2. Wikang Pambansa
 Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas at
may konstitusyonal na batayan.
 Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyon ng
1987, nakasaad na, “Ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay
dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral
na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
3.  Bilang pambansang wika, Filipino
ang sumisimbolo sa ating
pagkakakilanlan.
 Sinasalamin nito ang ang ating
kalinangan at kultura, gayundin ang
ating damdamin bilang mga Pilipino.
4.  Ang wikang Filipino ang
nagbabandila sa mundo na hindi tayo
alipin ng alinmang bansa at hindi tayo
nakikigamit ng wikang dayuhan.
 Ang wikang pambansa ang
sumasagisag ng ating kalayaan.
5.  Mahalaga ang pagkakaroon ng pambansang
wika sapagkat ito ang nagdadala sa atin sa
pambansang pagkakaisa at pagkakabuklod.
 Mahalagang pagyamanin at pahalagahan ang
ating pambansang wika, ang isa sa mga
natatanging pamana ng ating mga ninuno at
nagsisilbing yaman ng ating lahi.
7. sa Artikulo XIV, Seksyon 6, nakasaad na,
“Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa
nararapat na maaaring ipasiya sa Kongreso, dapat
magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan
upang ibunsod at puspusang itaguyod ang
paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon.
8. Maraming sikolohista sa wika
ang naniniwala na ang katulong
ng utak sa pagproproseso ng
kaalaman ay ang wikang
nauunawaan ng tao.
9. Mahalaga na gamitin ang
Filipino sa pagtuturo hindi
lamang para sa epektibong
pagtuturo kundi pati na rin sa mas
epektibong pagkatuto ng mga
estudyante.
10. Opisyal na wika
 Tinawag na opisyal na wika ang
isang wika na binigyan ng natatanging
pagkilala sa konstitusyon bilang
wikang gagamitin sa mga opisyal na
transaksiyon ng pamahalaan.
16. Gawain: Group Activity
Poster mo, I-post mo! Gamit ang isang
kartolina, gumawa ng poster kung ano ang
pakahulugan mo sa wika. Maging
malikhain sa paggawa ng poster. At i-post
ang poster sa sariling facebook wall; ang
makukuhang bilang ng facebook likes ay
may karagdagang puntos.
17. RUBRIKS:
Malinaw ang naisulat na
pagpapakahulugan sa wika: 25
Orihinal ang disenyo at konsepto: 15
Malikhain/nakaaakit na disenyo: 10
Kabuuan: 50 puntos
18. 1. Ipagpalagay na nabigyan ka ng
pagkakataon na magdesisyon kung
dapat ba o hindi dapat tanggalin ang
Ingles bilang opisyal na wika ng
Pilipinas, ano ang desisyon mo?
Kailangan ba talaga natin ang Ingles
para makausap ang buong mundo?
19. 2. Ano ang opinyon mo
sa paggamit ng Filipino
matatamo ng mga mag-
aaral ang katarungan?