isang malaking kabute.
lagalag sa mundo nang magulong gubat.
kapatid ang damo.
kaaway ang insekto.
malugod na nililingap ang ugat sa nag-aalburutong lupain nang alkade ng pusikit na kasukalan.
uusbong sa mga sandaling bumuhos nang luha ang kalangitan.
ngingiti ako.
dama ang panibagong siphayo ng aking natitibag na tahanan.
buhay ang kabute.
panandalian.
lulubog at lilitaw nang di inaasahan.
We’ve updated our privacy policy so that we are compliant with changing global privacy regulations and to provide you with insight into the limited ways in which we use your data.
You can read the details below. By accepting, you agree to the updated privacy policy.