ºÝºÝߣ

ºÝºÝߣShare a Scribd company logo
Tuwaang (epikong bagobo)
Mga Tauhan:
- Tuwaang
- Bai
- Dilag na nagmula sa
kalangitan ng Buhong
- Binata ng Pangumanon
- Binata ng Pangavukad
Simulang pangyayari:
Isang araw tumanggap si Tuwaang ng balita
na may isang dilag na nagmula sa kalangitan
ng Buhong na nakarating sa kaharian ni
Batooy upang humingi ng tulong. Nagpaalam
si Tuwaang sa kapatid niyang babae na si Bai.
Ayaw mang pumayag ni Bai sapagkat ang
gagawin ni Tuwaang ay lubhang mapanganib,
hindi rin napigil si Tuwaang sa gagawin
niyang pagsaklolo.
Sumakay si Tuwaang sa kidlat. Ang
karaniwan niyang sasakyan ay
hangin.
Ngunit sa pagkakataong ito'y humingi
siya ng pasintabi sa hangin sa hindi ito
ang gamiting sasakyan sapagkat siya'y
nagmamadali.
Mahahalagang Pangyayari:
Si Tuwaang ay ang puno ng Kuaman. Isang
araw tumanggap siya ng balita na may isang
dilag na nagmula sa kalangitan ng Buhong
na nakarating sa kaharian ni Batooy upang
humingi ng tulong.
Dumaan muna si Tuwaang sa lupain ng
binata ng Pangavukad. Pumunta silang
dalawa sa lupain ng Batooy. Mula pa ng
dumating sa lupain ng Batooy ang dalagang
may lambog ng kadiliman, ni isa ay wala
siyang nais kausapin. Hinintay niya si
Tuwaang upang dito sabihin ang
kanyang malaking suliranin.
Problema:
Humingi ng tulong ang dilag na nagmula
sa kalangitan ng Buhong, ito ang sanhi ng
pagpunta ni Tuwaang sa Batooy.
Nagkagusto ang binata ng Pangumanon
sa dalaga, subalit malaki ang pagayaw ng
dalaga, gustong daanin ng binata ang
dalaga sa dahas.
Solusyon:
Naglaban sila Tuwaang at ang
binata ng Pangumanon. Walang taros
na pinagtataga ng Binata ng
Pangumanon ang tauhan ni Batooy.
Para lamang tumatabas ng puno sa isang
tubuhan at sa ilang saglit nakabulagta
nang lahat ang mga kawal at tauhan ni
BatooyNanaog si Tuwaang at nagharap
ang dalawang malakas at
makapangyarihang lalaki. Ginamit ni
Tuwaang ang kanyang kampilan.
Sa lakas ng pagtatagaan ay naputol ito.
Itinapon ni Tuwaang ang puluhan nito at
kaagad na tumulong ang punong malivutu.
Gayon din ang nangyari sa binata ng
Pangumanon. Ginamit naman ni Tuwaang
ang iba pang sandata niyang
palihuma, gayon din ang balaraw hanggang
nabali rin sa puluhan ang mga ito. At sabay
na nagtapon ng baling puluhan ang dalawa
at ito'y naging punong maunlapay. Nang
magkaubusan na sila ng mga armas,
sinunggaban ng Binata ng
Pangumanon si Tuwaang at ibig
durugin sa kanyang binti. Hindi
nasaktan si Tuwaang.
Sinunggaban naman ni Tuwaang ang
Binata ng Pangumanon at tinangkang
ihampas sa malaking bato. Nang sasayad
na ang katawan, ang bato ay naging alabok.
Tinawagan ng Binata ng Pangumanon ang
kanyang patung. Ito'y isang dangkal na
bakal na ipinulupot kay Tuwaang. Ang
patung ay bumuga ng apoy. Inunat ni
Tuwaang ang kamay at namatay ang apoy.
Tinawagan naman ni Tuwaang ang
kanyang patung at nagliyab ang binata ng
Pangumanon at namatay. Ngumanga si
Tuwaang at ibinuga ang tabug ng
nganga sa mga tauhan ni Batooy
at sila'y nabuhay na lahat.
(Wakas)
Iniuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuanan.
Pagdating nila sa Kuaman ay may ligalig na
nagaganap. Pagkatapos na magapi ni Tuwaang
ang kalaban, minabuti niyang doon na sila sa
bayan ng Katu-san manirahang lahat. Inilulan
ni Tuwaang sa sinalimba, isang ginituang
sasakyang lumilipad ang lahat niyang tauhan.
Pinasan ni Tuwaang sa magkabila niyang
balikat ang dalagang Buhong at ang
kapatid na si Bai at pumunta rin sila sa
Katu-san, ang lupaing walang
kamatayan.
(Aral ng Epiko)

More Related Content

Tuwaang (epikong bagobo)

  • 2. Mga Tauhan: - Tuwaang - Bai - Dilag na nagmula sa kalangitan ng Buhong - Binata ng Pangumanon - Binata ng Pangavukad
  • 3. Simulang pangyayari: Isang araw tumanggap si Tuwaang ng balita na may isang dilag na nagmula sa kalangitan ng Buhong na nakarating sa kaharian ni Batooy upang humingi ng tulong. Nagpaalam si Tuwaang sa kapatid niyang babae na si Bai. Ayaw mang pumayag ni Bai sapagkat ang gagawin ni Tuwaang ay lubhang mapanganib, hindi rin napigil si Tuwaang sa gagawin niyang pagsaklolo. Sumakay si Tuwaang sa kidlat. Ang karaniwan niyang sasakyan ay hangin.
  • 4. Ngunit sa pagkakataong ito'y humingi siya ng pasintabi sa hangin sa hindi ito ang gamiting sasakyan sapagkat siya'y nagmamadali.
  • 5. Mahahalagang Pangyayari: Si Tuwaang ay ang puno ng Kuaman. Isang araw tumanggap siya ng balita na may isang dilag na nagmula sa kalangitan ng Buhong na nakarating sa kaharian ni Batooy upang humingi ng tulong. Dumaan muna si Tuwaang sa lupain ng binata ng Pangavukad. Pumunta silang dalawa sa lupain ng Batooy. Mula pa ng dumating sa lupain ng Batooy ang dalagang may lambog ng kadiliman, ni isa ay wala siyang nais kausapin. Hinintay niya si Tuwaang upang dito sabihin ang kanyang malaking suliranin.
  • 6. Problema: Humingi ng tulong ang dilag na nagmula sa kalangitan ng Buhong, ito ang sanhi ng pagpunta ni Tuwaang sa Batooy. Nagkagusto ang binata ng Pangumanon sa dalaga, subalit malaki ang pagayaw ng dalaga, gustong daanin ng binata ang dalaga sa dahas.
  • 7. Solusyon: Naglaban sila Tuwaang at ang binata ng Pangumanon. Walang taros na pinagtataga ng Binata ng Pangumanon ang tauhan ni Batooy. Para lamang tumatabas ng puno sa isang tubuhan at sa ilang saglit nakabulagta nang lahat ang mga kawal at tauhan ni BatooyNanaog si Tuwaang at nagharap ang dalawang malakas at makapangyarihang lalaki. Ginamit ni Tuwaang ang kanyang kampilan.
  • 8. Sa lakas ng pagtatagaan ay naputol ito. Itinapon ni Tuwaang ang puluhan nito at kaagad na tumulong ang punong malivutu. Gayon din ang nangyari sa binata ng Pangumanon. Ginamit naman ni Tuwaang ang iba pang sandata niyang palihuma, gayon din ang balaraw hanggang nabali rin sa puluhan ang mga ito. At sabay na nagtapon ng baling puluhan ang dalawa at ito'y naging punong maunlapay. Nang magkaubusan na sila ng mga armas, sinunggaban ng Binata ng Pangumanon si Tuwaang at ibig durugin sa kanyang binti. Hindi nasaktan si Tuwaang.
  • 9. Sinunggaban naman ni Tuwaang ang Binata ng Pangumanon at tinangkang ihampas sa malaking bato. Nang sasayad na ang katawan, ang bato ay naging alabok. Tinawagan ng Binata ng Pangumanon ang kanyang patung. Ito'y isang dangkal na bakal na ipinulupot kay Tuwaang. Ang patung ay bumuga ng apoy. Inunat ni Tuwaang ang kamay at namatay ang apoy. Tinawagan naman ni Tuwaang ang kanyang patung at nagliyab ang binata ng Pangumanon at namatay. Ngumanga si Tuwaang at ibinuga ang tabug ng nganga sa mga tauhan ni Batooy at sila'y nabuhay na lahat.
  • 10. (Wakas) Iniuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuanan. Pagdating nila sa Kuaman ay may ligalig na nagaganap. Pagkatapos na magapi ni Tuwaang ang kalaban, minabuti niyang doon na sila sa bayan ng Katu-san manirahang lahat. Inilulan ni Tuwaang sa sinalimba, isang ginituang sasakyang lumilipad ang lahat niyang tauhan. Pinasan ni Tuwaang sa magkabila niyang balikat ang dalagang Buhong at ang kapatid na si Bai at pumunta rin sila sa Katu-san, ang lupaing walang kamatayan.