1. 72
Banghay aralin sa Filipino 9
I. LAYUNIN:
A. Naipapaliwanag ang mga pangyayari sa kabanata 7 ng Noli Me Tangere.
B. Naihahambing ang suyuan noon at ngayon sa pamamagitan ng pagsasadula.
C. Napapahalagahan ang kultura at ugaling Pilipino na ipinamalas ni Ibarra at Maria Clara.
II. PAKSANG ARALIN:
Paksa: Kabanata 7 ng Noli Me Tangere
(Suyuan sa Asotea)
Kompetensi: F9PB-IVd-58, F9PN-IVd-58
Sanggunian: Noli Me Tangere (Salin ni Virgilio S. Almario)
(Pahina 38-45)
http://www.slideshare.net/charlienantipuesto/noli-me-tangere-kabanata-7
https://prezi.com/w3mgkt-vxal3/noli-me-tangere-kabanata-7/
Kagamitang Pampagtuturo: Lobo, laptop, ispiker, gitara, sipi, cellphone at visual aids
III. PAMAMARAAN:
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Paghahanda
1. Panimulang Gawain
Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa
panalangin.
Pagbati
Magandang umaga sa lahat.
Magsiupo ang lahat.
Pagtala ng Liban
(Lahat ay tatayo)
Sa ngalan ng ama, ng anak Amen.
Magandang umaga po Bb. Dela Cruz.
Magandang umaga po mga guro.
Magandang umaga mga kaklase.
Salamat po.
2. 73
Sino ang liban sa umagang ito?
2. Pagbabalik-Aral
Bago tayo dadako sa ating bagong talakayan
ngayong umaga, ano nga ulit ang ating
tinalakay noong nakaraang araw?
Sige ikaw Eva Mae.
Tama! Paano nga ba inilarawan si Kapitan
Tiyago sa kabanatang ito?
Magaling! Ano pa ang mga mahahalagang
bagay na natuklasan niyo tungkol kay Kapitan
Tiyago at anak nitong si Maria Clara?
Gabriel.
Mahusay! Talagang nakinig kayo sa ating
talakayan kahapon.
3. Pagganyak (5-10 minuto)
Sa umagang ito ay magkakaroon tayo ng
gawain. Meron akong mga lobo dito. Sa loob ng
lobo ay may mga hugis puso na may nakasulat na
mga pick up line ng mga sikat na loveteam sa
ating henerasyon ngayon. Ang gagawin niyo ay
ipapasa niyo ito sa mga kaklase niyo habang may
ipinapatugtog akong musika. Kung sino ang may
hawak ng kulay ng lobo na napili ko paghinto ng
kanta ang siyang magpapaputok nito. Pagkatapos
ay pumili ng kapares upang isabuhay o isadula
kung ano ang nakasulat dun.
Maliwanag ba ang mekaniks sa gawain ninyo?
Wala po.
Mam.
Ang tinalakay natin kahapon ay tungkol
sa kabanata 6 ng Noli Me Tangere na
pinamagatang Si Kapitan Tyago.
Si Kapitan Tyago ay mailalarawan bilang
isang magandang lalaki, may morenong
pangangatawan, pandak, at bilugan ang
mukha. Ang kanyang hitsura ay sinira ng
pananabako at pag-nganga nito.
Maam!
Nalaman po namin na hindi pala tunay
na anak ni Kapitan Tiyago si Maria
Clara. Nang dahil sa ginawang
panggagahasa ni Padre Damaso kay
Donya Pia ay nagkaanak sila. Yun po ay
si Maria Clara.
3. 74
Kung ganon ay simulan na natin.
( Ang mga linyang isasabuhay ng mga mag-aaral:
1. Boy: Nag-review ka na ba?
Girl: Bakit?
Boy: Kasi mamaya, pasasagutin na kita.
2. Girl: Alam mo, pag kasama kita
mayaman ako.
Boy: Bakit?
Girl: kasi mahirap kapag wala ka.
3. Boy: KAPE ka ba?
Girl: Bakit?
Boy: Kasi ginigising mo ang natutulog
kong puso!
4. Boy: Hindi mo na kailangan ng RELO,
Girl: Bakit?
Boy: Kasi handa kong ibigay lahat ng
ORAS ko sayo!)
Ang unang pares na magsasadula ay sina Alyza at
Pete. Tunghayan natin ang kanilang
pagsasabuhay sa linyang nakuha.
Palakpakan natin ang mahusay na pagganap nina
Alyza at Pete. Magaling!
Ang pangalawa ang pangatloat pang-apat.
Palakpakan natin ang lahat ng mga nagsadula
dito sa harapan. Napakagaling ng kanilang
pagganap.
Ano ang naramdaman niyo habang pinapanood
ang mga kaklase niyo na nagsadula kanina?
Ikaw Marialyn?
Okay. Eh, ikaw naman Julie?
Maliwanag po.
(Ipapasa ang mga lobo hanggang
hihinto ang kanta)
(Magsasadula)
Maam.
Kinikilig po ako habang pinapanood ko
sila kanina.
Tuwang-tuwa po ako mam kasi nadala
talaga ako sa mga linya na kanilang
sinabi at nadala rin po ako sa kanilang
4. 75
Syanga. Talagang nakakadala ang kanilang
kagalingan. Nakaramdam tayo ng kilig at saya
habang pinapanood sila. Saan ba natin kalimitang
naririnig aat natutunghayan ang mga linyang ito?
Sige Marian.
Tama! Ano pa?
Tumpak! Ano ba kalimitan ang ginagawa o
sinasabi ng mga lalaki sa babae tuwing nanliligaw
o nanunuyo? Joy.
Magaling! Ang ganitong uri ba ng suyuan ay
ginagawa pa rin ng mga magkakasintahan ngayon
o ng mga nagliligawan ngayon?
Tama! Ganun din ba kayo?
Mabuti naman kung ganon.
Kaya naman may ideya na ba kayo kung tungkol
saan ang kabanata na tatalakayin natin ngayon?
Tama. Ang tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa
kabanata 7 ng Noli Me Tangere na pinamagatang
Suyuan sa Asotea. Tunghayan natin ang
nilalaman ng nasabing kabanata. Alamin rin natin
kung paano nga ba naiiba ang pagsusuyuan noon
at ngayon at tingnan natin anong kaugaliang
Pilipino ang dapat nating panatilihin.
B. Paglalahad
1. Paghahawan ng Sagabal
pag-arte. Sobrang galing po nila.
Mam!
Tuwing dumidiskarte po ang lalaki sa
babae.
Tuwing nanliligaw o sinusuyo po ang
mga lalaki sa mga babae mam.
Sinasabihan po ng lalaki ang mga babae
ng mga matatamis na salita o di naman
kaya ay nagbibigay ng sulat, bulaklak at
hinaharanahan nila ang mga babae.
Hindi po lahat mam. Kasi ngayon isang
text o isang chat lang pwede na. Hindi
na gaanong pinaghihirapan pa nung
lalaki para maipakita niya ang
pagmamahal o sagutin siya ng babae.
Mam hindi po.
Opo. Tungkol po sa pagliligawan maam
at pagsusuyuan.
5. 76
Bago ninyo babasahin ang buod ng
Kabanata 7, bibigyan muna ninyo ng
kahulugan ang mga mahihirap na salita at
gamitin ito sa pangungusap. Tingnan ninyo
ang nasa pisara. Kung makikita ninyo, may
nakasampay na mga pang-itaas na damit na
may nakadikit na salita. Ang gagawin niyo
ay pipiliin ninyo ang kahulugan ng mga
salitang ito sa mga nakadikit na pang-
ibabang damit na nakadikit rin dito sa
ibabang bahagi ng pisara.
Sino ang gustong sumagot sa una?
Sige ikaw Charie.
Tama! Magaling!
2. Napatda natigilan
3. Natatalos nakaaalam
4. Mag-ulayaw mag-usap
5. Nagtulos nagtirik
Suriin natin kung tama ba ang inyong mga
kasagutan. Tama ba?
Okay, magaling!
Ngayon ay gagamitin naman natin sa
pangungusap ang mga salita.
Oh Enrique.
Tama.
Sa pangalawapangatlo
Magaling at nabigyan ninyo ng kahulugan
at halimbawang pangungusap ang mga
salita.
2. Pagbasa ng Kabanata ng Nobela
Mam!
Nagpapasikdo-nagpapatibok.
Tama po.
Ang maamo mong mukha ang
nagpapasikdo ng malakas sa puso ko
tuwing nakikita kita.
6. 77
Meron akong mga sipi dito na ibibigay sa
inyo. Sa loob ng tatlong minuto ay
babasahin ninyo nang tahimik ang buod ng
Kabanata 7 ng Noli Me Tangere na
pinamagatang Suyuan sa Asotea. Pero
bago ang lahat ay basahin muna ninyo ang
idinikit kong mga gabay na katanungan dito
sa harapan upang magabayan kayo sa mga
dapat malaman at maunawaan habang
binabasa ang kabanata. Basahin ng sabay-
sabay.
Mga gabay na katanungan:
1. Sinu-sino ang mga tauhan sa binasang
kabanata?
2. Bakit maagang nagsimba sina Maria
Clara at Tiya Isabel?
3. Paano pinatuyan nina Ibarra at Maria
Clara na hindi nila nalimot ang isat-isa?
4. Anong pagpapahalagang Pilipino ang
ipinamalas ni Ibarra? Ni Maria Clara?
5. May pagkakaiba ba ang paraan ng
panunuyo noon at ngayon? Patunayan.
Alin sa dalawang paraan ang higit na
kasiya-siya?
3. Pagtalakay sa Binasa
Tapos na ba ninyong basahin ang
kabanata?
Kung ganon ay tingnan natin ano nga ba
ang naunawaan ninyo sa binasa. Sa ilalim
ng inyong mga armchair ay may nakadikit
na mga hugis puso. Kung sino ang nakakuha
ng mga hugis puso na iba ang kulay bukod
sa pula ang siyang sasagot sa mga ibinigay
kong katanungan. Paalala lang, huwag niyo
munang itapon ang mga hugis puso
sapagkat may isusulat kayo diyan mamaya.
Ngayon ay simulan nating suriin kung ano
(Magbabasa ang mga mag-aaral)
Tapos na po.
7. 78
ba ang naintindihan ninyo sa binasa. Ang
ating unang tanong ay, Sinu-sino ang mga
tauhan sa binasang kabanata? Sino sa inyo
dito ang nakakuha ng dilaw na puso?
Kung ganun, maaari mo bang basahin ulit
ang unang katanungan at bigyan ng
kasagutan?
Tama! Sino naman ang nakakuha ng
berdeng puso?
Maaari mo bang sagutan ang pangalawang
katanungan?
Tama rin. Hana, dahil ikaw ang
nakakuha ng hugis puso na kulay
bughaw, paano naman pinatunayan ni
Ibarra at Maria Clara na hindi nila nalimot
ang isa-isa?
Magaling. Maaari niyo bang ilahad kung
paano sinariwa nina Ibarra at Maria Clara
ang kanilang pag-iibigan? Sige nga Angelika.
Tumpak! Ganun nga. Sa nakakuha ng kulay
puting puso? Pakibasa at sagutan ang
pang-apatkatanungan.
Ako po mam.
Opo mam.
Sinu-sino ang mga tauhan sa binasang
kabanata?
Ang mga tauhan po sa kabanata 7 ay
sina Crisostomo Ibarra, Maria Clara,
Tiya Isabel at Kapitan Tiyago.
Mam.
Maaga pong nagsimba sina Maria Clara
at Tiya Isabel sa araw na iyon sapagkat
magkikita sila Maria Clara at kasintahan
nitong si Crisostomo Ibarra.
Sinariwa po nila ang mga alaala ng
kanilang pag-ibig.
Sinariwa po nina Ibarra at Maria Clara
ang pag-iibigan sa pamamagitan ng pag-
babasang muli sa sulat na bigay ni
Ibarra kay Maria Clara bago ito umalis
papuntang Europa at sinariwa din nila
ang mga alaala ng kanilang
kamusmusan. Yung pag-aaway at
pagbabati rin naman nila agad.
Ano ang pagpapahalagang Pilipino ang
ipinamalas ni Ibarra at ni Maria Clara?
Ang mga pagpapahalaga pong ipinakita
8. 79
Tama! Ano pa?
Tama! Puntong-punto mo! Sa anong
paraan ba nila ipinakita ang pagmamahal
sa bayan?
Sige Aristone.
Tama! Napakahusay! Para sa magulang
naman?
Magaling! Sa kasintahan naman? Ikaw
Charie.
nina Maria Clara at Ibarra ay una, ang
pagkamatiisin ng mga Pilipino. Tiniis nila
ang pangungulila sa isat-isa upang
matupad ang pangarap nila sa buhay at
unahin ang kagustuhan ng kani-kanilang
mga magulang. Naghintay sila ng
mahabang panahon para magkitang
muli. Pangalawa po ay ang kakayahang
umangkop ng mga Pilipino saan mang
lugar mapadpad gaya ng ipinakita ni
Ibarra. Nakaya niyang makihalubilo sa
ibang lahi na hindi nawawala ang
pagmamahal sa bayan.
Mam. Naipamalas po nina Maria Clara
at Ibarra ang tunay at wagas na
pagmamahal sa magulang, sa
kasintahan at para po sa bayan.
Mam!
Malinaw po sa kabanata kung bakit
kailangang magpakasakit ang isang
Pilipino upang makapag-aral. Itoy
upang harapin ang panahong darating o
isipin ang hinaharap at ang kanyang
tungkulin ang pag-aralan ang
karunungan ng buhay at
mapakinabangan ng inang bayan balang
araw.
Ipinakita po ni Ibarra ang pagmamahal
sa magulang noon pong sinunod niya
ang kagustuhan ng ama na mag-aral sa
ibang bansa.
Nanatili po siyang tapat kay Maria Clara
kahit na wala ito sa kanyang tabi.
Napapaligiran man siya ng
magagandang babae ay si Maria Clara
pa rin ang laman ng kanyang isipan.
9. 80
Talaga ngang napakawagas ng
pagmamahalan nina Maria Clara at
Ibarra.
Sino naman dito sa inyo ang sasagot ng
panghuling katanungan?
Kuhang-kuha mo! Sang-ayon din ako sa mga
sinabi mo. Sang-ayon din ba kayo?
Natutuwa ako dahil napakahusay at
napakagaling ng inyong mga kasagutan at
pagpapaliwanag.
Talagang naunawaan ninyo ang inyong
binasa.
Dun naman sa mga hugis puso na nakuha
ninyo ay mag-isip kayo ng isang pangungusap
na maaari ninyong iugnay o natutunan sa
binasang kabanata.
Kung tapos na kayong magsulat ay ipasa niyo
dito sa harapan.
Ganun din po sa parte ni Maria Clara.
Ako po mam.
May pagkakaiba ba ang pagsusuyo
noon at ngayon? Patunayan.
Marami pong pagkakaiiba ang suyuan
noon at ngayon na ipinakita sa
kabanata. Una, noon, ang mga lalaki
ang kalimitang pumupunta sa bahay ng
mga babae sapagkat konserbatibo po
ang mga babae noon. Samantalang
ngayon, kalimitan ang mga babae na
ang pumupunta sa bahay ng mga lalaki.
Tapos, noon, mahiyain ang mga
babaeng magparamdam ng kanilang
mga damdamin samantalang ngayon
sila pa ang nanliligaw sa mga lalaki.
Kaya mas mainam po ang uri ng suyuan
noon kesa ngayon dahil makikita mo
talaga ang sinseridad ng lalaki kapag
nanliligaw kasi pumupunta talaga siya
sa bahay ng babae samantalang ngayon
sa text na lang o sa chat. Hindi na
pinaghihirapan ng mga lalaki ang
pangliligaw.
Opo mam.
10. 81
C. Pagsasanay
Ngayon naman ay magkakaroon tayo
ng pangkatan. Ito ang unang pangkat
pangalawa at pangatlo.
Mag-isip kayo ng tila isang status update sa
inyong natutunan sa binasang kabanata.
Pero, ibabahagi niyo iyan sa pamamagitan
ng isang yell o jingle. Ang isusulat niyo lang
dito sa ibibigay kong facebook status box ay
ang malikhaing hashtag at hugot line na
naisip ninyo para kay Maria Clara at Ibarra.
Maliwanag ba?
Mahusay naman kung ganun. Kaya, ang
tatlong minutong paghahanda ninyo ay
magsisimula na ngayon.
Bigyan natin ng masigabong palakpakan ang
bawat pangkat na nagtanghal. Napakahusay
ng inyong ginawa.
D. Paglalapat
Sa puntong ito ay hahatiin ko ulit kayo sa
dalawang pangkat. Ang bawat pangkat ay
magtatanghal ng dula-dulaan na
magpapakita ng pagkakaiba sa suyuan noon
at ngayon. Ang unang pangkat ay
magtatanghal ng halimbawa ng suyuan
noon samantalang halimbawa ng suyuan
naman ngayon ang pangalawang pangkat.
Kung makikita ninyo may dalawang
malaking strip ng Cartolina ako dito.
Nakasulat ang NOON at NGAYONsa
bawat isa nito. Ibibigay ko sa unang
pangkat ang NOON at NGAYON sa
ikalawang pangkat.
Mamarkahan ang inyong pagtatanghal sa
pamamagitan ng mga sumusunod na
pamantayan:
Opo mam.
(Matapos ang limang minuto ay
nagkakaroon nang pagtatanghal ang
bawat pangkat)
11. 82
Rubriks sa Gagawing Pagtatanghal
Kagalingan sa
pagganap
50%
Angkop na
ekspresyon ng
mukha sa
ipinapakitang
emosyon o sa
damdaming
pinalilitaw.
15%
Nilalaman 25%
Mahusay at
malinaw na
pagkakabitiw ng
mga pahayag
10%
Kabuuan = 100%
Bibigyan ko lamang kayo ng limang minuto
para makapaghanda.
Nakuha niyo ba klas?
Kung ganun ay simulan niyo na ang
paghahanda.
Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili
sapagkat napakagaling ng inyong ginawang
pagtatanghal.
D. Paglalahat
Ang tanging permanenteng bagay lamang sa
mundo ay pagbabago. Sa pag-usbong ng bagong
milenyo, maraming kapansin-pansing pagbabago
ang ganap na nangyari sa lipunan. At isa na rito
ang panliligaw. Bagamat maraming pagbabagong
nagaganap sa istilo ng panliligaw mula noon
hanggang ngayon, sanay manatili ang tunay na
Opo mam.
(Pagkatapos ng limang minuto ay
magtatanghal ang bawat pangkat)
12. 83
kabuluhan nito, ang maipakita ng manliligaw ang
sinseridad at malinis na paghahangad sa kanyang
nililigawan.
IV. PAGTATAYA
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ito sa kalahating papel.
1. Anong katangian ni Ibarra o ni Maria Clara ang nagustuhan at nais mong sundin? Bakit?
2. Inamin mismo ni Ibarra na iisa ang pag-ibig niya kay Maria Clara at sa bayan. Ano ang
pagkakatulad ni Maria Clara sa bansang Pilipinas?
V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Magsaliksik at basahin ng pauna ang kabanata 8 ng Noli Me Tangere na pinamagatang
Ang mga Alaala.