwanag nito ay yaong nakadadama na at nakaranas na ng damdaming makasining.
  • 4. Sining ï‚›Sining - pagpapahagay ng damdamin sa pamamagitan ng isip, paggawa at higit sa lahat ng puso. Noong nilikha ang sanlibutan, ang sining ay kaakibat na dahil ginawa ito ng masining na pamamaraan. Sa taglay nitong kagandahan marami ang humanga, kalimitan rito ang mga may damdaming makasining at nagpapahalaga sa sining.
  • 5. Tatlong Uri ng Sining 1. Sining - craft Sa gawaing pagdidibuho ang mga gawaing inuulit-ulit ng gumawaga dahil sa kagustuhan ng iba at nagiging palamuti lamang sa bahay ay masasabing Sining. Dahil ang mga ito ay kulang sa damdamin ng gumawa at ang maaring hangarin ay kumita ng pera.
  • 6. 2. Parang sining - abstract Ang mga gawaing sining sa pagdidibuho na tulad ng abstrak ay binubuo lamang ng linya, hugis o di maunawaang bagay. Ito ay ang malalalim na istilo ng pagguhit na ang tanging makakaunawa ay mga kapwa makasining na nakapag aral tungkol sa sining. Subalit karamihan sa gumagawa nito ay hindi isinasaloob ang kahulugan at kulang sa imosyon at para lamang masabing siya ay malalim. Magiging tunay na sining ito kung buong-buo ang isipan at damadamin habang siya ay gumagawa at madarama ng titingin ang ibig niyang ipahiwatig. Tatlong Uri ng Sining
  • 7. 3. Tunay na sining - damdamin Ang gawa ng isang batang kahahawak pa lamang ng lapis ay tunay na sining sa dahilang buong-buo ang isip at damdamin nito habang nagdibuho. Tulad din ng isang taong naglalakbay na nanlulumong minamasdan ang kalbo at walang kapunopunong kabundukan, nasa pamamagitan man lamang ng isang sangang tuyo na napulot ay ibinuhos ang kanyang husay sa pagdedesinyo nito upang sa pamamagintan ito ay buhayin sa isipan ang kagubatan. Tatlong Uri ng Sining
  • 8. Ang Sining ay Ugnayan Iba-t-ibang klaseng pakikipag-ugnayan. Kahit hangin, ulap, ibon at ang mga bagay sa panaginip ay nagbibigay pahiwatig sa pamamagitan ng malalalim na kahulugan. Minsan ang mga espiritu ay nakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng panaginip at pandama ng tao. Lahat ng ito ay maaaring maunawaan sa pamamagitan ng pagmamasid at pag-aaral sa bawat mga galaw nito. Impresyanismo - pagsukat sa personalidad ng isang maniningin. Ang style na ito ay ginagamit sa kaisipan ng tao dahil ito ay may tinatawag na Psychological Effect. Expresyonismo - Ang pagpapahayag ng damdamin ng isang makasining sa pamamagitan ng masining na paggawa.
  • 9. Ano at Sino ang Kalikasan? Ang mundo na ating ginagalawan ay may kalikasan. Kalikasan, binubuo ito ng mga bagay na hindi gumagalaw at gumagalaw, tulad ng kahoy, hayop, damo, tao at marami pang iba. Ang tao ang pinakamagandang kalikasan na nilalang ang Kataastaasan. Ang Panginoon ang pinagmulan naman ng kalikasan, ang kalikasan ay pinagmulan ng kagandahan at ang kagandahan ay sining. Ang kalikasan ay nagsisilbing inspirasyon ng isang alagad ng sining.
  • 10. Malikhaing Pagsulat Sa malikhaing pagsulat, hindi sapat ang basta maintindihan lamang. Hindi sapat ang maunawaan lamang tayo ng ating kinakausap. Bagaman maunawaan ang pangunahing layunin ng komunikasyon.Maintindihan ang pangunahing inaasahan sa lahat ng anyo at uri ng komunikasyon. Sa malikhaing pagsulat, may kahingian o requirement na higit sa basta maunawaan lamang. Dalawang bagay, bukod sa pangangailangang maunawaan, ang pinakapayak na requirement ng pagsusulat upang maituring na malikhain: Kailangan nitong maging mapagparanas at makintal. Sa Ingles, ibig sabihin ng mapagparanas at makintal ay evocative and impressive.
  • 11. Yugto ng Pagsulat ï‚› Hindi lahat ng manunulat ang nakabubuo ng magandang sulatin sa isang upuan lamang. Ang isang magandang sulatin ay dumadaan sa ilang yugto ng pag-unlad mula sa burador hanggang sa pinal na papel. ï‚› Isang hamon sa mga estudyante ang mga gawaing pasulat. May mga estudyante na nahihirapan sa gawaing ito sapagkat hindi nila nakasanayan, nakakatamaran, o hindi nila nakakahiligan ang pagsulat. Ang mga katuwirang ito ay maaaring palagay lamang. Ang totoo nito, magagawa natin ang pagsulat nang maayos kung susundin natin ang pagsulat na isang proseso at hindi isang gawain na dala lamang ng pangangailangan. ï‚› Bilang isang proseso, ayon kina Graves (1982), Murray (1985), at Arrogante (2000), ang pagsulat ay binubuo ng mga sumusunod na hakbang: (A) Bago Sumulat; (B) Pagsulat ng Burador; (C) Pagrebisa; (D) Pag-eedit; at (E) Paglalathala.
  • 12. ï‚› a. Bago Sumulat (Prewriting) ï‚› Ito’y isang estratehiya tungo sa pormal na pagsulat. Ito ang unang hakbang na isasagawa sa pagpapaunlad ng paksang isusulat. Ang gawaing ito ay maaaring ginagawa nang isahan o nang pangkatan.
  • 13. Pagsulat ng Burador (Draft Writing) ï‚› Ito’y aktuwal na pagsulat nang tuloy-tuloy na hindi isinasaalang-alang ang maaaring pagkakamali. ï‚› Ang mga kaisipan at saloobin tungkol sa paksang sinusulat ay malayang ipinahahayag ng estudyante. ï‚› Ang guro ay nakaantabay sa maaaring maitulong o tanong na maaaring hingin ng mag-aaral kung nasa klasrum ang gawain. ï‚› Matapos maisagawa, maaaring balikan at suriin ng estudyante ang natapos na sulatin upang maaayos at malinaw ang ginagawang paglalahad.
  • 14. Pagrebisa ï‚› Ito’y pagbabago at muling pagsulat bilang tugon sa sagot sa mga payo at pagwawasto mula sa guro, kamag-aral, editor o mga nagsuri. ï‚› Pangunahing konsern ng rebisyon ang pagpapalinaw sa mga ideya. Ginagawa ito upang suriin ang teksto at nilalaman para matiyak ang kawastuhan, kalinawan at kayarian ng katha na madaling maunawaan ng babasa. ï‚› Sa bahaging ito, iniwawasto ang mga inaakalang kamalian, binabago ang dapat baguhin at pinapalitan ang dapat palitan.
  • 15. Pag-eedit ï‚› Ang bahaging ito ay pagwawasto sa gramatika, ispeling, estruktura ng pangungusap, wastong gamit ng salita at mga mekaniks sa pagsulat. ï‚› Sa bahaging ito pinapakinis ang papel upang matiyak na ang bawat salita at pangungusap ay naghahatid ng tamang kahulugan. Sa pag-eedit, ang mga di- magkaugnay na pangungusap ay muling isinusulat upang higit na maipakita ang kaugnay na mga ideya.
  • 16. Paglalathala ï‚› Ang paglalathala ay pakikibahagi ng nabuong sulatin sa mga target na mambabasa. Kabilang sa gawaing ito ang mga sumusunod: ï‚› Paglalathala ng mga piling sulatin sa pahayagang pangkampus ï‚› Pagbabasa sa harap ng klase at pakikinig sa pagbasa ng iba ï‚› Paggawa ng isang buklet, album o portfolio ng mga naisulat ï‚› Eksibit o pagdidispley sa buletin bord ng mga naisulat
  • 17. Proseso ng Pagsulat ï‚›Bago Sumulat ï‚›Kinakailangan maglaan ng panahon sa gawain bago sumulat. Sa yugtong ito, ang isang manunulat ay makapagtatala ng mga datos na gagabay sa pagsulat ng burador.
  • 18. Proseso ng Pagsulat ï‚›Unang Burador ï‚›Ang ideya ay kailangan nang maisalin sa pasulat na dokumento na maaaring rebisahin nang paulit-ulit ayon sa pangangailangan.
  • 19. Proseso ng Pagsulat ï‚›Pagrebisa ï‚›Ito ang pagbasang muli sa burador nang makailang ulit para sa layuning mapahubog at mapagbuti ang dokumento.
  • 20. Proseso ng Pagsulat ï‚›Pag-eedit ï‚›Ang pagwawasto ng mga posibleng gamit ng salita, pagbabantas, ispeling at gramar ay nakapaloob sa huling yugto na ito. ï‚›Pinal na Dokumento
  • 21. Layunin ng Pagsulat ï‚›Metalingual – ang layunin ng manunulat ay maiwasto ang pagkkamali ng wika o pagsulat at magkaroon ng pagkatuto sa tulong ng iba o sarili mismo. ï‚›Emotive- may layunin na maipahiwatig ng manunulat ang kanyang nadarama at saloobin sa pagsulat batay sa mnasaksihang pangyayari, nakitang larawan at narinig.
  • 22. ï‚›Referential – ang manunulat ay maglalahad ng mga proseso at hakbangin ng isang gawain. ï‚›Persuasive – ang manunulat ay nagpapahiwatig ng kanyang pagkampi o pagsang-ayon sa pangangailangan, pagpapaliwanag o argumento. ï‚›Poetic/Creative – layunin ng manunulat na malinang ang kakayahan sa malikhaing pagsulat tulad ng pagtutuloy ng simula ng isang kwento. Layunin ng Pagsulat
  • 23. Isaalang-alang ang Target na Mambabasa ï‚› – Kinakailangang alamin ang inaasahan ng mambabasa sa isang teksto. ï‚› – Tiyakin na makita ng mambabasa ang kahalagahan ng teksto. ï‚› – Ang panlasa ng mga mambabasa ay mahalaga upang makita ang bisa nito.