Ang pagpasok ng mga transnational corporations (TNCs) at multinational corporations (MNCs) sa Pilipinas ay nagdudulot ng malawakang epekto sa sektor ng industriya, na kabilang ang iba't ibang industriya tulad ng konstruksiyon at telekomunikasyon. Ang mga kasunduan ng Pilipinas sa pandaigdigang institusyong pinansyal ay nagresulta sa pagbubukas ng pamilihan, mga tax incentives, at deregularisasyon na nagdudulot ng pang-aabuso sa karapatan ng mga manggagawa. Karamihan sa mga industriya na ito ay pagmamay-ari ng banyagang kumpanya, kung kaya't ang pamantayan sa trabaho at pasahod ay naayon sa kanilang mga polisiya.