際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
THE UNTOLD STORY
ni: Jenita D. Guinoo (Original Composition)
Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit ganito ang aking nararamdaman.
Natutuwa naman ako dahil matagal na ring panahon na hindi ko na nasisilayan ang
kanyang mukha at ngayon sa di inaasahang pagkakataon ay makikita ko na siya ulit.
Ngunit nandoon ang pangamba dahil sa katotohanang siyay nasa ospital. Kani-kanina
pa lamang natanggap ko ang mensahe at tawag ng kanyang kapatid na kinakailangang
Makita ko siya. Bakit kaya siya na-ospital?Malubha kaya siya?
Dahan-dahan kong kinakatok ang pinto kung saan nakasaad ang numero ng
kanyang silid.
Ate, kanina pa kita hinintaybakit ang tagal mo? Sabi ng kanyang kapatid na si
Jelly.
Ahmmmedyo na-traffic akoalam mo na, rush hour ngayon, di ba? Sagot ko
naman sa kanya habang nakatingin sa taong nakahiga sa higaan. Tiningnan kong mabuti
ang taosiyay tulog at may nakalagay na aparato ng oxygen sa kanyang bibig. Hindi ko
siya agad nakilala dahil sa malaking ipinagbabago ng kanyang anyo. Ang dating
malaman niyang pisngi ngayoy humpak na . Mas tumanda siya ngayon kaysa dati o huli
naming pagkikita.Waring may mabigat siyang pinagdadaanan.
Siyay na-comma ate..hindi namin alam kung kailan siya magigising o hindi
na,..sabi ni Jelly. Ano? (kawawa naman siya, ang aking naisip sa narinig mula sa sinabi
ng kanyang kapatid habang pinipigilan ko ang pamamalisbis ng aking luha na nakatingin
sa kalunus-lunos niyang sinapit.)
Agad kitang tinawagan nang nagpaalam si Ate Gerlie na uuwi na muna upang
kumuha ng anumang kakailanganin dito at upang matiyak ang kalagayan ng mga
naiwang anak sa kanyang mga magulang. Kinakailangan mo ring malaman ang nangyari
sa kanya ate, sabi ni Jelly.
Napaano ba siya? Bakit siya nagkaganito? Ang nagkandautal-utal kong tanong
sa kanya. Dito isinalaysay ni Jelly ang lahat..
Siya si Jake, ang lalaking aking minahal. Napakatagal nang panahon ang lumipas
bago kani nagkahiwalay. Napakasaya ng aming pagmamahalan. Puno ng ligaya at sa
puso ay laging nadarama ang tunay na pagsinta. Ngunit sa di-inaasahang pagkakamali
ay natapos ang lahat. Ang mga pangako sa isat isay biglang napako. Nakalimot sa
naging sumpaan na habang buhay ay magmamahalan.
Noong huli naming pag-uusap, naitanong niya sa akin kung ako bay naniniwala
sa reinkarnasyon dahil doon daw lamang namin maisasakatuparan at maipagpapatuloy
ang aming pagmamahalan.
Isang babae ang naging ugat nang lahat ng aming paghihirap. Isang babaeng
naging simula nang di pagkakaunawaan. Noong sinabi niya sa akin na ayaw na niyang
makitang lumuluha ang babae. Isang matinding dagok sa aking pagkababae. Insulto sa
aking pagkatao na kailanman ay hindi niya naisipang ano kaya ang aking magiging
damdamin kung maririnig ito?Ito ang naging dahilan ng pagguho sa pagtitiwala ko sa
kaniyang binitiwang pangako.
Akala koy ako lamang ang kanyang minamahal! Ako lamang ang babae sa
kanyang buhay!Ngunit ito palay puno ng kasinungalingan. Pagkukunwari sa tunay niyang
nararamdaman na kailan man ay hindi maaaring mapagtakpan.
Umuwi siyang hindi man lamang nagawang makikipag-usap sa akin upang sanay
mabigyang linaw ang namamagitan sa amin.
Arawt gabi ay wala akong ibang ginawa kundi ang iwaksi siya sa aking alaala.
Inaabala ko ang aking sarili sa lahat ng gawain upang hindi siya maalala at muling
manariwa ang sakit at hapdi sa aking dibdib.
Narinig ko na lamang na ang babae pala ay sumunod sa kanya sa kanila at
nakituloy sa kanilang tahanan at hindi nagtagal sila na ay nagsama.
Ang sakit-sakit na makarinig ka sa iba nang tungkol sa kanila..sobrang saya sa
isat isa habang akoy nagdadalamhati sa pagkamuhi sa kanila.
May mga pagkakataon pa ring maaalala ko siya lalo na sa tuwing maririnig naming
ang aming kanta. Manunumbalik agad siya sa aking alaala. Ang masasaya naming
tawanan, kulitan at pagmamahalan.
Maraming pagkakataon nang sinubok naming mabigyang katugunan ang pag-ibig
sa isat isa ngunit takot kami sa maaaring maging resulta. Hindi kailan man nabigyang
katuparan ang nag-aalab naming pagmamahalan dahil laging nangingibabaw ang
pagtitimpi at pagkontrol namin sa aming pag-iibigan. Sinabi niya pa na dadalhin daw niya
ako sa dambana nang busilak pa, dalisay at walang mantsa.
Ngunit di doon nagtapos ang kanilang masayang pagsasama. Lumabas ang tunay
na esensiya ng buhay, buhay na hindi maganda dahil kaanlinsabay nito ang paghihirap
at pagdurusa. Marahil dahil sa walang agwat nilang pagsusupling na humantong sa di
pagkakaunawaan ng mag-asawa. Nagkakasakitan na sila sa isat isa at hinayaang
maghiwalay na muna. Ilang taon ding di nagsama.
Sa mga taong malayo sila sa isat isay ang lalaki ay gumawa ng paraan. Hinanap
niya ako at sinikap na makatagpot maidugtong ang naudlot na ligaya.Ako namang
walang ibang hinangad kundi siya ay agad namang nagayuma, muling nabihag ng
kanyang pangakot pagsinta. Muling nanariwa sa isat isa ang pagmamahalang hindi
nawala kailan man at nakabaon sa puso lamang.Binigyang laya ang mga tinimping
pagnanasa na sa unang pagkakataon ay nalasap at natikman nang walang kasing sarap.
Waring naabot namin ang rurok ng kaluwalhatian. Hindi ko maunawaan ang aking
nararamdaman. Sa kaniyang piling ko lamang nararanasan ang labis na kaligayahan.
Masaya ako at kailanman ay di sumagi sa aking isipanang pagsisisi sa kasalanang aming
pinagsasaluhan. Napaiyak ako at nagtanong sa kanya kung bakit hindi namin nagawang
mabigyang laya ang pag-ibig noong datiy siyay Malaya pa..kung may dapat akong
pagsisisihan ay iyong hindi namin sinubukang gawin ang bagay na ninanais gawin ng
magkasintahan. Disin sanay nabigyang katuparan ang aming pagmamahalan at hindi
kami nagkakahiwalay. Ditoy binanggit niya na kailan man ay hindi niya ako
nakaklilimutan. Sa bawat minuto ay may nagpapaalala sa kanya sa akin. Mapatulala daw
siyat muling mananariwa sa isipan ang masayang nakaraan.Minsay napapangiti raw
siyat makikita ng kanyang asawa ang kakaibang kilig niyang nadarama. Ano ba.. theme
song niyo na naman iyan , ano? At agad naman daw niyang sasabihin dito na marami
naman silang kanta kaya huwag na lang siyang magtanong pa. Agad namang
magngingitngit ang kanyang asawa, sinabi niya pa.
Maririnig lamang ng kanyang asawa ang aking pangalan ay agad nang mag-iiba
ang kanyang timpla..magmamaktol na at manggagalaiti sa galit sa kanyang asawa.
Ganito palagi ang eksena ng mag-asawa. Walang katahimikan sa pagitan nila.
Ang minsan naming pagsasama ay muling nasundan at naulit pa. Hindi lamang
miminsan kaming nagkakatagpo at pinagsasaluhan ang aming pagmamahalan.
Ngunit isang araw, isang text ang aking natanggap mula sa kanya. Kalimutan ko
na siya, ihinto na namin ang aming maling ginagawa. Iyon na ang huli at hindi na muling
nasundan pa.
Hindi ko maunawaan ang aking nararamdaman, wari may parang bombang
nagbabantang sasabog sa di-kaginsa-ginsa. Muli kong nadarama ang hapdi at sakit sa
aking puso. Halos hindi ako makahinga sa sobrang sikip ng aking dibdib. Iyak ako nang
iyak. Ininda ko nang matindi ang aking nadarama. Ngayon pa na lubusan ko nang
ipinagkatiwala ang lahat sa kanya, ngayon pang wala na akong naiwan sa sarili, sa aking
dibdib. Ang sakit-sakit!
Ngayon ay naging matatag na ako. Matibay na isinasaisip na kailanman ay hindi
na magpapadala sa susog ng nadarama. Ang dati y pagmamahal ay nahalinhan ng poot
at pagkamuhi sa kanya. Galit ako sa kanya! Naging panakip-butas lamang pala ako nang
wala sa kanilang tahanan ang kanyang asawa. Ang bobo ko. Hindi ko man lamang naisip
iyon. Akoy isinantabi na nang magbalik na ang asawa niya sa kanya.
Ngunit matagal na iyon. Akoy nakapag-move -on na.
Habang tinitingnan ko ang kanyang hitsura ay iba ang aking nadarama. Nawala
ang poot sa aking dibdib at nahalinhan ng pagkaawa. Matindi marahil ang kanyang
nararanasang problema na ikinapagmamaliw ng kanyang kakisigan at kabataan. Kung
titingnan ako na tatlong taon ang tanda sa kanya ay mas bata pa ngayong tingnan kaysa
sa kanya.
Ate..bago siya nawalan ng ulirat kanina ay nabanggit niya sa akin ang iyong
pangalan. Waring hinahanap ka niya. Hindi ko iyon sinabi kay ate , baka magalit siya sa
akin. Ayaw na ayaw pa naman niyang mabanggit-banggit ang iyong pangalan sa harap
nila. Kaya kita tinawagan, baka isipin mo na hindi man lamang kami nakaalala sa iyo.kahit
pa man sa mga nangyayari ay meron pa rin naman tayong pinagsamahan, di ba?sabi ni
Jelly bilang paliwanag.
Okey lamang iyon, basta ang mahalaga ay nandito na ako at nakikita ko na siya.
Ang tagal kong hinintay ang sandaling ito na magkausap kami nang harap-harapan.hindi
man lamang kami nakapagpaalam sa isat isa, ang tugon ko sa kanya.
Biglang umungol si Jake, waring naririnig ang aming pinag-uusapan. Bigla akong
kinabahan. Agad namang napatawag ng Doctor si Jelly. Tiningnan agad ng doctor ang
kalagayan ni Jake , tini-tsek pa ito sa monitor .
Inilapit ko sa kanyang palad ang aking kamay at mariing hinawakan ito habang
sinasabi ko sa kanyang tainga na nandito lamang ako, hindi ako umaalis.
Alam kong hindi niya ako maririnig ngunit patuloy akong nagpaparamdam sa
kanya sa aking presensiya. Sinasariwa ko sa kanya ang aming alaala. Minsan ay
mapapatawa ako sa pagkukwento sa kanya at minsay mapapaiyak sa karanasang aming
pinagdadaanan.
Buong gabi akong nagbabantay sa kanya. Ngunit kinaumagahan ay agad na
akong nagpaalam sa kanyang kapatid na umuwi na dahil tiyak kong darating na ang
kanyang asawa. Ayokong magkita kami at baka maiskandalo pa.nagpaalam ako sa lahat
pati kay Jake habang ibinubulong ko sa kanya na ako ay babalik muli upang muli kaming
magkikita.
Hindi ko napansin ang maraming missed calls at text sa aking cellphone.
Pinadadali ako sa pagpapunta sa ospital . Inaatake raw si Jake. Akoy napatakbo agad
sa ospital, halos liparin ko na ito para lamang agad na makarating dito.nadatnan kong
nagtutulungan ang mga doctor, sinikap nilang maagapan ang kalagayan ni Jake. Nagsi-
seizure siya. Hindi raw humihinto. Kaya naisip na lamang ng doctor na lapatan siya ng
panghuling lunas. At kapag hindi pa rin hihinto ang kanyang seizure ay maaring maging
hudyat na iyon ng kanyang katapusan. Napaiyak ako , hindi ko matanggap na hindi ko
na masisilayan kailanman ang lalaking aking minamahal.
Ngayon ko lamang napansin, nasa isang sulok lamang pala si Gerlie habang
nakatingin sa akin. Waring blangko ang isip. Inaapuhap kung ano ang magiging reaksyon
sa aming pagkikita. Ngunit iyon ay hindi na mahalaga. Ang higit na pinagtutuunan ngayon
ay ang kalagayan ni Jake.
Sabay naming ipinagdarasal na sanay bumuti na ang lagay ni Jake, sanay
makaligtas siya sa tiyak na kapahamakan.Anuman ang mangyayari ay ipinauubaya
naming itong lahat sa Kanya.
Sa di-kaginsa-ginsay ipinatawag kami ng doctor. Naging maayos na raw si Jake.
Sa narinig ay para kaming binuhusan ng malamig na tubig. Nanggigipuspos kaming lahat
sa matinding pagod at pag-aalala.
Sa unang pagkakataon ay nagkakausap kami ni Gerlie. Nagkatinginan at
pinakiramdaman ang bawat isa. Alam kong nandoon pa rin ang pagseselos niya sa akin
ngunit pinangingibabaw niya ang kanyang pagmamahal sa kanyang asawa.
Matagal ang aming pag-uusap. Marami siyang sinabi tungkol sa kanyang asawa
na sa loob ng mahabang panahon naming pagsasama bilang magkasintahan ay hindi ko
pa pala alam. Hindi ko pa nga pala lubusang kilala ang pagkatao ni Jake. May mga
naisalaysay ako kay Gerlie ngunit may mga bagay na di na dapat pang ipaalam sa
kanya.Iyon ay sa aming dalawa na lamang ni Jake.
Bigla kaming napalingon nang tawagin kami ni Jelly, sinabi nitong nagkamalay na
si Jake kaya agad kaming pumasok sa kanyang silid, nauna si Gerlie habang nakasunod
lamang ako sa kanya. Ngunit naulinigan kong iba ang kanyang hinahanap
Nasaan si Jenny..si Jenny ..gusto ko siyang makita
Hindi ako makapaniwala.

More Related Content

The untold story

  • 1. THE UNTOLD STORY ni: Jenita D. Guinoo (Original Composition) Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit ganito ang aking nararamdaman. Natutuwa naman ako dahil matagal na ring panahon na hindi ko na nasisilayan ang kanyang mukha at ngayon sa di inaasahang pagkakataon ay makikita ko na siya ulit. Ngunit nandoon ang pangamba dahil sa katotohanang siyay nasa ospital. Kani-kanina pa lamang natanggap ko ang mensahe at tawag ng kanyang kapatid na kinakailangang Makita ko siya. Bakit kaya siya na-ospital?Malubha kaya siya? Dahan-dahan kong kinakatok ang pinto kung saan nakasaad ang numero ng kanyang silid. Ate, kanina pa kita hinintaybakit ang tagal mo? Sabi ng kanyang kapatid na si Jelly. Ahmmmedyo na-traffic akoalam mo na, rush hour ngayon, di ba? Sagot ko naman sa kanya habang nakatingin sa taong nakahiga sa higaan. Tiningnan kong mabuti ang taosiyay tulog at may nakalagay na aparato ng oxygen sa kanyang bibig. Hindi ko siya agad nakilala dahil sa malaking ipinagbabago ng kanyang anyo. Ang dating malaman niyang pisngi ngayoy humpak na . Mas tumanda siya ngayon kaysa dati o huli naming pagkikita.Waring may mabigat siyang pinagdadaanan. Siyay na-comma ate..hindi namin alam kung kailan siya magigising o hindi na,..sabi ni Jelly. Ano? (kawawa naman siya, ang aking naisip sa narinig mula sa sinabi ng kanyang kapatid habang pinipigilan ko ang pamamalisbis ng aking luha na nakatingin sa kalunus-lunos niyang sinapit.) Agad kitang tinawagan nang nagpaalam si Ate Gerlie na uuwi na muna upang kumuha ng anumang kakailanganin dito at upang matiyak ang kalagayan ng mga naiwang anak sa kanyang mga magulang. Kinakailangan mo ring malaman ang nangyari sa kanya ate, sabi ni Jelly.
  • 2. Napaano ba siya? Bakit siya nagkaganito? Ang nagkandautal-utal kong tanong sa kanya. Dito isinalaysay ni Jelly ang lahat.. Siya si Jake, ang lalaking aking minahal. Napakatagal nang panahon ang lumipas bago kani nagkahiwalay. Napakasaya ng aming pagmamahalan. Puno ng ligaya at sa puso ay laging nadarama ang tunay na pagsinta. Ngunit sa di-inaasahang pagkakamali ay natapos ang lahat. Ang mga pangako sa isat isay biglang napako. Nakalimot sa naging sumpaan na habang buhay ay magmamahalan. Noong huli naming pag-uusap, naitanong niya sa akin kung ako bay naniniwala sa reinkarnasyon dahil doon daw lamang namin maisasakatuparan at maipagpapatuloy ang aming pagmamahalan. Isang babae ang naging ugat nang lahat ng aming paghihirap. Isang babaeng naging simula nang di pagkakaunawaan. Noong sinabi niya sa akin na ayaw na niyang makitang lumuluha ang babae. Isang matinding dagok sa aking pagkababae. Insulto sa aking pagkatao na kailanman ay hindi niya naisipang ano kaya ang aking magiging damdamin kung maririnig ito?Ito ang naging dahilan ng pagguho sa pagtitiwala ko sa kaniyang binitiwang pangako. Akala koy ako lamang ang kanyang minamahal! Ako lamang ang babae sa kanyang buhay!Ngunit ito palay puno ng kasinungalingan. Pagkukunwari sa tunay niyang nararamdaman na kailan man ay hindi maaaring mapagtakpan. Umuwi siyang hindi man lamang nagawang makikipag-usap sa akin upang sanay mabigyang linaw ang namamagitan sa amin. Arawt gabi ay wala akong ibang ginawa kundi ang iwaksi siya sa aking alaala. Inaabala ko ang aking sarili sa lahat ng gawain upang hindi siya maalala at muling manariwa ang sakit at hapdi sa aking dibdib. Narinig ko na lamang na ang babae pala ay sumunod sa kanya sa kanila at nakituloy sa kanilang tahanan at hindi nagtagal sila na ay nagsama.
  • 3. Ang sakit-sakit na makarinig ka sa iba nang tungkol sa kanila..sobrang saya sa isat isa habang akoy nagdadalamhati sa pagkamuhi sa kanila. May mga pagkakataon pa ring maaalala ko siya lalo na sa tuwing maririnig naming ang aming kanta. Manunumbalik agad siya sa aking alaala. Ang masasaya naming tawanan, kulitan at pagmamahalan. Maraming pagkakataon nang sinubok naming mabigyang katugunan ang pag-ibig sa isat isa ngunit takot kami sa maaaring maging resulta. Hindi kailan man nabigyang katuparan ang nag-aalab naming pagmamahalan dahil laging nangingibabaw ang pagtitimpi at pagkontrol namin sa aming pag-iibigan. Sinabi niya pa na dadalhin daw niya ako sa dambana nang busilak pa, dalisay at walang mantsa. Ngunit di doon nagtapos ang kanilang masayang pagsasama. Lumabas ang tunay na esensiya ng buhay, buhay na hindi maganda dahil kaanlinsabay nito ang paghihirap at pagdurusa. Marahil dahil sa walang agwat nilang pagsusupling na humantong sa di pagkakaunawaan ng mag-asawa. Nagkakasakitan na sila sa isat isa at hinayaang maghiwalay na muna. Ilang taon ding di nagsama. Sa mga taong malayo sila sa isat isay ang lalaki ay gumawa ng paraan. Hinanap niya ako at sinikap na makatagpot maidugtong ang naudlot na ligaya.Ako namang walang ibang hinangad kundi siya ay agad namang nagayuma, muling nabihag ng kanyang pangakot pagsinta. Muling nanariwa sa isat isa ang pagmamahalang hindi nawala kailan man at nakabaon sa puso lamang.Binigyang laya ang mga tinimping pagnanasa na sa unang pagkakataon ay nalasap at natikman nang walang kasing sarap. Waring naabot namin ang rurok ng kaluwalhatian. Hindi ko maunawaan ang aking nararamdaman. Sa kaniyang piling ko lamang nararanasan ang labis na kaligayahan. Masaya ako at kailanman ay di sumagi sa aking isipanang pagsisisi sa kasalanang aming pinagsasaluhan. Napaiyak ako at nagtanong sa kanya kung bakit hindi namin nagawang mabigyang laya ang pag-ibig noong datiy siyay Malaya pa..kung may dapat akong pagsisisihan ay iyong hindi namin sinubukang gawin ang bagay na ninanais gawin ng magkasintahan. Disin sanay nabigyang katuparan ang aming pagmamahalan at hindi kami nagkakahiwalay. Ditoy binanggit niya na kailan man ay hindi niya ako
  • 4. nakaklilimutan. Sa bawat minuto ay may nagpapaalala sa kanya sa akin. Mapatulala daw siyat muling mananariwa sa isipan ang masayang nakaraan.Minsay napapangiti raw siyat makikita ng kanyang asawa ang kakaibang kilig niyang nadarama. Ano ba.. theme song niyo na naman iyan , ano? At agad naman daw niyang sasabihin dito na marami naman silang kanta kaya huwag na lang siyang magtanong pa. Agad namang magngingitngit ang kanyang asawa, sinabi niya pa. Maririnig lamang ng kanyang asawa ang aking pangalan ay agad nang mag-iiba ang kanyang timpla..magmamaktol na at manggagalaiti sa galit sa kanyang asawa. Ganito palagi ang eksena ng mag-asawa. Walang katahimikan sa pagitan nila. Ang minsan naming pagsasama ay muling nasundan at naulit pa. Hindi lamang miminsan kaming nagkakatagpo at pinagsasaluhan ang aming pagmamahalan. Ngunit isang araw, isang text ang aking natanggap mula sa kanya. Kalimutan ko na siya, ihinto na namin ang aming maling ginagawa. Iyon na ang huli at hindi na muling nasundan pa. Hindi ko maunawaan ang aking nararamdaman, wari may parang bombang nagbabantang sasabog sa di-kaginsa-ginsa. Muli kong nadarama ang hapdi at sakit sa aking puso. Halos hindi ako makahinga sa sobrang sikip ng aking dibdib. Iyak ako nang iyak. Ininda ko nang matindi ang aking nadarama. Ngayon pa na lubusan ko nang ipinagkatiwala ang lahat sa kanya, ngayon pang wala na akong naiwan sa sarili, sa aking dibdib. Ang sakit-sakit! Ngayon ay naging matatag na ako. Matibay na isinasaisip na kailanman ay hindi na magpapadala sa susog ng nadarama. Ang dati y pagmamahal ay nahalinhan ng poot at pagkamuhi sa kanya. Galit ako sa kanya! Naging panakip-butas lamang pala ako nang wala sa kanilang tahanan ang kanyang asawa. Ang bobo ko. Hindi ko man lamang naisip iyon. Akoy isinantabi na nang magbalik na ang asawa niya sa kanya. Ngunit matagal na iyon. Akoy nakapag-move -on na.
  • 5. Habang tinitingnan ko ang kanyang hitsura ay iba ang aking nadarama. Nawala ang poot sa aking dibdib at nahalinhan ng pagkaawa. Matindi marahil ang kanyang nararanasang problema na ikinapagmamaliw ng kanyang kakisigan at kabataan. Kung titingnan ako na tatlong taon ang tanda sa kanya ay mas bata pa ngayong tingnan kaysa sa kanya. Ate..bago siya nawalan ng ulirat kanina ay nabanggit niya sa akin ang iyong pangalan. Waring hinahanap ka niya. Hindi ko iyon sinabi kay ate , baka magalit siya sa akin. Ayaw na ayaw pa naman niyang mabanggit-banggit ang iyong pangalan sa harap nila. Kaya kita tinawagan, baka isipin mo na hindi man lamang kami nakaalala sa iyo.kahit pa man sa mga nangyayari ay meron pa rin naman tayong pinagsamahan, di ba?sabi ni Jelly bilang paliwanag. Okey lamang iyon, basta ang mahalaga ay nandito na ako at nakikita ko na siya. Ang tagal kong hinintay ang sandaling ito na magkausap kami nang harap-harapan.hindi man lamang kami nakapagpaalam sa isat isa, ang tugon ko sa kanya. Biglang umungol si Jake, waring naririnig ang aming pinag-uusapan. Bigla akong kinabahan. Agad namang napatawag ng Doctor si Jelly. Tiningnan agad ng doctor ang kalagayan ni Jake , tini-tsek pa ito sa monitor . Inilapit ko sa kanyang palad ang aking kamay at mariing hinawakan ito habang sinasabi ko sa kanyang tainga na nandito lamang ako, hindi ako umaalis. Alam kong hindi niya ako maririnig ngunit patuloy akong nagpaparamdam sa kanya sa aking presensiya. Sinasariwa ko sa kanya ang aming alaala. Minsan ay mapapatawa ako sa pagkukwento sa kanya at minsay mapapaiyak sa karanasang aming pinagdadaanan. Buong gabi akong nagbabantay sa kanya. Ngunit kinaumagahan ay agad na akong nagpaalam sa kanyang kapatid na umuwi na dahil tiyak kong darating na ang kanyang asawa. Ayokong magkita kami at baka maiskandalo pa.nagpaalam ako sa lahat pati kay Jake habang ibinubulong ko sa kanya na ako ay babalik muli upang muli kaming magkikita.
  • 6. Hindi ko napansin ang maraming missed calls at text sa aking cellphone. Pinadadali ako sa pagpapunta sa ospital . Inaatake raw si Jake. Akoy napatakbo agad sa ospital, halos liparin ko na ito para lamang agad na makarating dito.nadatnan kong nagtutulungan ang mga doctor, sinikap nilang maagapan ang kalagayan ni Jake. Nagsi- seizure siya. Hindi raw humihinto. Kaya naisip na lamang ng doctor na lapatan siya ng panghuling lunas. At kapag hindi pa rin hihinto ang kanyang seizure ay maaring maging hudyat na iyon ng kanyang katapusan. Napaiyak ako , hindi ko matanggap na hindi ko na masisilayan kailanman ang lalaking aking minamahal. Ngayon ko lamang napansin, nasa isang sulok lamang pala si Gerlie habang nakatingin sa akin. Waring blangko ang isip. Inaapuhap kung ano ang magiging reaksyon sa aming pagkikita. Ngunit iyon ay hindi na mahalaga. Ang higit na pinagtutuunan ngayon ay ang kalagayan ni Jake. Sabay naming ipinagdarasal na sanay bumuti na ang lagay ni Jake, sanay makaligtas siya sa tiyak na kapahamakan.Anuman ang mangyayari ay ipinauubaya naming itong lahat sa Kanya. Sa di-kaginsa-ginsay ipinatawag kami ng doctor. Naging maayos na raw si Jake. Sa narinig ay para kaming binuhusan ng malamig na tubig. Nanggigipuspos kaming lahat sa matinding pagod at pag-aalala. Sa unang pagkakataon ay nagkakausap kami ni Gerlie. Nagkatinginan at pinakiramdaman ang bawat isa. Alam kong nandoon pa rin ang pagseselos niya sa akin ngunit pinangingibabaw niya ang kanyang pagmamahal sa kanyang asawa. Matagal ang aming pag-uusap. Marami siyang sinabi tungkol sa kanyang asawa na sa loob ng mahabang panahon naming pagsasama bilang magkasintahan ay hindi ko pa pala alam. Hindi ko pa nga pala lubusang kilala ang pagkatao ni Jake. May mga naisalaysay ako kay Gerlie ngunit may mga bagay na di na dapat pang ipaalam sa kanya.Iyon ay sa aming dalawa na lamang ni Jake.
  • 7. Bigla kaming napalingon nang tawagin kami ni Jelly, sinabi nitong nagkamalay na si Jake kaya agad kaming pumasok sa kanyang silid, nauna si Gerlie habang nakasunod lamang ako sa kanya. Ngunit naulinigan kong iba ang kanyang hinahanap Nasaan si Jenny..si Jenny ..gusto ko siyang makita Hindi ako makapaniwala.