The document discusses the reasons for the expansion of Western colonialism and imperialism in Southeast and South Asia between the 18th and 19th centuries. It cites factors such as mercantilism, capitalism, and the belief in the White Man's Burden that drove Western nations to establish more colonies in Asia. This allowed them to extract raw materials and find new markets for their goods, helping their economies grow. However, it also disrupted local societies and economies in Asia.
Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismong Kaunlarinjennilynagwych
油
Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo. Ang kahulugan ng Kolonyalismo at Imperyalismo. Ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Kolonyalismo at Imperyalismo. Ang mga namuno at nakipagkalakalan sa aralin.
Follow me on twitter and instagram @jennilynagwych :DDD
Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismong Kaunlarinjennilynagwych
油
Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo. Ang kahulugan ng Kolonyalismo at Imperyalismo. Ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Kolonyalismo at Imperyalismo. Ang mga namuno at nakipagkalakalan sa aralin.
Follow me on twitter and instagram @jennilynagwych :DDD
Ang **akdang naratibo** ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay ng isang kwento o karanasan. Ito ay isang pagsasalaysay ng mga pangyayari na may layuning magbigay aliw, magturo, o magbigay aral sa mga mambabasa. Kadalasang gumagamit ng mga tauhan, tagpuan, at kaganapan upang maipahayag ang isang kwento sa isang tiyak na ayos o pagkakasunod-sunod.
Ang **akdang naratibo** ay may mga pangunahing elemento tulad ng **tauhan**, **tagpuan**, **tema**, **salungatan**, at **banghay**. Ang **tauhan** ang mga karakter na gumaganap sa kwento, mula sa pangunahing tauhan hanggang sa mga sumusuportang karakter. Ang **tagpuan** ay ang lugar at oras kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa kwento. Ang **tema** naman ay ang pangunahing ideya o mensahe na nais iparating sa mambabasa. Ang **salungatan** ay ang problema o hamon na kinakaharap ng mga tauhan sa kwento, at ang **banghay** ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula sa simula, gitna, hanggang sa wakas.
Halimbawa ng akdang naratibo ay ang mga **maikling kwento**, **nobela**, at **talambuhay**. Sa mga akdang ito, ang manunulat ay nagkukuwento ng isang kwento na may mga tauhan at nagsisilbing gabay sa mga mambabasa upang matutunan ang mga aral na dulot ng kwento. Ang isang akdang naratibo ay maaaring magtaglay ng iba't ibang emosyon tulad ng saya, lungkot, takot, at pagmamahal, na nakatutulong upang mas maging makulay at buhay ang kwento.
Sa kabuuan, ang akdang naratibo ay isang mahalagang anyo ng panitikan na naglalaman ng mga kwento at karanasan na makapagbibigay ng kasiyahan at aral sa mga mambabasa.
Grade 1 Week 4 Quarter 3 GMRC Presentation for teachers of Grade 1 who are bu...estrellaagabe
油
DEMO TEACHING FOR GRADE 1 Q4 WEEK 3. for faster understanding of concepts. it is developed solely for Grade 1 Learners to enjoy learning in GMRC. it enables Grade 1 learners to achieve the objective at the targeted time. This presentation gives clarity and opportunity to develop concepts and understanding on the developing of values and good
Edukasyon Sa Pagpapakatao seksuwalidad pt 1.pptxDanethGutierrez
油
Ito ay isang presentasyon tungkol sa kawalan ng pag galang sa sekswalidad ng tao. Sa kasalukuyang lipunan, isa sa mga mahahalagang usaping panlipunan ay ang kawalan ng paggalang sa sekswalidad ng isang tao. Ang sekswalidad ay isang aspeto ng ating pagkatao na sumasaklaw sa ating pagkakakilanlan bilang lalaki, babae, o ibang kasarian, pati na rin sa ating oryentasyong sekswal at pagpapahayag ng ating sekswal na identidad. Gayunpaman, sa kabila ng kahalagahan nito, patuloy pa ring nararanasan ng maraming indibidwal ang diskriminasyon, pang-aabuso, at hindi makatarungang pagtrato dahil sa kanilang sekswalidad. Mga Anyo ng Kawalan ng Paggalang sa Sekswalidad
Diskriminasyon sa Kasarian at Sekswal na Oryentasyon
Isa sa mga pinaka-karaniwang anyo ng kawalan ng paggalang sa sekswalidad ay ang diskriminasyon laban sa mga LGBTQ+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, at iba pa). Maraming indibidwal ang nakakaranas ng pangmamaliit, paglayo ng pamilya, kawalan ng oportunidad sa trabaho, at maging pang-aapi sa paaralan o lugar ng trabaho dahil lamang sa kanilang sekswal na pagkakakilanlan.
Panggagahasa at Sekswal na Pang-aabuso
Ang sekswal na pang-aabuso ay isang marahas at hindi makatarungang anyo ng kawalan ng respeto sa sekswalidad ng isang tao. Kabilang dito ang panggagahasa, sapilitang pakikipagtalik, at iba pang uri ng sekswal na karahasan. Ang mga biktima nito ay madalas na pinapatahimik ng takot, stigma, at kakulangan ng suporta mula sa lipunan.
Catcalling at Sekswal na Panliligalig
Ang pambabastos sa lansangan o catcalling ay isang halimbawa ng kawalan ng respeto sa sekswalidad ng isang tao. Karaniwang biktima nito ay mga kababaihan, bagaman may mga kalalakihan ding nakakaranas nito. Ang sekswal na panliligalig ay nagdudulot ng matinding takot at kawalan ng seguridad sa mga biktima.
Sapilitang Pamantayan ng Pagpapakita ng Sekswalidad
Sa maraming kultura, may mga inaasahang pamantayan sa kung paano dapat ipahayag ng isang tao ang kanyang sekswalidad. Halimbawa, may mga babae na pinipilit na maging mahinhin at hindi dapat masyadong lantad sa kanilang sekswalidad, samantalang may mga lalaki naman na inaasahang maging agresibo o dominante. Ang ganitong mga pananaw ay nagpapalakas ng hindi pantay na pagtrato sa kasarian.
Paggamit ng Sekswalidad para sa Pagsasamantala
Sa media at industriya ng aliwan, madalas ginagamit ang sekswalidad ng mga tao, lalo na ng kababaihan, upang makabenta ng produkto o makakuha ng atensyon. May mga tao rin na napipilitang pumasok sa prostitusyon o pang-aabuso dahil sa kahirapan at kawalan ng pagpipilian. Ito ay isang malinaw na manipestasyon ng kawalan ng paggalang sa sekswalidad.
Epekto ng Kawalan ng Paggalang sa Sekswalidad
Ang kawalan ng respeto sa sekswalidad ng isang tao ay may malalim at pangmatagalang epekto hindi lamang sa indibidwal na biktima kundi pati na rin sa buong lipunan. Ang ilan sa mga pangunahing epekto ay ang mga sumusunod:
Ang kawalan ng paggalang sa sekswalidad ay isang seryosong suliranin na
2. Tuklasin.
Sa bahaging ito, iyong tutuklasin ang bagong aralin sa pamamagitan ng
pagsuri sa sitwasyon. Matapos na masuri ang sitwasyon, sagutin ang mga
katanungan at isulat ang sagot sa sagutang papel.
3. Ang Kolonyalismo ay mula sa salitang kolonya na nagmula sa
salitang Latin na colons na ang kahulugan ay magsasaka o
farmer. Ang kolonyalismo ay ang direkta o tuwirang
pananakop ng isang malakas na bansa sa iba pang mahihinang
bansa upang makamit ang mga layunin o mga interes nito
tulad ng pagkuha ng mga kayamanan. Kolonya ang tawag sa
mga teritoryo at mamamayan na napasailalim sa
kapangyarihan at pagkontrol ng bansang mananakop,
samantalang ang kolonyalista ay ang tawag sa mga bansang
mananakop.
Ang Imperyalismo naman ay paraan ng pamamahala kung saan ang
malalaki o makapangyarihang mga bansa ang naghahangad upang palawakin ang
kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o paglulunsad ng mga
pagtaban o kontrol na pangkabuhayan at pampolitika sa ibabaw ng ibang mga
bansa. Ang mga bansang sakop nito ay tinaguriang kanilang Imperyo.Tatlong bagay
ang mahalagang dahilan ng pananakop ng mga Europeo:
Paghahanap ng kayamanan;
Pagpapalaganap ng Kristiyanismo; at
Paghahangad ng katanyagan at karangalan.
4. Mga Motibo at Salik ng Kolonyalismo
Naging kaakit-akit ang Asya sa paningin ng mga Europeo. Ang tangi lamang nilang kaalaman
tungkol sa Asya ay mula sa tala ng paglalakbay ng nabigador na sina Marco Polo, at Ibn Battuta.
Naakit sila sa mayamang paglalarawan kaya naghangad silang marating ang lugar ng Asya. Ang
aklat ni Marco Polo, TheTravels of Marco Polo ay naging mahalaga sapagkat ipinaaalam nito sa
mga Europeo ang yaman at kaunlarang taglay ngTsina
Hinikayat nito ang mga Europeo na marating angTsina. Naitala naman ng Muslim na
manlalakbay na si Ibn Battuta ang kanyang paglalakbay sa Asya at Aprika. Malaki rin ang
naitulong ng dalawang instrumento na natuklasan para sa mga manlalakbay, ito ay ang
compass na nagbibigay ng tamang direksyon habang naglalakbay at ang astrolabe na gamit
naman upang
sukatin ang taas ng bituin.
Naging dahilan din ng pananakop na ito ang pagpapasimula ng paglalayag at pagtuklas ng mga
bagong lupain ng dalawang bansa sa Europa ang Portugal at Espanya. Nanguna ang Portugal sa
mga bansang Europeo sa katauhan ni Prinsipe Henry the Navigator na naging inspirasyon ng
mga manlalayag sa kanilang panahon. Hinikayat niya ang mga dalubhasang mandaragat na magturo
ng tamang paraan ng paglalayag sa mga tao. Masidhi ang kanyang pagnanais na makatuklas ng mga
bagong lupain para sa karangalan ng Diyos at ng Portugal. Nakadepende ang mga Europeo sa
paggamit ng mga pampalasa o spices na matatagpuan sa Asya lalo na sa India tulad ng paminta,
cinnamon at
nutmeg.
5. Mga Nanguna sa Panggagalugad
Pinangunahan ng Portugal ang panggagalugad sa karagatan ng Atlantiko upang makahanap ng
mga pampalasa at ginto. Sa pagitan ng 1320 hanggang 1528, nakapaglayag ang mga mandaragat na
Portuges hanggang sa kanlurang bahagi ng Aprika upang hanapin ang daang katubigan patungo sa
Asya. Natagpuan ni Bartholomeu Dias noong Agosto 1488 ang pinakatimog na bahagi ng Aprika na
kilala sa tawag na Cape of Good Hope. Ang paglalakbay na ito ni Dias ay nagpapakita na maaaring
makarating sa SilangangAsya sa pamamagitan ng pag-ikot sa Aprika.
Noong 1497 ay apat na sasakyang pandagat ang naglakbay na pinamunuan niVasco da Gama mula
sa Portugal hanggang sa Calicut, India.Taong 1500 sinakop ng manlalayag na si Pedro Cabral ang Brazil.
Pinangunahan ng mga Heswita ang pagbuo rito ng mga pamayanan na naging destinasyon ng
pandarayuhan ng mga Portuges.
6. Ang Paghahangad ng Espanya ng Kayamanan Mula sa Silangan
Hindi nagpatalo ang mga Kastila sa mga Portuges sa panggagalugad. Sa ilalim ng pamamahala nina
Haring Ferdinand at Reyna Isabella ng Castille, naging dahilan ito upang maghangad din ng yaman sa
Silangan. Sa kanilang pagsasanib pwersa, nagpadala rin sila ng ekspedisyon sa Silangan sa katauhan ni
Christopher Columbus na isang Italyano manlalayag na unang namuno sa paglalayag patungong India.
Binigyan siya ng titulong Admiral of the Ocean Sea, Viceroy at Gobernador ng mga islang kaniyang
natagpuan sa Indies.Tatlong ekspedisyon ang kanyang pinamunuan bago siya namatay nooong 1506.
Narating niya ang mga isla sa Carribean at saTimogAmerika ngunit di siya nagtagumpay sa paghahanap
ng bagong ruta patungo ng silangan.
Sa panahong yaon, hindi pa maunlad ang mga gamit sa paglalakbay. Noong 1507, isang Italyanong
manlalakbay na si AmerigoVespucci ang nagpaliwanag na si Columbus ang nakatagpo ng Bagong Mundo.
Ang lugar na ito nang lumaon ay isinunod sa pangalan niya kaya nakilala ito bilang Amerika at naitala sa
mapa ng
Europa kasama ang iba pang mga bagong diskubre na mga isla. Isinunod kay AmerigoVespucci ang pangalan
ng Amerika.
7. Paghahati ng Mundo
Naging mahigpit ang tunggalian ng Espanya at Portugal sa panggagalugad ng mga lupain. Upang malutas
ang suliranin ng Espanya at Portugal sa kanilang tunggalian sa panggagalugad isang kasunduan ang
napagpasyahan sa pagitan ng Portugal at Espanya noong 1493 sa bisa ng isang kautusang pinalabas ni
Pope
AlexanderVI na naghahati sa lupain sa mundo na maaaring tuklasin ng dalawang bansa. Nagtalaga ang
Papa ng paghahati o line of demarcation na magmumula sa gitna ng Atlantiko patungo sa Hilagang Polo
hanggang saTimog Polo. Nangangahulugan ito na lahat ng mga matatagpuang kalupaan at katubigan sa
Kanlurang bahagi ng guhit ay para sa Espanya at para naman sa Portugal ang Silangang bahagi ng linya.
Hindi nasiyahan ang Portuges sa ginawang paghahating ito ng Papa kaya naghain ito ng petisyon upang
baguhin ang naunang linya na dapat mapunta sa kanila at sa Espanya. Nakita nila na baka lumawak ang
panggagalugad ng Espanya sa kanluran at maaaring maapektuhan ang kanilang mga kalakalan sa
silangan. Sa bisa ng Kasunduan saTordesillas noong 1494, nagkasundo ang magkabilang panig na baguhin
ang line of demarcation pakanluran. Ipinakikita rito na noong panahong iyon ay pinaghatian ng lubusan
ng Portugal at Espanya ang bahagi ng mundo na hindi nararating ng mga taga-Europa.
8. Ang Paglalakbay ni Ferdinand Magellan
Taong 1519, naglayag ang Portuges na si Ferdinand Magellan para sa karangalan ng Espanya. Sa ilalim
ng bandila ng Espanya, inilunsad niya ang kanyang paglalakbay upang maghanap ng rutang pa-Kanluran
patungo sa Asya. Natagpuan niya ang silangang baybayin ngTimog Amerika o ang Brazil, natagpuan din niya
ang isang makitid na daanan ng tubig na tinawag na Strait of Magellan, pagpapangalan sa malaking
karagatan na Karagatang Pasipiko, at hanggang sa marating nila ang kasalukuyang bansa ng Pilipinas.
Sa haba ng paglalakbay, nakaranas sila ng pag-aalsa ng mga kasamahan at pagkagutom. Nalagpasan
nilang lahat ng ito at nakatagpo sila nang malaking kayamanang ginto at pampalasa. Nagawa nilang
binyagan sa Katolisismo ang maraming mga katutubo. Sa nasabi ring ekspedisyon, nagpakilala ito na
maaaring ikutin ang mundo at muling bumalik sa dating pinanggalingang lugar ng ang sasakyangVictoria ay
makabalik sa Espanya kahit napatay si Magellan ng isang katutubong Cebuano na si Lapu-lapu. Ito ang
unang circumnavigation o pag-ikot sa mundo. Itinama nito ang dating lumang paniniwala ng mga taga-
Europa na ang mundo ay patag, naitala sa mapa ng Europa ang iba pang mga kalupaan sa Silangan at lalong
nagpakilala ng yaman na mayroon sa Silangan.
9. Kolonisasyon ng Espanya sa America
Hernan Cortes Kastilang mananakop na nagtungong Mehico noong 1519
upang maghanap ng yaman at ginto.
Francisco Pizarro noong 1532, sinakop at pinabagsak niya ang Kaharian ng
mga Inca sa Peru.
FranciscoVasquez de Coronado noong 1540, pinangunahan niya ang
pagsakop sa Arizona, New Mexico,Texas, Oklahoma at Kansas na ngayon ay
mga estado ng Estados Unidos. Natuklasan din niya ang Grand Canyon.
Hernando de Soto Kastilang nagpatuloy ng paglalayag at pananakop para
humanap ng mga ginto noong 1541 na nakarating sa Ilog Mississippi sa
Amerika.
Vasco de Balboa matagumpay niyang naitayo ang permanenteng
panirahanan sa Amerika sa silangang baybayin ng Ishmus ng Panama noong
1510 at noong 1513, siya ang unang nakatagpo sa Great South Seas, na
ngayon ay Karagatang Pasipiko.
Juan Ponce de Leon- napasakamay niya ang Florida noong 1513 sa
paghahanap niya sa Fountain ofYouth, na pinaniniwalaang
nagpapanumbalik ng kabataan sa sinumang maligo rito
10. Panggagalugad at Pananakop ng Iba pang Bansang Europeo
Henry Hudson isang manlalayag na Ingles na naglingkod sa karangalan ng
Olandes na nakarating sa Ilog Hudson na ipinangalan sa kanya noong 1609.
John Cabot noong 1497, naglayag siya mula sa Inglatera sa baybayin ng
Atlantiko at narating nito ang lugar na ngayon ay nakilala bilang Canada.
Francis Drake noong 1577, isa sa kinilalang mahusay na manlalayag dahil
siya ang unang kapitan na lumibot sa buong mundo ng tuloy-tuloy at tumalo
sa SpanishArmada, na naging hudyat ng paghina sa kapangyarihan ng
Espanya sa Europa.
Giovanni daVerrazano noong 1524, isang Italyanong manlalakbay na
naglingkod sa pamahalaang Pranses upang hanapin ang rutang pandagat
mula HilagangAmerika patungo sa Karagatang Pasipiko. Subalit, hindi niya
ito narating, bagkus natuklasan niya ang kinaroroonan ngayon ng NewYork
harbor.
Jacques Cartier narating niya ang bahagi ng Montreal, Canada noong 1534.
Samuel de Champlain- natagpuan niya ang Quebec noong 1608 upang
magtatag ng unang pamayanang Pranses.
Robert Cavalier inangkin niya ang buong Ilog Mississippi para sa Pransya
noong 1682.
11. Epekto ng UnangYugto ng Kolonyalismo
Maraming pagbabago ang naging hatid ng UnangYugto ng Kolonyalismo. Katulad
ng sumusunod:
Lumawak ang teritoryong nasasakupan ng mga bansang Kanluranin sa labas
ng Europa.
Nakatuklas ng mga bagong ruta ng kalakalan na siyang nagbigay wakas sa
mga Italyano sa pagmomonopolyo ng mga kalakal sa Europa. Naging sentro
ng kalakalan ang mga daungan sa baybay-dagat ng Atlantiko mula sa
Espanya, Portugal, Pransya, Flanders, Olandya at Inglatera.
Dumami ang mga kalakal na nagmula sa Asya, tulad ng spices. Mula sa
Hilagang Amerika ang kape, ginto at pilak; saTimogAmerika galing ang mga
asukal at molasses; sa Kanlurang Indies ang mga indigo, at sa Aprika galing
ang mga kahoy, ivory, ginto at mga ostrich.
Lumawak at lumaganap ang mga salaping ginto at pilak na galing sa Mehico,
Peru at Chile dahil sa pagdami ng mga produkto.
Pinasimulan ang pagtatatag ng mga bangko dahil sa dumaraming salapi ng
mga mangangalakal, kinakailangan nilang may paglagyan ng kanilang mga
salaping barya.
Nang ginamit at ipinakilala sa mga mangangalakal ang salaping papel, ito ang
nagbigay daan sa pagtatatag ng kapitalismo, ang sistema kung saan
mamumuhunan ng kaniyang salapi ang isang tao upang magkaroon ng tubo
o interes.
12. Lumaganap ang relihiyong Kristiyanismo partikular ang Katolisismo ng
Espanya at Portugal.
Sa larangan ng wika at kultura, nanatili hanggang sa ngayon sa lahat halos
ng maraming bansa sa Gitna atTimogAmerika ang wikang Espanyol, wikang
Pranses sa ilang bansa at pulo na nasakop ng Pransya sa Caribbean, at
Portuges sa Brazil. Maging sa Pilipinas, ilang wika natin ay mula sa mga
Espanya.
Nagkaroon ng pagbabago sa sistemang ekolohikal sa daigdig na nagresulta sa
pagpapalitan ng mga hayop, halaman, at maging mga sakit na dala ng mga
Europeo.
Nagkaroon ng malawakang kalakalan ng mga alipin na naging mahalagang
bahagi ng komersiyo sa Europa bunga ng kakulangan ng mga manggagawa
sa mga minahan at plantasyon sa Amerika.
Nagkaroon ng malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa
nagagalugad at mga sibilisasyong hindi pa natutuklasan. Naging daan din ito
sa nagpalakas sa ugnayang silangan at kanluran.
Nakahikayat din ito ng interes sa mga makabagong pamamaraan at
teknolohiya sa heograpiya at paglalayag.
Nagsimula rin ang paglaganap ng sibilisasyong Kanluranin sa silangan.
Nagdulot din ito ng maraming suliranin sa mga bansang nasakop tulad ng
pagkawala ng kasarinlan, paninikil, at pagsasamantala sa kanilang likas na
yaman.
13. Isagawa.
Pagpapahalaga Mo, Iguhit Mo!
Panuto: Gumuhit ng isang poster na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagbabago
sa larangan ng paglalayag dulot ng teknolohiya. Gawin ito sa isang malinis na papel.
Rubrik para sa Poster