4. MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA
MESOPOTAMIA
Isa sa mga sentro ng sinaunang kabihasnan ang
rehiyong Fertile Cresent.
Kabilang sa rehiyong ito ang Phoenicia, Syria,
Palestine at Mesopotamia.
Tatlong malalaking ilog ang dumadaloy sa Fertile
Cresent: Tigris, Euphrates at Jordan.
Tatlong imperyong Sumerian, Akkadian at
Babylonian.
Naging suliranin ng Mesopotamia ang pana-
panahong pagbaha sanhi ng pag-apaw ng Tigris
at Euphrates.
6. Ang Mga Sumerian
Ang mga Sumerian ay nagtatatag ng
kabihasnan sa Timog-kanlurang Asya
noong Panahon ng Tanso. Itinuturing ito
na pinakaunang kabihasnan.
Ang kabihasnang Sumer ay isang
kabihasnang lungsod. Bawat lungsod ay
binubuo ng ilang templong pamayanan.
Ang sentro ng pamumuhay sa bawat
pamayanan ay ang Ziggurat, isang templo
na maraming palapag.
8. Ang lambak ng ilog Tigris at Euphrates ay
matabang lupa kaya mainam sa pagsasaka.
may panahon na ang ilog ay umaapaw at
upang mabigyan ng lunas ang suliraning ito
ay nagpagawa ng dike at kanal sa paligid at
ginamit ang kalendaryo upang mabatid
kung kailan aapaw ang ilog.
Sumerian
Calendar
9. Marami rin ang nangangalakal at
manggagawang may karanasan o
craftsmen ang nagkaroon ng mga
negosyo sa paligid ng Ziggurat kaya
nangailangan silang magtatag ng mga
bangko. Ang mga produktong telang
lana ay kadalasang ipinagpalit nila sa
mga kahoy at mahahalagang metal.
10. Malawak ang kalakaran at negosyo, sa
ganitong sitwasyon nabuo ang
kanilang sistema ng pagsulat na
tinatawag na cuneiform. Matulis na
metal o stylus ang kanilang gamit sa
pagsusulat sa lapidang luwad na
binilad sa araw.
12. Sila ay magsasaka at ang kanilang sandata ay yari sa tanso. Upang
maiwasan ang pinsalang dulot ng pag-apaw ng ilog Tigris at Euphrates,
nagtulungan ang mga tao at naghukay ng mga kanal ng irigasyon.
13. Ang mga Akkadian
lumikha ng kauna-
unahang imperyo
sa daigdig sa
pangunguna ni
Haring Sargon na
umabot na sa
Anatolia (Turkey)
14. Ang Imperyong Babylonia
Naitatag sa pagitan ng 2000 B.K. at 1800
itinatag ni Hammurabi ang imperyong
Babylonia at pinagyaman ni Hammurabi
ang kultura ng mga Sumerian.
Pinanatili ang kapangyarihan ng mga
paring-pinuno. Ginawa niyang punong
diyos ng Mesopotamia si Marduk, ang
diyos ng Babylon.
16. Ang mga Hittite
Ipinalagay na buhat sa tribong Indo-
Europeo ang mga Hittite.
Sila ay dumayo sa Asya Minor at
nagtatag ng ilang malayang lungsod,
isang malakas na pinuno ang
sumakop sa mga lungsod at itinatag
ang kapital sa Hattushah.
18. Ang mga Assyrian
Noong 900 B.K., ang hukbo ng mga
Assyrian ang pinakamalakas sa
Mesopotamia at noong 700 B.K.,
itinatag ni Haring Sargon II ang
pinakamalakas na imperyo ng
sinaunang panahon. Sakop ng
imperyo ang buong Fertile Crescent
at Ehipto.
21. Ang mga Chaldean
Nagmula sa angkan ng mga Babylon ang
mga Chaldean. Noong 612, natalo nila
ang mga Assyrian at sinira ang Nineveh,
ang kapital ng Syria. Sumikat ang mga
Chaldean sa pamumuno ni
Nebuchadnezzar. Sinakop nila ang Syria,
Palestine at Ehipto. Simula noon hindi
na bumalik ang mga Assyrian
23. Ang mga Persiano
Nagmula sa kabundukan ng Iran sa gawing
silangan ng Mesopotamia ang mga Persiano
noong 550 B.K., sumikat si Cyrus.
Sinakop niya ang mga kalapit na lupain
kabilang ang Babylonia.
Mabait na pinuno si Cyrus, maunawain siya
hindi tulad ng mga Assyrian.
Nang mamatay siya naging hari si Darius. Si
Darius ang itinuturing pinakadakilang hari ng
mga Persiano.
24. DariusCyrus the Great
Pumalit kay Cyrus the Great at
kinilala bilang pinakadakilang
emperor ng Imperyong Persia.
Nagtatag ng
Imperyong
Persiano
26. Ang mga Phoenician
mga tribong Semitic na sumikat sa baybayin ng Dagat
Mediterranean
Hindi mataba ang mga lupain ng Phoenicia kaya hindi
naging magsasaka ang mga tao kundi mangangalakal
Ang lungsod ng Tyre, Sidon at Byblos ay naging sentro
ng kalakalan sa Mediterranean. Sumikat ang
Carthage sa Hilagang Aprika at ang Cadiz sa Espanya.
Maunlad ang kalakalan ng Phoenician at nagluluwas
sila ng kahoy na cedar sa Babylonia at Ehipto at mula
sa Ehipto at Mesopotamia dala-dala ng kanilang
barko ang kalakal patungong kanlurang Europa.
29. Ang mga Hebreo
Mga karaniwang gumagalang pastol sa disyerto ng
Arabia ang mga Hebreo at narating nila ang Canaan
sa pagitan ng 1400 B.K. at 1300 BK.
Salat sa matabang lupa, pinagkukunang-yaman at
likas na daungan ang pook. Kung panahon ng tag-
lamig, malakas ang ulan mula sa Dagat
Mediterranean.
Kung panahong tag-init naman, natatabunan ng
makapal na alikabok ang lupa galing sa disyerto.
Sa gawing hilaga ito ay natutubigan ng Ilog Jordan.