Ang nananatiling pinakamatanda at namamayaning kabihasnan sa Daigdig na tinatayang nasa 4,000 taon na ang tanda.
Hinubog ang 4,000 taong kasaysayan ng pamumuno ng mga DINASTIYA o mga Linya ng mga Pamilyang namuno sa Tsina sa halos ilang libong taon.
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Dinastiyang Qin. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang sistema ng Dinastiyang Qin
Kabihasnang Huang Ho o Tsina. Para mas mapalawak ang kaalaman sa TSINA, at sa MUNDO. Hintayin pa ang mas maraming ganito antabayan lang ako , sa susunod muli :D
Dinastiyang Zhou and Ch'in are two of the most known dynasties in China. Wu Wang is the founder of Zhou dynasty while Shih Huang-ti is the emperor of Ch'in dynasty. This is where the word China came from.
kabihasnang Tsino, heograpiya, pag-usbong, mga dinastiya ng tsina, mga ambag, aralin 8 - reference - credited sa mga naunang nag post ng kabihasnang tsino - at ang daigdig 9
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Dinastiyang Qin. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang sistema ng Dinastiyang Qin
Kabihasnang Huang Ho o Tsina. Para mas mapalawak ang kaalaman sa TSINA, at sa MUNDO. Hintayin pa ang mas maraming ganito antabayan lang ako , sa susunod muli :D
Dinastiyang Zhou and Ch'in are two of the most known dynasties in China. Wu Wang is the founder of Zhou dynasty while Shih Huang-ti is the emperor of Ch'in dynasty. This is where the word China came from.
kabihasnang Tsino, heograpiya, pag-usbong, mga dinastiya ng tsina, mga ambag, aralin 8 - reference - credited sa mga naunang nag post ng kabihasnang tsino - at ang daigdig 9
2. SHANG (1766-1028)
Nagtatag: Mga unang dayuhang
permanenteng nanirahan sa China
Ekonomiya: Nakasalalay sa
agrikultura ang ekonomiya
-Millet at Barley ang pangunahing
produkto
-Nag-aalaga ng baka, kabayo, mga
baboy, manok at aso
3. -Natutong mag-alaga ng uuod bilang
pinagkukunan ng seda. Gumawa ng
seda, alahas na gawa sa jade at lubid
upang ipagbili.
Kultura:
-gumamit ng elepante bilang saskyang
pandigma
- Ang mga artisanong Shang ang
nagpasimulang gumawa ng seramika
sa pamamagitan ng paggamit ng
kaolin, isang uri ng maputing putik
4. -Natutuhan nilang maghulma ng bronse
-Agglunative paraang ginagamit ng mga
Tsino upang pagdikit-dikitin ang mga salita
upang makabuo ng ideya
-Calligraphy uri ng panulat ng mga Shang
-kombinasyon ng animismo (paniniwala sa
mga ispiritu na nakatira sa kalikasan at
pagsamba sa mga ninuno ang relihiyon
-Naniniwala sa oracle bone reading
panghuhula sa pamamagitan ng pagbasa
ng mga nakaukit sa buto ng hayop o bahay
ng pagong
5. -Naniniwala ang mga Shang na taglay ng
kanilang pinuno ang bisa ng Utos ng
Langit. Kapag nawala ito, sila ay babagsak.
Ambag sa Kabihasnan
-Paggamit ng tanso
-Paggamit ng karwaheng pandigma
-Sistemang irigasyon at pagkontrol sa tubig-
baha
-Nakaimbento ng kalendaryong lunar na
sampung araw ang pinaka maikli, anim na
tigsasampung araw ang buubuo ng 360
araw sa loob ng isang taon
6. Sanhi ng Pagbagsak
-nilusob ng mga barbaro mula sa
Kanlurang China- ang mga Chou
-naging masama at makasarili ang mga
huling pinuno
10. CHOU (1122-255 B.C.)
Ambag sa Kabihasnan
-Sistemang piyudalismo isang sistemang
sosyo-pulitiko at ekonomikong pamamahala
na nakabatay sa pag-aari ng lupain
-Pamumuno ng mga warlord nasa ilalim ng
kapangyarihan ng emperador
-Pagsikat ng mga pantas o pilosopo tulad
nina Confucius-ang nagpakilala ng Five
Classics at Four Books, Lao Tzu- ang
nagpakilala ng Tao Te-ching kung saan
nakasulat ang kanyang mga turo
11. Mencius- ang may akda ng Doctrine of the
Mean.
- Naniniwala si Mencius na may karapatan
ang mga mamamayang gumamit ng dahas
ngunit dapat sikaping panatilihin ang
kapayapaan dahil walang mabuting
ibubunga ang digmaan
16. Chin (246-206)
Nagtatag: Shih Huang Ti
Nagmula si Shih Huang Ti sa hilagang
bahagi ng China at isang magaling na
mandirigma.
Siya ang nagsimulang magpalawak ng
teritoryong nasasakupan ng China
Pinangalanan niyag China ang kanyang
kaharian hango mula sa kanyang
pangalang Chin
Binuwag niya ang piyudalismo at ipinailalim
sa kanyang kapangyarihan ang lahat ng
lupain.
17. Binigyan niya ng trabaho ang mga tao at
ipinatunaw niya ang lahat ng mga
kagamitang pandigma at ginawang mga
estatwa sa kanyang palasyo
Sinimulan din niya ang sistemang
scholarship, ang pagsasanay samga
hihiranging gobernador at opisyal ng
imperyo
Itinatag din niya ang kaharian batay sa
prinsipyong legalismo,hindi sa mga
nakagisnang kaugalian at katuruan
Ipinasunog niya ang mga aklat ng
katuruang klasiko lalo na ang mga aklat
18. ni Confucius upang mapag-ibayo ang mga
pagbabago sa kaharian
Sinunog din ang lahat ng talaan ng
nakaraan upang maalis sa isipan ng mga
tao ang tungkol sa nakaraang pamahalaan
Subalit maraming iskolar ang nagtakas ng
mga aklat at ibinaon upang maligtas ang
mga ito sa pagkasunog
Nang malaman ito ng emperador,
ipinasunog niya ang 500 na iskolar na
nagtangkang magtago ng mga sinusunog
na aklat
19. Ambag sa Kabihasnan:
Great Wall of China- ginawa upang
mapangalagaan ang imperyo laban sa mga
mananakop na dayuhan
Bumabaybay ang Great Wall of China mula
sa baybayin ng hilagang silangan ng Hopei
hanggang Kanlurang Kansu
21. Han (206 B.C.-219 Common Era o CE)
Kasaysayan:
Tinalo ng mga Han ang Chin. Unang
ipinag-ibayo ng mga Han ang
pagpapanumbalik sa mga klasikong
kaalaman
Tinipon nito ang mga aklat na naitago at
hindi nasunog ng nakaraang dinastiya
Sinimulang linangin ang edukasyon
Nagkaroon ng historyador at mga
manunulat ang China
Nagsimulang magtipon ng mga
impormasyon tungkol sa kasaysayan ng
China
22. Nagpasimulang magtipon ng mga
impormasyon tungkol sa kasaysayan ng
China si Pan-chao, isang babaing
mananalaysay
Ambag sa kasaysayan:
Naimbento ang kauna-unahang lexicon o
diksyunaryo
Naimbento rin ang kauna-unahang papel
Nagkaroon ng pagsusulit para sa serbisyo
sibil o paglilinkod sa pamahalaan, dahil dito
lalong pinag-bayo ang sistema ng
edukasyon
23. Sa dinastiyang Han ipinakilala ng mga Indian ang
relihiyong Budismo sa China
Pag-unlad:
Ang pagbibigay ng kahalagahan sa edukasyon
ang nagpa-unlad sa China
Nagsimula rin dito ang paglinang sa kaisipan na
nagbunga ng maraming imbensyon
Pagbagsak:
* Ang pagtahak sa dynastic cycle na umabot sa
punto kung saan nag-abang ang mga warlord sa
pag-atake sa nangungunang dinastiya
27. Tang (618-906 CE)
Ambag sa Kabihasnan:
Ang kaisipang iskolar ay lalong pinasigla rito
lalo na nang maimbento ang imprenta.
Nagawa ang unang aklat sa pamamagitan
ng imprenta.
Una ring nalimbag ang dyaryo sa
dinastiyang ito
Ang imprentang naimbento ng mga Tsino
ay yari sa bloke ng kahoy
Nauna itong naimbento kaysa imprenta sa
Europe subalit higit na mabilis ang paglinang
ng imprenta sa Europa
28. Ang dahilan marahil ay napakarami ng
karakter ng kaligrapiyang Tsino kung
ihahambing sa alpabeto ng mga Europeo.
Daan-daang karakter ang ginagawa sa
kaligrapiyang Tsino. Samantala, iilan lamang
ang alpabeto ng mga Europeo
Pinag-ibayo ang edukasyon at pagsusulit
para sa serbisyo sibil
Nalinang ang panitikan at sining
Lumitaw si Li Po at iba pang dakilang
manunula
Nagkaroon din kalipunan ng mga batas
29. Umunlad din ang agrikultura at unti-unting
nalilinang ang kalakalan
Tinaguriang Ginintuang Panahon ang
Dinastiyang Tang
Pag-unlad
Ibayong pagpapasigla sa scholarship.
Naging daan ito upang magkaroon ng
maraming imbensyon at pagpapaunlad sa
agrikultura at kalakalan
Pag-bagsak
Katulad ng salik ng pagbagsak ng
dinastiyang Han
31. Sung (960-1278 CE)
Lalo pang pinag-ibayo ang panitikan, sining
at edukasyon sa panahong ito
Umunlad ang kalakalan
Dito nagsimula ang malawakang
kalakalang pandaigdig na sinimulan noong
dinastiyang Tang
Nakikipagkalakalan na ang China sa mga
kalapit bansa sa Timog silangang Asia tulad
ng Borneo at Pilipinas
34. Yuan (1280-1367 CE)
Sa panahong ito, sinakop ni Kublai Khan,
isang Mongolian, ang China
Sa kauna-unahang pagkakataon, may mga
Europeo na nakarating sa Silangan sina
Marco Polo at ang kanyang tiyo na si Maffeo
Polo
Nanirahan ang mga nabanggit na Europeo
sa kaharian ni Kublai Khan
Dahil sa pagkamangha nila sa Silangan,
naisulat ni Marco Polo ang isang aklat na
pinamagatang The Tales of Marco Polo
35. Naging inspirasyon ito ng mga nabigador at
manlalakbay upang maghanap ng ruta
mula sa Europe patungong Silangan
Pax Mongolica (Mongol Peace)
pamamahala ng mga Mongol na nagbunga
ng pagbabagong pulitikal at pagpapaunlad
ng kabuhayan ng ilang lugar sa kabila ng
mga paninirang kanilang ginawa sa simula
at pagkawala ng pulitikal na kalayaan
Pag-unlad:
* Naagaw ng mga Mongol ang China dahil
sa magaling na sandatahan nito.
40. Ming (1368-1643 CE)
Muling naagaw ng mga Tsino mula sa mga
dayuhan ang pamamahala sa China. Muling
pinasigla ang pagpapanumbalik sa
nakagisnang kultura
Pinag-ibayo ang paglinang sa sining
kalakalan at industriya- lalo na ang
paggawa ng mga mamahalin at pinong
porselana
Dito nakabisado ng mga Tsino ang sining ng
paggawa ng mamahaling seramika
Naging pangunahing kalakal ito sa
pandaigdig na kalakalan
41. Pag-unlad
Nagbigay lakas sa mga Tsino ang muling
pagpasigla sa nakagisnang kultura
Pagbagsak
Ang kahulihulihang dinastiya ng China na
pinamunuan ng mga Tsino ay naging
panandalian lamang
Nabigo silang panatilihing Tsino ang
namumuno sa kanilang lupain
Lumusob ang mga taga-Manchuria at
namuno sa China
44. Ching/Manchu (1644-1911 CE)
Ang mga Manchu ay nagmula sa
Manchuria hilagang bahagi ng China
Matagal nang inaabangan nito ang
paglusob ng China, ang lupang matagal na
rin nilang inaasam maangkin dahil sa
kagandahan at kayamanan nito
Sa panahong ito, nagkaroon ng problema
ang China sa mga dayuhan
Parami ng parami ang naninirahan sa
bansa at para na itong isang hinog na
melon na nais paghati-hatian ng mga
dayuhan
45. Pag-unlad
Naagaw ang China at napanatili ang
pananakop nito dahil sa matatag na
sandatahang lakas nito
Pagbagsak
* Nanhina ang China dahil sa maraming
kaguluhan dulot ng pagdami ng mga
dayuhan
46. TAOISM (Lao Tzu)
Ang pangalang Taoism ay nagmula sa Tao,
salitang Tsino na ang ibig sabihin, Ang
Daan
*Naniniwala ang Taoist na
pinakamahalagang mamuhay sa natural na
pamamaraan
Ang tao ay dapat umayon sa kalikasan
Ang mga paghihirap, pagdurusa, sakit at
problema ng tao ay resulta ng hindi pasunod
sa paraan ng kalikasan
47. Ang Tao ay maihahalintulad sa isang
bagay na walang hugis o porma
≒Ang mga karagatan at ilog ay
makapangyarihan dahil mababa ang
kanilang kinalalagyan
Kaya makapangyarihan ang Tao dahil
mapagkumbaba ito
Ang Tao rin ang nagbibigay pwersa sa lahat
ng nilalang.
48. Legalism (Shih Huang Ti)
Ibig sabihin nito ay paaralan ng batas o
pilosopiya na nagbibigay diin sa mga batas
at tuntunin na pinairal ng mga may
kapangyarihan bilang pamantayan ng kilos
ng tao
Nagmula ito sa mga pangunahing akda ng
mga Legalista tulad ng The Book of Lord
Shang, Han Fei Tzu at ang Kuan Tzu
Ito ang kauna-unahang pilosopiya na
naging opisyal na ideolohiya ng bansa
Naniniwala ang Legalismo na tungkulin ng
pinuno na tumayong nag-iisa at may lubos
49. Na kapangyarihan sa kanyang nasasakupan
Siya ang batas at siya rin ang awtoridad
Ang pamantayan ng tama at mali ay
nakabatay sa pinuno
Bawat pinuno ay may sariling konsepto at
pamantayan ng tama at mali
Naniniwala ang mga legalista na may higit
sa isang pamamaraan ng pagpapalakad sa
daigdig at hindi na kailangang gayahin ang
lumang nakaraan upang mapamahalaan
nang maayos ang Estado
Higit na nakatataas ang tingin ng mga
Legalista sa batas kaysa mabuting asal
50. Moralidad o ritwal
* Ang mahalagang salik na magpapanatili
sa isang organisasyon ay ang fa o batas, shih
o awtoridad, posisyon at kapangyarihan at
ang shu o ang pamamaraan ng gobyerno