1. Ponolohiya - makaagham na pag-aaral
ng ponema
Morpolohiya - ang pag-aaral kung paano
binubuo ang mga salita
Sintaksis - pag-aaral ng istruktura ng
mga pangungusap
Semantika - ang pag-aaral ng mga
pagpapakahulugan ng isang wika
YUNIT III:
ISTRUKTURA AT KALIKASAN
NG WIKANG FILIPINO
2. PONEMAPONEMA
- makabuluhang yunit ng tunog na
nakapagpapabago ng kahulugan
kapag ang mga tunog ay pinagsama-
sama upang makabuo ng mga salita.
Halimbawa:
maestro- maestra
abogado abogada
tindero tindera
Angelito Angelita
3. Ang wikang Filipino ay binubuo ng :
2 uri ng Ponema
1. Ponemang Segmental
2. Ponemang Suprasegmental
4. 15 katinig
- /p, b, m, t, d, n, s, l, r, y, k, g, , w, /
/ / -pasara/impit na tunog o saglit na
pagpigil sa hangin
/ / - kumakatawan sa titik na /ng /
Ang Filipino ay may
21 Ponemang Segmental
5 patinig - /a, e, i, o, u/
5. 2. Ponemang Suprasegmental
1. TONO
- ito ay ang pagtaas at pagbaba ng
tinig sa pagbigkas ng pantig ng
isang salita.
Halimbawa:
Ikaw. (may katiyakan)
Ikaw? (hindi sigurado/nagtatanong)
3 Uri
6. 2. DIIN. Ito ang haba ng bigkas na
iniukol sa pantig ng isang
salita.
Halimbawa:
BUkas - buKAS
PIto - piTO
SAya - saYA
Upo - uPO
7. 3. ANTALA
- ito ay ang saglit na pagtigil sa
pagsasalita upang lalong maging
malinaw at mabisa ang kaisipang
ipinahahayag.
Halimbawa:
Bigkasin at huminto kapag nakita ang / .
Si Mark Anthony / at ako //
Si Mark / Anthony / at ako //.
8. Halimbawa:
Hindi siya si Jomar //
Hindi / siya si Jomar //
Hindi siya / si Jomar //
Hindi ako ang gumawa. //
Hindi / Ako ang gumawa. //
9. - alinmang patinig na sinusundan
ng malapatinig na /y/ o /w/ sa
loob ng isang pantig.
- ang mga diptonggo sa Filipino ay
/y/ - ay, ey, oy, uy
/w/ - aw, ew, iw, ow, uw
DIPTONGGO
15. Mga Tulang may Diptonggo
Ibig kong marating ang abot ng tanaw,
Ibig kong maabot ang langit na bughaw
Lupang malalawak sana ay malakbay,
Dagat na malalim ay mapaglanguyan.
Kaluluwa natit buhay
Sa Diyos natin iaalay
Nang tayo ay makinabang
Nang lubos na katuwaan
Doon sa langit na bayan.
16. Paalam na sintang lupang tinubuan
Bayang masagana sa init ng araw
Edeng maligayang sa amiy pumanaw
At perlas ng dagat sa dakong Silangan.
17. Kambal-Katinig /KLASTER
- ay ang magkasunod na
ponemang katinig sa isang
pantig.
- ito ay maaaring makikita sa
unahan, sa gitna o sa hulihang
pantig ng salita.
18. Hal : (Kambal-Katinig / Klaster
Unahan Gitna
Hulihan
drama iskwater rekord
blusa eskwela tayp
klerk biskwit nars
krema kongklusyon kart
gripo sumbrero beys
dyaryo klima kard
plano pilantropo relaks
19. Pares - Minimal
- pares ng salitang magkatulad ang
bigkas maliban sa isang ponema
na siyang pinagkaiba ng kanilang
kahulugan.
- ginagamit ito upang maipakita ang
pagkakaiba ng mga tunog na
magkakahawig ngunit magkaiba
ang ponem at kahulugan.
24.
l r w y m
b blusa
d
f
g
h
k
krus
l
p
prutas
r
s
t
n
25. MORPOLOHIYA
- pagsusuri sa mga paraan ng
pagbuo ng mga salita sa isang
wika.
- pag-aaral ng morpema /morfim
26. MORPEMA /Morfim
- ang pinakamaliit na yunit ng
salita na nagtataglay ng
kahulugan
Halimbawa:
makahoy(2 morpema)
ma(ang pagkakaroon) at kahoy
27. Mga Anyong Morpema /
Morfim
1. Binubuo ng isang ponema. Ang
ponemang a ay nauukol sa babae.
Gayundin, ang ponemang o ay
nauukol sa lalaki. Ang morpema ay
maaaring isang ponema. Halimbawa
nito ay ang /o/ at /a/ na sa ating wika
ay maaaring mangahulugan ng
kasarian.
29. 2. Binubuo ng salitang-ugat.
-ito ay mga salitang payak gaya
ng ganda, buhay, isa. Ito ay
tinatawag ding malayang
morpema sapagkat may sariling
kahulugan at makatatayong mag-
isa.
-mga payak itong salita dahil
walang panlapi.
30. 3. Binubuo ng panlapi.
-maaaring unlapi, gitlapi o hulapi.
-ang mga panlapi ay may sariling
kahulugan kayat bawat isa ay
isang morfim /morpema.
31. Tukuyin ang mga uri ng panlaping
ginagamit sa mga sumusunod na
halimbawa:
minata, matahin, mapangmata
nagpayong, nagpayungan,
pinayungan
pagurin, ikinapagod, napagod
tumaas, taasan
batuhin, nagbatuhan, binato
32. Ang morpema ay maaari
ring:
1. May Kahulugang Leksikal kung
ang salita ay pang nilalaman
Halimbawa:
Pangngalan: aso, tao, sabon, paaralan,
kompyuter, telebisyon, vugi (itlog ng isda,
Ibanag); (mosque, Tausug)
Panghalip: ako, ikaw, siya, kayo, tayo,
kami, sila
34. 2. Pangkayarian - walang
kahulugan sa ganang sarili at
kailangang makita sa isang kayarian
o konteksto upang maging
makahulugan.
Halimbawa:
Pang-angkop: na, ng
Pangatnig: at, o saka, at iba pa
Pang-ukol: tungkol sa/kay, ayon sa
Pananda: ang, sa, si/sina, ni/nina,
kay / kina
36. may- ginagamit kapag ang sinusundang
salita ay nasa pangngalan
Hal. May kompyuter sa kanilang bahay.
*ginagamit din sa pandiwa
Hal. May naglilinis sa labas.
*ginagamit din sa panghalip na paari
(akin, kanila)
Hal. May lalaking naghihintay sa akin
sa labas.
1. may / mayroon
37. mayroon
- kapag ang sinusundang salita
ay panghalip na palagyo
Hal. Mayroon kaming palaisdaan sa
Bulacan.
Mayroon siyang kotse.
* kung sinusundan ng kataga o
ingklitik
Hal. Mayroon ba siyang pasalubong?
38. 2. Ng / Nang
ng (of) gamit bilang pang-ukol
ng layon ng pandiwa
Halimbawa:
Ang dahon ng kahoy ay malago.
Nagsipilyo siya ng ngipin bago
matulog.
39. Ginagamit na pang-ukol na
tagaganap ng pandiwa
Halimbawa: Hinuli ng pulis ang mga
nanloob sa kanilang bahay.
Ginagamit na pananda sa
tuwirang layon na pandiwang
panlipat
Halimbawa: Nag-aral siya ng
leksyon para sa nalalapit na
40. nang- when
Hal: Kumakain kami ng hapunan nang
dumating ang mga panauhin.
Katumbas na so that o in order to sa
Ingles
Hal: Mag-aral kayo nang mabuti nang
kayo ay makapasa
Magsikap ka nang ang buhay mo
ay guminhawa.
41. 3. Na + ng / nang
Hal: Kumain na ng lugaw ang
batang maysakit.
Kapag napapagitnaan ng
dalawang magkatulad na pandiwa
Hal: takbo nang takbo ; sulat nang
sulat, kain nang kain
42. 4. daw/din at raw/rin
daw/din kapag ang
sinusundang salita ay
nagtatapos sa katinig maliban
sa malapatinig ma (y at w).
Hal: May pangarap daw siyang
makapagtrabaho sa Canada.
43. raw/rin
-kapag ang sinusundang salita ay
nagtatapos sa patinig at (y at w).
Hal: Sasakay raw sila sa eroplano.
Buhay raw ng asawa niya ang
nakasalalay dito.
44. 5. Kung/ Kong
Kung ginagamit sa pangatnig na
pasubali at karaniwang ginagamit
sa hugnayan na pangungusap.
Hal: Kung aalis ka sasama ako.
Matutulog ako kung
papatayin mo ang ilaw.
45. kong
panghalip na panao
Hal : Gusto kong manood ng sine.
Pangarap kong makapagtapos
ng pag-aaral.
46. 6. Pahiran/Pahirin
Pahiran lagyan
Hal:
Pahiran mo ng langis ang kanyang
paa.
Pahirin - alisin o tanggalin (wipe off)
Hal:
Pahirin mo ang mga luha sa iyong
mata.
47. 7. Operahan / Operahin
Operahan tumutukoy sa tao
hindi sa bahagi ng katawan
Hal:
Siya ay ooperahan sa paggamutan.
Operahin - tumutukoy sa tiyak na
bahagi ng katawan
Hal:
Ang bukol sa kanyang dibdib ay
ooperahin.
48. 8. Subukan/ Subukin
Subukan- malihim na pag-
oobserba (to see secretly)
Hal: Subukan nating tikman ang
kanilang pagkain.
Subukin- pagsisiyasat sa lakas
(to test or try)
Hal: Subukin mong gamitin ang
kutsilyong iyan kung matalas.
50. 10. Binasag/ Nabasag
Binasag - sinadya
Hal: Binasag niya ang baso sa
sobrang galit.
Nabasag - di sinasadya
Hal: Nabasag ang salamin dahil
sa away nila.
51. 11. Pinto/ Pintuan
Pinto door
Hal: May kumakatok sa pinto.
Pintuan doorway
Hal: Huwag kayong magsisiksikan
sa pintuan.
52. Sintaksis / Sintaks / Palaugnayan
-pagsasama- sama o pag-uugnay ng
mga salita upang bumuo ng
pangungusap.
-pag-aaral ng palatanungan, palabuuan
at talasalitaan;
-mga pagsasanay tungkol sa pagpili ng
maayos na pangungusap, na may isa
lamang maliwanag na kahulugan.
53. Pangungusap Ayon saTungkulin
1. Paturol o Pasalaysay /
Declarative
- pangungusap na nagsasabi o
nagpapahayag ng isang bagay na
paturol o pasalaysay. Ito ay maaaring
nasa karaniwang ayos na gaya ng
mga pangungusap na sumusunod.
Ang bantas na ginagamit sa
pangungusap na pasalaysay ay tuldok
54. Hal:
a. Siya ay tanghaling dumating.
b. Maraming magagandang pook sa
Pilipinas.
Paturol o Pasalaysay /
Declarative
55. 2. Patanong/ Interrogative
pangungusap na nagtatanong
ng isang bagay o mga bagay.
Gumagamit ng tandang
pananong (?).
Hal:
Kailan ang kaarawan mo?
Saan nagtungo si Kaye?
Dadalaw ka ba sa ospital?
56. 3. Pautos / Imperative
- pangungusap na nag-uutos upang
gawin ang isang bagay. Ito ay may
dalawang uri.
Hal:
Pedro, tawagin mo si Nene.
Samahan mo si Lea, Pat.
57. Ang ikalawang uri ng pangungusap na
pautos ay yaong nakikiusap na gawin
ang isang bagay. Ang uri ng pauos na
itoy karaniwang gumagamit ng panlaping
ipaki at ng salitang maaari.
Hal:
Pakibigay mo nga ang litratong ito kay
Kathy.
Maaari bang buksan mo ang pinto,
Nelia?
58. 4. Padamdam / Exclamatory
-pangungusap na nagpapahayag ng di-
karaniwang damdamin. Ang
pangungusap na ito ay maaaring
magpahayag ng malaking galak, takot, o
galit, kaakit-akit. Ginagamitan ng tandang
padamdam (!).
Hal:
Mayaman na ako ngayon!
Nakamit ko na ang tagumpay!
60. 1.Pangungusap na Eksistensyal
- nagpapahayag ng pagkakaroon ng
isa o higit pang tao, bagay, at iba
pa.Pinangungunahan ito ng may o
mayroon.
Hal:
May mga turista ngayon sa Baguio.
62. 3. Mga Maikling Sambitla
- tumutukoy sa mga iisahin o
dadalawahing pantig na
nagpapahayag ng matinding
damdamin.
Hal:
Aray!
Aruy!
Ay!
63. 4. Mga Pangungusap na Pamanahon
- nagsasaad ng oras o uri ng panahon.
Hal:
alas-tres
malamig ngayon
umaaraw
tanghali na
64. 5. Formulasyong Panlipunan
-mga pagbati, pagbibigay-galang, at
iba pa na nakagawian na sa lipunang
Pilipino.
Hal:
Magandang gabi po.
Tao po.
Mano po.
Makikiraan po.