Ukol sa Wika at Kulturang Pilipino ni Zeus A. SalazarKyleHydenManalo
油
Si Zeus A. Salazar ay isang Filipino Historian at Philosopher ng History. Siya ay leading proponent ng isang historical movement na 'Pantayong Pananaw'.
Sa konklusyon, ang sektor ng industriya ay isang mahalagang kasangkapan para sa pag-unawa at pagsusuri sa ekonomiya. Nagbibigay ito ng paraan upang pagsama-samahin ang mga kumpanyang kasangkot sa mga katulad na aktibidad at tinutulungan ang mga mamumuhunan na matukoy kung saan nila dapat ipuhunan ang kanilang pera.
Sa konklusyon, ang sektor ng industriya ay isang mahalagang kasangkapan para sa pag-unawa at pagsusuri sa ekonomiya. Nagbibigay ito ng paraan upang pagsama-samahin ang mga kumpanyang kasangkot sa mga katulad na aktibidad at tinutulungan ang mga mamumuhunan na matukoy kung saan nila dapat ipuhunan ang kanilang pera.
Kung noon ay radyo, dyaryo, telebisyon at magasin lang ang ating media para malaman kung anong uso, anong sikat at ano ang popular, sa panahon ngayon, napakamoderno na ng teknolohiya at napakadali na para sa mga tao na makiuso at magpauso sa pamamagitan ng lahat ng uri ng media-lahat ng nabanggit kanina at idinagdag pa ang internet. Bakit ba napakaimportante sa mga tao makasabay sa uso? Ano nga ba talaga ang kulturang popular? Ating alamin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng uso o mas pormal na kilala bilang kulturang popular. Ang kulturang popular ay masasabi nating isang paraan ng mga tao para maramdaman ang pagtanggap sakanila ng nakararami. Ang pag-ayon sa kulturang popular, ang nagpapadama sa mga tao na tanggap sila sa modernismo dahil ang kulturang popular ay kadalasang nagmumula sa mga modernong produkto ng mga kumpanya at modernong mga bansa. Ang kulturang popular ang kadalasang nagbibigay ng depinisyon kung ano ang maganda at kung ano ang katanggap-tanggap. Ang kulturang popular ay maaaring teknolohiya, pagkain, kasuotan, musika at iba pa. Ito ay ang mga pinagsasama-samang kultura na itinatakda ng makakapangyarihang tao, kumpanya at bansa. Ginagamit ito ng mga ordinaryong tao para maipahayag ang kanilang pagsang-ayon sa isang kultura, pati na rin maipakilala ang kanilang sarili. Ngunit bakit nga ba may kulturang popular? San ba ito galing? May sinasabing anim na dahilan at pinagmumulan ng kulturang popular at ito ang mga: 1. Pangangailangan na itinatakda ng mga negosyante Ang mga negosyante ay nagbibigay o nagpapakita sa mga tao ng isang pangangailangan.Ang kulturang popular ay ang tinatangkilik ng karamihan sa lipunan, halimbawa ang mga pelikula at ang mga teleserye, sa mga damit na sinusuot at ang mga artista na tinitingalaan namin lahat ito ay nasa sakop ng kulturang popular. Ang ng ginagawa naming, sa mga salita at ang mga akysons ito ang subconscious na pagnanais sa mga bagay na popular sa karamihan. Ito ang isang simpleng paliwanag para sa kulturang popular, pero ano talaga ANG kulturang popular?May maraming ideyas na lumikha ang tinatawag naming kulturang popular. Isa, tumatakbo ang kulturang popular sa prospekto ng kita. Kung walang kita o potensyal na negosyo mas maliit ang impluensya ang mga kompanya sa komunidad. Laging nagdadala ang mga kompanya ng mga bagay na nakatingin nila may potensyal na maging popular dahil ito ang paanong tumatakbo ang mga kompanya nagdala ng mga produkto na lilikha ng pinakamaraming kita. Dahil sa itong pananaw, karaniwan maganda ang mga produkto na dinadala ng mga kompanya, katulad sa mga damit o mga restawrans, at ito ay gumagawa ang trend na sinusundan namin.
Gumagawa ang pagnanais na umiral sa kulturang popular ang konsepto ng sado-masokismo. Ito ang kagustuhan para makukuha ng kasiyahan sa pagkuha ng mga bagay na tinatawag naming kulturang popular. Isang halimbawa ay ang kagustuhan ng bagong tatak ng Nike o Adidas na sapatos .
1. abloid: Isang Pagsusuri
William Rodriguez II
Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa Tagalog ito nakasulat bagama't ilan dito
ay Ingles ang midyum.
Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot-kaya lang ang
presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid na makikita sa mga bangketa.
Bumebenta pa rin, kahit ang mga balita ay unang lumalabas sa telebisyon at naiulat na
rin sa radyo.May sariling hatak ang nasa print media dahil lahat ay 'di naman
naibabalita sa TV at radyo. Isa pa, hangga't naitatabi ang diyaryo ay may epekto pa rin
sa mambabasa ang mga nilalaman nito.
Iba't iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo. Mayroong hanap
talaga ay balita, magbasa ng tsismis, sports, literatura o 'di kaya'y sumagot ng
palaisipan. Pinagsama-sama na yata ang lahat sa diyaryo para magustuhan ng mga tao.
Mainam itong pampalipas-oras kapag walang ginagawa. Sinasabing ang tabloid ay pang
masa dahil sa Filipino ito nakasulat bagama't ilan dito ay Ingles ang midyum. Hindi
katulad sa broadsheet na ang target readers ay Class A at B. "Yun nga lang sa tabloid
ay masyadong binibigyang-diin ang tungkol sa sex at karahasan kaya't tinagurian itong
'sensationalized journalism.' Bihira lamang maibalita ang magagandang kaganapan sa
ating bansa. Ito kaya ay dahil sa itinuturo ng aklat ng dyornalismo, na ang katangian ng
magandang balita ay nasa masamang balita?
Sa kasalukuyan ay mayroong humigit sa dalawampung national daily tabloid ang nagsi -
circulate sa bansa.
GAWAIN 3.1.c: Listing
Napansin mo ba ang pagsusuri sa artikulo tungkol sa tabloid at broadsheet? Ngayon,
ibig kong itala mo ang mga katanggap-tanggap na ideya o pahayag mula sa artikulo.
Isulat sa papel ang sagot.
Mga Katanggap-tanggap na Ideya o Pahayag
1.
2.
3.
4.
5.
Mga Gabay na Tanong:
1. Sa iyong palagay, bakit higit na binabasa ng mga tao ang tabloid kaysa sa
broadsheet?
2. 2. Sa kabila ng pagpasok ng teknolohiya, lalo na ang malaganap na Internet, bakit
marami pa rin ang tumatangkilik at nagbabasa ng mga pahayagan?
Pagkatapos mong malaman ang ilang konsepto tungkol sa popular na babasahing
tabloid, dumako naman tayo sa isa pang kinagigiliwang basahin, lalo na ng kabataang
tulad mo ang komiks.
KOMIKS
Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit
upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng
kaunting diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga larawan, na maaaring
maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang higit na makaapekto nang
may lalim. Bagaman palagiang paksang katatawanan ang komiks, sa kasaysayan,
lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga uri
(genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon.
Narito ang isang halimbawa ng komiks at ang mga bahagi nito
Sinasabing ang komiks ay inilarawan bilang isang makulay at popular na babasahin na
nagbigay-aliw sa mambabasa, nagturo ng iba't ibang kaalaman at nagsulong ng
kulturang Pilipino. Ang kultura ng komiks ay binubuo ng mga manunulat at dibuhista na
napakalawak ng imahinasyon.
Ang pagiging malikhain ng mga tagakomiks ang nagpagalaw maging sa mga bagay na
walang buhay. Ipinakita nila ang hindi nakikita ng iba.
Lumikha sila ng mga bagay mula sa wala. Gumawa ng mahika. Pinagkabit-kabit ang
mga elemento. At kahit walang teleskopyo ay ginalugad nila ultimong tuldok sa
kalawakan, ipinakita na bukod sa ating mundo ay may iba pang mundo, at may iba pa
palang uri ng mga nilalang. Maraming bata ang lumaki kasabay ng komiks at baon nila
ang tapang ng mga super karakter na lumalaban sa mga hamon ng buhay. Maraming
pinaligaya ang komiks, maraming binigyan ng pag-asa, maraming pinaibig
Sa Pilipinas, Sinasabing ang bayaning si Jose Rizal ang kauna-unahang Pilipino na
gumawa ng komiks. Noong 1884 ay inilathala sa magasing "Trubner's Record" sa
Europa ang komiks strip niya na "Pagong at Matsing". Ito ay halaw ng bayani mula sa
isang popular na pabula sa Asya.
Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa Pilipinas magmula nang lumabas ito sa mga
magasin bilang page filler sa entertainment section nito noong 1920. Magmula dito,
nagsulputan na ang mga regular na serye ng Halakhak Komiks noong 1946, Pilipino
Komiks, Tagalog Klasiks noong 1949, at Silangan Komiks noong 1950.
Sinasabing sa pagpasok ng dekada otsenta unti-unting humina ang benta ng komiks
dahil sa ipinatanggal ang ilan sa nilalaman at ipinag-utos angpaggamit ng murang
3. papel. Naapektuhan nito ang kalidad at itsura ng komiks. Nagresulta ito nang pag-alis
ng mga dibuhista ng komiks sa Pilipinas para magtrabaho sa Amerika sa parehong
industriya, ang komiks. Kabilang dito sina Alfredo Alcala, Mar Amongo, Alex Ni単o at iba
pa.
Pagkatapos ng Martial Law muling namuhunan ang industriya ng komiks. Sa panahong
ito sumikat ang manunulat na sina Pablo S. Gomez, Elena Patron at Nerissa Cabral. Ang
pagbabalik ng interes ng mambabasa sa komiks ay tumagal lamang hanggang simula
ng 1990 dahil nahumaling na ang mga tao sa ibat ibang anyo ng paglilibang.
Sa kasalukuyan, marami pa rin ang nagnanais na muling buhayin ang industriya sa
bansa. Isa na rito ay ang kilalang direktor na si Carlo J. Caparas. Noong taong 2007
tinangka niyang buhayin at pasiglahin ang tradisyunal na komiks sa sirkulasyon sa
pamamagitan ng mga ginawa nilang komiks caravan sa ibat ibang bahagi ng Pilipinas.
Hindi lamang sa Pilipinas nakilala ang galing at husay ng mga manlilikha ng komiks
kundi maging sa ibang bansa. Ayon sa blog ni Fermin Salvador, 'world-class' ang
kakayahan ng mga Pilipino sa paglikha ng komiks.
Kinilala ang galing at husay ng mga Pinoy sa larangan ng sining at malikhaing pagsulat
sa lokal man at internasyonal na komunidad. Kabilang sa mga komikerong Pilipino na
kilala sa labas ng Pilipinas sina Gerry Alanguilan, Whilce Portacio, Philip Tan, Alfredo
Alcantara, at marami pang iba.
Tunay na hanggang sa ngayon ay popular na babasahin pa rin ang komiks. Ayon nga
kay Prof. Joey Baquiran ng UP, sa PA SKO SA KOMIKS. Hindi mamamatay ang komiks
dahil may kakanyahan ito. Ang katangiang biswal at teksto. Isang kakanyahang
hinding-hindi mamamatay sa kulturang Pilipino hangga't ang mga Pilipino ay may mga
mata para makakita at bibig para makabasa-- magpapatuloy ang eksistensiya ng
komiks.