9. Ang Parabula ay nagmula sa salitang Griyego na
'PARABOLE"na nagsasaad ng mga bagay katulad ng
lugar, tao, hayop at pangyayari upang paghambingin.
Ito ay makatotohanang pangyayaring naganp noong
panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal na
Aklat. Ang mga aral na mapupulot dito ay nagsisilbing
patnubay sa marangal na pamumuhay ng mga tao. Ang
mga mensahe ng parabula ay isinulat sa
patalinghagang pahayag.Ang parabula lamang
lumilinang ng mabuting asal na dapat nating ta
'kundibinubuo rin ito ng ating moral at espirituwal na
pagkatao
11. Ito ay pagbibigaykahuLugan sa salita na
iniuugnay sa Banal na aklat. Panrelehiyong
interpretasyon at konteksto ng paniniwala ng
nagbabasa halaw sa mga kaganapan sa buhay
ng Panginoon at pananalig ng isang tao sa
Diyos. Kabutihan at mataas na pagkilala sa
moral ng isang tao ukol sa pananalig sa
Panginoon.
13. Ang kahulugan ng isang salita sa simbolikong
pagpapakahulugan ay mula sa interpretasyon ng
bumasa at intensiyon ng sumulat. Mula ito sa
sariling pang-unawa ng bumasa at umunawa sa
akda, Nakabatay din sa kung paano ginamit ang
salita sa pangungusap kung kaya't nagkakaroon
ng ibang konotasyon at kahulugan ang isang salita
na iyon naman ang naunawaan ng nagbabasa na
nais ipakahulugan ng may-akda.
15. Ito ay orihinal na kahulugan ng isang salita na hindi
binibigyan ng interpretasyon, kontekstoo intensiyon.
Kahulugang matatagpuan sa deksiyonaryo. Ang
literal na kahulugan ay mas pangkaraniwan. Katulad
na lamang ng isang teksto na nakikipag-usap o
nagbabahagi ng mga ideya, impormasyon o mensahe
sa isang direkta, at malinaw na paraan ang
halimbawa nito ay ang pang agham na teksto o di
kaya mga totoong kaganapan na kailangang
maunawaan ng tao.
17. Ito ay orihinal na kahulugan ng isang salita na hindi
binibigyan ng interpretasyon, kontekstoo intensiyon.
Kahulugang matatagpuan sa deksiyonaryo. Ang
literal na kahulugan ay mas pangkaraniwan. Katulad
na lamang ng isang teksto na nakikipag-usap o
nagbabahagi ng mga ideya, impormasyon o mensahe
sa isang direkta, at malinaw na paraan ang
halimbawa nito ay ang pang agham na teksto o di
kaya mga totoong kaganapan na kailangang
maunawaan ng tao.
19. The mango is often
referred to as the "king
of fruits" due to its
deliciously sweet
flavor, rich aroma, and
smooth texture.
22. Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa
karaniwang paggamit ng mga salita upang
mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit-akit
ang pagpapahayag. Ito rin ay salita o isang
pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang
isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng
pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o
di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag
upang bigyan diin ang kanyang saloobin.
24. di tiyak na paghahambing
ng dalawang magkaibang
bagay. Ginagamitan ito ng
mga salitang: tulad ng,
paris ng, kawangis ng,
tila, sing-, sim-,
magkasing-, magkasim-,
at iba pa. Ito ay tinatawag
na Simile sa Ingles.
Halimbawa: Ang
kagandahan mo ay tulad
ng isang anghel.
25. Ang puso niya ay tulad ng
bato, matigas at hindi
madaling mabali.
Ang boses niya ay paris
ng musika,
nakakapagdala ng ligaya
at emosyon.
Siya ay kawangis ng
bituin sa kadiliman ng
gabi, nagbibigay-liwanag
at pag-asa.
Tila isang bulaklak sa
gitna ng kagubatan, siya
ang nagbibigay ng kulay
at kagandahan sa mundo.
Ang kanyang talino ay
sing-init ng araw,
nagbibigay-liwanag sa
mga sulok ng kaisipan.
Magkasim-isang daliri,
palaging magkasama at
hindi naghihiwalay.
26. tiyak na paghahambing
ngunit hindi na
ginagamitan ng
pangatnig. Nagpapahayag
ito ng paghahambing na
nakalapat sa mga
pangalan, gawain, tawag
o katangian ng bagay na
inihahambing. Ito ay
tinatawag na Methapor sa
Ingles.
Halimbawa: Si Eugene ay
isang ibong humanap ng
kalayaan.
27. Ang kanyang galit ay
isang pagsabog ng
bulkan.
Ang pangarap ay isang
paanan na kailangang
abutin.
Ang tula ay isang bulaklak
na sumasayaw sa hanging
malumanay.
Ang takot ay isang dilim
na sumasaklaw sa aking
paligid.
28. Ginagamit ito upang
bigyang?buhay,
pagtaglayin ng mga
katangiang pantao -
talino, gawi, kilos ang
mga bagay na walang
buhay sa pamamagitan ng
mga pananalitang
nagsasaad ng kilos tulad
ng pandiwa, pandiwari, at
pangngalang-diwa.
Personification sa Ingles.
Halimbawa: Ang buwan ay
nahiya at nagtago sa
ulap.
29. Ang araw ay tumawa sa
aming pagdating.
Ang hangin ay humahalik
sa aking balat.
Ang dagat ay umiiyak
habang bumabayo ang
alon.
Ang puno ay
humahagulgol sa gitna ng
unos.
30. isang panawagan
o pakiusap sa
isang bagay na
tila ito ay isang
tao.
Halimbawa: Pag-asa!
Halika rito at ako’y
nalilito sa mga suliranin.
31. Kalikasan, pakinggan mo
ang aming tinig!
Kapalaran, bigyan mo
kami ng pag-asa!
Panahon, tigilan mo ang
iyong pagtakbo!
Bayan, ipagtanggol mo
ang iyong karapatan!
32. Ito ay lagpas-lagpasang
pagpapasidhi ng
kalabisan o kakulangan ng
isang tao, bagay,
pangyayari, kaisipan,
damdamin at iba pang
katangian, kalagayan o
katayuan.
Halimbawa: Nabiyak ang
kaniyang dibdib sa tindi
ng dalamhati.
33. "Ang bag ko ay mabigat
na parang bato."
"Naiinip ako sa
paghihintay, parang isang
libong taon ang lumipas."
"Ang amoy ng pagkain ay
kumakalat sa buong
bahay!"
"Ikaw ang pinakamagaling
na manlalaro sa buong
mundo!"
34. ito ang paggamit ng mga
salitangkung ano ang
tunog ay siyang
kahulugan. Onomatopea
sa Ingles.
Halimbawa:
Kumakalansing ang
natitirang barya sa
kaniyang bulsa
35. Boom! - Ang tunog ng
malakas na pagbagsak o
pagguho.
Tik-tak - Ang tunog ng
orasan o ng isang maliit
na bagay na kumikilos
nang palakas-palakas.
Kring-kring - Ang tunog
ng cellphone o telepono
na nagri-ring.
Meow - Ang tunog na
ginagawa ng isang pusa.
36. Isang uri ng ironya na
ipinapapahiwatig ang nais
iparatingsa huli. Madalas
itong nakasasakit ng
damdamin.
Halimbawa: Talaga palang
masipag ka, wala ka ng
ginawa kundi matulog.
37. "Ang swerte mo naman at
ganyan ka kaganda. Sana
ako rin!"
"Ang talino talaga ng mga
argumento mo!"
Kring-kring - Ang tunog
ng cellphone o telepono
na nagri-ring.
39. 11:Sinabi niya: May isang lalaking
may dalawang anak na lalaki.
12: Ang nakakabatang anak ay
nagsabi sa kaniyang ama: Ama, ibigay
mo sa akin ang bahagi ng mga ari-
arian na nauukol sa akin. Binahaging
ama sa kanila ang kaniyang
kabuhayan.
40. 13: Lumipas ang ilang araw,
pagkatipon ng lahat ng sa kaniya, ang
nakakabatang anak na lalaki ay
umalis. Nagtungo siya sa isang
malayong lupain at doon nilustay ang
kaniyang ari-arian. Siya ay namuhay
ng magulong pamumuhay.
41. 14: Ngunit nang magugol na niya ang
lahat, nagkaroon ng isang matinding
taggutom sa lupaing iyon at
nagsimula siyang mangailangan.
15: Humayo siya at sumama sa isang
mamamayan ng lupaing iyon. At siya
ay sinugo niya sa mga bukirin upang
magpakain ng mga baboy.
42. 16: Mahigpit niyang hinangad na
kumain ng mga bunga ng punong-
kahoy na ipinakakain sa mga baboy
sapagkat walang sinumang nagbigay
sa kaniya.
43. 17: Nang manauli ang kaniyang
kaisipan, sinabi niya: Ang aking ama
ay maraming upahang utusan. Sagana
sila sa tinapay samantalang ako ay
namamatay dahil sa gutom.
44. 18: Tatayo ako at pupunta ako sa
aking ama. Sasabihin ko sa kaniya:
Ama, nagkasala ako laban sa langit at
sa iyong paningin.
19: Hindi na ako karapat-dapat na
tawaging anak mo. Gawin mo akong
isa sa iyong mga upahang utusan.
45. 20: Sa pagtayo niya, pumunta siya sa
kaniyang ama, ngunit malayo pa siya
ay nakita na siya ng kaniyang ama at
ito ay nahabag sa kaniya. Ang ama ay
tumakbo at niyakap at hinagkan siya.
21: Sinabi ng anak sa kaniya: Ama,
nagkasala ako laban sa langit at sa
iyong paningin. Hindi na ako karapat-
dapat na tawaging anak mo.
46. 22: Gayunman, sinabi ng ama sa
kaniyang mga alipin: Dalhin ninyo ang
pinakamainam na kasuotan at isuot
ninyo sa kaniya. Magbigay kayo ng
singsing para sa kaniyang kamay at
panyapak para sa kaniyang mga paa.
23: Magdala kayo ng pinatabang guya
at katayin ito. Tayo ay kakain at
magsaya.
47. 24: Ito ay sapagkat ang anak kong ito
ay namatay at muling nabuhay. Siya
ay nawala at natagpuan. Sila ay
nagsimulang magsaya.
48. 25: At ang nakakatanda niyang anak
ay nasa bukid. Nang siya ay
dumarating at malapit na sa bahay,
nakarinig siya ng tugtugin at
sayawan.
26: Tinawag niya ang isa sa kaniyang
mga lingkod. Tinanong niya kung ano
ang ibig sabihin ng mga bagay na ito.
49. 27: Sinabi ng lingkod sa kaniya:
Dumating ang kapatid mo.
Nagpakatay ng pinatabang guya ang
iyong ama sapagkat ang kapatid mo
ay natanggap niyang ligtas at
malusog.
28: Nagalit siya at ayaw niyang
pumasok. Dahil dito lumabas ang
kaniyang ama at namanhik sa kaniya.
50. 29: Sumagot siya sa kaniyang ama.
Sinabi niya: Narito, naglingkod ako sa
iyo ng maraming taon. Kahit minsan
ay hindi ako sumalangsang sa iyong
utos. Kahit minsan ay hindi mo ako
binigyan ng maliit na kambing upang
makipagsaya akong kasama ng aking
mga kaibigan.
51. 30: Nang dumating itong anak mo,
nagpakatay ka para sa kaniya ng
pinatabang guya. Siya ang nag-
aksaya ng iyong kabuhayan kasama
ng mga patutot.
31: Sinabi ng ama sa kaniya: Anak,
lagi kitang kasama at lahat ng akin ay
sa iyo.
52. 32: Ang magsaya at magalak ay
kailangan sapagkat ang kapatid mong
ito ay namatay at muling nabuhay.
Siya ay nawala at natagpuan.
54. B. Panuto: Basahin ang “Talinghaga ng Alibughang
Anak” sa Lukas 15: 11-32. Ibigay ang inyong sariling
pananaw, karanasan o karanasan ng iyong kakilala
hinggil sa piling mga pangyayari na napagpapatunay
na ang mga pangyayari sa binasang parabula ay
maaaring maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan.
1. Pagkuha ng anak sa kaniyang mana o yaman at
nilisan ang pamilya.
2. Ang pagpapatawad ng mga magulang sa anak na
nagsisisi sa kaniyang pagkakasala at pagtahak sa
maling landas.