2. Ang tekstong ekspositori
ay bunga ng
pagpapahayag na ang
layunin ay gumawa ng
malinaw, sapat at
walang kinikilingang
pagpapaliwanag sa ano
mang bagay na
nasasaklawan ng isip
ng tao.
5. DEPINISYON:
Isang uri ng diskursong
ekspositori na pinakamadalas
gamitin.
Maaring maibigay ang kahulugan ng isang bagay o salita
sa tulong ng ibang salitang kasingkahulugan nito.
7. Maari ring magbigay-kahulugan sa isang
salita tulad ng: una, ibibigay ang pangkat
na kinabibilangan nito at pangalawa, ang
ikinaiiba nito sa mga kasamahan sa
pangkat na kinabibilangan, maari ring
sundan ito ng mga halimbawa.
8. Halimbawa:
Ang paglalahad ay isang anyong
pagpapahayag, pasalita man o pasulat,
na nagpapaliwanag. Ang ilang uri ng
paglalahad ay tala, balita, pitak,
editorial, panuto, at sanaysay. Sa
pagbibigay ng kahulugan, tinatalakay
din ang isang bagay o paksa, kasama
ang mga pagkakatulad o pagkakaiba
nito sa ibang bagay.
9. Sa pagbibigay ng kahulugan, tinatalakay din ang
isang bagay o paksa, kasama ang mga
pagkakatulad o pagkakaiba nito sa ibang bagay.
Maari ito ay pormal o di-pormal:
1. Pormal o Maanyo- kapapansinan ng tatlong bahagi.
- Salita o katawan (Term)
- Pangkat na kinabibilangan o kaurian(Genre)
- Kaibahan (Difference)
10. Halimbawa:
Ang kasal (salita) ay isang sakramentong
(kaurian) nagbubuklod sa dalawang pusong
nagmamahalan. (kaibahan)
11. 2. Di-pormal o Malaya-
nagbibigay kahulugan sa paggamit ng mga
salitang nakapukaw ng damdamin at hindi
tuwirang sumusunod sa kaayusan ng
pangungusap sa pormal na pamamaraan.
Halimbawa:
Ang kasal ay bunga ng pagmamahalan ng dalawang
pusong umiibig sa isat-isa na dumaan sa maraming
oras ng pagliligawan bilang pangako ng lalaki sa
babae.
13. Denotasyon- karaniwang
kahulugang dala ng
diksyunaryo o salitang
ginagamit sa
pinakakaraniwan at
simpleng pahayag.
Ex. Ang Ahas ay isang
uri ng reptilya na
minsay makamandag
Konotasyon-
Di-tuwiran ang
kahulugan.
Nagkakaroon ng
ikalawang kahulugan
ang salita o pahayag.
Sinasabi rin na ito ay
pansariling kahulugan
ng isang tao.
Ex. Ahas ang isang
15. Halimbawa:
Isa-isahin ang mga hakbang sa pagbasa
ayon kay William S. Gray:
1. Rekognisyon o Persepsyon
2. Komprehensyon
3. Reaksyon
4. Aplikasyon/Integrasyon
16. Halimbawa:
Si Elyasar ay nagtanim ng
gulay sa bukid. Ang mga
gulay na ito ay talong, sitaw,
kalabasa, ampalaya, at
saging
17. Pagsusunod-sunod
Sa hulwarang ito ng mga
organisayon ng teksto,
nabibigyan ng pagtataya o
ebalwasyon ng isang
mambabasa kung alam niya
kung papaano pagsusunud-
sunurin ang mahahalagang
pangyayari sa isang kwento,
18. paano nagkakasunod-
sunod ang mga
pangyayari sa isang
bansa at kung paano
dapat pagsunod-sunurin
ang mga hakbang na
dapat gawin sa isang
bagay, paano magluto ng
isang pagkain, o
pagsunod ng maayos sa
isang direksyon.
21. Sekswensyal
pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari sa isang kwento, nobela,
talambuhay, dula, balita at iba pa na
hahantong sa isang kongklusyon.
Karaniwang ginagamitan ito ng mga
salitang una, pangalawa, pangatlo,
susunod at iba pa. Karaniwang
ginagamit ang sekswensyal kung mga
pangyayari ang pinagsusunod-sunod,
tulad ng mga kwento, balita at iba pa.
22. Kronolohikal
pagsusunod-sunod ng mga impormasyon at mahalagang pangyayari
ayon sa kung kailan nangyari. Payak na halimbawa nito ay ang
kasaysayan ng isang bansa o mahahalagang pangyayari sa mundo.
Karaniwang ito ay may petsa gaya ng tiyak na araw at taon upang
malaman kung kailan nangyari ang kasaysayan.
23. Prosejural
ang pagsusunod-sunod ay prosejural
kung may hakbang o prosesong
isasagawa. Maari ito ay kung paano
gawin ang isang bagay, pagluluto, at
pagsusunod sa direksyon.
24. Paghahambing at
pagkokontrast
Ginagamit sa pagpapahayag, mga
kahigitan o kalamangan ng isang
bagay sa iba ang hulwarang
paghahambing at pagkokontrast.
Ex. Parehong ipinapakita ng paglalahad at
pangangatwiran ang isang kaalaman, ngunit sa
pangangatwiran ay pinapaniwala ang tao o
mambabasa na ito ay isang katotohanan.
26. Problema at Solution
Isang normal na pangyayari ang
pagkakaroon ng problema sa buhay at
kasunod naman ang pagbibigay dito ng
solusyon. Sa isang tekstong binasa lalo nat
kung ito ay takdang pampanitikan, umiikot
ang kwento sa tinatawag na tungkulin o
suliranin patungo sa resolusyon o
kakalasan kung saan binibigyan ng
kalutasan ang naging problema sa kwento.
28. Sanhi at Bunga
Ang sanhi ay ideya o pangyayari na maaring
humantong sa isang bunga.
Ex. Narinig mo ang sirena ng isang ambulansya.
Ano ang maaring bunga ng sirenang ito.
Isang bagay na maaring mangyari ay ikagulat at
ikabahala mo ang sirenang narinig. Maaring
natakot ka rin. Kaya ang naging bunga ng sirena
sa iyo ay nagulat, nabahala at natakot ka.
30. Tandaan na hindi sa lahat ng pagkakataoy
nauuna ang sanhi kaysa bunga. Isiping lagi ang
ganito: Anong ideya o pangyayari ang unang
naganap (sanhi) Ano ang kinalabasan (Bunga)
May mga palatandaang
salita na dapat alamin sa
mga pangungusap/pahayag
ng sanhi at bunga ang mga
salitang ito ay ang kaya,
dahil, sa, nang, buhay pa at
iba pa.
Editor's Notes
#25: -Sa hulwarang ito, kinakailangan ang maingat na pagbasa ng mag-aral sa teksto upang maunawaan niya ang nilalaman. Hindi dapat na isaulo ang nilalaman ng binasang teksto sapagkat maaaring bigyan ng paghahambing at kontrast ang tungkol sa dalawang paksang maaring ibig tukuyin ng awtor sa akda niya.