2. Ang kuwento po na ito ay totoong nangyari noong 1924
sa isang pamayanan sa dulong Hilagang bahagi ng lalawigan ng
Bulacan.
Ito ay kuwento ng dalawang magkababata na sina Cayetano
Fabian Reyes at Teodorico Aloria Pablo, palagiang magkasama
ang dalawa sa pagpasok sa eskwela dahil isang barrio lang sila
nagmumula. Madalas kahit na walang pasok ay magkasama sila
naglalaro at paborito nila ang paliligo sa ilog, sa likuran ng tahanan
nanunuluyan si Cayetano at pagnagagawi sila sa may kalsada
ay kanilang natatanaw ang marangya at malaking bahay na pag aari
ng isang doktor, si Maximo Viola.
3. Nagkakasya na lamang ang magkaibigan sa pagtanaw sa loob ng
bakuran mula sa bakod sa paglalaro ng mga batang kaibigan ng anak
nun may ari, malayo ang agwat ng katayuan ng kanilang buhay sa mga
batang nanduroon. Sa murang isipan ng dalawa ay bumuo sila ng isang
pangarap, kung saan sa paglaki nila at pagkakaroon ng kanya kanyang
pamilya ang kanilang mga anak ay makakapaglaro din sa ganun
kagandang bakuran at balang araw ay sa ganun din karangyang tahanan
sila titira ng kanilang magiging pamilya.
Ipinangako nila sa kanilang sarili na ang kanilang paninibugho
nararamdaman ay hindi kailangan maranasan ng kanilang magiging
anak.
4. Sa paglipas ng mga araw, ganun lang ang palagian libangan ng
magkaibigan, nandun ang pangarap at hindi nila nakakaligtaan ang
pagtanaw sa MALAKING BAHAY.
Hanggang sa ang magkaibigan ay nagkahiwalay ng dumating ang
bakasyon at dahil kapos na sa pera, ang magkaibigan ay hindi na
nakapagpatuloy pa ng pag aaral.
Si Cayetano ay umuwi na sa kanila sa San Ildefonso at nagsaka
ng minanang lupa mula sa mga magulang.
Si Teodorico naman ay ipinagpatuloy na rin ang nakagisnang
hanapbuhay ng pamilya, ang pagpapanday o paggawa ng mga araro at
suyod na ginagamit ng pagsasaka.
Di na muli pa nagkita ang magkaibigan o nagkabalitaan man
lang, at nagkaroon na din ng kanya kanyang pamilya at nakalimutan na
ang kanilang PANGARAP.
5. Taong 1964 nagsadya si G. Rolando Reyes sa kalapit bayan
San Miguel De Mayumo para tumingin at bumili ng mga gamit sa kanilang
sinasakang bukirin, habang namimili ng araro at suyod ay nakatawag sa
kanyang pansin ang dalagang nagbabantay sa tindahan.
Si Bb. Amelia Pablo na anak ng may ari ng tindahan ay paminsan
minsan na tumutulong mag asikaso sa negosyo ng pamilya pag walang
parokyano sa kanyang sariling negosyo na Beauty Salon, agad na
nakipagkilala sa kanya ang binata.
Ang pagkikilala na iyon ang naging simula ng palagian pagpunta ni
Rolando sa kanila at di naglaon ay nagpahayag nang saloobin sa dalaga
na ito ay kanyang iniibig, na hindi naman nabigo at ito ay sinuklian din ng
pagmamahal ng dalaga.
6. Pagkalipas ng dalawang taon na pagiging magkasintahan,
napagpasyahan ni Rolando at Amelia na magpakasal na dahil sa
naramdaman nila na sa loob ng mahaba habang panahon ng kanilang
pagsasamahan ay magkasundo sila sa lahat ng bagay. Dama ng dalawa
ang wagas na pagmamahalan sa isa¡¯t isa.
Taong 1966 ng sila ay nagpakasal sa simpleng seremonya lamang
ng isang huwes. Hindi na tumutol pa ang mga magulang ng dalaga, sa
sikretong pagpapakasal ng dalawa dahil nakikita naman nila na masaya
ang anak sa naging desisyon at sa pagpunta punta sa kanila ng binata ay
naramdaman naman nila ang pagiging seryoso at responsable ng manugang.
Hindi na rin sila tumutol ng hilingin ng bagong kasal na doon na
muna sila tutuloy sa magulang nila Rolando.
Nagsimula ang mag asawa at nagtutulungan sa paghahanapbuhay,
ibinukas ni Amelia ang kanyang parlor sa bayan ng kabiyak at si Rolando
naman ay tumutulong sa kanilang sakahan at sa kono ng mga magulang.
Taong 1967 ng isilang ang unang bunga ng kanilang pagmamahalan
na pinangalanan nila ng Rommel, pinagsamang Rolando at Amelia. At para
makapagsarili ay pinahiram sila ng titulo ng mga magulang ni Rolando para
maisanla at magamit sa pagnenegosyo.
Dahil sa pagsasaka ang alam na hanapbuhay ay bumili sila ng
dalawang traktora para ipaarkila sa kanilang lugar, subalit inabot lang ng
mahigit dalawang taon ay nasira na at sila ay nalugi.