Modyul I: Heograpiya at Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Aralin 1: Heograpiya ng Daigdig
Paksa:
I. Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya
- Lokasyon
- Lugar
- Rehiyon
- Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran
- Paggalaw
Modyul I: Heograpiya at Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Aralin 1: Heograpiya ng Daigdig
Paksa:
I. Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig
- Estruktura ng Daigdig
- Longhitude at Latitude
Modyul I: Heograpiya at Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Aralin 1: Heograpiya ng Daigdig
Paksa:
I. Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig
- Estruktura ng Daigdig
- Longhitude at Latitude
1. Espeleta St. Buli, Muntinlupa City
Nurturing Minds, Empowering Lives.
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
I. PAMANTAYAN
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap
Naipamamalas ang pang-unawa sa interaksiyon ng
tao sa kaniyang kapaligiran na nagbigay-daan sa
pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na
nagkaloob ng mga pamanang humubog sa
pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.
Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang
proyektong nagsusulong sa pangangalaga at
preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang
kabihasnan sa Daigdig para sa kasalukuyan at sa
susunod na henerasyon.
Pamantayan sa Pagkatuto
AP8HSK-Id-4 - Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig a. anyong lupa at anyong tubig; b. klima; c.
yamang likas
II. LAYUNIN
Matapos ang talakayan, ang mga mag aaral ay inaasahang:
1. Nasusuri ang katuturan at limang tema ng heograpiya;
2. Natatalakay ang malaking bahagi na ginampanan ng heograpiya sa paghubog ng pamumuhay ng tao
mula pa noong sinaunang panahon; at
3. Nakapagpapakita ng ibat ibang gawain tungkol sa limang tema ng heograpiya.
III. NILALAMAN
A. Modyul I: Heograpiya at Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Aralin 1: Heograpiya ng Daigdig
Paksa:
I. Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya
- Lokasyon
- Lugar
- Rehiyon
- Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran
- Paggalaw
B. Mga Kagamitan:
Araling Panlipunan Modyul, MS PowerPoint, telebisyon, laptop, lapel, speakers, biswal, flaglets, score
board para sa kanilang presentasyon, rubriks, peace crane paper, yeso, pisara at awiting Heal the World
ni Michael Jackson
C. Mga Aklat at Iba Pang Sanggunian:
Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan Gabay sa Pagtuturo, pahina 5-6
Modyul ng Mag-aaral Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig, pahina 10 15
Kayamanan Kasaysayan ng Daigdig nina Celia D. Soriano et.al, pahina 6-9
IV. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagsasaayos ng silid aralan / Pagtala ng liban sa klase
3. Trivia at Balitaan
Paglalahad ng mga trivia at napapanahong balita sa loob o labas ng ating bansa.
4. Pagsasanay
I BELIEVE.
- Ang guro ay magpapakita ng jumbled letters sa PowerPoint. Ang salitang nabuo ay bibigyan
ng kahulugan ng napiling mag-aaral na sasagot, na sisimulan niya sa I believe.
- Limang mag-aaral ang sasagot para sa larong ito na ang mga salita ay may kaugnayan sa
nakaraang aralin.
(KASAYSAYAN NG MUNTINLUPA)
SAGOT SA JUMBLED
LETTERS
POSIBLENG KASAGUTAN SA I
BELIEVE
1 JAMBOREE LAKE I believe ito ang pinaka-maliit na likas na lawa ng
bansa.
2 MEMORIAL HILL I believe isa itong maliit na burol sa loob ng
'reserbasyong' Bilibid na kung saan matatagpuan ang
isang lumang 'kanyon' ng Pangalawang Digmaang
Pandaigdig.
2. Espeleta St. Buli, Muntinlupa City
Nurturing Minds, Empowering Lives.
3 DIRECTOR'S
QUARTERS
I believe ito ang 'opisyal' na tahanan ng tagapangasiwa
ng Bilibid
4 JAPANESE GARDEN
CEMETERY
I believe dito nakalibing si punong hukbo Tomoyuki
Yamashita na naging tanyag noong pananakop ng mga
Hapon sa bansa.
5 NATIONAL BILIBID
PRISON
I believe ito ay kilala bilang pambansang bilangguan
5. Balik Aral
IBANDILA NA YAN!
Ang bawat isa ay may dalawang flaglets na hawak na gagamitin nila sa kanilang pagsagot sa
tanong ng guro. Kapag tama ang isinasaad ng pangungusap itataas ng mga mag-aaral ang ( )
asul na bandila samantalang ( ) pulang bandila naman kapag ito ay mali.
1. May sampung barangay ang Muntinlupa.
2. Naging ganap na lungsod ang Muntinlupa taong 1995.
3. Ang lungsod ng Muntinlupa ay matatagpuan sa timog Kalakhang Maynila.
4. Ang Buli ang pinakamayamang barangay sa Muntinlupa.
5. Binubuo ng apat na distrito ang Muntinlupa.
B. Panlinang ng Aralin
1. Pagganyak
Magbigay ng mga salita na nagsisimula sa mga sumusunod na letra na may kinalaman sa kasaysayan.
E O R A G A I Y H P
Pagkatapos mabigyan ng mga salita ang bawat letra, ang mga mag-aaral ay mabubuo ang salitang
HEOGRAPIYA at sasagutin ang mga sumusunod na mga katanungan:
Ano ang ibig sabihin ng heograpiya?
Sa iyong palagay, bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiya?
Paano nakaapekto ang heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig?
2. A. Gawain
MAGPANGKAT-PANGKAT TAYO!
Ang buong klase ay hahatiin sa apat (4) pangkat. Ang bawat pangkat ay magpapakita ng isang
maikling dula-dulaan tungkol sa paksang naiatas sa kanila sa loob lamang ng dalawa hanggang tatlong
(2-3) minuto. May rubrik na gagamitin ang guro at bawat pangkat para sa pagbibigay ng iskor sa
nasabing presentasyon.
Unang Pangkat Lokasyon at Lugar
Ikalawang Pangkat Rehiyon
Ikatlong Pangkat Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran
Ikaapat na Pangkat Paggalaw
B. Karagdagang Gawain: Sagutan ang Gawain 3: Tukoy-Tema-Aplikasyon at mga pamprosesong
mga tanong sa Modyul ng Mag-aaral Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig, pahina 14-15.
RUBRIK SA PAGMAMARKA NG PANGKATANG GAWAIN
3 puntos Pinakamahusay, pinakamalikhain, pinakatamang
pagpapaliwanag, pinakatamang interpretasyon
2 puntos Mahusay, malikhain, tamang pagpapaliwanag, tamang interpretasyon
1 puntos Hindi gaanong mahusay, hindi masyadong malikhain, hindi
kumpleto ang paliwanag at hindi maayos ang interpretasyon.
3. Espeleta St. Buli, Muntinlupa City
Nurturing Minds, Empowering Lives.
3. Pagsusuri
ANG MAHIWAGANG MUNDO NG KATANUNGAN, TANONG MO NA YAN!
Matapos mapanood at mapakinggan ang presentasyon ng bawat
pangkat, ang guro ay tatawag ng mag-aaral na sasagot sa mga
sumusunod na katanungan na nakadikit sa pisara sa may malungkot na
mundo at bago niya ito sagutin, ang kanyang mga kamag-aral ay
bibigkasin muna ang salitang Tanong mo na yan!
1. Alin sa limang tema ng heograpiya ang higit na nakaimpluwensiya sa
daloy ng kaunlaran? Bakit?
2. Paano naiuugnay ang mga tema ng heograpiya sa daloy ng
kasaysayan? Ipaliwanag ang sagot.
3. Paano nakatutulong ang mga temang ito sa iyong pag-unawa sa
heograpiya ng mga bansa?
4. Paglalahat
DUGTUNGAN MO!
Ang heograpiya ay ___________________________________________________________
kaya naman dapat itong __________________________________________________________.
5. Paglalapat
ISABUHAY NATIN!
#KapayapaanTungoSaMapayapangMundo
Ang mga mag-aaral ay susulat sa peace crane paper ng isang pangako na nagpapahayag ng
paninindigang isasabuhay ito, kung ano ang magagawa nila upang makatulong na mapanatiling
maayos at responsable sa ating mundo?
Ako si ___________________ (pangalan) ay nangangako na ___________________
____________________________________________________________________.
*Habang ang mga mag-aaral ay nagsusulat ang guro ay magpapatugtog ng isang awiting
pinamagatang Heal the World ni Michael Jackson.
V. EBALWASYON
SAGUTIN NATIN!
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa tema ng heograpiya?
A. lokasyon C. paggalaw
B. lugar D. topograpiya
2. Ano ang tawag sa pag-aaral tungkol sa pisikal na katangian ng mundo?
A. Pilosopiya C. Kasaysayan
B. Heograpiya D. Agham
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa saklaw ng heograpiya?
A. flora at fauna C. Absoluto at relatibong lokasyon
B. klima at panahon D. anyong lupa at anyong tubig
4. Ano ang tawag sa tema na bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na
katangiang pisikal o kultural?
A. rehiyon C. lokasyon
B. lugar D. paggalaw
5. Ano ang tawag sa tema na may kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang taglay ng kanyang
kinaroroonan?
A. paggalaw C. lugar
B. interaksiyon ng tao at kapaligiran D. rehiyon
SEKSYON 5 4 3 2 1 0
https://images.app.goo.gl/DsTt8uxgHHWTsoFq7
4. Espeleta St. Buli, Muntinlupa City
Nurturing Minds, Empowering Lives.
VI. TAKDANG-ARALIN
A. Gumawa ng advocacy campaign gamit ang social media tungkol sa ating Inang Kalikasan. Gawing gabay
ang sumusunod na tanong:
1. Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong magawa para mapapanatiling maayos ang ating Inang
Kalikasan? Ipaliwanag ang sagot.
2. Paano mo maipapakita ang pagmamalasakit sa ating Inang Kalikasan?
B. Itala sa kuwaderno ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa Katangiang Pisikal ng Daigdig.
*Sanggunian: Modyul ng Mag-aaral Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig sa pahina 15-17 o internet
Inihanda:
Gng. Precious Sison-Cerdoncillo
Teacher II, Araling Panlipunan