4. Mga Layunin:
Makikilala ang mga elemento at
anyo ng tula.
Matutukoy ang kahulugan ng tula bilang
akdang pampanitikan.
Nagagamit ang angkop na salita
sa pagbuo ng tula.
6. Isang akdang pampanitikan
Naglalarawan ng buhay
Hinango sa guni-guni
Pinararating sa ating guni-guni
Ipinahahayag sa pananlitang
may angking aliw-iw.
Layunin Blg. 2
Matutukoy ang kahulugan ng tula bilang akdang pampanitikan.
7. Paggamit ng Angkop
na Salita sa Pagsulat
ng Tula
Layunin Blg. 3
Nagagamit ang angkop na salita sa pagbuo ng tula.
8. Sa pagsulat ng anumang teksto, lalo na sa tula
napakahalagang malaman ang
angkop na gamit ng mga salita
upang mailahad nang maayos at
matagumpay ang mensaheng nais
iparating sa mga mambabasa.
9. Kung nais maging isang makata
nararapat lang na paglaanan ng
panahon ang pagpili ng tamang salita
sa bawat saknong at taludtod sa
paggawa ng isang tula.
Ang angkop na salita ay dapat na
umaayon sa nais na ipahayag na
kahulugan.
12. SUKAT
Halimbawa: isda
is / da ito ay may dalawang pantig
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng
bawat taludtod na bumubuo sa isang
saknong.
Ang pantig ay tumutukoy
sa paraan ng pagbasa.
17. Halimbawa:
Ang taong magawi / sa ligayat aliw
Mahina ang pusot / lubhang maramdamin
Tinanong ko siya / ng tungkol sa aking / mga
panaginip
Pagdakay tumugon / ang panaginip koy / Pag-ibig, Pag-
ibig!
Ang mga tulang may lalabingdalawa at
labingwalong pantig ay may sensura o hati.
Nangangahulugang saglit na paghinto ng pagbasa o
pagbigkas sa bawat ikaanim na pantig.
18. Saknong
6 linya - sestet
7 linya - septet
8 linya - octave
2 linya - couplet
3 linya - tercet
4 linya - quatrain
5 linya quintet
Ang couplets, tercets at quatrains ang madalas na
ginagamit sa mga tula.
Isang grupo sa loob ng isang tula na may
dalawa o maraming linya (taludtod).
19. TUGMA
Isa itong katangian ng tula na hindi
angkin ng mga akda sa tuluyan
Sinasabing may tugma ang tula kapag
ang huling pantig ng huling salita ng
bawat taludtod ay magkakasintunog.
Lubha itong nakagaganda sa
pagbigkas ng tula.
Ito ang nagbibigay sa tula ng
angkin nitong himig o indayog.
20. 1.Tugma sa patinig (Ganap)
Hal. Mahirap sumaya
Ang taong may sala
Hal. Kapagka ang tao
sasayay nagawi
Minsay nalilimot ang
wastong ugali
Mga Uri ng Tugma
21. Para masabing may tugma sa patinig, dapat
pare-pareho ang patinig sa loob ng isang
saknong o dalawang magkasunod o salitan.
a a a a
a b b a
a a b b
a b a b
Ilustrasyon 1
22. Sa mga salitang ang huling pantig ay may
patinig, ang magkakasintunog ay ang
sumusunod.
ab ak ad ag ap as at
ib ik id ig is it
ob ok od og op os ot
an al am ar aw ay ang
in il im ir iw ing
on ol om or oy ong
Ilustrasyon 2
23. 2. Tugma sa katinig (Di-ganap)
a. unang lipon b,k,d,g,p,s,t
Halimbawa.
Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-palad
b. ikatlong lipon l,m,n,,ng,r,w,y
Halimbawa.
Sapupo ang noo ng kaliwang kamay
Ni hindi matingnan ang sikat ng araw
24. KARIKTAN
Kailangang magtaglay ang tula ng
maririkit na salita upang masiyahan ang
mambabasa gayon din mapukaw ang
damdamin at kawilihan.
Halimbawa:
maganda marikit
mahirap - dukha o maralita
25. TALINHAGA
Magandang basahin ang tulang di
tiyakang tumutukoy sa bagay na
binabanggit. Itoy isang sangkap ng tula na
may kinalaman sa natatagong kahulugan
ng tula.
Hal: nag-agaw buhay
nagbabanat ng buto
27. 1. MALAYANG TALUDTURAN
Isang tula na isinulat nang walang
sinusunod na patakaran kung
hindi ang anUmang naisin ng
sumusulat.
Ito ay ang anyo ng tula na
ipinakilala ni Alejandro G.
Abadilla
28. 2. TRADISYONAL NA TULA
Ito ay isang anyo ng tula
na may sukat,tugma at mga
salitang may malalim na
kahulugan.
29. 3. May sukat na walang
tugma
4. Walang sukat na may
tugma
30. MGA KATUTUBONG TULA
DIONA - Ang diona ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng
pitong pantig kada taludtod, tatlong taludtod kada saknong at may
isahang
TANAGA - Ang tanaga ay isang katutubong anyo ng tula na
binubuo ng pitong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada
saknong na may isahang tugmaan.
DALIT - Ang dalit ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng
walong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong at may
isahang tugmaan