5. Naisusulat ang talatang: binubuo
ng magkakaugnay at maayos na
pangungusap, Nagpapahayag ng
sariling palagay o kaisipan at
nagpapakita ng simula, gitna at
wakas. (F8PU-Ig-h-22)
LAYUNIN
6. Bagong buhay sa gitna ng pandemya,
handa ka na ba? Mahabang panahon din
tayong nasanay sa isang matiwasay na
pamumuhay. Sa isang-iglap nagbago ang
lahat nang dumating ang pandemyang
COVID-19. Ang dating kalayaan at kasiyahan
ay biglang napalitan ng takot at kalungkutan.
Bagong Buhay sa Pandemya
Kim P. Navarro
7. Sa panahon ng pandemya ay hindi na maaaring
lumabas ng walang takip sa ilong at bibig, hindi
maaaring pumasok ng hindi naliligo o
naghuhugas ng kamay, pinag-iingat rin ang lahat
sa pagdalo o pagpunta sa mga matataong lugar. Sa
madaling sabi, ang dating normal ay napalitan na
ng bagong normal na ngayon ay kinakailangan
nating pakibagayan para sa ikabubuti ng lahat.
Bagong Buhay sa Pandemya
Kim P. Navarro
8. Payo lamang mga kaibigan, sa
panahong ito ang pagiging handa ang
ating sandata, kaligtasan ay
siguraduhin mga paalala ay ating
sundin.
Bagong Buhay sa Pandemya
Kim P. Navarro
9. 1. Ano ang paksa ng talata?
2. Paano sinimulan at winakasan ang talata?
3. Ano ang mahahalagang impormasyon ang makikita
sa gitnang bahagi?
4. Ano ang pangunahing kaisipan o diwa ng talata?
5. Ano ang mensahe at layunin ng may-akda sa
nabasang talata?
Mga Katanungan:
10. Ang talata ay lipon ng mga pangungusap
na paunlad na bumuo at nagpapahayag ng
isang kaisipan.
Isang serye ng mga pangungusap na
nakaayos at magkakaugnay, lahat ay may
kaugnayan sa isang paksa.
ANO ANG TALATA?
11.  Simulang talata – naglalahad ng
paksang tatalakayin.
 Gitnang talata - naglalaman ng
pagtalakay sa paksa.
 Pangwakas na talata - naglalahad ng
konklusyon o pagbubuod.
BAHAGI NG TALATA
12.  Kaisahan- Tumutukoy sa pag-ikot ng mga
pangungusap sa iisang diwa.
 Kaugnayan - Nagkakaroon ng kaugnayan ang
bawat pangungusap upang magpatuloy ang
daloy ng diwa.
 Kaanyuan- ang talata ay maaaring buuin,
ayusin at linangin ayon sa lugar o heyograpiya,
kahalagahan o kasukdulan.
KATANGIAN NG TALATA
13. Ang panahon ng pandemyang CoViD sa kasalukuyan
ay nag-uudyok sa mga tao na bumuo ng angkop na batas
upang masugpo ang sakit. Ang mga mambabatas ay
nagtutulong-tulungan na bumuo ng mga batas upang
mapigilan ang paglaganap nito. May mga pamantayan
ipinatutupad ang mga lungsod na dapat sundin ng mga
mamamayan. Ang pagsusuot ng mask, palagiang
paghuhugas ng kamay at hindi paglabas ng bahay kung
walang mahalagang pupuntahan ay ilan sa mga
iminumungkahe ng pamahalaan.
HALIMBAWA: