Ang korido ay isang genre ng panitikan sa anyong patula na may walong pantig at mabilis na pagbigkas, na naglalaman ng mga kuwentong makasaysayan at makabuluhan. Ayon kay Trinidad H. Pardo de Tavera, ang mga korido ay puno ng mga insidente at pangyayaring mahiwaga na may kinalaman sa trahedya at pag-ibig. Sa Pilipinas, pumasok ang korido noong 1600 at umusbong ang kasikatan nito mula ika-19 hanggang ika-20 siglo, bagamat nahirapan ito sa modernong yumayabong na babasahin.