際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
Pagmamahal ng
Diyos sa Kapwa
ESP 10 Week 3
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
 1. Napangangatwiranan na: Ang pagmamahal sa Diyos ay
pagmamahal sa kapwa. (EsP10PB-IIIb-9.3)
 2. Nakagagawa ng angkop na kilos upang mapaunlad ang
pagmamahal sa Diyos. (EsP10PB-IIIb-9.4)
Mga Layunin
 Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay
inaasahang:
 1. makapagbabahagi ng mga paraan upang makatulong sa
kapuwa;
 2. mapaliliwanag ang kahalagahan ng pagmamahal sa
kapuwa sa pamamagitan ng pagbuo ng akrostik;
 3. makapagtatala ng mga karanasan na nagpapakita ng
pagmamahal sa kapwa; at
 4. makapagbibigay ng hakbang upang mapaunlad ang
espiritwal na buhay bilang tanda ng pagmamahal sa Diyos
Pagtatalakay
Ang pagmamahal sa kapuwa
ang daan upang mapalalim ng
tao ang kaniyang pagmamahal
at pananampalataya sa Diyos.
Madaling mahalin ang ating
mga sarili lalo pat kasa-kasama
natin ito saan man tayo
magpunta. Ang ating sarili ang
pinakamalapit sa atin kung
kayat natural at normal
lamang na mahalin natin ito.
 Dahil sa pagmamahal natin sa ating
mga sarili, kung minsan ay hindi
nagiging madali ang magmahal sa
ating kapwa dahil madalas, bilang tao
ay namamayani sa ating puso ang
pagkamakasarili. Ngunit kailangan
nating mahalin ang ating kapuwa dahil
ito ay isang utos ng Diyos. Hindi
maaaring sabihin ng tao na mahal niya
ang Diyos kung hindi niya minamahal
ang kaniyang kapuwa dahil anuman
ang ginagawa natin sa ating kapuwa ay
sa Diyos natin ito ginagawa.
Ang pag-ibig sa Diyos at sa ating kapuwa ay hindi
maaaring paghiwalayin. Mababasa sa Mabuting Balita
(Matt. 22:34-40) ang tungkol sa pagtatanong ng isang
Pariseo kay Jesus kung alin sa Jewish Law ang
pinakamahalaga. Mula sa sampu, binuod ang mga
batas sa dalawang pinakaimportanteng utos batay sa
paliwanag ni Jesus sa Pariseo: Ang pagmamahal sa
Diyos at pagmamahal sa kapuwa. Hindi maaaring
paghiwalayin ang dalawang utos na ito. Lagi itong
magkasama ayon na rin sa ilang talatang mababasa sa
Bibliya.
 Sa pagmamahal, binubuo ang isang maganda at malalim
na ugnayan sa taong iyong minamahal. Sa ugnayang ito,
nagkakaroon ng pagkakataon ang dalawang tao na
magkausap, magkita, at magkakilala. Mas nagiging
maganda at makabuluhan ang ugnayan kung may
kasama itong pagmamahal.
 Ang pag-ibig ang nagtutulak sa tao upang magbahagi ng
kaniyang sarili sa iba. Sa oras na magawa niya ito,
masasalamin sa kaniya ang pagmamahal niya sa Diyos
dahil naibabahagi niya ang kaniyang buong pagkatao,
talino, yaman, at oras nang buong-buo at walang
pasubali.
Ang tunay na diwa ng espiritwalidad ay ang
pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at ang
pagtugon sa tawag ng Diyos nang may kasamang
kapayapaan at kapanatagan sa kalooban. Ito ay lalong
lumalalim kung isinasabuhay niya ang kaniyang
disenyo bilang kawangis ng Diyos at kung paano niya
minamahal ang kaniyang kapwa. Sinasabi sa Juan 4:20,
Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit
napopoot naman sa kaniyang kapatid ay isang
sinungaling. Kung ang kapatid na kaniyang nakikita ay
hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang
Diyos na hindi niya nakikita?
Sinabi ni Mother Teresa: Paano mo nalalaman na
nagmamahal ka? Ito ang tunay na pagmamahal, ang
magmahal nang walang hinihintay na anumang
kapalit kahit na nahihirapan o nagsasakripisyo ay
nagmamahal pa rin. Ganito ang ipinakitang
pagmamahal ni Mother Teresa  isang klase ng
pagmamahal kung saan ang Diyos ang nakikita niya sa
mukha ng taong kaniyang pinaglilingkuran. Kaya nga,
upang mapatunayan ng isang tao na mahal niya ang
Diyos ay kailangan niyang mahalin ang kaniyang
kapuwa.
Week 2 Pagmamahal ng Diyos sa Kapwa.pptx
Ang Diyos ang pinagmumulan ng pag-ibig kung kayat
imposibleng maghiwalay ang pag-ibig sa Diyos at pag-
ibig sa kapuwa. Siya ang sentro at inspirasyon ng lahat
ng pag-ibig sapagkat sukdulan ang pag-ibig na ibinigay
Niya para sa atin. Magkakaroon lamang ng katuturan
ang isang pag-ibig kung ang pag-ibig natin sa ating
kapuwa ay gaya ng pag-ibig natin sa Diyos. At
magkakaroon ng kabuluhan ang pag-ibig natin sa Diyos
kung magagawa nating mahalin at kahabagan ang
ating kapuwa. Ipinadama ng Panginoon ang labis na
pag-ibig Niya sa atin, ibalik natin ito sa pamamagitan
ng pagmamahal at pagmamalasakit sa isa't isa.
Performance Task
Kumatha ng bukas na liham sa Diyos na
nagpapahayag ng pagtitiwala, pananalig sa
kanyang presensya, pagmamahal sa Diyos at
pagmamahal sa kapwa. Isulat ang liham sa isang
malinis na bond paper at lagyan ito ng disenyo.
Ito ay ipapasa sa susunod na pasahan
Rubric sa Pagbuo ng Liham
May Katanungan ba?
Maraming Salamat

More Related Content

Week 2 Pagmamahal ng Diyos sa Kapwa.pptx

  • 1. Pagmamahal ng Diyos sa Kapwa ESP 10 Week 3
  • 2. Kasanayang Pampagkatuto at Koda 1. Napangangatwiranan na: Ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa. (EsP10PB-IIIb-9.3) 2. Nakagagawa ng angkop na kilos upang mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos. (EsP10PB-IIIb-9.4)
  • 3. Mga Layunin Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang: 1. makapagbabahagi ng mga paraan upang makatulong sa kapuwa; 2. mapaliliwanag ang kahalagahan ng pagmamahal sa kapuwa sa pamamagitan ng pagbuo ng akrostik; 3. makapagtatala ng mga karanasan na nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa; at 4. makapagbibigay ng hakbang upang mapaunlad ang espiritwal na buhay bilang tanda ng pagmamahal sa Diyos
  • 4. Pagtatalakay Ang pagmamahal sa kapuwa ang daan upang mapalalim ng tao ang kaniyang pagmamahal at pananampalataya sa Diyos. Madaling mahalin ang ating mga sarili lalo pat kasa-kasama natin ito saan man tayo magpunta. Ang ating sarili ang pinakamalapit sa atin kung kayat natural at normal lamang na mahalin natin ito.
  • 5. Dahil sa pagmamahal natin sa ating mga sarili, kung minsan ay hindi nagiging madali ang magmahal sa ating kapwa dahil madalas, bilang tao ay namamayani sa ating puso ang pagkamakasarili. Ngunit kailangan nating mahalin ang ating kapuwa dahil ito ay isang utos ng Diyos. Hindi maaaring sabihin ng tao na mahal niya ang Diyos kung hindi niya minamahal ang kaniyang kapuwa dahil anuman ang ginagawa natin sa ating kapuwa ay sa Diyos natin ito ginagawa.
  • 6. Ang pag-ibig sa Diyos at sa ating kapuwa ay hindi maaaring paghiwalayin. Mababasa sa Mabuting Balita (Matt. 22:34-40) ang tungkol sa pagtatanong ng isang Pariseo kay Jesus kung alin sa Jewish Law ang pinakamahalaga. Mula sa sampu, binuod ang mga batas sa dalawang pinakaimportanteng utos batay sa paliwanag ni Jesus sa Pariseo: Ang pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa kapuwa. Hindi maaaring paghiwalayin ang dalawang utos na ito. Lagi itong magkasama ayon na rin sa ilang talatang mababasa sa Bibliya.
  • 7. Sa pagmamahal, binubuo ang isang maganda at malalim na ugnayan sa taong iyong minamahal. Sa ugnayang ito, nagkakaroon ng pagkakataon ang dalawang tao na magkausap, magkita, at magkakilala. Mas nagiging maganda at makabuluhan ang ugnayan kung may kasama itong pagmamahal. Ang pag-ibig ang nagtutulak sa tao upang magbahagi ng kaniyang sarili sa iba. Sa oras na magawa niya ito, masasalamin sa kaniya ang pagmamahal niya sa Diyos dahil naibabahagi niya ang kaniyang buong pagkatao, talino, yaman, at oras nang buong-buo at walang pasubali.
  • 8. Ang tunay na diwa ng espiritwalidad ay ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at ang pagtugon sa tawag ng Diyos nang may kasamang kapayapaan at kapanatagan sa kalooban. Ito ay lalong lumalalim kung isinasabuhay niya ang kaniyang disenyo bilang kawangis ng Diyos at kung paano niya minamahal ang kaniyang kapwa. Sinasabi sa Juan 4:20, Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa kaniyang kapatid ay isang sinungaling. Kung ang kapatid na kaniyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita?
  • 9. Sinabi ni Mother Teresa: Paano mo nalalaman na nagmamahal ka? Ito ang tunay na pagmamahal, ang magmahal nang walang hinihintay na anumang kapalit kahit na nahihirapan o nagsasakripisyo ay nagmamahal pa rin. Ganito ang ipinakitang pagmamahal ni Mother Teresa isang klase ng pagmamahal kung saan ang Diyos ang nakikita niya sa mukha ng taong kaniyang pinaglilingkuran. Kaya nga, upang mapatunayan ng isang tao na mahal niya ang Diyos ay kailangan niyang mahalin ang kaniyang kapuwa.
  • 11. Ang Diyos ang pinagmumulan ng pag-ibig kung kayat imposibleng maghiwalay ang pag-ibig sa Diyos at pag- ibig sa kapuwa. Siya ang sentro at inspirasyon ng lahat ng pag-ibig sapagkat sukdulan ang pag-ibig na ibinigay Niya para sa atin. Magkakaroon lamang ng katuturan ang isang pag-ibig kung ang pag-ibig natin sa ating kapuwa ay gaya ng pag-ibig natin sa Diyos. At magkakaroon ng kabuluhan ang pag-ibig natin sa Diyos kung magagawa nating mahalin at kahabagan ang ating kapuwa. Ipinadama ng Panginoon ang labis na pag-ibig Niya sa atin, ibalik natin ito sa pamamagitan ng pagmamahal at pagmamalasakit sa isa't isa.
  • 12. Performance Task Kumatha ng bukas na liham sa Diyos na nagpapahayag ng pagtitiwala, pananalig sa kanyang presensya, pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa kapwa. Isulat ang liham sa isang malinis na bond paper at lagyan ito ng disenyo. Ito ay ipapasa sa susunod na pasahan
  • 13. Rubric sa Pagbuo ng Liham