2. Umigting ang kumpetisyon at tunggalian sa
pagitan ng mga bansang Kanluranin. May mga
bansang Europeo, partikular ang Germany, na ninais
higitan ang ang kaunlaran at kapangyarihan ng mga
nangungunang bansang Europeo bago ang ika-20
siglo tulad ng Great Britain
Umigting ang damdaming nasyonalismo ng mga
bansang Europeo na naglayong iangat ang karanglan
ng kani-kanilang bansa sa aspektong ekonomiko,
militar at politikal
3. Dulot ng hangaring nasyonalistiko at
imperyalistiko ng mga bansang Europeo, nabuo ang mga
alyansa. Dalawang makapangyarihang alyansa ang
nabuo noong panahong ito: ang Triple Entente at Triple
Alliance.
Noong 1882, itinatag ng Germany ang Triple
Alliance kasama ang Austria-Hungary at Italy. Noong
1887, naging kasapi rin ng alyansa ang Russia. Sa pagbuo
ng Triple Alliance, nilayon ng Germany, ilalim ng
pamunuan ni Otto von Bismark, na patatagin ang
Germany at bukurin ang katunggalin France upang
maiwasan ang sagupaan sa pagitan nila…
4. Nang maging kaiser si Wilhelm II, hinayaan
niyang mawakasan ang kasunduan sa Russia, at
nagsimulang palakasin ang hukbo ng Germany
upang makamit ang ambisyong maging higit na
malakas na bansa kaysa sa Great Britain.
Ikinabahala ng Great Britain ang hakbang na ito
ng Germany dahilan upang noong 1904 a itatag nito
ang Triple Entente kasama ang France at Russia
Kalaunan, ang Triple Entente ang magiging Allied
Forces at ang Triple alliance ang magiging Central
Powers. Tunghayan sa Larawan ang mga kasaping
bansa ng Allied Forces at Central Powers.
6. Noong ika-28 ng Hunyo 1914 sa Sarajevo, kapital ng
Bosnia Herzegovina, pinaslang ang tagapagmana ng
trono ng Austria-hungary na si Archduke Franz
Ferdinand at kanyang asawang si Sophie. Ang salarin ay
si Gavrilo Princip, isang Serbian at kasapi ng Black
Hand, isang samahang naglayong palayain ang Bosnia-
Herzegovina mula sa Austria. Ang pangyayaring ito ang
nagsilbing mitsa ng Unang Digmaang Pandaigdig
8. Sa udyok ng Germany, pinanagot ng Austria ang
Serbia, Nagbigay ito ng ultimatum na nabigong
tuparin ng Serbia. Dahilan ito upang magdeklara ang
Austria ng digmaan laban sa Serbia. Bilang
paghahanda, nagpadala ang kaalyadong Russia ng
Serbia ng hukbo sa Austria at Germany. Itinuring ng
Germany ang hakbang na ito bilang isang
deklarasyon ng digmaan, dahilan upang magdeklara
ito ng pakikidigma sa Russia. Hindi na rin hinitay ng
Germany na kumilos ang kaalyadong France ng
Russia, Nagdeklara na din ito ng digmaan sa France.
9. Sa deklarasyong ng Germany ng digmaan
laban sa France at Russia, naganap ang
iniwasang sitwasyon ni Bismarck--- Naharap
ang Germany sa isang digmaan sa pagitan ng
magkabilang panig nito: France sa Kanluran at
Russia sa Silangan……….
10. MGA PANGYAYARI BAGO ANG DIGMAAN
 Hunyo 28, 1914 - Pagpaslang kay Franz
Ferdinand
 Hulyo 28, 1914 – Pagdeklara ng Austria ng
, Digmaan sa Serbia
 Agosto 1, 1914 – Pagdeklara ng Germany ng
Digmaan sa Russia
 Agosto 3, 1914 – Pagdeklara ng Germany
ng Digmaan laban sa France
 Agosto 4, 1914 – Pagdeklara ng Great Britain
ng Digmaan laban sa Germany
11. Isinagawa ng Germany ang paglusob nito gamit
ang Schkueffen Plan na inihanda ni Heneral
Alfred Grag vo Schlieffen. Sa planong ito,
unang sasalakayin ng hukbong German ang
France sa kanlurang panig ng Germany.
Pagkatapos magapi ang France, mabilis na
sasalakayin naman ng hukbong German ang
Russia.
13. Sa pananalakay sa France, pinlano ng
Germany na dumaan sa hilaga nito, sa
Belguim. Nang bigong matanggap ang
pahintulot ng Belgium, sinalakay ito ng
Germany. Ikinagalit ng Great Britain ang
pananalakay sa bansang neutral at kaalyadong
Belgium. Sa puntong iyon, lumahok na rin ang
Great Britain sa digmaan.
14.  Setyembre 5, 1914 – Battle of the Marne:
Sinalubong ng Allied Froces ang hukbong
German sa lambak ng Ilog Marne, malapit sa
Paris France.
 Setyembre 13, 1914 – Napaatras ng Allied
Forces ang hukbong German nang may 97
kilometro. Ito ang nagtakda sa pagkabigo ng
Schlieffen Plan.
 Unang bahagi ng 1915 – Trench Warfare:
Naghukay ang magkabilang kampio ng
trenches, bilang proteksiyon sa katunggaling
hukbo. Mula sa trenches, sumugod ang mga
sundalo
15.  Pebrero 1916 – Battle of Verdun. Naglaban ang
pinagsamang pwersa ng mga British at French
laban sa mga German malapit sa Verdun.
Napaatras ng mga German ang Allied Forces
nang may pitong kilometro.
 Hulyo 1916 – Naglaban amg pinagsamang
puwersa ng British at French laban sa mga
German sa lambak ng Ilog Somme. Napaatras
ng Allied Forces ang mga German nang may
walong kilometro.
16. Sa silangang prontera, sa hangganan ng
Germany at Russia, patuloy din ang naging
sagupaan sa pagitan ng Allies at Central Powers.
Noong Agosto 1914, napaatras ng hukbong
German ang mga Russian sa Battle of Tannenberg.
Sa labanang ito, nabawi ng Germany ang
silangang Prussia at nagkamit ng baril at mga
kabayo mula sa mga nagaping. Russian. Nagkamit
naman ng dalawang tagumpay ang mga Russian
laban sa mga Austrian noong Setyembre 1914. Ito
ay bago sila tuluyang nagapi ng mga Austrian
noong Disyembre 1914.
17. Sa taong 1916, humina na ang puwersa ng
Russia. Sa kahabaan ng digmaan, lumiit ang
suplay ng kagamitang pandigma at pagkain ng
bansa. Sapagkat kontrolado ng Central Powers
ang Mediterranean Sea, hindi makapagpadala
ang Allied Forces sa Tulong ng Russia.
19.  Lumaganap maging sa Asya-Pacific ang
digmaan. Sa pagkakataong ito, tuluyan nang
naging isang pandaigdigang digmaan ang
tunggalian sa pagitan ng Allied Forces at
Central Powers
 Nagsimulang salakayin ng Allied Forces,
pangunahin ng Japan, ang mga kolonya ng
Germany sa Africa at Asya. Sa panahong ito,
napasabak na rin sa digmaan ang mga
kolonyang Asyano ng mga French at British
20.  Samantala, bagama’t noong una ay nanatiling
neutral ang US sa kabila ng pagiging kaalyansa
nito ang Allied Forces, nakilahok na rin ito sa
digmaan noong ikalawa ng Abril 1917, sa utos
ni Pangulong Woodrow Wilson ng Us. Ito ay
dahil pangunahin sa dalawang pangyayari;
• Pagpapatupad ng Germany ng unrestricted submarine
warfare, kung saan pinasabog ang lahat ng sasakyang
pandagat malapit sa Great Britain; at
• Pagtuklas ng Zimmerman Note, kung saan nakasaad
na tutulungan ng Germany na mabawi ng Mexicoang
teritoryo nito mula sa US kung papanig ito sakanila
21.  PAGWAWAKAS NG DIGMAAN
Noong Marso 1918, tuluyan nang sumuko
ang Russia sa Germany. Sa pag-atras ng Russia sa
digmaan, ipinadala ng Germany ang lahat ng
lakas-militar nito sa kanlurang prontera.
Sa France. Magharap ang hukbong German
at hukbong French na pinamumunuan ni Marshal
Ferdinand Foch sa ikalawang Battle of Marne.
Sinuportahan ng bagong pangkat ng mga
bagong pangkat ng mga sundalong Amerikano
ang hukbo ni Foch sa paglusob sa Germany
23.  Unti-Unting nagapi ng Allies ang mga kasapi
ng Central Powers; Bulgaria, Imperiong
Ottoman, at ang Austria-Hungary. Sa
Germany, nag-aklas ang mga mamamayan
laban sa pamahalaan. Bumaba sa katungkulan
si Wilhelm noong ikasiyam ng Nobyembre
1918. Matapos ang dalawang araw, lumagda
ang Allies at kinatawan ng Germany ng isang
kasunduan na tuluyang nagwakas ng Unang
Digmaang Pandaigdig
24. Malaking pinsala ang idinulot ng Unang
Digmaang Pandaigdig. Kabilang dito ang
pagkasawi ng may siyam na milyong sundalo at 13
milyong sibilyan
Upang maibalik ang kapayapaan ay nagpulong
ang 32 bansa noong Enero 1919 sa tinaguriang
Paris Peace Conference. Kabilang sa lumahok ang
tinaguriang Big Four ---- Great Britain, US, Italy at
France. Ilan sa mahahalagang napagkasunduan
ang pagtatag ng League of Nations, pagpapatupad
ng mandate system, at ang paglagda ng
Kasunduan sa Versailles.
25. Itinatag noong 1920, layunin nitong magsilbing
forum para sa mga usaping internasyonal at
tagapagtaguyod ng pandaigdigang
kapayapaan. Bagama’t US ang nagpanukala ng
pagtatag ng liga, hindi ito sumapi sa pangkat
26. Sa pagpapatupad ng Allies ng mandate system,
ipinagkatiwala ang mga kolonya ng mga
German at Turk sa Africa at Kanlurang Asya sa
mga Allies hanggang sa magkaroon umano
ang mga ito ng kakayahan sa pagsasarili
27. Nilagdaan noong ika-28 ng hunyo 1919 ang
Kasunduan sa Versailles sa pagitan ng
Germany at allies. Sa naturang kasunduan,
isinisi sa Germany ang pagsisimula ng
digmaan. Mhalagang bahagi ng kasunduan
ang pagpataw sa Germany ng sumusunod na
parusa
28.  pagbabayad sa pinsala ng digmaan at gastusin
ng Allies sa digmaan;
 Paghahati ng mga teritoryo ng Germany;
 Pagkuha ng mga kolonya ng Germany bilang
mga mandato ng Allies; at
 Paglimita sa bilang ng hukbong German at
pagbabawal sa paggawa ng mga armas
pandigma.
29. Samantala, bunsod din ng Unang Digmaang
Pandaigding ang paghina at tuluyang
pagbagsak ng Imperyong Ottoman at
Imperyong Russia; at ang paglaya ng ilang
kolonya tulad ng Finland, Estonia, Latvia, at
Lithuania….