4. Ang talata ay lipon ng mga pangungusap
na paunlad na bumuo at nagpahayag ng
isang
kaisipan.
Ang bawat pangungusap ay kailangang
magkakaugnay tungkol sa pangunahing
kaisipan
o paksa ng talata.
Malimit ang nasa unahan o ulihan ang
paksang pangungusap. Ito ang
naglalaman ng diwa ng talata
6. 1.KAISAHAN
Ang mga pangungusap ay umiikot sa iisang
diwa.
Walang kaisahan ang talata kung watak-
watak ang ideyang ipinahayag ng bawat
pangungusap.
Kailangang lahat ng pangungusap ay
magkatulong-tulong na mapalitaw ang
kaisipang nais palabasin.
7. 2. KAUGNAYAN
Kailangang magkakaugnay ang mga
pangungusap upang magpatuloy ang daloy
ng diwa mula sa simula hanggng sa dulo ng
pahayag
3. KAANYUAN
Ang talata ay maaring buuin, ayusin at linangin ayin sa lugar o
heograpiya, ayon sa kahalagahan o ayon sa kasukdulan.
9. 1. Dapat na may pasok o indensyon sa pasimula ng
talata. Ang pasok o indensyon ay isang pulgada
mula sa palugit (margin) kung sulat kamay o limang
espasyo kung makinilyado.
2. Dapat din may espasyo sa gawaing kanan ng papel,
hindi sagad sa dulo, kalahati ng sukat ng palugit sa
gawing kaliwa hindi kasama ang paok o indensyon.
10. 3. Sa bahaging may tuwirang sinabi (direct quotation),
nararapat itong ihiwalay sa punong talata.
4. Nababatay ang haba ng talata sa mga sumusunod:
a. haba ng sulatin
b. kahalagahan at pagiging masalimuot ng paksa
5. Maaring sulating isang talata ang punong kaisipan
at ang haba nito ay naaayon na sumusulat sapagkat
siya ang makakapagpapasya sa kahalagahan ng
talata. Mabisa naman ang maikling talat kung may
sigla at kilos ang kaisipang nakapaloob dito.
12. Ang isang mabuting talata ay nahahati sa tatlong bahagi. Ang mga ito ay ang
mga sumusunod:
Panimulang pangungusap
Ang isang mabuting panimulang pangungusap ay
nagtataglay ng mga sumusunod na katangian
a. Sinisimulan ang talata
b. Tumatawag ng pansin sa bumabasa
c. Nagpapahiwatig ng nilalaman ng talata
d. Humihikayat sa bumabasa para magtanong
tungkol sa paksa
13. Gitnang Pangungusap
Ang mga pangungusap na magkakaugnay na
sumusunod sa panimulang pangungusap.
Pangwakas na
Pangungusap
Ang pangungusap na ito ang nagbibigay ng huling
detalye, buod ng talata o maaring nagbibigay
ng palagay o opinyin sa paksa ng talata
15. Ayon sa Panahon
Ang paghahanay ng mga pangungusap ay
umaalinsunod sa pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari. Ang pamamaraang ito ay
ginagamit sa mga pagsasalay say at
pagpapaliwanag.
16. Ayon sa Lunan
Ginagamit sa pagsasaad ng mga bagay na
makikita sa pagtanaw buhat sa itaas pababa,
buhat sa ibaba, paitaas mula sa kaliwa,
pakanan, mula sa kanan, pakaliwa atpb.
17. Ayon sa Kahalagahan
Inaayos at inihahanay ang mga
pangungusap ayon sa kahalagahan ng mga
kaisipan ng mga bahagai ng isang kabuuan.
Itinatampok muna ang mga pangunahing
kaisipan o bahagi.
18. MGA PANGUNGUSAP SA TALATA
Karaniwan o di-karaniwang ayos
Paikliin o pahabain
Gumamit ng ibat-ibang uri ng
pangungusap
a.paturol
b.pautos
c.patanong
d.padamdam
19. HABA AT IKLI NG TALATAAN
Unang talata ay maaring buuin ng 5
pangungusap.
Pangalawang talata: 2 na
pangungusap.
Huling talata: 4 na pangungusap
Hindi nakakawili sa mambabasa kung
pawang talata ay mahahaba.
21. TALATANGNAGSASALAYSAY
Nagpapahayag ng mga magkakaugnay
na pangyayaring maaring totoo o
bungang isip lamang.
Itoy naglalayong magkwento ng
naranasan, nabasa, nasaksihan
narinig o napanood.
22. TALATANGNAGLALARAWAN
Naglalaman ng nakikita, naririnig at
nadarama ng isang tao.
Ang layunin ng ganitong uri ng talata
ay bumuo ng isang malinaw na
larawan ng mga mambabasa o
nakikinig.