際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
WIKANG PAMBANSA,
WIKANG OPISYAL, AT
WIKANG PANTURO
Inihanda ni: Gng. Janette M. Pangan
ANG WIKANG PAMBANSA
 Ang Pilipinas ay isang kapuluang binubuo ng ibat-
ibang pangkat ng mga Pilipinong gumagamit ng
ibat ibang wika at diyalekto.
 Humigit kumulang 150 wika at diyalekto ang umiiral
sa ating bansa.
 Ang kalagayang ito naging pangunahing dahilan
kung bakit kailangang magkaroon tayo ng isang
wikang mauunawaan at masasalita ng mga Pilipino.
1934
 Dahil nga sa pagkakahiwalay ng ating bansa sa ibat ibang pulo at sa
dami ng wikang umiiral dito, naging isang paksang mainitang
pinagtalunan, pinag-isipan at tinalakay sa kumbensiyong
Konstitusyunal noong 1934 ang pagpili sa wikang ito. Marami sa
mga delegado ang sumang-ayon sa panukalang isa sa mga umiiral na
wika sa bansa ang dapat maging wikang pambansa.
 Subalit sinalungat ito ng mga maka-Ingles na naniniwalang higit na
makabubuti sa mga Pilipino ang pagiging mahusay sa wikang Ingles.
Subalit naging matatag ang grupong nagmalasakit sa sariling wika.
 Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na ang wikang pambansa ay
dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas. Ang
mungkahing ito ay sinusugan ni Manuel L. Quezon na nooy Pangulo
ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas.
1935
 Ang pagsusog na ito ni Pangulong Quezon ay nagbigay daan
sa probisyong pangwika na nakasaad sa Artikulo XIV,
Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 na nagsasabing:
  Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa
pagkakaroon ng isang wikang pambansa ibabatay sa isa sa
mga umiiral na katutubong wika, hanggat hindi
itinatakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang
siyang mananatiling opisyal na wika.
Saligang Batas 1935
 Base sa probisyong ito ng Saligang Batas ng 1935 ay nagkaroon ng
maraming talakayan kung anong wika ang gagamitin batayan sa pagpili ng
Wikang Pambansa.
 Ito ang nagresulta sa pagkakaroon ng isang batas na isinulat ni Norberto
Romualdez ng Leyte, ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatag ng
surian ng Wikang Pambansa.
 Pangunahing tungkulin nito ang  mag-aaral ng mga diyalekto sa
pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng isang
pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika ayon sa
balangkas, mekanismo at panitikan na tinanggap at sinasalita ng
nakararaming Pilipino.
Saligang Batas 1935
 Base sa pag-aaral na isinasagawa ng Surian, napili nila ang Tagalog
bilang batayan ng Wikang Pambansa dahil ang naturang wika ay
tumugma sa mga pamantayang kanilang binuo tulad ng ss:
 Ang wikang pipilian ay dapat..
 Wika ng sentro ng pamahalaan
Wika ng sentro ng edukasyon.
Wika ng sentro ng kalakalan at..
 Wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na
panitikan.
1937
 Noong Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ni
Pangulong Manuel L. Quezon ang wikang
Tagalog upang maging batayan ng Wikang
Pambansa base sa rekomendasyon ng Surian
sa bisa ng kautusang tagapagpaganap Blg.
134 magkakabisa ang kautusan ito pagkaraan
ng dalawang taon.
1940
Dalawang taon matapos magpatibay ang
kautusang Tagapaganap Blg. 134,
nagsimulang ituro ang wikang pambansa
na batay sa Tagalog sa mga paaralang
pampubliko at pribado.
1946
Nang ipagkaloob ng mga Amerikano ang
ating kalayaan, sa Araw ng pagsasarili
ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 ay
ipinahayag na ang mga wikang opisyal
ng bansa ay tagalog at Ingles sa bisa ng
Batas Komonwelt Blg. 570
1959
 Noong Agosto 13, 1959 pinalitan ang tawag sa wikang pambansa
mula Tagalog ito ay naging PILIPINO sa bisa ng kautusang
pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romero, ang kalihim
ng Edukasyon noon.
 Sa panahong itoy higit na binigyang halaga at lumaganap ang
paggamit ng wikang Pilipino. Ito ang wikang ginamit sa mga
tanggapan, gusali at mga dokumentong pampamahalaan tulad ng
pasaporte, at iba pa, gayundin sa ibat ibang antas ng paaralan at
sa mass media tulad ng diyaryo, telebisyon, radio, magasin, at
komiks. Sa kabila nito ay marami pa rin ang sumalungat sa
pagkakapili sa tagalog bilang batayan ng wikang pambansa.
1972
 Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa
Kumbensiyong Konstitusyunal noong 1972
kaugnay ng usaping pangwika. Sa huli ito ang
mga naging probisyong pangwika sa Saligang
Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksiyon 3, Blg. 2:
Ang Kumbensiyong
Konstitusyonal ng
Pilipinas ng 1934 ay ang
pagtitipon ng mga
hinalal na delegado
upang bumalangkas ng
saligang-batas para
pamahalaang itatatag
na Komonwelt ng
Kapuluang Pilipinas
alinsunod sa Batas
Tydings-McDuffie at
Batas Blg. 4125 ng
Lehislaturang Pilipino.
Binuo ng 202 delegado
ang kumbensiyon na
hinalal noong 10 Hulyo
1934.
1972
 Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng
mga hakbang na magpapaunlad at pormal na
magpapatibay sa isang panlahat na wikang
pambansang kikilalanin.
1987
 Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong
Konstitusyunal na binuo ni dating Pangulong Cory Aquino
ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino.
Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ang probisyon tungkol
sa wika na nagsasabing:
  Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino,
Samantalang nalilinang ito ay dapat pagyabungin at
pagyamanin pa sa salig na umiiral na mga wika sa
Pilipinas at sa iba pang mga wika.
WIKANG OPISYAL
 Tinatawag na opisyal na wika ang isang wika na binibigyan ng
pagkilala sa konstitusyong bilang wikang gagamitin sa mga opisyal
na transaksyon ng pamahalaan. May dalawang opisyal na wika ang
Pilipinas- Ito ay ang Filipino at Ingles.
Ayon sa Artikulo IV Seksyon 7, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas
ay Filipino, at hanggat walang itinatadhana ang batas, Ingles.
Bilang mga opisyal na na wika, may tiyak at magkahiwalay na gamit
ang Filipino at Ingles.
Gagamitin ang Filipino bilang opisyal na wika sa pag-akda ng mga
batas at dokumento ng pamahalaan.
WIKANG PANTURO
 Ito ang opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon.
 Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga
eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitan sa
pagtuturo sa silid-aralan.
 Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 7
Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hanggat walang ibang itinatadhana
ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga
wikang opisyal sa mga rehiyon na magsisilbing pantulong na mga
wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang
Kastila at Arabic.
Deped order no.74 series of 2009
 Sa pagpasok ng k to 12 Curriculum, ang Mother Tongue o
unang wika ng mga mag-aaral ay naging opisyal na wikang
panturo mula kindergarten hanggang grade 3 sa mga
paaralang pampubliko at pribado man.
 Tinawag ito Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education (
MTB-MLE)
 Ayon kay dating Deped Secretary Armin Luistro  Ang
paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang
baiting ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika
at kaisipan ng mga mag-aaral at makapag-patibay rin sa
kanilang kamalayang sosyo-kultural.
Sa unang taon ng pagpapatupad
ng MTB-MLE
 Noong unang taon ng pagpapatupad ng K to
12 ay itinadhana ng DepEd ang 12 o
Labindalawang local o panrehiyon na wika at
diyalekto para magamit sa MTB-MLE.
 Taong 2013 nadagdagan ng 7 o pito kayat sa
kasalakuyan mayroon labingsiyam na wika at
diyalekto ang ginagamit.
MGA WIKA AT DIYALEKTO NA
GINAGAMIT SA MTB-MLE
MGA WIKA AT DIYALEKTO LUGAR KUNG SAAN SINASALITA
1.TAGALOG NCR, BULACAN,CAVITE
2. KAPAMPANGAN PAMPANGA
3. PANGASINENSE PANGASINAN
4.ILOKO La UNION, ILOCOS PROVINCE,
CAGAYAN VALLEY, BABUYAN ISLAND,
MINDORO AND MINDANAO
5. BIKOL Bicol
6. CEBUANO CEBU
7. HILIGAYNON ILO-ILO
8. WARAY TACLOBAN,MASBATE, SORSOGON
9.TAUSUG SULU
MGA WIKA AT DIYALEKTO NA GINAGAMIT SA
MTB-MLE
MGA WIKA AT DIYALEKTO LUGAR KUNG SAAN SINASALITA
10.MAGUINDANAOAN MAGUINDANAO PROVINCE
11. MERANAO LANAO DEL SUR AT LANAO DEL NORTE
12. CHAVACANO ZAMBOANGA
13.YBANAG ISABELA, TUGUEGARAO, CAGAYAN
14. IVATAN BATANES ISLAND
15. SAMBAL ZAMBALES, QUEZON, PALAWAN
16. AKLANON WESTERN VISAYAS AKLAN
17. KINARAY-A ANTIQUE
18.YAKAN
19. SURIGAONON
BASILAN ISLAND
SURIGAO
WEEK 4-wikang Pambansa.pptx

More Related Content

WEEK 4-wikang Pambansa.pptx

  • 1. WIKANG PAMBANSA, WIKANG OPISYAL, AT WIKANG PANTURO Inihanda ni: Gng. Janette M. Pangan
  • 2. ANG WIKANG PAMBANSA Ang Pilipinas ay isang kapuluang binubuo ng ibat- ibang pangkat ng mga Pilipinong gumagamit ng ibat ibang wika at diyalekto. Humigit kumulang 150 wika at diyalekto ang umiiral sa ating bansa. Ang kalagayang ito naging pangunahing dahilan kung bakit kailangang magkaroon tayo ng isang wikang mauunawaan at masasalita ng mga Pilipino.
  • 3. 1934 Dahil nga sa pagkakahiwalay ng ating bansa sa ibat ibang pulo at sa dami ng wikang umiiral dito, naging isang paksang mainitang pinagtalunan, pinag-isipan at tinalakay sa kumbensiyong Konstitusyunal noong 1934 ang pagpili sa wikang ito. Marami sa mga delegado ang sumang-ayon sa panukalang isa sa mga umiiral na wika sa bansa ang dapat maging wikang pambansa. Subalit sinalungat ito ng mga maka-Ingles na naniniwalang higit na makabubuti sa mga Pilipino ang pagiging mahusay sa wikang Ingles. Subalit naging matatag ang grupong nagmalasakit sa sariling wika. Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas. Ang mungkahing ito ay sinusugan ni Manuel L. Quezon na nooy Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas.
  • 4. 1935 Ang pagsusog na ito ni Pangulong Quezon ay nagbigay daan sa probisyong pangwika na nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 na nagsasabing: Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika, hanggat hindi itinatakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling opisyal na wika.
  • 5. Saligang Batas 1935 Base sa probisyong ito ng Saligang Batas ng 1935 ay nagkaroon ng maraming talakayan kung anong wika ang gagamitin batayan sa pagpili ng Wikang Pambansa. Ito ang nagresulta sa pagkakaroon ng isang batas na isinulat ni Norberto Romualdez ng Leyte, ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatag ng surian ng Wikang Pambansa. Pangunahing tungkulin nito ang mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika ayon sa balangkas, mekanismo at panitikan na tinanggap at sinasalita ng nakararaming Pilipino.
  • 6. Saligang Batas 1935 Base sa pag-aaral na isinasagawa ng Surian, napili nila ang Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa dahil ang naturang wika ay tumugma sa mga pamantayang kanilang binuo tulad ng ss: Ang wikang pipilian ay dapat.. Wika ng sentro ng pamahalaan Wika ng sentro ng edukasyon. Wika ng sentro ng kalakalan at.. Wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na panitikan.
  • 7. 1937 Noong Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang wikang Tagalog upang maging batayan ng Wikang Pambansa base sa rekomendasyon ng Surian sa bisa ng kautusang tagapagpaganap Blg. 134 magkakabisa ang kautusan ito pagkaraan ng dalawang taon.
  • 8. 1940 Dalawang taon matapos magpatibay ang kautusang Tagapaganap Blg. 134, nagsimulang ituro ang wikang pambansa na batay sa Tagalog sa mga paaralang pampubliko at pribado.
  • 9. 1946 Nang ipagkaloob ng mga Amerikano ang ating kalayaan, sa Araw ng pagsasarili ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag na ang mga wikang opisyal ng bansa ay tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570
  • 10. 1959 Noong Agosto 13, 1959 pinalitan ang tawag sa wikang pambansa mula Tagalog ito ay naging PILIPINO sa bisa ng kautusang pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romero, ang kalihim ng Edukasyon noon. Sa panahong itoy higit na binigyang halaga at lumaganap ang paggamit ng wikang Pilipino. Ito ang wikang ginamit sa mga tanggapan, gusali at mga dokumentong pampamahalaan tulad ng pasaporte, at iba pa, gayundin sa ibat ibang antas ng paaralan at sa mass media tulad ng diyaryo, telebisyon, radio, magasin, at komiks. Sa kabila nito ay marami pa rin ang sumalungat sa pagkakapili sa tagalog bilang batayan ng wikang pambansa.
  • 11. 1972 Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensiyong Konstitusyunal noong 1972 kaugnay ng usaping pangwika. Sa huli ito ang mga naging probisyong pangwika sa Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksiyon 3, Blg. 2: Ang Kumbensiyong Konstitusyonal ng Pilipinas ng 1934 ay ang pagtitipon ng mga hinalal na delegado upang bumalangkas ng saligang-batas para pamahalaang itatatag na Komonwelt ng Kapuluang Pilipinas alinsunod sa Batas Tydings-McDuffie at Batas Blg. 4125 ng Lehislaturang Pilipino. Binuo ng 202 delegado ang kumbensiyon na hinalal noong 10 Hulyo 1934.
  • 12. 1972 Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na magpapaunlad at pormal na magpapatibay sa isang panlahat na wikang pambansang kikilalanin.
  • 13. 1987 Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal na binuo ni dating Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino. Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ang probisyon tungkol sa wika na nagsasabing: Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino, Samantalang nalilinang ito ay dapat pagyabungin at pagyamanin pa sa salig na umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
  • 14. WIKANG OPISYAL Tinatawag na opisyal na wika ang isang wika na binibigyan ng pagkilala sa konstitusyong bilang wikang gagamitin sa mga opisyal na transaksyon ng pamahalaan. May dalawang opisyal na wika ang Pilipinas- Ito ay ang Filipino at Ingles. Ayon sa Artikulo IV Seksyon 7, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hanggat walang itinatadhana ang batas, Ingles. Bilang mga opisyal na na wika, may tiyak at magkahiwalay na gamit ang Filipino at Ingles. Gagamitin ang Filipino bilang opisyal na wika sa pag-akda ng mga batas at dokumento ng pamahalaan.
  • 15. WIKANG PANTURO Ito ang opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitan sa pagtuturo sa silid-aralan. Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 7 Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hanggat walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon na magsisilbing pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.
  • 16. Deped order no.74 series of 2009 Sa pagpasok ng k to 12 Curriculum, ang Mother Tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula kindergarten hanggang grade 3 sa mga paaralang pampubliko at pribado man. Tinawag ito Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education ( MTB-MLE) Ayon kay dating Deped Secretary Armin Luistro Ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baiting ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapag-patibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural.
  • 17. Sa unang taon ng pagpapatupad ng MTB-MLE Noong unang taon ng pagpapatupad ng K to 12 ay itinadhana ng DepEd ang 12 o Labindalawang local o panrehiyon na wika at diyalekto para magamit sa MTB-MLE. Taong 2013 nadagdagan ng 7 o pito kayat sa kasalakuyan mayroon labingsiyam na wika at diyalekto ang ginagamit.
  • 18. MGA WIKA AT DIYALEKTO NA GINAGAMIT SA MTB-MLE MGA WIKA AT DIYALEKTO LUGAR KUNG SAAN SINASALITA 1.TAGALOG NCR, BULACAN,CAVITE 2. KAPAMPANGAN PAMPANGA 3. PANGASINENSE PANGASINAN 4.ILOKO La UNION, ILOCOS PROVINCE, CAGAYAN VALLEY, BABUYAN ISLAND, MINDORO AND MINDANAO 5. BIKOL Bicol 6. CEBUANO CEBU 7. HILIGAYNON ILO-ILO 8. WARAY TACLOBAN,MASBATE, SORSOGON 9.TAUSUG SULU
  • 19. MGA WIKA AT DIYALEKTO NA GINAGAMIT SA MTB-MLE MGA WIKA AT DIYALEKTO LUGAR KUNG SAAN SINASALITA 10.MAGUINDANAOAN MAGUINDANAO PROVINCE 11. MERANAO LANAO DEL SUR AT LANAO DEL NORTE 12. CHAVACANO ZAMBOANGA 13.YBANAG ISABELA, TUGUEGARAO, CAGAYAN 14. IVATAN BATANES ISLAND 15. SAMBAL ZAMBALES, QUEZON, PALAWAN 16. AKLANON WESTERN VISAYAS AKLAN 17. KINARAY-A ANTIQUE 18.YAKAN 19. SURIGAONON BASILAN ISLAND SURIGAO