16. 1. Pumili isang magandang kwento.
Paano masasabi na maganda ang isang kwento?
A. Dapat ay tama lamang ang haba ng kwento,
hindi sobrang haba at hindi rin sobrang ikli.
B. Dapat ay may magandang simula kuwento.
Maaring simulan ito sa isang tanong,
palaisipan at iba pa ngunit nakatawag ng
pansin.
C. Dapat ay hindi maligoy ang pagsasalaysay.
D. Dapat ay may kapana-panabik na wakas ang
kwento.
E. Dapat ay kaunti lamang ang mga tauhan sa kwento
upang hindi malito ang mga tagapakinig.
17. 2. Pag-aralan mo nang mabuti ang kuwento.
A. Basahin ng ilang ulit ang kwento hanggang
masaulo ito.
B. Basahin nang ilang beses upang masanay sa
pagbigkas sa mga salita at sa tamang pagpapang-
pangkat nito.
C. Sa pagsasalaysay, iwasan ang pa-ulit o paulit-
ulit na pagsabi ng isang parirala habang nag-iisip
ng kasunod.
18. 3. Gawing kapani-paniwala, kapana-panabik at
kawili-wili ang pagsasalaysay sa pamamagitan ng:
a. katamtamang lakas ng boses
b. Masining ngunit natural na kumpas ng
kamay
c. Angkop na ekspresyon ng mukha sa mga
damdaming ipinahayag sa kwento.
19. 4. Magkaroon ng maayos na katauhang
pantanghalan sa pamamagitan ng:
A. Maayos na tindig at natural na kilos
B. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili. Iwasan ang
mannerism o kakatwang gawi habang
nagkukuwento.
21. Takdang-Aralin:
Isalaysay muli sa klase ang natapos
na gawain sa Gawin A na
sinusunod ang mga alituntunin sa
Maayos at Kawili-wili na
pagsasalaysay.