Modyul 7:Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at pagtataguyod ng dignidad ng tao.pptxJun-Jun Borromeo
Ìý
"Napaglilingkuran ko ang ating bayan." ito ang sagot ng isang sundalo sa isang pastor sa tanong nito kung bakit pinili niyang maging sundalo sa kabila ng panganib ng ganitong trabaho.
Ilan kaya ang kabataan tulad mo ang ganitong motibasyon sa pagpili ng trabaho sa hinaharap? Sa anumang gawaing naitakda mong gawin, isinasaalang alang mo ba ang kabutihang maidudulot nito sa iba - sa pamilya, paaralan, o pamayanan?
Inaasahang masasagot ng modyul na ito ang mga sumusunod na katanungan na: Bakit nga ba mahalaga ang paggawa sa tao? Ano ang mabuting maidudulot nito sa ating pagkatao?
Sa modyul na ito, Inaasahang maipapamalas ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
1. Nakikilala ang kakayahan ng paggawa bilang tagataguyod ng dignidad ng tao.
2. Nakakasusuri kung ang paggawa nasaksihan sa pamilya, paaralan o barangay /pamayanan ay nagtataguyod ng dignidad ng tao.
3. Naipapaliwanag ang batayang konsepto ng aralin.
4. Nakakabuo ng sintesis tungkol sa kabutihang naidudulot ng paggawa gamit ang panayam aa mga manggagawang kumakatawan sa taong nangangailangan na nasa ibat ibang karera o trabahong teknikal-bokasyonal.
mga pansariing salik sa pagpili ng track o kursong akademiko, teknikal-bokasy...GeraldineKeeonaVille
Ìý
mga pansariing salik sa pagpili ng track o kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at disenyo, at isports. ito ay nakakayulong sa pagpili ng kurso.
mga pansariing salik sa pagpili ng track o kursong akademiko, teknikal-bokasy...GeraldineKeeonaVille
Ìý
mga pansariing salik sa pagpili ng track o kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at disenyo, at isports. ito ay nakakayulong sa pagpili ng kurso.
1. LAYUNIN
SA MODYUL NA ITO, INAASAHANG MAIPAMAMALAS
MO ANG SUMUSUNOD:
ESP9PK-Iva13.1
• Nakikilala ang mga pagbabago sa kaniyang
talent, kakayahan at hilig ( Mula Baitang 7) at
naiuugnay ang mga ito sa pipiliing kursong akademiko,
teknikal-bokasyunal, sining at isports, negosyo o
hanapbuhay.
ESP9PK-Iva13.2
• Napagninilayan ang mga mahahalgang hakbang
na ginawa upang mapaunlad ang kanyang talent at
kakayahan ayon sa kanyang hilig at mithiin.
2. LAYUNIN
SA MODYUL NA ITO, INAASAHANG MAIPAMAMALAS
MO ANG SUMUSUNOD:
EsP9PK-IVb-13.3
Napatutunayan na ang pagiging tugma ng mga personal
na salik sa mga pangangailangan (requirements) sa
napiling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at
isports o negosyo ay daan upang magkaroon ng
makabuluhang hanapbuhay o negosyo at matiyak ang
pagiging produktiboat pakikibahagi sa pagpapaunlad ng
ekonomiya ng bansa
3. LAYUNIN
SA MODYUL NA ITO, INAASAHANG MAIPAMAMALAS
MO ANG SUMUSUNOD:
EsP9PK-IVb-13.4
Natutukoy ang kanyang mga paghahandang gagawin
upang makamit ang piniling kursong akademiko, teknikal-
bokasyonal, sining at
palakasan o negosyo (hal., pagkuha ng impormasyon at
pag-unawa sa mga tracks sa Senior High School)
4. Mga Pansariling Salik sa Pagpili
ng Track o Kursong Akademiko,
Teknikal-Bokasyonal, Sining at
Disenyo, at Isports
9. ï‚¢Ano-anong trabaho/hanapbuhay
ang makikita sa mga larawan?
ï‚¢ Ano-ano ang mga katangiang ang
dapat tinataglay ng bawat isa
upang matupad ang pangarap nila?
ï‚¢Paano nila nakamit ang piniling
trabaho/hanapbuhay?
10. GAWAIN SA PAGKAKATUTO BILANG 1: TUKUYIN ANG
IYONG TALENTO, KAKAYAHAAN AT HILIG NOONG IKAW AY
NASA BAITANG 7 AT NGAYON SA BAITANG 9. ISULAT ANG
IYONG SAGOT SA SAGUTANG PAPEL. GAMITIN ANG
PORMAT
Halimbawa Baitang 7 Baitang 9
Talento,
kakayahan,
at hilig
Pagsasayaw
Gumuhit
Makinig ng
musika
Pagsasayaw
Magluto
Magbasa
11. SAGUTIN ANG MGA SUMUSNOD NA TANONG.
ISULAT ANG IYONG SAGOT SA SAGUTANG
PAPEL.
1. ANO-ANONG PAGBABAGO SA TALENTO,
KASANAYAN (SKILLS), AT HILIG NOONG IKAW
AY NASA BAITANG 7?
2. NAGBAGO BA O HINDI ANG KURSONG
KUKUNIN MO NOONG NASA BAITANG 7 KA?
3. NGAYONG NASA IKA-9 NA BAITANG KA
NA, ANO ANG KURSONG PLANO MONG KUNIN
SA SENIOR HIGH SCHOOL?
12. Ayon kay Jürgen Habermas, tayo ay nilikha upang
makipagkapwa at makibahagi sa buhay-sa-mundo
(lifeworld), at ito ay nabubuo sa pagkomunikasyon
ng kaniyang mga kasapi. Nahuhubog lamang ng tao
ang kaniyang pagkakakilanlan sa pakikibahagi sa
kaniyang pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Napakahalaga ng iyong bahagi sa iyong sarili,
kapwa at lipunan.
Sa bahaging ito ng aralin, pagtuunan mo naman
nang malaking pansin ang mga pansariling salik sa
pagpili ng tamang kursong akademiko, teknikal-
bokasyonal, sining at disenyo, at isports ayon sa
iyong:
13. ï‚¢Talento
Ang mga talento ay isang pambihirang biyaya at
likas na kakayahang. Kailangang tuklasin dahil
ito ang magsisilbi mong batayan sa pagpili ng
tamang kursong akademiko, teknikal-
bokasyonal, sining at disenyo, at isports sa iyong
pagtatapos ng Junior High School (Baitang 10).
Kung matagumpay mong maitutugma ang iyong
talento sa trabaho/hanapbuhay ay makakamit
mo ang kagalingan at produktibong paggawa.
14. Kasanayan (Skills)
Ang mga kasanayan o skills ay isa ring
maituturing na mahalagang salik sa
paghahanda sa iyong pipiliing kurso. Ang mga
kasanayang ating tinutukoy ay ang mga bagay
kung saan tayo mahusay o magaling. Ito ay
madalas na iniuugnay sa salitang abilidad,
kakayahan (competency) o kahusayan
(proficiency). Kung hindi mo pa tukoy ang
mga ito, makabubuting tingnan at bigyan ng
oras ang mga kategorya na nakalista sa ibaba
(Career Panning Workbook, 2006):
15. A. KASANAYAN SA PAKIKIHARAP SA MGA
TAO (PEOPLE SKILLS)
B. KASANAYAN SA MGA DATOS (DATA
SKILLS)
C. KASANAYAN SA MGA BAGAY-BAGAY
(THINGS SKILLS)
D. KASANAYAN SA MGA IDEYA AT
SOLUSYON (IDEA SKILLS)
16. HILIG
NASASALAMIN ITO SA MGA PABORITONG GAWAIN
NA NAGPAPASAYA SA IYO DAHIL GUSTO MO AT BUO
ANG IYONG PUSO NA IBIGAY ANG LAHAT NG
MAKAKAYA NANG HINDI NAKAKARAMDAM NG
PAGOD OPAGKABAGOT. SALUNGAT DITO ANG MGA
GAWAIN O BAGAY NA AYAW MONG GAWIN.
NAKARARAMDAM KA NG KAWALAN NG SIGLA AT
MABAGAL NA PAGKILOS KUNG KAYA MAIKLING ORAS
LAMANG ANG IYONG GINUGUGOL SA MGA ITO.
17. PAGPAPAHALAGA.
MAY KILALA KA BANG TAONG NAKAMIT ANG KANIYANG PANGARAP
SA BUHAY NANG DAHIL SA KANIYANG MGA NATATANGING
PAGPAPAHALAGA? SA IYONG PALAGAY, ANO KAYA ANG NAGPAUNLAD
SA MGA TAONG ITO? ANG KANILANG MGA IPINAMALAS NA
PAGSISIKAP NA ABUTIN ANG MGA NINANAIS SA BUHAY AT
MAKAPAGLINGKOD NANG MAY PAGMAMAHAL SA BAYAN BILANG
PAKIKIBAHAGI SA PAUNLAD NG ATING EKONOMIYA.
HALIMBAWA:
KASIPAGAN SA PAG-AARAL
PANANAMPALATAYA SA DIYOS
MATIYAGA
MAY DISIPLINA SA SARILI
18. Mithiin
Kalakip ng pagkamit ng mithiin sa buhay ay ang
pagkakaroon ng matibay na personal na
pahayag ng misyon sa buhay. Hindi lamang
dapat na umiral sa iyo ang hangaring
magkaroon ng mga materyal na bagay at
kaginhawaan sa buhay, kailangan ay isipin rin
ang pakikibahagi para sa kabutihang panlahat.
Kung ngayon pa lamang sa mura mong edad ay
matutuhan mong bumuo ng iyong personal na
misyon sa buhay, hindi malabong makamit mo
ang iyong mithiin sa buhay at sa iyong
hinaharap.
19. ï‚¢ Gawain sa Pagkakatuto Bilang 2: Sagutin ang mga sumusunod na
tanong .
ï‚¢ 1. Ano-ano ang mga pansariling salik sa pagpili ng tamang Track o
Kursong Akademiko, Teknikal-Bokasyonal, Sining at Disenyo, at
Isports sa pagtuntong mo ng Senior High (Baitang 11-12)?
ï‚¢ 2. Bakit mahalaga ang mga pansariling salik na ito sa pagpili mo ng
iyong kurso at hanapbuhay?
ï‚¢ 3. Alin sa mga pansariling salik sa pagpili ng kurso ang iyong higit
na isinaalang-alang? Alin ang hindi? Ipaliwanag.
ï‚¢ 4. Bilang kabataan, anong mga hamon ang iyong hinaharap sa
kasalukuyan (Baitang 10) na may kaugnayan sa iyong
pagsasaalang-alang sa pipiliing kurso o hanapbuhay (akademiko o
teknikal-bokasyonal)?
ï‚¢ 5. Bakit mahalaga ang tamang pagpili ng ng kurso, akademiko o
teknikal-bokasyonal, sining at isports sa iyong paghahanda para sa
paghahanapbuhay?
20. ï‚¢Gawain sa Pagkakatuto Bilang 3:
Gumuhit ng isang puno at tawagin itong
puno ng pagpapahalaga. Gamit ang puno
ng pagpapahalaga, magsabit ng limang
bunga na makatutulong sa iyong
pagkamit ng pansariling salik sa pagpili
ng tamang track o kursong akademiko,
teknikal-bokasyonal, sining at disensyo,
at isports sa Senior High School. Bigyang
paliwanag ang bawat bungang isasabit sa
puno ng pagpapahalaga.
21. ï‚¢Gawain sa Pagkakatuto Bilang 4:
Umisip ng mga hakbangin na maaring
isama sa recipe ng pagtupad ng iyong
mithiin. Isaalang ang mga
kakailanganing mga salik at tamang
sukat upang makalikha ng isang
resipe ng mithiin.
Halimbawa: talento
ï‚¢1 kilong lakas ng loob
½ tiwala sa sarili
22. Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuhang
Puntos
Pagkamalikhain Angkop at akma ang mga
salita na ginamit upang
maging maganda at
makabuluhan ang likhang
resipe upang magpahayag
pananaw ukol sa paksa.
15
Kaangkupan sa
tema
Angkop sa tema ang
ginawang resipe.
10
Kalinisan Malinis ang pagkakagawa ng
resipe.
5
KABUUANG PUNTOS 15
24. 1. Ito ay isang pambihirang biyaya at
likas na kakayahang. Kailangang tuklasin
dahil ito ang magsisilbi mong batayan sa
pagpili ng tamang kursong akademiko,
teknikal-bokasyonal, sining at disenyo, at
isports sa iyong pagtatapos ng Junior High
School (Baitang 10).
ï‚¢A. Kasanayan
ï‚¢B. Mithiin
ï‚¢C. Talento
ï‚¢D. Pagpapahalaga
25. 2. Ito ay tunutukoy sa mga bagay
kung saan tayo mahusay o magaling.
Ito ay madalas na iniuugnay sa
salitang abilidad, kakayahan
(competency) o kahusayan
(proficiency).
A. Kasanayan
B. Mithiin
C. Talento
D. Pagpapahalaga
26. 3. Nasasalamin ito sa mga
paboritong gawain na nagpapasaya
sa iyo dahil gusto mo at buo ang
iyong puso na ibigay ang lahat ng
makakaya nang hindi nakakaramdam
ng pagod o pagkabagot.
A. Kasanayan
B. Mithiin
C. Talento
D. Hilig
27. 4. Alin sa mga pansariling salik na dapat
pagbatayan sa pagpili ng kurso na may
kinalaman sa iyong kahusayan o galing sa
isang bagay o tiyak na abilidad na maaari
mong matuklasan mula sa pakikiharap sa
mga taong nakakasalamuha, paglutas ng
mga mahihirap na bagay, pagbubuo at
masistemang paraan sa pagkuha ng datos at
iba pa?
A. Hilig`
B. Kasanayan (skills)
C. Pagpapahalaga
D. Talento
28. 5. Ano ang dapat na maging aksyon
mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa
sa mga pagpipiliang kurso para sa
nalalapit na Senior High School?
A. Makinig sa mga gusto ng kaibigan
B. Huminto muna at sa susunod na taon
na lamang mag-aral
C. Magbasa at maglaan ng panahon na
makapag-isip at magplano
D. Humingi ng tulong sa malapit sa iyo at
umasa sa kanilang desisyon
29. Magsulat sa inyong kwaderno,
journal o portfolio ng inyong
nararamdaman o realisasyon
gamit ang mga sumusunod na
prompt:
Naunawaan ko na
__________________.
Nabatid ko na
_______________________.