ºÝºÝߣ

ºÝºÝߣShare a Scribd company logo
WIKA
1. Ano ang wika?
2. Ano-ano ang kahalagahan ng wika
sa buhay ng tao?
3. Ano kaya ang mangyayari kapag
mawawala ang wikang binibigkas
ng tao?
Ayon kay Henry Gleason ang wika
ay masistemang balangkas na
sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong
kabilang sa isang kultura.
Sa aklat nina Bernales et al. (2002),
ang wika ay isang proseso ng
pagpapadala at pagtanggap ng
mensahe sa pamamagitan ng
simbolikong cues na maaaring
berbal at di-berbal.
Sa aklat nina Mangahis et al. (2005)
binanggit na may mahalagang papel na
ginagampanan ang wika sa
pakikipagtalastasan. Ito ang midyum
na ginagamit sa maayos na paghahatid
at pagtanggap ng mensahe na susi sa
pagkakaunawaan.
Ayon sa mga edukador na sina Pamela
C. Constatino at Galileo S. Zafra (2000),
“Ang wika ay isang kalipunan ng mga
salita at ang pamamaraan ng
pagsasama-sama ng mga ito para
magkaunawaan o makapag-usap ang
isang grupo ng mga tao.
Ayon kay Hutch (1991) ,
ang wika ay sistema ng
tunog o sagisag na
ginagamit ng tao sa
komunikasyon.
Ipinahayag ni Otanes (1990) , na ang wika ay
isang napakasalimuot na kasangkapan sa
pakikipagtalastasan. At ang paglinang sa wika
ay nakapokus sa kapakinabang na idudulot sa
mag-aaral na matutunan ang wika upang
makapaghanapbuhay, makapamuhay sa
kanilang kapwa, at mapahalagahan nang
lubusan ang kagandahang buhay sa kaniyang
ginagalawan.
KAHALAGAHAN
NG WIKA
Ang pagiging
instrumento nito sa
komunikasyon.
Mahalaga ang wika sa
pagpapanatili, pagpapayabong, at
pagpapalaganap ng kultura ng
bawat grupo ng tao.
Wika ang tagapagbandila ng
pagkakakilanlan ng isang bansa
at ng mga mamamayan nito.
Wika ang nagsisilbing
tagapag-ingat at
tagapagpalaganap ng mga
karunungan at kaalaman.
Mahalaga ang wika bilang lingua
franca o bilang tulay para
magkausap at magkaunawaan ang
iba’t ibang grupo ng taong may
kani-kaniyang wikang ginagamit.
Hindi matatawaran ang
kahalagahan ng wika sa
pakikipagtalastasan at pakikipag-
ugnayan tungo sa
pagkakaunawaan at pagkakaisa.
KALIKASAN
NG WIKA
 Ang wika ay
masistemang
balangkas.
 Ang wika ay
arbitraryo.
 Ginagamit ang
wika ng pangkat ng
mga taong kabilang
sa isang kultura.
 Ang wika ay
buhay o
dinamiko.
 Bawat wika ay
natatangi o
unique.
 Kabuhol ng
wika ang kultura.
Mahigit 5,000
wika na sinasalita
sa buong mundo.
Di kukulangin sa
180 ang wikang
sinasalita sa
Pilipinas.
Heterogenous- ang
sitwasyong pangwika sa
Pilipinas dahil maraming
wikang umiiral dito at may
diyalekto o varayti ang mga
wikang ito.
Homogenous- ang
sitwasyong pangwika sa
isang bansa kung iisa ang
wikang sinasalita ng mga
mamamayan dito.
BILINGGUWALISMO
MONOLINGGUWALISMO
MULTILINGUWALISMO
Bilingguwalismo
- tumutukoy sa dalawang wika.
- Bilang patakarang pang-edukasyon
sa Pilipinas nangangahulugan ito ng
paggamit ng Ingles at Filipino bilang
wikang panturo.
Monolingguwalismo
- tumutukoy sa isang wika.
- Iisang wika lamang ang ipinapatupad sa paraan ng
pagtuturo o sa larangan ng edukasyon
- Iisang wika ang ginagamit sa larangan ng negosyo.
- At sa pakikipagtalastasan.
- France, England, South Korea at Japan
MULTILINGGUWALISMO
- Mother tongue-based multilingual
education o MTB-MLE.
- Unang wika
- wikang panturo mula kindergarten
hanggang ikatlong baitang.
Filipino at Ingles
- Pagtuntong nila sa
ikaapat na baitang
pataas.

More Related Content

week 1 komunikasyon 2.pptx