2. PASSIV
o marginal na pakikinig.
Ang pakikinig na ito ay pakikinig
na ang pinakikinggan ay di
gaanong napagtutuunan ng
pansin dahil sa ibang gawain
kayang isinasakatuparan kasabay
ng gawaing pakikinig.
3. ATENTIV
Pakikinig ng taimtim at puno ng
konsentrasyon ang uring ito ng
pakikinig. Ginagawa ang pakikinig
na ito kung ang layunin ng
tagpakinig ay makakuha ng
kawastuan ng pagkaunawa sa
isyu, mensahe o anumang bagay
na pinakikinggan.
4. PAKIKINIG NA ANALITIKAL
O pahusgang pakikinig. Layunin
ng pakikinig na ito ang magbigay
ng reaksyon sa napakinggan,
magtaya o mag-evalweyt kung
sapat, valid, mahalaga at karapat-
dapat ang napakinggan.