ºÝºÝߣ

ºÝºÝߣShare a Scribd company logo
URI NG PONEMA
MGA PONEMANG SEGMENTAL
PONEMANG SEGMENTAL
Ang ponemang segmental ay pag-aaral sa mga tunog
na may katumbas na titik o letra para mabasa o mabigkas.
Binubuo ito ng mga patinig, katinig, klaster, diptonggo, atbp.
1. PONEMANG KATINIG
Ang mga ponemang katinig ay inayos sa dalawang
artikulasyon – ang paraan at punto ng artikulasyon.
PARAAN NG ARTIKULASYON
Ang paraan ng artikulasyon ay naglalarawan kung
paano pinatutunog ang mga ponemang katinig sa ating bibig.
PANLABI
Ang mga ponemang /p/, /b/, at /m/ ay binibigkas sa
pamamagitan ng pagdiit ng ibabang labi sa itaas na labi.
PANLABI-PANGNGIPIN
Ang mga ponemang /f/ at /v/ ay binibigkas sa
pamamagitan ng pagdidiit ng labi sa mga ngipin sa itaas.
PANGNGIPIN
Ang mga ponemang /t/, /d/, at /n/ ay binibigkas sa
pamamagitan ng pagdidiit ng dila sa likuran ng mga ngipin sa
itaas.
PANGGILAGID
Ang mga ponemang /s/, /z/, /l/, at /r/ ay binibigkas
sa ibabaw ng dulong dila na dumidiit sa punonog gilagid.
PANGNGALANGALA
Ang mga ponemang /ñ/ at /y/ ay binibigkas sa punong
dila at dumidiit sa matigas na bahagi ng ngalangala.
PANLALAMUNAN
Ang mga ponemang /k/, /g/, /j/, at /w/ ay binibigkas
sa pamamagitan ng ibaba ng punong dila na dumidiit sa
malambot na ngalangala.
GLOTTAL
Ang mga ponemang /Ê”/ at /h/ ay binibigkas sa
pamamagitan ng pagdidiit at pagharang ng presyon ng
papalabas na hininga upang lumikha ng glottal na tunog
PUNTO NG ARTIKULASYON
Ang punto ng artikulasyon ay nagsasabi kung saang
bahagi ng bibig ang ginagamit upang makalusot ang hangin sa
pagbigkas ng isang ponema.
PASARA
Ang mga katinig na binibigkas ng pasarang walang tinig
at may tinig ay /p, b, t, d, k, g, Ê”/.
PAILONG
Ito ay binibigkas sa paraang dumadaan sa ilong ang
tunog kapag binibigkas. Ang mga katinig na binibigkas nang
pailong ay /m, n/.
PASUTSOT
Ang mga katinig na pasutsot ay /s, h/.
PAGILID
Ang katinig na pagilid ay /l/.
PAKATAL
Ang katinig na pakatal ay /r/.
MALAPATINIG
Ang mga katinig na malapatinig ay /w/ at /y/.
Paraan
ng
Artikulasyon
Punto ng Artikulasyon
PANLABI PANLABI -
PANGNGIPIN
PANGNGIPIN PANGGILAGID PANGGILAGID
PANGNGALANG
ALA
PANGNGALA-
NGALA
PANGLALA-
MUNAN
IMPIT /
GLOTTAL
PASARA p
b
t
d
k
g
Ê”
PASUTSOT (f)
(v)
s
(z)
h
PAILONG m n
APRIKATIBO (i)
PANGGILID l
PAKATAL r
MALAPATINIG y w
2. PONEMANG PATINIG
Ang mga ponemang patinig ay binibigkas sa ating dila na binubuo
ng harap, sentral, gitna at likod na bahagi. Ang mga bahagi ng dila ang
siyang gumagana sa pagbigkas ng mga patinig na binibigkas ng mataas,
gitna at mababa ayon sa posisyon ng pagbigkas. Ang /a, e, i, o, u/
AYOS NG DILA
BAHAGI NG DILA
HARAP SENTRAL LIKOD
MATAAS i u
GITNA e o
MABABA a

More Related Content

URI NG PONEMA