Ano ka sa Akin
Ika’y alpa…
Dulot mong musika’y
Umaaliw sa isapang balisa
Talinghagang hatid saki’y isang panata…
Ika’y tala…
Ningning mo’y sandata sa gabing pusikit
Sa dilim ng landas ay siya kong gamit
Pantighaw sa nadaramang hirap at sakit.
Ika’y anghel…
Lamyos ng tinig mong namutawi
Pangamba’t pag-aalinlanga’y pinawi
Bagwis ng pag-asa’y kagyat na naghari.
Ika’y hamog…
Lanta kong kaluluwa’y iyong dinilig
Nagbigay buhay at umantig
Upang tigang na puso’y tubuan ng pag-ibig.
Ika’y rosas…
Bughaw na hardin sa dibdib
Iyong pinawi’t tinigib
Ng dalisay na kulay mong-
Kulay ng pag-ibig..
Users following Aklan State University - College of Fisheries and Marine Sciences
We’ve updated our privacy policy so that we are compliant with changing global privacy regulations and to provide you with insight into the limited ways in which we use your data.
You can read the details below. By accepting, you agree to the updated privacy policy.