1. A . Hilagang Asya
Ang Hilagang Asya ay isang rehiyon ng Asya. Ang Siberia lamang ang
bumubuo nito na nasa bahaging Asya ng bansang Rusya. Kabilang sa
rehiyon na ito ang mga dating kabahagi ng Soviet Union tulad ng mga
bansang Kazakhstan,Kyrgyztan, Tajikistan, Turkmenistan, at Uzbekistan.
B . Timog Asya
Ang Timog Asya o Katimugang Asya ay ang katimugang rehiyong
ngkontinenteng Asya na binubuo ng mga bansa sa timog ng Himalaya.
Naghahanggan ang Timog Asya sa Karagatang Indiyano sa timog, at sa kalupaan,
nang mga rehiyon ng Kanlurang Asya, Gitnang Asya, Silangang Asya at Timog-
Silangang Asya.
Iba iba ang mga pahayag ng iba't ibang mga sanggunian kung aling mga bansa ang
bahagi ng rehiyon. Halimbawa, ayon sa kaurian ng rehiyong
heograpikal ng UN,[2]
Binubuo ang Katimugang Asya ng mga
bansangAfghanistan, Bangladesh, Bhutan, India, Maldives, Nepal, Pakistan, at Sri
2. Lanka. Subalit, binanggit ng UN ang "pagtatalaga ng mga bansa o lugar sa
pagpapangkat na ito ay para sa kaayusang estatistikal at hindi nagpapakahulugan
nang anumang palagay pampolitika o iba pagkakaugnay ng mga bansa o
teritoryo."[3]
Sa ibang katuringan, ang ibang mga bansa ay hindi bahagi ng rehiyon,
at sa iba pang katuringan, ang Burma at Tibet ay ibinibilang din sa rehiyon.
Ang pangunahing relihiyon ang Hinduismo. Tinatawag ding "Land of Mysticism"
dahil sa mga paniniwalang taglay ng mga relihiyon at mga pilosopiyang umusbong
dito. Umusbong din dito ang mga relihiyong Buddhism, Jainism at Sikhism.