Ang Pilipinas ay binubuo ng 7,107 pulo at may baybayin na umaabot sa 36,289 kilometro. Ang lokasyon ng Pilipinas ay matutukoy sa pamamagitan ng latitud at longhitud, na may relatibong lokasyon batay sa mga anyong-tubig na nakapaligid dito. Ang globo ay may mga bahagi tulad ng hilaga at timog hemispero, kanluran at silangang hemispero, na tumutulong sa tamang pagtukoy sa lokasyon sa mapa.