1. E0012
Makrong Kasanayan sa Akademikong Komunikasyon—Pagsasalita * Pag-aari ng STI
Pamigay sa mga Mag-aaral (Student Handouts) Pahina 1 ng 3
Makrong Kasanayan sa Pagsasalita
Pagsasalita
Ito ang kakayahang bigyang-ekspresyon ng isang tao ang kanyang iniisip, damdamin o saloobin at
maibahagi ang mga ito sa tagapakinig.
Layunin ng Pagsasalita
• Magpabatid—makapagkalat ng impormasyon at kaalaman sa iba
• Mangganyak o manghikayat—papaniwalain o ibuyo ang iba tungo sa isang gawain o layunin
• Manlibang—pampalipas-oras habang nang-aaliw ng iba
___________________________________________________________________________________

Salik sa Pagsasalita
• Boses o tinig
o Paghinga
o Pagkatal o vibration
o Resonasyon o pag-alalad
o Artikulasyon o pagbigkas
o Kalidad ng boses
• Kilos o galaw sa tanghalan
• Kumpas ng kamay o gestures
• Postura o tindig
• Ekspresyon ng mukha at eye contact
• Pananamit at appearance
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
Tungkulin sa Pagsasalita
Ang wikang ginagamit sa araw-araw ay nakabatay sa layunin sa pagsasalita. Mayroong ilang
tungkulin ito:
• Transaksiyunal—nakapokus sa paghahatid ng impormasyon at mensahe. Halimbawa, ang
pagbibigay ng lektyur tungkol sa isang bagay; ang paghahambing ng kabutihan at kahinaan nito.
Samantala, kung nagpapaliwanag o nangangatwiran kung bakit ginawa ang isang bagay o di
kaya’y nagbibigay ng prediksiyon o palagay, ito ay paggawa naman ng ebalwasiyon.
2. E0012
Makrong Kasanayan sa Akademikong Komunikasyon—Pagsasalita * Pag-aari ng STI
Pamigay sa mga Mag-aaral (Student Handouts) Pahina 2 ng 3
• Interaksiyunal—ang pinahahalagahan ay ang tagapakinig sa halip na pagpapalitan ng
impormasyon. Layunin nito ang pagpapanatili ng magandang pakikipag-ugnayang sosyal. Dahil
ang impormasyon o mensahe ay di masyadong pinahahalagahan, malimit ang pag-iiba ng paksa
at karaniwan nang nakakalimutan ang nilalaman ng mga naunang usapan. Ang karaniwang
naaalala ay kung kinalugdan ang pagkikita o nasiyahan ang tagapakinig.
• Personal—ginagamit ang pagsasalita upang ipahayag ang personal na kaisipan at damdamin
tulad ng pagkatuwa o pagkalungkot, pagkainis, pagkagalit at iba pa.
• Interpersonal—nag-uusap ang dalawang tao upang mapanatili ang mahusay na relasyon.
Nagbabatian, nagpapakilala, at nagkukumustahan sila upang matukoy ang kalagayan ng isa’t
isa.
• Direktiba—ginagamit upang maisagawa ang isang nais mangyari. Maaaring makiusap, mag-
utos, tumanggi o pumayag sa ipinagagawa o maging masigasig sa nais mangyari.
• Reperensiyal—kadalasan itong ginagamit sa talakayan sa klasrum. Karaniwang nagtatanong,
nag-uulat, o nagpapaliwanag.
• Imahinatibo—ito ang paglikha ng nais ipahayag. Maaaring magkuwento, tumula, lumikha ng
palaisipan, bugtong o kasabihan.
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
Pagtatalo o Debate
Ito ay mabisang paraan ng panghihikayat at pangangatwiran. Isa rin itong kasanayan sa kritikal na
pag-iisip at pagbigkas. Ang kahusayan dito ay nakasalalay sa mga sumusunod:
• Pagpili ng paksa o proposisyon
• Paghahanda sa pagtatalo
• Pagtitipon ng datos o pananaliksik
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
Balangkas ng Pagtatalo
Ito ang paghahanay ng mga katuwiran at masasabing ang pinaikling pakikipagtalo. Ang mga bahagi
nito ay:
• Panimula—ang paksa ng pagtatalo
• Katawan—ang mga isyung dapat na bigyang-katuwiran
• Wakas—ang pagbubuod sa mga isyung binigyan ng mga patunay
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
3. E0012
Makrong Kasanayan sa Akademikong Komunikasyon—Pagsasalita * Pag-aari ng STI
Pamigay sa mga Mag-aaral (Student Handouts) Pahina 3 ng 3
Paraan ng Pagtatalo
Ang Oregon-Oxford na uri ang madalas gamitin na paraan ng pagtatalo. Ito ay may sumusunod na
mga katangian:
• Binubuo ng dalawa o tatlong kasapi ang bawat koponan.
• Walo o sampung minuto para sa talumpati ng bawat tagapagsalita.
• Tatlong minuto ng pagtatanungan.
• Tatlong sandali ng pagtuligsa (rebuttal) at limang minuto para sa pagbubuklod ng puno ng bawat
koponan.