1. Elizabeth Seton School
Yunit ng Mataas na Paaralan
Taong Panuruan: 2011-2012
Isang Suring Pelikula sa Pelikulang
__________________
Isang Komplisyon sa Ikaapat na Markahan sa
Asignaturang Filipino II
Isinumite kay:
G. Allan A. Ortiz
Ipinasa ni:
____________
Petsa:
_______
2. I. Panimula
. Ito ba ay komersyal o isang art film? Ano ang sinaryo sa isang
bansang pinanggalingan ng pelikula nang isinagawa ito? Ano sa iyong
hinuha ang mga layunin ng pelikula?
Sa panimula, kinakailangang banggitin ang pamagat n g pelikula,
produksyong gumawa ng pelikula, ang mga artistang nagsipagganap,
sumulat ng pelikula, production designer, director ng photogtapiya,
producers, executive producers, at director. Maaring idagdag sa
panimula kung ito ay halaw sa isang nobela, kung saan nakabase ang
pelikula.
II. Pamagat
Ano ang ipinahihiwatig ng pamagat ng pelikula? May mensahe bang
ipinahihiwatig ang pamagat? ang font na ginamit? Ang kulay na ginamit sa
pamagat? Ipaliwanag ang ipnahihiwatig nito.
III. Karakterisasyon at Pagganap
A. Pangunahing Tauhan
Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa pelikula? Ilarawan ang
karakter ng pangunahing tauhan.
Ano ang karakter ng pangunahing tauhan sa pelikula?
Sino ang artistang gumanap sa mga karakter sa pelikula?
Mahusay ba niyang nagampanan ang karakter sa pelikula? Saang
bahagi ng pelikula nagpakita ang artista ng kahusayan sa pagganap o
kahinaan sa pagganap?
B. Katuwang na Tauhan
Sino-sino ang mga katuwang na tauhan sa pelikula? Ilarawan ang
karakter ng mga katuwang na tauhan.
Ano-anong mga karakter ng katuwang na tauhan sa pelikula?
Sino-sino ang mga artistang gumanap sa mga karakter sa pelikula?
Mahusay ba niyang nagampanan ang karakter sa pelikula? Saang
bahagi ng pelikula nagpakita ang artista ng kahusayan sa pagganap o
kahinaan sa pagganap?
III. Uri ng Genre ng Pelikula
Ipaliwanag ang genre ng pelikula.
IV. Tema o Paksa ng Akda
Ipaliwanag ang tema ng pelikula. Ibigay ang mensaheng nais iparating ng
pelikula sa mga manunood.
V. Sinematograpiya
3. Mahusay ba ang mga shots na ginamit sa pelikula. Paano nagbigay daan
ang mga shots na ginamit sa daloy ng pagsasalaysay ng pangyayari sa pelikula.
Ipaliwanag ang mga shots kung anong ipinahihiwatig ng mga ito sa kabuoan ng
kuwento ng pelikula? Nakatulong ba ang mga shots, ilaw sa pagsasalaysay ng
kuwento ng pelikula?
VI. Paglalapat ng Tunog at Musika
Malinaw at maayos bang nailapat ang mga tunog sa mga bahagi ng
pelikula na nagbigay daan upang bigyang linaw ang mga pangyayari at
maramdaman ng manunood ang sitwasyon, tagpuan at kalagayan ng pangyayari
sa pelikula.
Maganda at may kaugnayan ba ang paglalapat ng musika sa bahagi ng
pelikula? Nagbigay daan ba ito sa damdamin upang mapadama s amga
manunood ang sitwasyon sa pelikula?
Ang mga boses ba ng mga tauhan sa pelikula ay nakapekto ba sa mga
pangyayari, sitwasyon, kalagayan at estetika ng pelikula? Ipaliwanag ang
esensya ng paglalapat ng musika, tunog at boses sa mga bahagi ng pelikula.
VII. Editing
Mahusay ba ang pagkakatagni-tagni ng mga pangyayari ng pelikula? May
mga bahagi bang tumalon o di magkakaugnay o di maunawaang pangyayari
dahil sa editing?
VIII. Production Design
A. Ang lokasyon ang mga props na ginamit sa mga eksena ng pelikula ay
makatotohanan at nagpadama sa mga manunood ng totoong
kalagayan ng buhay ng mga tauhan sa pelikula?
B. Ang kasuotan ng mga artista, maging ang make-up ay mahusay na
naipamalas sa mga bahagi ng pelikula upang maipadama ang totoong
kalagayan ng pangyayari ng mga tauhan sa pelikula?
C. Ang mga tagpuan o lokasyong ginamit sa pelikula ay akmang-akma sa
sitwasyong hinihingi sa kuwento ng pelikulas?
IX. Direksyon
Mahusay bang nagampanan ng direktor ang kanyang tungkulin upang
maiparating ang tunay na mensahe ng pelikula batay sa pagkakasulat ng iskrip?
Matagumpay bang naisakatuparan ng direktor ang paglalapat ng lahat ng
elemento ng pelikula upang maipakita ang kagandahan at kahusayan ng kalidad
ng isang tunay na pelikula? Patunayan kung bakit mahusay o hindi ang direktor
sa pelikulang pinanood.
X. Buod o Synopsis
Ibigay ang buod ng pelikula. Ilahad ang daloy ng mga pangyayari mulsa
sa simula, mga mahahalagang pangyayari, kasukdulan hanggang wakas.
4. Bigyan ng masusing pagsusuri ang storyline.
XI. Kuwento
Paano pinaunlad ng manunulat ang kasaysayan ng pelikula. Akma ba ang mga
tagpuan? Anu-ano ang mga tagpuan? Anu-ano ang mga suliraning umusbong sa
pelikula? ang mga sub-plots? Ito ba ay kinakailangan? Lahat ba ng mga tagpo ay
kinakailangan upang mapaunlad ang kasaysayan ng pelikula? Ano ang
suliranin? Paano ito nilutas? Ano ang nais iparating ng pelikula sa kabuoan? Ano
ang aral na makikita sa pelikula? Ano ang istilo ng manunulat upang ipakita at
inilapat sa pelikula? Paano ito nakatulong sa kabuoan ng pelikula? Paano
ipinamalas ang kasukdulan ng pelikula? Paano nagwakas ang pelikula? Nakamit
ba ng gumawa ng pelikula ang kanilang layunin nang gawin ang pelikula?
XII. Mga Kasipan o Aral ng Pelikula
Ano ang kaisipan o aral na matatagpuan sa pelikula? Ipaliwanag ang
kaisipang iyong ibinigay.
XIII. Konklusyon at Rekomendasyon
Sa bahaging ito, maaaring ilagay ang iyong pagbubuod o paglalagom sa
mga key points na tinukoy sa iyong ginawang pagsusuri. Balikan ang mga
elemnto ng pelikula na binigyang suri at mula rito ay maaaring magbigay ng
sariling rekomendasyon kung paano pa mapagbubuti ang isang pelikula mula sa
iyong saring paghuhusga.