1. Inihanda nina: Ginoong Esmael R. Navarro at Gng. Helen O. Navarro
MATAAS NA PAMBANSANG PAARALAN NG BARUCBOC
Quezon, Isabela
Talahanayang Espisipikasyon ng Filipino IX
(Unang Markahan)
Kasanayang
Pampagkatuto
Bilang
ng
Araw
Bilang
ng
Aytem
Pag-
alala
15%(8)
Pag-
unawa
25% (12)
Paglalapat
30% (15)
Pagganap/
Paglikha
30%(15)
1. Nasusuri ang paksa,
tauhan, at hudyat ng
pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari sa
akda.
6 10 1-2
(2)
9-10
(2)
21-23
(3)
36-38
(3)
2. Natutukoy ang
tunggalian (at kung
anong uri nito) sa
nobela at nakikilala
ang mga pahayag na
nagbibigay-opinyon.
6 10 3-4
(2)
11-12
(2)
24-26
(3)
39-41
(3)
3. Natutukoy ang mga
paksa ng tula at ibat
ibang paraan ng
pagpapahayag ng
emosyon o damdamin
6 10 5-6
(2)
13-14
(2)
27-29
(3)
42-44
(3)
4. Natutukoy ang
kahulugan at
pangangailangan sa
pangangatwiran;
Natutukoy ang mga
pang-ugnay at mga
pagpapahayag na
ginagamit sa
pagbibigay ng sariling
pananaw.
6 10 7
(1)
15-17
(3)
30-32
(3)
45-47
(3)
5. Natutukoy ang
tauhan bilang elemento
ng akdang pasalaysay,
gayundin ang mga
ekpresyong
nagpapahayag ng
katotohanan o opinyon
6 10 8
(1)
18-20
(3)
33-35
(3)
48-50
(3)
30 8 12 15 15
Inihanda nina:
ESMAEL R. NAVARRO HELEN O. NAVARRO
Guro-Filipino Guro-Filipino
2. Inihanda nina: Ginoong Esmael R. Navarro at Gng. Helen O. Navarro
Barucboc National High School
Quezon, Isabela
Unang Markahang Pagsusulit sa Filipino IX
PAMIMILI. Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
bawat bilang. Sundin ang Panuto.
Kaalaman
1. Ito ang tawag sa maayos o masinop na daloy ng magkakaugnay na pangyayari sa mga akdang
tuluyan tulad ng maikling kuwento, anekdota, mito, alamat, at nobela;
a. buod b. daloy c. banghay d. balangkas
2. Ito ang kuwentong nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari.
a. katatawanan b. pag-ibig c. makabanghay d. tauhan
3. akdang nagtataglay ng maraming ligaw na tagpo;
a.dula b. nobela c. maikling kuwento d. sanaysay
4. Ang tunggaliang nagaganap sa isang tao laban sa kanyang sarili ay tinatawag na;
a. pisikal b. panlipunan c. panloob d. panlabas
5. Taglay ng tula na hindi makikita sa ibang akda
a. aral b. indayog at aliw-iw c. damdamin d. paksa
6. Ano ang hindi totoo tungkol sa tula?
a. Itoy isang akdang pampanitikan na naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni, at
ipinararating sa ating damdamin.
b. Itoy nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita, pagbilang ng mga pantig, at
paggamit ng magkakatugmang salita
c. Itoy isang mabisang pagpapahayag ng mga kaisipan, damdamin, imahinasyon, at mithiin sa
buhay.
d. Lahat ng manunulat ng tula ay tinatawag na makata.
7. Ang kabutihang naidudulot ng kahusayan o kaalaman sa pangangatwiran ay;
a. nagkakaroon ka ng karapatan para ipagtanggol ang iyong sarili.
b. nagiging epektibo ang iyong pamamaraan sa pagpapaigpaw ng katotohanan at ilantad ang
kamalian.
c. katatakutan ka sa mga pagtatalong pasalita
d. magkakaroon ka ng maraming kaalaman na magagamit mo sa iyong pag-aaral
8. Ang isang pahayag ay katotohanan kung;
a. ipinagtatanggol ang karapatan ng nakararami
b. sinusupurtahan ng datos, pag-aaral, pananaliksik at suportang impormasyon
c. ginagamit ang pariralang puwedeng ang mga pangyayari
d. malinaw na naipahahayag
9. Bahagi ng balangkas na nagpapakita sa pinakamasidhing parte ng kuwento na kung saan
haharapin ng pangunahing tauhan ang kanyang suliranin.
a. Panimulang pangyayari c. Papataas na pangyayari
b. Kasukdulan d. Resolusyon/wakas
10. Ang mga pang-uring pamilang na panunuran o ordinal ay ginagamit sa;
a. pagkakasunod-sunod ng mga pangngalan
b. pagkakasunod-sunod ng mga proseso
c. pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
3. Inihanda nina: Ginoong Esmael R. Navarro at Gng. Helen O. Navarro
d. pagkakasunod-sunod ng mga paraan
11. Mahigpit na ipinagbilin ng iyong guro na kinakailangan mong magrepaso nang mabuti para
pumasa ka at matuwa ang iyong mga magulang. Dahil sa di inaasahang pangyayari nakaligtaan
mong magbasa. Katabi mo ang pinakamagaling sa inyong klase, wala kang ibang maisip gawin
maliban sa mangopya. Anong uri ng tunggalian ang naganap.
a. pisikal b. panlipunan c. sikolohikal d. panlabas
12. Madalas nakikipagsapalaran ang isang magsasaka walang katiyakan kung kailan uulan
para sa pagtatanim, walang katiyakan kung kailan titila ang ulan upang makapagbilad ng inani.
Ang ganitong pakikipagtunggali ng magsasaka ay tinatawag na
a. pisikal b. panlipunan c. sikolohikal d. panloob
13. Taglay ng tulang ito ang paksa tungkol sa buhay sa kabukiran at sa kagandahang-asal ng
mga magsasaka.
a. kababalaghan b. pag-ibig c. katatawanan d. pastoral
14. Hindi ako natutuwa sa mga nangyayari. Batay sa mga nakita ko walang dahilan para manisi.
Sapagkat ang taoy may sariling kalayaan para pumili at magpasya. Anong damdamin ang
nangingibabaw sa pahayag?
a. kasiyahan b. pag-ayaw c. pagkainis d. pagtataka
15. Piliin ang tamang pang-ugnay na hudyat sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari.
________________ ay masayang ihain ang masarap na Indonesian Sate sa mesa upang masayang
pagsaluhan ng pamilya.
a. Sa wakas b. sumunod c. Sa simula d. Pagkatapos
16. Pangatnig: Ikaw o ako ; pang-angkop:_______________
a. tanda ng kahusayan c. maanghang, matamis, at mapait
b. tumalon nang tumalon d. sakit sa katawan
17. Ang tao ang gumagawa ng kanyang kapalaran samakatuwid wala siyang dahilan para isisi
sa iba ang kanyang sasapitin. Ang salitang nakapahilis ay;
a. pangatnig b. pang-ukol c. pang-angkop d. pang-abay
para sa bilang 18-19
Napatigagal si Padre Damaso, hindi dahil sa magagandang dalaga. Hindi rin dahil sa
Kapitan-Heneral at sa mgaalalay nito,kundi sa pagpasok ni Kapitan Tiago na hawak pa sa kamay
ang isang nakaluksang binata.
Humalik ng kamay si Kapitan Tiago sa dalawang pari at magalang na bumati. Magandang
gabi po sa inyo, mgaginoo.Inalis ng pareng Dominikano ang suotna salaminat sinipat angbinata.
Namumutla naman at nanlalaki ang mga mata ni Padre Damaso.
Siya po si Don Crisostomo Ibarra, anak ng namatay kong kaibigan, Pagpapakilala ni
Kapitan Tiago. Kararating lamang niya mula sa Europa, at sinalubong ko siya.
Hindi naikaila ang paghanga ng mga panauhin nang marinig ang pangalan ng binata.
Nakalimutan tuloy ni tenyente Guevarra ng guardiacivilna batiin si Kapitan Tiago. Nilapitanniya
ang nakaluksang binata at sinipat mula ulo hanggang paa. Si Ibarray mataas kaysa karaniwan,
malusog,mukhang edukado. Magiliw ang kanyang mukha at kasiya-siyang kumilos. Kababakasan
iyon ng lahing kastila. Kayumanggi ang kanyang balat ngunit mamula-mula ang kanyang pisngi.
A! may pagtataka ngunit masayang bati ni Ibarra. Sila ang kura sa aking bayan. Matalik
na kaibigan ng aking ama si Padre Damaso!
Nalipat ang tingin ng lahat kay Padre Damaso.
Hindi ka nagkamali! agaw ng prayle. Pero, kailanman ay hindi ko naging kaibigang
matalik ang iyong ama.
4. Inihanda nina: Ginoong Esmael R. Navarro at Gng. Helen O. Navarro
Iniurong ni Ibarra ang iniabot niyang kamay sa pari. Nagtatakang tinitigan ang kausap.
Tumalikod upang harapin ang pormal na anyo ng tenyenteng nakatingin sa kanya.
Hango sa Noli ni JPR
18. Ang sumusunod ay posibleng opinyon mula sa seleksiyon, maliban sa;
a. Si Padre Damaso ang katunggaling tauhan
b. Si Ibarra ang pangunahing tauhan
c. Si Ibarra ay tauhang bilog
d. Batay sa nobela, si Padre Damaso ay tiwaling pari.
19. Ano ang mahihinuha sa huling dalawang talata ng seleksiyon?
a. Magkalabang mortal si Ibarra at Padre Damaso
b. Si Ibarra ay matampuhin
c. Matigas ang loob ni Padre Damaso.
d. May namumuong hindi maganda sa pagitan nina Padre Damaso at Ibarra.
20. Anong pahayag ang maituturing na makatotohanan?
a. Ayon kay Dr. Jose P. Rizal Ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan.
b. Sa ganang akin ang winika ni Dr. Jose P. Rizal na Ang kabataan ang pag-asa ng bayan ay
mali.
c. Baka hindi hinuli at ikinulong si Dr. Jose P. Rizal kung hindi niya isinulat ang kanyang mga
nobelang Nole at Fili
d. Marahil ang mga pangyayari ngayon ay naiwasan kung naagapan ang sigalot.
21. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa ibaba batay sa Alamat ng Padaythabin.
1. kayat dumating ang panahong inabuso ng mga tao ang mahiwagang puno
2. mistulang nasa paraiso ang mga tao noon dahil walang suliranin ang mga mamamayan
3. ngunit nakilala ng mga tao ang kasakiman sa buhay
4. noong unang panahon, lahat ng pangangailangan ng mga tao ay nakukuha sa puno ng
Padaythabin.
5. Sahuli ay tuluyan na itong naglaho at hindi nakita pa ng mga tao
a. 4, 2, 3, 5, 1 b. 4, 2, 3, 1, 5 c. 4, 3, 2, 1, 5 d. 4, 3, 2, 5, 1
22. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod nina Jake, Boy, Anne, at Luke?
a. Una si Jake, ikalawa si Boy, kasunod si Anne, at panghuli si Luke
b. Una si Jake, pangalawa si Boy, pangatlo si Anne, at panghuli si Luke
c. Pang-una si Jake, ikalawa si Boy, ikatlo si Anne, at ikaapat si Luke
d. Una si Jake, pangalawa si Boy, pangatlo si Anne, at pang-apat si Luke
23. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pagluluto?
1. Ihain ang bago at mainit-init na nilutong ulam.
2. Una, piliin ang sariwang karne ng baboy.
3. Hiwain ito batay sa planong luto.
4. Lutuin ito kasama ng mga kinakailangang sangkap.
5. Dagdagan ng asin at iba pang pampalasa upang makuha ang tamang timpla
a. 1, 2, 3, 4, 5 b. 2, 3, 5, 4, 1 c. 2, 3, 4, 5, 1 d. 2, 4, 3, 5, 1
24. Magiliw o hospitable ang mga Pilipino sa mga panauhin maging sila man ay kamag-anak,
kaibigan, kakilala, o dayuhan. Kapag may pagdiriwang o pagtitipon sa tahanan ay sinisikap
nilang masiyahan ang lahat. Lubos nating pinahahalagahan ang pagdalaw ng mga panauhin sa
ating tahanan. Alin sa sumusunod ang nagpapahiwatig ng matatag na opinyon?
a. Sa tingin ko positibo ang ganitong katangian ng mga Pilipino subalit sa kabilang banda may
dulot din itong hindi maganda.
b. Labis ko itong pinaniniwalaan
5. Inihanda nina: Ginoong Esmael R. Navarro at Gng. Helen O. Navarro
c. Labis akong naninindigan na ang ganitong kultura ng mga Pilipino ay dapat na ipagmalaki.
d. Sa aking pagsusuri, ang ganitong pag-uugali ay unti-unti nang kinakain ng teknolohiya
25. Sadyang mahigpit ang pagkakabigkis ng pamilyang Pilipino. Masasalamin ito sa kanilang
pagpapahalaga bilang magkakasama sa hirap man o ginhawa. Madalas sa isang tahanan ay
kasama ng mag-asawa at ng kanilang mga anak ang ilang kamag-anak tulad ng kapatid, tiya,
tiyo, lolo, lola, at iba pa. Hindi nila basta pinababayaan ang kanilang mga kamag-anak na walang
matutuluyan. Alin sa sumusunod ang maituturing na neutral na opiyon?
a. para sa akin, iba na ang bagong henerasyon, kanya-kanya na sa oras ng kainan, may nagpi-
facebook, may nagse-cellphone at kung ano-ano pa.
b. huwag na tayong umasa pa na magtatagal pa ang kaugaliang ito.
c. Buong igting kong sinusuportahan ang ganitong pamana ng ating mga ninuno, at ito ay
makikita sa pamilyang sama-sama at masayang nagsisimba tuwing Linggo.
d. nakikita pa rin ba hanggang sa kasalukuyan ang ganitong kaugalian?
26. Alin sa sumusunod na pangungusap ang hindi nagpapahayag ng opinyon?
a. A, basta naniniwala ako sa sinabi mo.
b. Labis akong naninindigan sa sinabi ng Bibliya tungkol sa pagpapalaki ng anak.
c. Kumbinsido akong lalaking mabubuting bata ang may tamang paggabay ng magulang.
d. Sa tingin ko ay dapat din nating isaalang-alang ang mga turo sa Koran tungkol sa tamang
pagpapalaki sa anak.
27. Tulang Makabayan; Buhay ay handang ialay, Makita ko lang ang iyong kalayaan
Tulang Pangkalikasan; Ang aking plumay umaagos na tulad ng ilog
Tula ng Pag-ibig; ang puso koy natutong umawit, mula nang ikaw ay ibigay ng langit
Tulang Pastoral: ___________________
a. Sa pagpalahaw ng makinang nagluluwal ng de-lata
b. sa pagsipol ni Juan sa gitna ng kabukiran
c. sa iyong pagpanaw ang mundo ko ay nagunaw
d. masaya ako sapagkat ang pag-ibig moy natamo
para sa bilang 28-29
Matamis mabuhay sa sariling bayan
Na pinagpapala ng init ng araw
Ang mahinhing simoy na galing sa parang
Pagsintay matimyas maging kamatayan
Bahagi ng Awit ni Maria Clara ni JPR
28. Ang paksa ng taludturan;
a. pagkamakabayan b. pastoral c. pag-ibig d. kalikasan
29. Alin ang halimbawa ng pangungusap na padamdam ang maaaring nakabatay sa tula?
a. Akoy nasaktan sa iyong sinabi!
b. Malupit ang buhay sa mundo!
c. Grabeh!
d. Sana kunin ka na ni Lord!
Para sa bilang 30-32
Ang mga Pilipino ay kilalang matatag at matapang, hindi sumusuko, hindi umaayaw gaano
man kabigat ang suliraning pinapasan. Ang ganitong katangian ay muling namalas noong ika-
23 ng Hulyo taong kasalukuyan matapos ihayag ng Pangulong Duterte ang kanyang ikatlong
SONA.
Sa kabila ng mga magaganda niyang nagawa, siyay pinutakti sa kaliwat kanan. Naglipana
ang napakaraming paninisi dumarami di umano ang mga walang trabaho, dumarami ang
6. Inihanda nina: Ginoong Esmael R. Navarro at Gng. Helen O. Navarro
naghihirap. Ang pangulo ba ng nag-utos na sige mag-asawa kayo at mag-anak ng marami at
ako ang magpapakain? Ang pangulo ba ang nagsabing Sige huwag ka nang mag-aral at
ihahanap kita ng trabaho? Nakapagtataka kung saan ba nagmumula ang ganitong mga kaisipan
ng mga Pilipino. Halos duruin ang pangulo dahil sa mga patayang nagaganap na kinasasangkutan
ng mga tulak ng ipinagbabawal na gamot. Maraming sumisigaw ng katurungan para sa mga
napatay na salot sa lipunan.
Ang nakapagtataka bakit walang Human Rights (CHR) kapag nagahasa at napatay ang
isang walang kamalay-malay na sanggol? Bakit walang Human Rights kapag ang napatay ay
isang alagad ng batas o ordinaryong mamamayan?
Hindi ba mas magandang sa halip na pumarada sa EDSA at magsusumigaw, humanap ng
mga bagay na maaaring pagkakitaan? Hindi ba mas mahalagang ipamudmod sa mga
nangangailangan ang perang ginugol sa mga kagamitang gagamitin sa pagwewelga?
Mr. Blue Heart
31. Ang katwirang nangibabaw sa seleksiyon ay malinaw at matibay. Ang pahayag ay;
a. Tama, dahil nailahad ang mga batayan na nagpapatunay sa katuwiran.
b. Tama, nakuha nito ang loob ng mambabasa at malinaw ang ideang tinataglay.
c. Mali, mabisa nga ang pagkakagamit ng mga salita ngunit walang batayan ang mga katwiran.
d. Mali, Malabo ang katwiran, magulo ang idea, at higit sa lahat walang batayan
32. Ano ang ginamit na sanggunian ng may-akda sa kanyang katwiran?
a. Ang sariling karanasan b. mass media c. walking dictionary d. wala
Pagganap/Paglikha
Para sa bilang 36-38
Ibig na ibig kong makakilala ng isang babaeng moderno, iyong babaeng malaya,
nakapagmamalakit makaaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masiglat
maagap na hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at sigasig, pinagsisiskapan hindi lamang ang
sariling kapakanan kundi maging ang kabutihan ng buong sangkatauhan.
Bahagi ng Liham para kay Estella Zeehandelar
Mula sa Indonesia
Salin ni Ruth S. Mabanglo
36. Ito ang layunin ng talata;
a. mangatwiran b. magsalaysay c. maglarawan d. maglahad
37. Magbigay ng sariling interpretasyon sa pahiwatig na may salungguhit sa talata.
a. sumasabay sa daloy ng panahon
b. matapang na hinaharap ang mga pagbabago
c. binubuno ang mga pagsubok na kinakaharap
d. pilit na lumalaban sa kabila ng karamdaman
38. Ibigay ang kahulugan ng salita batay sa denotatibo at konotatibong kahulugan
1. Ang kababaihan sa ngayon ay mabulaklak ang dila (konotasyon)
2. maraming magagandang bulaklak sa ating lipunan ngayon (konotasyon)
3. mabango ang mga bulaklak sa hardin (denotasyon)
a. 1. amoy bulaklak; 2. halaman; 3. dalaga
b. 1. bolero/a; 2. babae; 3. Halaman
c. 1. Mabango ang hininga; 2. Babae; 3. Halaman
d. 1. Bolero/a; 2. Halaman; 3. Dalaga
39. 1)Bilang isang mamamayang kabilang sa Asya, tungkulin ko itong ipagtanggol sa alinmang
uri ng karahasan. 2)Totoong ako ay wala pang sapat na kakayahan o lakas para gawin ito ngunit
7. Inihanda nina: Ginoong Esmael R. Navarro at Gng. Helen O. Navarro
natitiyak kong ito ay aking magagawa kahit sa simpleng paraan lamang. 3)Mag-aral nang
mabuti, pahalagahan ang kulturang kinagisnan, pangalagaan ang lupang tinubuan at iba pa. 4)Sa
palagay ko kaya nating gawin ang bagay na ito. Anong pangungusap ang nagsasaad ng opinyon?
a. 1 b. 2 c. 3 d. 4
para sa bilang 40-42
Sa tabi ng kanyang ina natulog si Basilio. Nakararamdam siya ng magkahalong lamig at
init. Pilit na ipinikit ang mga mata ngunit para pa rin niyang nakikita ang kapatid na naiwan sa
kombento. Hindi nagtagal at inantok din siya hanggang sa tuluyang makatulog.
Nanaginip ng masama si Basilio. Nakita niyang nag-uusap ang kura at sakristan mayor
sa salitang hindi niya maintindihan. Palinga-linga naman ang luhaang si Crispin. Hinarap ito ng
kura at binarahan ng sunod-sunod na palo. Dahil sa sakit ay nanlaban si Crispin. Nanipa.
Sumigaw. Nabuwal sa kasasangga ng dumurugong mga kamay. Dala marahil ng labis na hirap
ay napilitang sugurin ni Crispin ang kura at kinagat sa kamay. Napasigaw ang kura at nabitiwan
ang pamalong yantok. Nakakuha ng baston ang sacristan mayor at pinalo sa ulo ang bata.
Nakabulagta na ang sugatang si Crispin ay pinagsisipa ng kura. Sigaw nang sigaw at pagulong-
gulong si Crispin!
Bahagi ng Kabanata 17 ng Noli ni JPR
40. Sa unang talata anong tunggalian ang nangibabaw?
a. pisikal b. panlipunan c. panloob d. panlabas
41. Anong opinyon ang nagpapahiwatig sa sinapit ni Crispin?
a. Totoong napakalupit ng mga dayuhan.
b. ikasasawi ng buhay ni Crispin ang ganoong sinapit
c. Dapat parusahan nang mabigat ang mga taong nagdudulot ng sakit sa kanyang kapwa tao.
d. Sa tingin ko, ikakamatay ni Crispin ang ganoong sinapit sa Sakristan Mayor
Para sa bilang 42-44
Magulang, ang anak upang dumakilay
Huwag palayawin mula pagkabata,
Pagkat ang lumaking sa layaw alaga
Ay halamang hindi magbubungang kusa.
Anak, magulang moy hindi bathalang
Ang bawat ibigay ay isang biyaya;
Ang maling paglingap niyay walang pala
Kung hindi ka mandin malunos sa luha.
- Bahagi ng Tulang Pagsisisi ng Isangg Bilanggo ni Cirio H. Panganiban
42. Ano ang paksa ng taludturan?
a. Pagkamakabayan c. pag-ibig
b. kalikasan d. pastoral
43. Sa pangungusap na Ang halamang hindi magbubunga ng kusa ay napalaki sa layaw ng
kanyang mga magulang ano ang kahulugan ng may salungguhit sa pahayag.
a. pananim b. anak c. magulang d. alaga
44. Batay sa binasa mong saknong, paano nga ba dapat hubugin ang anak upang lumaki siyang
maayos at maging mabuting mamamayan?
a. ilaan ang lahat ng gusto niya upang maramdaman niyang siya ay mahalaga
b. ipagtanggol siya lahat ng pagkakataon
c. ituwid ang mga kamalian niya simula pa pagkabata
d. dapat siyang parusahan sa kahit anomang paraan
8. Inihanda nina: Ginoong Esmael R. Navarro at Gng. Helen O. Navarro
para sa bilang 45-50. Sumulat ng isang dagli tungkol sa paksang Ano ang mas mahalagang
taglayin ng tao, katalinuhan o kayamanan?
3 2 1
Paglalahad ng
katwiran
Nailalahad nang
malinaw at
makatotohanan ang
katwiran
May 1 bahagi sa
katwiran na walang
basehan
Malabo ang katwiran
dahil walang basehan
Pagkakayos ng dagli Maayos ang
pagkasunod-sunod
ng mga bahagi ng
dagli
May bahaging wala
sa angkop na
puwesto
Magulo ang
pagkakasunod-sunod
ng mga bahagi ng
dagli
Kabuoan