for more comprehensive power point presentation is Social studies email me at rbpasioneductech@gmail.com
GOD BLESS...
1 of 22
Downloaded 587 times
More Related Content
National monarchy
3. Nais mo bang maging hari o reyna? Ano ang gagawin
mo bilang isang hari o reyna? Pag-isipan mo kung papaano
ka mamamahala sa iyong nanasakupan?
__________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
4. Dumating ang panahon na isa-isang nasupil
ng mga hari ang humihinang lakas ng panginoong
piyudal. Ang paggamit ng sobrang kapangyarihan
ng mga panginoong piyudal ang nagtulak sa mga
mamamayan upang ibaling ang kanilang
katapatan at serbisyo sa hari at kilalanin ito bilang
pangkalahatang pinuno.
6. Sa huling bahagi ng Kalagitnaang Panahon,
unti-unting lumakas ang kapangyarihan ng mga
hari. Samantala ang mga panginoong may lupa at
ang mga maharlika ay nawalan ng kapangyarihan.
Ang mga sumusunod ay mga salik o dahilan
sa paglakas ng monarkiyang nasyunal at paghina
ng panginoong may lupa.
7. KRUSADA. Maraming mga panginoon na may lupa ang
nahalina na sumama sa krusada. Nang hindi na nakabalik
ang mga ito sa kanilang mga estado, humina at
nabawasan ang mgalaki ang kanilang bilang sa Europa.
SALAPI. Dahil sa malawakang paggamit ng salapi at
paggamit ng buwis na ibinabayad ng mga mamamayan ay
nakapagtatag ng sundalong hukbo ang mga tagapamahala
ng mga bayan at lungsod. Sa ganitong kalagayan ay hindi
na sila umaasa sa mga panginoong may lupa sa
pagtatanggol ng kaharian.
8. PAGBILI NG KALAYAAN. Nagkaroon ng pagkakataon ang
mga alipin at mga mangangalakal na bumili ng kalayaan
ng kanilang bayan at sarili mula sa mga panginoong may
lupa. Bukod dito, nais ng mga ito na mapasailalim at
mapamunuan ng isang hari kaysa isang panginoong may
lupa sapagkat binigyan sil nito ng proteksiyon, sistemang
batas at pananalapi.
WIKA. Ang pagkakaroon ng isang wika ng isang lugar. Ang
mga mamamayan ay may magkakatulad na wika ay
nagkaroon ng higit na pagkakaisa at naging matapat sa
kanilang estado at sa hari nito.
9.  Dahilan sa pag-unlad ng mga bayan at lungsod, ay ang paghina
ng sistemang piyudlismo sa Europa.
 Ang dating mga lupang pansakahan ay hindi na gaanong mainam
pagtamnan kaya’t ang mga lupaing ito ay pinagtayuan ng mga
industriya at plantasyon.
 Nagdulot ito ng mabilis na pagbabago sa anyo ng ekonomiya sa
Europa.
 Ganoon pa man ay ninais ng mga mangangalakal mula sa iba’t
ibang panig sa Europa ang makipagkalakalan at pag-ibayuhin
ang ekonomiya sa bawat estado.
10.  Bawat indibidwal ay naghahangad ng kapangyarihan sa huling
yugto ng Panahong Midyibal.
 May tatlong pangkat o grupo ang naghahangad na magtamasa ng
kapangyarihan.
 Ang hari, maharlika at ang simbahan.
 Ngunit ang kapangyarihang ito ay matatamasa lamang sa
pamamagitan ng pagsuporta ng nakararaming pangkat ng tao, o
ang masa.
 Sinasabing ang hari at simbahan ang nagtamasa ng
kapangyarihang ito sapagkat ang pangangailangan ng masa o
ordinaryong mamamayan gaya ng pagkakaroon ng kaligtasan o
seguridad o kalayaan ay kanilang natugunan.
11.  Dahil hindi makapasok sa kalakalan ng pampalasa ang mga
Portuges at mga Kastila, minarapat nilang humanap ng ibang
ruta na kung saan may bansang maaring mapagkunan ng mga
sangkap.
 Nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga mamumuhunan at
pamahalaan kung saan ang mga mamumuhunan ay
magpapaunlak ng pera samantalang ang pamahalaan ay
magbibigay ng barko, tao at sandatahang lakas upang
maprotektahan ang mga manlalakbay.
 Ang ganitong kaayusan ay tinatawag na merkantilismo.
 Pangunahing layunin ng pamahalaan sa mga estado sa Europa
ang magkamal ng maraming ginto at pilak para sa kaban ng
bayan.
12. Sa iyong narinig, sino sa palagay mo sa
dalawang pangkat na ito ang nararapat na
magtamasa ng higit na kapangyarihan, ang
hari o ang simbahan? Ipaliwanag ang iyong
kuro – kuro.
13. Kung ikaw ay isang karaniwang mamamayan na nabuhay
sa panahon ng monarkiya, paano mo suportahan ang hari
na nagbigay sa mamamayan ng proteksiyon at kalayaan?
Magbigay ng tatlong paraan at ipaliwanag kung bakit mo
ito gagawin ang bawat isa.
1. ___________________________________________
___________________________________________
2. ___________________________________________
___________________________________________
3. ___________________________________________
___________________________________________
15. • Sa pagkawala ng kapangyarihan ng mga panginoong maylupa, ang hari
ang nagsilbing pinuno at nagpatingkad sa pagtatag ng monarkiyang
nasyunal.
• Ang wika ang nagsilbing ugnayan ng mga mamamayan upang mapanatili
ang suporta sa kanilang nahirang na hari.
• Malaki ang ginampanan ng salapi sa pag-unlad ng monarkiyang nasyunal
sapagkat ang mga mamamayan ay nagkaroon ng pagkakataon na bilhin
ang kanilang kalayaan mula sa mga panginoong maylupa.
• Sa pagkatatag ng monarkiyang nasyunal nabago ang pamumuhay ng mga
kanlurranin sa gawaing pang-ekonomiya sapagkat ang kabuhayan ay
hindi lamang nakatuon sa lupa kundi higit na naging malawak at aktibo
sa kinabibilangan ng iba’t ibang pangkat sa lipunan.
16. TAKDANG ARALIN
1. Ano ang ibig sabihin ng Renaissance?
2. Bakit ito nagsimula sa Italya?
3. Sinu-sino ang mga tanyag na personalidad ang
lumitaw sa panahong ito?
4. Paano nakatulong ang kanilang mga
imbensiyon sa kasalukuyang kalagayan ng
mundo?
18. Ang mga mangangalakal sa gawing Mediterranean
ay patuloy na nakipagkalakalan sa silangan.
Nagkaroon ng dalawang rutang pangkalakalan o
daan patungong silangan.
Ang pinakamadaling paglalakbay ay mula sa Tsina
patungong Golpo ng Persiya na humahantong sa
Ilog Tigris sa Mesopotamia. Ang isa pang ruta ay
rutang caravan patungong Constantinople.
19. Ang paglalakbay dagat ay inaabot ng dalawang
taon at lalong higit na matagal ang paglalakbay sa
caravan.
Sa simula, ang mga bayan-bayanan ay kontrolado
ng mga mamamayang panginoon o panginoong
piyudal. Itinuring na pagmamay-ari ng panginoong
maylupa ang mga mamamayan pati na ang mga
mangangalakal at manggagawa. Nang lumaon ang
mga ito ay humingi ng kalayaan at mga karapatan.
20. Ang mga kaharian ay kadalasang naitatayo sa
isang lugar na angkop para maging tirahan ng
maraming tao at magkaroon ng pakikipamuhay at
interaksiyon. Maaaring isang lugar na may tulay
upang matawid ang isang ilog at daanan ng
kalakalan. Maaari rin namang sa tabi ng dagat
kung saan may mga daungan ng mga sasakyang
dagat na pangkalakal. Kadalasan, ang pamayanan
ay nabubuo sa tabi ng palasyo o kastilyo upang
agad silang mabigyan ng proteksiyon ng hari.
21. Maraming salik ang itinuturing na dahilan kung
bakit nawala ang kapangyarihan ng panginoong
maylupa at nalipat ito sa mga hari. Kabilang sa
mga dahilang ito ay ang paggamit ng salapi upang
mabili ang kalayaan, ang epektong naidulot ng
krusada, at ang pagkakaroon ng isang wika na
nakatulong upang mapalapit sa isa’t isa ang mga
mamamayan at magtiwala sa kanilang hari.