5. 1)Piksyon (Ingles: fiction)
- Ginagamit ng mga manunulat ang kanilang imahinasyon para
sa pagsulat ng mga akdang bungang-isip lamang.
- Nag-iimbento sila ng mga kathang-isip na mga tauhan,
pangyayari,sabunutan, sakuna, at pook na pinangyarihan ng
kuwento para sa kanilang mga prosang katulad ng mga Budang at
maikling kuwento.[
Mga uri ng panitikan
6. 2) Di Piksyon (Ingles: non-fiction)
-mga babasahing bumabatay ang may-akda sa mga tunay na balita at
iba pang kaganapan, ayon sa kaniyang mga kaalaman hinggil sa paksa.
-Pinipilit dito ng manunulat na maging tumpak sa mga detalye ng mga
pangyayari. Hindi gawa-gawa lamang ang nakakaingganyong kuwento.
Halimbawa:
talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay, at mga akdang pang-
kasaysayan.
Mga uri ng panitikan
7. 2 Anyo ng Panitikan
1) Tuluyan
2)Patula
1) Tuluyan
-maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng
pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o
pagpapahayag.
Halimbawa:
Anekdota Talambuhay Alamat
Nobela Talumpati Sanaysay
Pabula Balita
Parabula Kwentong bayan
Maikling kwento Salawikain
Dula Kasabihan
8. -pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang ng
pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma at nagpapahayag din ng mga salitang
binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod
sa isang saknong.
Halimbawa:
Awit at Korido Salawikain
Epiko Bugtong
Balada Kantahin
Sawikain Tanaga
Tula
Patula
11. -ay isang pagbabagong-hugis ng buhay.
-isang paglalarawan ng buhay na hinango sa
guniguni na pinararating sa ating damdamin at
ipinahahayag sa pananalitang nag-aangkin ng tumpak
na aliw-iw at lalong mainam sa mga sukat at tugma.
(Alejandro at Pineda)
Tula
12. Uri ng Tula
1. Tulang Liriko.
-Itinatampok dito ng makata ang kanyang sariling damdamin at
pagninilay at hindi gaano ang mga panlabas na pangyayari at tagpo sa
buhay o ang kalagayang kinaroroonan.
Ang mga uri nito ay ang mga sumusunod:
a. Awit Ang karaniwang paksa nito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o
pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan.
13. b. Soneto Ito ay tulang may 14 na taludtod, hinggil sa
damdamin at kaisipan, may malimaw na kabatiran sa likas na
pagkatao.
c. Oda Ito ay nagpapahayag ng isang papuri ng isang
panaghoy o ng iba pang masiglang damdamin, walang tiyak
na bilang ng pantig o taludtod sa isang saknong.
14. d. Elehiya Nagpapahayag ito ng damdamin o guniguni
tungkol sa kamatayan o kayay tula ng pananangis
lalo na sa paggunita sa isang yumao.
Ang halimbawa ay tula ni Jose Corazon De Jesus na Isang
Punong Kahoy.
e. Dalit Ito ay mga awit na pumupuri sa Diyos o sa Mahal na
Birhen.
15. Uri ng Tula
2. Tulang Pasalaysay
-Naglalarawan ito ng mga mahahalagang tagpo o pangyayari sa
buhay na natatagpuan sa mga taludtod na nagsasaaysay ng isang
kwento.
Uri ng Tulang Pasalaysay
a. Epiko o Tulang Bayani Ito ay nagsasalaysay ng kabayanihang
halos hindi mapaniwalaan sapagkat nauukol sa mga
kababalaghan. Halimbawa nito ang epiko n mga Ilokano na
Biag ni Lam-ang.
16. Uri ng Tulang Pasalaysay
b. Korido Ito ang tulang nagtataglay ng walong pantig sa
bawat taludtod. Karaniwang mahaba at may mahusay na
banghay ng mga pangyayaring isinasalaysay. May himig
mapanglaw at malimit na may paksang kababalaghan at
maalamat at karamihan ay hiram sa paksang Europeo.
Halimbawa :Ibong Adarna
c. Awit Ito ay nagtataglay ng labindalawang pantig sa bawat
taludtod. Higit na masigla ito kaysa korido. May malambing
at marikit na pangungusap at nangangailangan ng malalim na
kaisipan.
Halimbawa: Florante at Laura.
17. 3. Tulang Pandulaan
-Sadyang ginawa ito upang itanghal.
-Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang
madula na maaaring makatulad ng, o dili kayay naiiba
sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay. Patula
ang usapan dito.
-Saklaw ng uring ito ang nga komedya,
trahedya, melodramang tula, dulang parsa.
18. 4. Tulang Patnigan
-Tulang sagutan na itinatanghal ng mga
nagtutunggaliang makata ngunit hindi sa
paraang padula, kundi sa tagisan ng mga
katwiran at tagisan ng mga talino sa paraang
patula.
19. 4 na Uri ng Tulang Patnigan
a. Balagtasan Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang
pngangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Itoy sa karangalan ni
Francisco Balagtas Baltazar.
b. Karagatan Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na
kabilang sa tinatawag na libangang itinatanghal na ang taglay na
pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga
na nahulog sa dagat.
c. Duplo Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa
pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Hango ang
pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga kasabihan.
21. Hinintay-hintay mo sa gabi ng palad
Ang isang umagang lipos ng pangarap;
Inasam-asam mo sa diwa at hagap
Ang ningning ng isang darating na bukas.
Ang paniwala mo;sa buting itanim
Ay ibayong buti ang aning kakamtin;
Ang pananalig mo: sa gawang magaling
Malaot madali,bungay magaling din.
Umagay dumatal;pagkaganda-ganda;
Ngunit hindi iyo; umaga ng iba!
Ang sugat ng pusong datiy makirot na!
Sa nangyaring itoy lalong kumirot pa!
Kaysarap mabatid ang katotohanang
Ang ganda ng bulay nasa tinginlamang!
Kaypait lunukin ang balighong buhay:
Bayaran ng tanso ang ganitong pautang!
Sa pagkabigo mong halos susun-suson,
Pati si Bathalay nasisisi tuloy;
Ang paniwala mot pananalig noon
Ibig mong talikdat baguhin ngayon.
Subalit mali ka:Puso moy tatagan
At magtiwala ka sa Poong Maykapal:
Bawat pagkabigoypalapit na hakbang
Sa kahit mahuliytiyak na tagumpay!
Bawat Pagkabigo