Ang mga kontinente ay malawak na masa ng lupa na maaaring magkakaugnay o mahiwalay sa katubigan. Ayon kay Alfred Wegener at sa kanyang continental drift theory, mula sa isang super kontinente na tinawag na Pangaea, ang mga kontinente ay naghiwalay sa loob ng milyon-milyong taon. Sa kasalukuyan, patuloy ang paggalaw ng mga kontinente, tulad ng North America at Europe na gumagalaw ng tinatayang 2.5 sentimetro bawat taon.