2. Panimula
Paano ka ba magmahal?
Naitanong mo na ba ito sa iyong sarili?
Paano mo minamahal ang Diyos at ang
iyong kapwa?
Pamilyar ka ba sa dalawang
pinakamahalagang utos? 2
3. Ito ay ang: ibigin mo ang
Diyos nang buong isip,
puso at kaluluwa at ibigin
mo ang iyong kapuwa
tulad ng iyong sarili. Ang
pagmamahal ang
pinakamahalagang utos.
Sa gawaing
pampagkatutong ito pag-
uusapan natin ang
pagmamahal sa Diyos.
4. Kasanayang Pampagkatuto
Sample Footer Text 2/8/20XX 4
• 1. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng
pagmamahal ng Diyos. EsP10PB-IIIa-9.1
• 2. Natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong
ang pagmamahal sa Diyos sa kongretong pangyayari
sa Buhay. EsP10PB-IIIa-9.2
5. Layunin:
Sample Footer Text 2/8/20XX 5
• Pagkatapos ng Gawaing Pampagkatuto na ito, ikaw ay
inaasahang:
• a. makikilala ang kahalagahan ng Pagmamahal sa Diyos
• b. makapagbibigay ng mga pangyayari sa buhay na kung saan
nakatutulong ang pagmamahal sa Diyos
• c. maisasagawa ang mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng
pagmamahal sa Diyos
6. Word Hunt
Panuto: Hanapin ang 15 salitang may kaugnayan sa pananalig at pagmamahal sa
Diyos. Ilan sa mga ito ay pahalang, pababa at pahilis (diagonal). Isulat ang iyong
mga makikita
Sample Footer Text 2/8/20XX 6
8. Sample Footer Text 2/8/20XX 8
Kung naranasanmonaito,anoang
iyongnagingpakiramdam?Naging
masaya ka baokakaiba ang iyong
pakiramdam?
9. Sa pagmamahal,binubuo angisang
magandaat malalimnaugnayan sa
tao ng iyong minamahal.
Saugnayangito, nagkakaroon ng
pagkakataon angdalawang tao na
magkausap, magkita, at magkakilala.
10. Ito ay nagsisimula sa simpleng palitan ng usapan at
maaaring lumalim kung patuloy ang kanilang ugnayan.
Mas nagiging maganda at makabuluhan ang ugnayan
kung may kasama itong pagmamahal. Ang tao ay likas
na maka-Diyos. Mula sa kanyang kapanganakan,
hinahanap na niya ang kaniyang pinagmulan. Marahil ay
tatanungin mo ang iyong sarili saan nagmula ang ating
buhay. Ang Diyos ang pinagmulan ng tao at ang
patutunguhan nito. Nilikha tayo ng Diyos. Marapat na
Siya ay mahalin. Higit pa dito, siya ang pinagmulan ng
pag-ibig kaya sinasabing ang Diyos ay pag-ibig
2/8/20XX 10
11. Mga Dapat Gawin Upang Mapangalagaan ang
Ugnayan ng Tao sa Diyos
1. PANALANGIN
Ito ay paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa
Diyos. Sa pananalangin, ang tao ay
nakapagbibigay ng papuri, pasasalamat,
paghingi ng tawad, at paghiling sa Kaniya.
Kung hindi natutupad ang hinihiling sa
panalangin, huwag agad panghinaan ng
pananampalataya dahil may dahilan ang
Diyos kung bakit hindi Niya ibinibigay ito sa
tao. Maaaring hindi pa ito dapat mangyari, o
di kaya’y maaaring makasama ito sa taong
humihiling.
2. PANAHON NG
PANANAHIMIK O PAGNINILAY
Sa buhay ng tao, napakahalaga ang
pananahimik. Ito ay makatutulong upang ang
tao ay makapagisip at makapagnilay. Mula
rito mauunawaan ng tao ang tunay na
mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay.
Makatutulong ito upang malaman ng tao
kung ano ang ginagawa niya sa kaniyang
paglalakbay, kung saan siya patutungo
2/8/20XX 11
12. Mga Dapat Gawin Upang Mapangalagaan ang
Ugnayan ng Tao sa Diyos
3 . PA G S I S I M B A O PA G S A M B A
• Anuman ang pinaniniwalaan ng tao,
mahalaga ang pagsisimba o pagsamba
saan man siya kaanib na relihiyon. Ito
ang makatutulong sa tao upang lalo pang
lumawak ang kaniyang kaalaman sa
• Salita ng Diyos at maibahagi ito sa
pamamagitan ng pagsasabuhay ng
kaalaman na napulot sa pagsisimba
/pagsamba.
4 . PA G - A A R A L N G S A L I TA N G D I Y O S
Upang lubos na makilala ng tao ang
Diyos, nararapat na malaman ang
Kaniyang mga turo o aral. Tulad ng
isang tao na nais makilala nang lubos
ang taong kaniyang minamahal,
inaalam niya ang lahat ng impormasyon
ukol dito. Hindi lubusang makikilala ng
tao ang Diyos kung hindi siya mag-
aaral o magbabasa ng Banal na
Kasulatan o Koran. 2/8/20XX 12
13. Mga Dapat Gawin Upang Mapangalagaan ang Ugnayan ng Tao sa Diyos
5 . PA G M A M A H A L S A K A P U WA
Hindi maaaring ihiwalay sa tao
ang kaniyang ugnayan sa kapuwa.
Ito ang isang dahilan ng pag-iral
ng tao, ang mamuhay kasama ang
kapuwa. Hindi masasabi na
maganda ang ugnayan ng tao sa
Diyos kung hindi maganda ang
ugnayan niya sa kaniyang
kapuwa. Mahalagang maipakita
ng tao ang paglilingkod sa
kaniyang kapuwa.
6 . PA G B A B A S A N G M G A A K L AT T U N G K O L S A
E S P I R I T WA L I D A D
Malaki ang naitutulong ng pagbabasa ng mga babasahin na may
kinalaman sa espiritwalidad. Ito ay nakatutulong sa paglago at
pagpapalalim ng pananampalataya ng isang tao. Mula sa iba’t
ibang paraan, napalalalim ng tao ang kaniyang ugnayan sa
Diyos. Kaya’t dito ay makikita ng tao na hindi maaaring
ihiwalay ang espiritwalidad sa pananampalataya. Ang
espiritwalidad ng tao ang pinaghuhugutan ng pananampalataya
at ang pananampalataya naman ang siyang nagpapataas ng
espiritwalidad ng tao. Dito ay nagkakaroon nang malalim na
ugnayan ang Diyos at ang tao. Tumatanda ka na, marami ka
pang mararanasan sa buhay, mahalagang sa edad mong iyan ay
simulan mo ng paunlarin ang iyong pananampalataya sapagkat
ito ang iyong magiging kalasag sa pag-unlad.