7. Ibat-iba ang nilalaman ng tabloid na
siyang nagiging pang-akit sa mga tao.
Meron itong mga balita, tsimis, sports,
literatura, o di kaya ang mga palaisipan
kagaya ng mga sudoku at crossword na
matatagpuan sa loob ng tabloid.
Ngunit ang higit na nagagammit
nito bilang pang-hatak ng mga
kostumer ay ang kanilang front page na
mayroong larawan ng mga babaeng
nakasuot lamang ng kanilang panloob.
8. Tabloid
Ang tabloid ay isang anyo ng
kontemporaryong panitikan na nasa
anyong print media.
Ang tabloid ay mas abot kaya ng
masa kaysa sa broad sheet na doble
ang presyo.
Kahit ang mga balita o impormasyon
sa Tabloid ay naipalabas na sa
telebisyon o napakinggan na sa radyo
ito ay patuloy paring tinatangkilik.
9. Sinasabi na ang tabloid ay mainam na
pampalipas oras ng mga taong walang
ginagawa.
Ang tabloid ay maituturing na dyaryong
pang-masa pagkat ito ay nakalathala na
Tagalog na lenggwahe imbes na Ingles,
gaya ng ginagamit na lenggwahe sa mga
broadsheet.
Sinasabi na ang broadsheet ay ang
mga taong may pinag-aralan o
nakatataas sa lipunan ang karaniwang
nag-babasa nito.
10. Kaya patok na patok sa masa ang
tabloid ay dahil binibigyang diin ng
tabloid ang mga kwento, istorya,
artikulo, kolumn o kahit na ang
impormasyon ay pumapatungkol sa
sex at karahasan kayat tinagurian itong
sensationalized journalism.
Sa kasalukuyan ay mayroong 21 na
national daily tabloid at apat lang
naman sa weekly tabloid na
kasalukuyang umiikot sa buong bansa.
12. - Mas tinatangkilik ng mga tao ang
tabloid kaysa sa broadsheet, pagkat
ang tabloid ay naglalaman ng mga
istorya o impormasyon na karaniwang
naglalaman ng mga karahasan at
sexual na mga balita, istorya o
impormasyon. Isa pa ay mas abot kaya
ang tabloid pagkat ito ay doble ng
presyo ng broad sheet. At ito ay madali
lang mabili pagkat ito ay inilalako o
ibinibenta sa mga baryo o liblib na lugar
na hindi sakop ng pagbabago.
13. - Kahit na laganap na ang teknolohiya sa
pangunguna ng internet bundsod ng pag-
babago at impluwensiya ng ibang bansa.
Marami parin ang bumabasa sa tabloid
pagkat ito yung tipong hindi naluluna, pagkat
itoy ating nakasanayan na mula sa panahon
ng mga Espanol hanggang sa kasalukuya
nasasanay tayo na gumsing sa umaga,
kasama ng kape at pandesal ang isang
mainit-init na tabloid. Hindi ito kayang palitan
ng internet sa kasalukuyan nitong kalagayan
sa ating pang araw-araw na pamumuhay
14. Mga bahagi ng Tabloid
Mga bahagi Deskripsiyon Pagsusuri
Headline Ang mismong titulo ng
pangunahing balita sa diyaryo
Ang pangunahing
balita
Front page Ang nagsisilbing pabalat sa
diyaryo
Narito ang mga
pang-akit
Sports page Naglalaman ng mga
kasalukuyang balita tungkol sa
pampalakasan
Ang karaniwang
binabasa ng mga
kalalakihan
Editorial page Napapalooban ng mga
opinyon ng mga manunulat
Ang saloobin ng
masa
Showbiz Binubuo ng mga balitang
pumapatungkol sa mga artista
Mayroon din itong
blind items
News section Ang pangunahing parte ng
diyaryo kung saan naglalaman
lahat ng balita na naganap sa
kasalukuyan.
Mga balitang may
katotohanan at
ang iba ay
pawang tsismis
15. - Ano ba ang dahilan ng mga Pilipino na
magbasa ng mga tabloid kahit na ito ay
naglalaman ng mga mararahas o sexual na
balita?
Maraming nnagsasabi na ang mnga balita at
impormasyong pumapatungkol sa sexual at
mararahas na balita ang dahilan ng kanilang
pagtangkilik rito na hindi matatagpuan sa
broadsheet. Karaniwang ang mga kalalakihan
ang buong ningnign na tumatangkilik sa mga
tabloid pagkat yoon ang kanilang pabrito. Ang
mga larawan ng mga hubad na babae ang
nag-uudyok sa kanila sa pagtangkilik ng tabloid.
16. Isa pa ay madali lang itong mabili kahit saang
lupalop man ng Pilipinas mayroong
mabibiling tabloid. At ang pinaka dahilan ng
pambili nito ay ng tabloid ay nagtataglay ng
tagalog na lenggwahwe kumpara sa
broadsheet na ingls ang nilalaman. Ito ang
sinasabi ng maraming tao, na mas
naiintindihan nila ang pag-babasa ng
tagaalog na tabloid kaysa sa broadsheet.
At gustong-gusto ng mga Pilipino na
sinusubay-bayan ang mga kwentong sexual
sa mga tabloid araw-araw.
18. Upang pagyamanin ang kaalaman sa
tabloid, gawin ang mga sumusunod:
1) Sagutin ang sumusunod na tanong:
a. Sa iyong palagay, bakit higit na
binabasa ng mga tao ang tabloid kaysa
broadsheet?
b. Sa kabila ng pagpasok ng
teknolohiya, lalo na ang malaganap na
internet, bakit marami parin ang
tumatangkilik at nagbabasa ng mga
pahayagan?
19. 2) Kumuha ng isang kopya ng tabloid. Ilista,
ilarawan , at suriin ang mga bahagi o pahina
nito. Sa pagsususri, magiging pangunahing
bagay kung bakit inilagay ang bahaging iyon
at kung ano ang inaasahan nitong
mambabasa.
Pangalan ng tabloid:
Petsa ng pagkakalathala:
Mga bahagi Deskripsiyon Pagsusuri
20. 3) Kumpanayam ng hindi bababa sa tatlong
tao na palagiang nagbabasa ng tabloid.
Suriin kung ang ilang pahayag na inilatag sa
pagsusuri ni William Rodriguez ll (yung
inireport) ay tumutugma o sumasalungat sa
sagot ng kinapanayaman mo lalo na sa mga
dahilan ng pagbabasa nila ng tabloid.