際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
Komunikasyong Lokal at
Global sa Multikultural na
Setting
Napakalawak na termino ang salitang kultura.
Hindi ito maaaring ikahon sa iisang depinisyon gaya ng
wika. Sa pangkalahatan, ang popular na kahulugan nito
sa Ingles ay way of life o paraan ng pamumuhay sa
Filipino. Halos lahat sa buhay ng tao ay maaaring
saklawin ng kultura. Tinatawag din itong kalinangan sa
ibang pananalita.
Ang Malayuning Komunikasyon ay para sa
pagkakaroon ng malawak, malalim at mataas na
pagtanggap sa pagkakaiba-iba ng kultura ng bawat tao,
bansa, lahi at iba pang pagtatalaytay sa daigdig.
At dahil malawak ang kultura, tiyak na may mga baha-
bahagi ito. Sa kabuuan, ang kultura ay sistema ng
kaalaman, paniniwala, kaugalian, pagpapahalaga, tradisyon,
katangian at artifacts na namamana, pinagsasaluhan at
isinasabuhay ng mga miyembro ng isang partikular na
lipunan.
MGA KATANGIAN NG KULTURA
1. DINAMIKO
Gaya ng wika, patuloy na nagbabago ang kultura
dahil sa pabago-bagong panahon at henerasyon. Hindi
maaaring maging stagnant ang isang kultura sapagkat hindi ito
mabubuhay sa habampanahon. Kalikasan nito ang patuloy na
magbago sapagkat realidad na walang permanente sa mundo
kundi ang pagbabago.
MGA KATANGIAN NG KULTURA
2. NAIPAPASA
Bagamat patuloy itong nagbabago, may
kulturang mananatili. Ito ang patuloy na ipapasa-pasa
sa ibat ibang salinlahi. Patuloy itong isasabuhay ng
mga taong lumaki at namulat sa kulturang ito.
MGA KATANGIAN NG KULTURA
3. PINAGSASALUHAN
May partikular kang kinaaniban kung bakit
ganito o ganiyan ang kulturang dala-dala mo. Hindi ka
basta nabuhay at/o mabubuhay na hindi mo yayakapin
ang kultura kung saan ka nanggaling. Bagamat yunik o
natatangi ang bawat nilalang, isang katotohanang ang
kulturang taglay mo ay maaaring maimpluwensiyahan ng
iyong pamilya, lipunan, kaibigan, paaralan, bansa, lahi at
iba pang kategorisasyon sa buhay.
Ang kultura ay pangkalahatang kaalaman.
Nakukuha o naipapasa ang kaalaman, materyal na bagay
at kaugalian dahil sa pakikisalamuha. Nakapaloob din
dito ang idea, ugali, kinasanayang gawin at ano pa mang
bagay.
MGA HALIMBAWA NG KULTURANG PILIPINO
1. Pagdiriwang ng pista
2. Pagmamano
3. Mga pamahiin sa patay
4. Pamamanhikan
5. Simbang gabi
Dahil malawak ang kultura, lilitaw at lilitaw ang
tinatawag na kapuwakultura o ka-kultura o co-culture o
sub-culture sa Ingles.
Tinatawag na subkultura ang kultura sa loob ng
mismong kultura o yaong mula ito sa pangkalahatang kultura
subalit may nilalandas na kaibahan.
Karagdagan, ito rin ay bahagi ng isang lipunang may
pinagsasaluhang magkakaibang pag-uugali, kinagawian,
paraan ng pag-iisip, pakiramdam at pagkilos na nakadepende
sa kung anong pamamaraan o pagkakakilanlan mayroon ang
mas malaking lipunan.
KAPUWAKULTURA O KA-KULTURA
MGA HALIMBAWA NG KAPUWAKULTURA
1. Mga half-half
2. Mga PWDs (Persons with Disabilities) o PDA (Persons
Differently Abled)
3. Mga LGBTQI (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer,
and Intersexual)
4. Mga matatanda
5. Mga jejemon
MGA ESTRATEHIYANG GINAGAMIT NG SUB-KULTURA
UPANG MAPABILANG
1. Asimilasyon
 sistema na ang sub-kultura ay
nagtatangkang isabuhay at/o maiakma ang sarili
sa mas dominanteng kultura.
- Ito rin ay isang prosesong
ipinagpapaliban ng tao ang sariling tradisyon
upang maging bahagi ng ibat ibang kultura. Ito
ay karaniwang gawi ng minoryang miyembro ng
pangkat na gustong sumunod sa pamantayan ng
nakakarami.
Mga Halimbawa ng Asimilasyon:
 Sa Hapon, may mga kaugaliang inaalis
ang sapin sa paa tulad ng tsinelas o
sapatos kapag papasok ng bahay. Upang
makaangkop ang mga taong hindi ito
inuugali at gustong manirahan dito,
kinakailangan nilang gawin ang ganitong
kaugalian.
 Pagsuot ng Barong Tagalog ni Ryan Bang
na isang Koreano ay ilan lamang sa mga
halimbawa ng asimilasyon.
2. Akomodasyon
 sistema kung saan ang sub-kultura ay
pinananatili ang sariling pagkakakilanlan
ngunit pinananatili ang magandang ugnayan
sa mas dominanteng kultura.
- Ang akomodasyon ay isang proseso
ng akmang pagsang-ayon sa pagitan ng mga
tao o pangkat. Ito ay karaniwang natatamo sa
pamamagitan ng pagtatanggal o pagbabawas
ng poot sa pamamagitan ng pagkakasundo o
arbitrasyon.
Halimbawa ng Akomodasyon:
 Kung may away sa barangay ay maaaring
pag-usapan ito sa pamamagitan ng kapitan
ng barangay. Kung mas malaki naman tulad
ng salang pagpatay, pag-uusapan ito sa korte.
Kung sa paaralan naman, magsisilbing
tagapagkasundo ang guro sa magulong klase
niya at kapag nag-away ang mga mag-aaral
at humantong sa pagsusuntukan ay
kakausapin sila ng Guidance Counselor. Kung
sa bahay naman ay maaring pagbatiin ang
mga nakakabatang kapatid ng panganay na
anak. Puwede rin namang disiplinahin sila ng
kanilang magulang.
3. Separasyon
 sistema kung saan ang sub-kultura
ay nilalagyan ng pader at/o harang na
makisalamuha sa mas dominanteng
kultura.
Halimbawa: Katoliko at Ibang Relihiyon
ETNOSENTRISMO VS
RELATIBISMONG
KULTURAL
ETNOSENTRISMO
Ang tendensiyang pangatawanan na mas superyor
ang sariling kultura kaysa sa iba ang tinatawag na
etnosentrismo.
Bawat kultura ay nagpapakita ng kani-kanilang pag-
uugali na natatangi sa iba. Mahirap mauunawaan ang
kanilang mga kinasanayan at paniniwala kung ihahambing
natin ito sa mas malawak na kulturang kanilang
kinabibilangan. Ang kultura ay kailangang pag-aralan nang
nakabatay sa sariling pagpapakahulugan at paniniwala ng
isang pangkat.
Sinisikap ng mga sosyologo na iwasang magkaroon
ng enthnocentrism, ito ay ang panghuhusga sa isang
kultura dahil naiiba ito sa kinasanayan natin. Dahil sa
pagkakaibang ito, mahirap para sa ating tanggapin ang
kanilang mga idea at kinasanayan. Sa Sociology, kailangan
nating alisin ang piring upang maunawaan ang iba't ibang
kultura nang walang kinikilingan.
Ang sociologist na si William Graham Sumner
(1906) ang nakadiskobre ng salitang ethnocentrism na
tumutukoy sa pag-iisip na ang isang kultura at ang
kanilang paraan ng pamumuhay ay ang dapat na sundin at
ito ang lubos na nakakaangat sa iba. Ang ethnocentric na
tao ay ginagawang batayan ang kinabibilangang pangkat
upang makabuo ng kahulugan ng kultura at tingnan bilang
paglayo sa "normal" ang iba pang kultura.
Mga Halimbawa:
1. Tinitigan ni MJ ang mga naka-two piece bathing suit
dahil hindi niya maatim ang suot ng mga ito.
2. Balot na balot kung manamit ang mga bagong lipat dahil
nanggaling sila sa Mindanao.
3. Pinagtawanan ng mga bata ang isang Muslim na
nananalangin.
4. Pinatanggal kay Aling Rosa ang mga rebulto ni Sta. Maria
sa kanilang bahay dahil ang biyenan niya ay kabilang sa
Born Again.
5. Hindi na naligo si Amy sa dagat dahil kailangang
magsuot ng bikini sa California.
RELATIBISMONG KULTURAL
Katumbalikan naman ng etnosentrismo ang
relatibismong kultural na ang ibig sabihin ay ang
pagtanggap sa ibang kultura bilang kahanay at/o kapantay
ng sarili.
Ang panghuhusga sa isang pangkat dahil sa sarili
nitong pamantayan ay tinatawag na cultural relativism. Ang
ethnocentrism ay ang pagbuo ng kongklusyon na ang
sariling kultura ay ang dapat na sundin at hindi ang ibang
pangkat habang ang cultural relativism ay inuunawa ang
mga kagawian ng ibang tao mula sa pagtingin sa sariling
kultura. Binibigyan nito ng karapatan ang isang kultura at
hindi nililimita sa mga salitang "kakaiba" o "dayuhan."
Ang cultural relativism ay nagbibigay-diin na ang
pagkakaiba-iba ng mga kultura ay nagdudulot ng iba-iba
ring interpretasyon kung ano ang karaniwan at dapat
paniwalaan. Dahil dito, kailangan nating pag-aralang
mabuti ang mga kagawian sa kinabibilangan nating
kultura. Gayun pa man, hindi sinasabi ng cultural relativism
na tanggapin natin agad ang pagkakaiba-iba ng mga
kultura. Nangangailangan ito ng malaliman at walang
kinikilingang interpretasyon sa mga nakagawian,
paniniwala at tradisyon upang maunawaan ang natatangi
nilang kultura.
Mga Halimbawa:
1. Nagmamano ang mga Filipino sa matatanda.
2. Kapag nagsasalita, nakagawian nating gumamit ng po at
at opo.
3. Napagalitan si Marie dahil nagwalis siya kagabi.
4. Pinaalalahanan si Nita ng kaniyang lola na magpagpag
bago umuwi sa kanilang bahay.
5. Hindi kumakain ng dinuguan ang pamilya ni Chris dahil
bawal ito sa kanilang relihiyon.
Pilosopiyang Mel-Pot vs
Pluralismong Kultural
Cultural Pluralism
Tinutukoy ng cultural pluralism ang mga lipunang
tanggap ang dalawa o higit pang magkakaibang pangkat na
may iba-iba at pantay-pantay na tungkulin na hindi
nangangailangang maging bahagi ng ibang lipunan. Ang bawat
pangkat na ito ay kadalasang bunga ng hindi pagsang-ayon na
mapabilang sa isang nakakataas na kultura upang mapanatili
ang kanilang sariling lipunan.
Maaaring ipahayag ang cultural pluralism sa pormulang
ito A+B+C = A+B+C kung saan ang bawat pangkat etniko ay
napapanatili pa rin nila ang kanilang pagkakakilanlan, mga
sistema at institusyon bilang bahagi ng kanilang kultura.
2 Uri ng Cultural Pluralism
1. Tolerance Level
Nasa tolerance level ang cultural pluralism kung
ang pakikisalamuha sa ibang tao ay pormal at walang
intimeyt na pakikipagugnayan. Maaaring matagpuan
ang uri ng pluralism sa mga itim at puti sa Timog.
2. Good Group Relations
Ang cultural pluralism na nasa lebel ng good
group relations ay nakakasalamuha ang anumang
pangkat. Kabilang sa uri ng pluralism na ito ang
paggamit ng mga pampublikong pasilidad.
Melting Pot (Mel- Pot)
Sa Sosyolohiya, ang konsepto ng melting pot ay
tumutukoy sa halo-halong lipunan na mas nagiging
pare-parehong may iba't ibang elemento na
"magkasamang natutunaw" patungo sa iisa at pare-
parehong kultura. Karaniwan ding ginagamit ang
konsepto ng melting pot upang ilarawan ang
asimilasyon ng mga pumupunta at tumitira sa Estados
Unidos ngunit maaari din itong gamitin sa anumang
kontekstong may bagong kultura kasama ang iba pang
mga pangkat ng tao na may iba ring kultura.
Maaari ding ipahayag ang melting pot sa pormulang
A+B+C = D. Ang bawat pangkat dito ay may
kontribusyon ng bahagi ng kanilang 41 kultura at
tinatanggap din ang ibang aspekto ng iba pang mga
kultura na ipinapakitang ang isang lipunan ay ang
pinaghalo-halong iba't ibang pangkat.
Makikita naman ang mga halimbawa ng melting pot sa
kasalukuyan dahil may mga nakukuha tayong kultura mula sa
ibang bansa at sa pagtagal ng panahon ay nagiging bahagi na
ito ng ating kultura. Halimbawa nito ay nang sinakop tayo ng
mga dayuhan ay nakuha natin ang kanilang kultura at
hanggang ngayon ay nasa kultura pa rin natin ito. Bawat isa
rin sa atin ay pilit na bumabagay sa kung ano ang uso sa
ibang bansa maging ito ay sa pananamit, pagkain at kahit sa
lengguwahe upang maging bahagi tayo ng iisang pangkat
lamang. Hindi natin hinahayaan ang sarili natin na mapag-
iwanan dahil bumabagay tayo sa kung ano ang nangyayari sa
ating lipunan.
Makikita naman ang mga halimbawa ng melting pot sa
kasalukuyan dahil may mga nakukuha tayong kultura mula sa
ibang bansa at sa pagtagal ng panahon ay nagiging bahagi na
ito ng ating kultura. Halimbawa nito ay nang sinakop tayo ng
mga dayuhan ay nakuha natin ang kanilang kultura at hanggang
ngayon ay nasa kultura pa rin natin ito. Bawat isa rin sa atin ay
pilit na bumabagay sa kung ano ang uso sa ibang bansa maging
ito ay sa pananamit, pagkain at kahit sa lengguwahe upang
maging bahagi tayo ng iisang pangkat lamang. Hindi natin
hinahayaan ang sarili natin na mapag-iwanan dahil bumabagay
tayo sa kung ano ang nangyayari sa ating lipunan.
Kahit sa social media ay makikita ang melting pot dahil
bawat isa sa atin ay nagiging iisa na lamang ang interes at kung
ano ang patok ay ating sinusunod.
Apat na Talaban/Diyalektika sa
Pagkakaiba-iba ng Kultura
1. Indibidwalistiko v Kolektibismong Kultura
Indibidwalistiko ang kulturang pinananaig ang pansariling
tunguhin, tagumpay at pangarap at nililinang ang pagkukusa at
pagtatamo ng isang indibidwal. Sa simpleng pananalita, AKO laban sa
TAYO. Ang kolektibismong kultura naman ay kulturang pinapanaig ang
tunguhin o kagalingan ng pangkat at mas nililinang ang impluwensiya
ng grupo. Sa simpleng pananalita, mas mahalaga ang TAYO kaysa sa
AKO.
Ang collectivistic culture ay ang pagbibigay-halaga sa isang
pangkat o komunidad Lubos na binibigyang-halaga ng mga kabilang
sa pangkatang kultura ang kapakanan ng nakakarami at hindi ng sarili
o ng iisa. Sa collectivistic culture mahalaga ang pagkakakilanlan ng
buong pangkat at hindi ang pagkilala bilang isang indibidwal
lamang.at hindi sa sariling kapakanan.
Ang individualistic culture ay maoobserbahan mismo sa sarili.
Nangangahulugang mas nararapat na unahin ang sarili at hindi ang
kapakanan ng ibang tao o ng nakakarami. Nais nitong patunayang ang
pabibigay ng sapat na pangangailangan ng sarili ay makakatulong sa
pagkakaroon ng isang maayos na pangkat o komunidad.
Nagiging mas deretso at hindi maligoy ang nagiging usapan
dahil sa individualistic culture. Mas nabibigyang-halaga ang desisyon
ng isang indibidwal para sa kaniyang sarili at hindi nangangailangan
ng opinyon ng ibang tao dahil isa ito sa pinakamakikitang katangian
ng individualistic culture.
2. Mataas v Mababang Kontekstong
Pangkomunikasyon
Tradisyong nakatali sa sistema kung saan nakabatay sa hindi
pagiging direkta ng komunikasyon ang Mataas na Konteksto
samantalang ang Mababang Konteksto ay isang sistema na
pinahihintulutan ang pagiging direktahan ng komunikasyon.
Ang high context communication at low context
communication ay tumutukoy sa kung gaano dumedepende ang
tagapagsalita sa mga bagay bukod sa mga salita upang maihatid ang
nais nitong ipakahulugan.
HIGH CONTEXT COMMUNICATION LOW CONTEXT COMMUNICATION
Pagngiti sa makakasalubong na kakilala Pagpupulong para sa partikular na agenda
Pagdinig ng reklamo sa barangay Telephone Interview
Pagtaas ng boses kapag nagagalit 1 Day Team Building
Konsultasyon sa doktor Job Interview
Pakikipagdebate Isang minutong speed dating
3. Malakas v Mahinang Pagitang Pangkultura
Ang Malakas na Pagitan ay kulturang nakabatay sa malaking
pagkakaiba-iba kung saan ang mahina ay itinatatwa ang malakas na
kultura samantalang ang Mahinang Pagitan ay kulturang
sumasampalataya na ang kapangyarihan ay gagamitin lamang kung
lehitimo at/o nasa tama.
4. Kulturang Makalalaki v Makababae
KULTURANG MAKALALAKI
Ang kulturang nagpapahalaga sa pagiging agresibo, malakas at
materyal na sagisag ng tagumpay ng mga lalaki ay Makalalaki
siyempre. Hinihikayat ang mga miyembro nito na maging dominante at
palaban.
KULTURANG MAKABABAE
Ang Makababae ay kulturang nagpapahalaga sa
pakikipagmabutihan at pakikipag-ugnayan. Mas nakatuon ito sa
pakikipagpalagayan, pakikipag-ayos sa mga gusot at lahat ay masaya
at patas sa resulta.
Istereotipo at Panghuhusga
Tumutukoy ang istereotipo sa mga mental na imahen sa isip na
maaaring positibo o negatibo at naglulundo kung paano tayo
makisalamuha sa iba. Maaari itong magdulot ng diskriminasyon sa iba
dahil ikinukulong nila ang isang bagay sa isang kahong hindi man
lamang tinitingnan ang ibang perspektibang nakapalibot dito. Bilang
karagdagan, ang konseptong ito ay pagmamalabis sa mga
paniniwalang ang lahat ng miyembro ng isang pangkat ay kumikilos at
nag-iisip sa pare-parehong paraan.
MGA HALIMBAWA NG ISTEREOTIPO
 Ang mga mapuputi ay magaganda at pangit ang mga maiitim.
 Ang mga Muslim at terorista
 Ang mga pari ay hindi nakakagawa ng kasalanan
 Sa pamilya, kapag ang mga kapatid mo ay matatalino, inaasahan nila
na matalino ka din.
 Ang pagtingin sa mga nag-aaral sa mga prestihiyosong paaralan
bilang isang mayamang tao
Istereotipo at Panghuhusga
Ang Panghuhusga naman ay sinasabing ang positibo o negatibong
impresyon sa isang tao at/o bagay. Naglalarawan ito ng isang pakiramdam
sa tao at/o grupo ng mga tao na hindi pa naman natin masyadong kilala.
Tinatawag ito sa Ingles na prejudice. Ito ay paghuhusga sa mga tao, bagay
o sitwasyon sa paraang pangkalahatan.
Maaaring positibo ito gaya ng paniniwalang ang mga nagtapos sa
kolehiyo ay nakakagawa ng pinakamagandang negosyo o negatibo gaya ng
paniniwalang ang mga taong may magandang buhay ay tamad.
MGA HALIMBAWA NG PAGHUHUSGA
 kapag nakakita ka ng taong nakasalamin, sasabihin mo na agad na
matalino siya
 ang mga lalaking nakatattoo ay masasabi nating adik o galing sa
kulungan pero hindi natin alam na nasa kultura lang nila ito
 mayayaman ang mga taong may magagarang telepono
 matatalino ang mga anak ng mga guro
ACTIVITY
Sa isang Long bond paper, gumawa ng Islogan na tungkol sa paghuhusga
sa tao.
Criteria
pagkamalikhain 40%
impact ng islogan 40%
neatness 20%

More Related Content

What's hot (20)

BIRTUD AT PAGPAPAHALAGA LAST.pptx
BIRTUD AT PAGPAPAHALAGA LAST.pptxBIRTUD AT PAGPAPAHALAGA LAST.pptx
BIRTUD AT PAGPAPAHALAGA LAST.pptx
DonnaTalusan
DLL-NARATIBO.docx
DLL-NARATIBO.docxDLL-NARATIBO.docx
DLL-NARATIBO.docx
honeybelmonte
Ucsp week 1
Ucsp week 1Ucsp week 1
Ucsp week 1
Joy Trinidad
Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob.pptx
Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob.pptxMataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob.pptx
Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob.pptx
CrislynTabioloCercad
G9-ponemang-suprasegmental-gr9-powerpoint-presentation.pptx
G9-ponemang-suprasegmental-gr9-powerpoint-presentation.pptxG9-ponemang-suprasegmental-gr9-powerpoint-presentation.pptx
G9-ponemang-suprasegmental-gr9-powerpoint-presentation.pptx
RenanteNuas1
Mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo
Mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumoMga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo
Mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo
vhiemejia031095
Aralin 15
Aralin 15Aralin 15
Aralin 15
yhabx
Talumpati
TalumpatiTalumpati
Talumpati
RaymorRemodo
Dalawang Anyo ng Tulang Romansa
Dalawang Anyo ng Tulang RomansaDalawang Anyo ng Tulang Romansa
Dalawang Anyo ng Tulang Romansa
Ladylhyn Emuhzihzah
PAGSULAT NG MANWAL.pdf
PAGSULAT NG MANWAL.pdfPAGSULAT NG MANWAL.pdf
PAGSULAT NG MANWAL.pdf
ParanLesterDocot
MGA URI NG TULA
MGA URI NG TULA MGA URI NG TULA
MGA URI NG TULA
Louis Kenneth Cabo
Pagtatalumpati
PagtatalumpatiPagtatalumpati
Pagtatalumpati
Jheng Interino
paggalang.pptx
paggalang.pptxpaggalang.pptx
paggalang.pptx
JaniceJavier4
Filipino 9
Filipino 9Filipino 9
Filipino 9
Elsie Cabanillas
Ang Pagpapahalaga o Values
Ang Pagpapahalaga o ValuesAng Pagpapahalaga o Values
Ang Pagpapahalaga o Values
Eddie San Pe単alosa
Klima ng mundo
Klima ng mundoKlima ng mundo
Klima ng mundo
Paulene Gacusan
Quantitative Research Proposal Topics
Quantitative Research Proposal TopicsQuantitative Research Proposal Topics
Quantitative Research Proposal Topics
PhD Research Proposal Topics
Mga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa
Mga Uri at mga Aspekto ng PandiwaMga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa
Mga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa
Mckoi M
Katuturan at limang tema ng heograpiya
Katuturan at limang tema ng heograpiyaKatuturan at limang tema ng heograpiya
Katuturan at limang tema ng heograpiya
Olhen Rence Duque
BIRTUD AT PAGPAPAHALAGA LAST.pptx
BIRTUD AT PAGPAPAHALAGA LAST.pptxBIRTUD AT PAGPAPAHALAGA LAST.pptx
BIRTUD AT PAGPAPAHALAGA LAST.pptx
DonnaTalusan
DLL-NARATIBO.docx
DLL-NARATIBO.docxDLL-NARATIBO.docx
DLL-NARATIBO.docx
honeybelmonte
Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob.pptx
Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob.pptxMataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob.pptx
Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob.pptx
CrislynTabioloCercad
G9-ponemang-suprasegmental-gr9-powerpoint-presentation.pptx
G9-ponemang-suprasegmental-gr9-powerpoint-presentation.pptxG9-ponemang-suprasegmental-gr9-powerpoint-presentation.pptx
G9-ponemang-suprasegmental-gr9-powerpoint-presentation.pptx
RenanteNuas1
Mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo
Mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumoMga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo
Mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo
vhiemejia031095
Aralin 15
Aralin 15Aralin 15
Aralin 15
yhabx
Dalawang Anyo ng Tulang Romansa
Dalawang Anyo ng Tulang RomansaDalawang Anyo ng Tulang Romansa
Dalawang Anyo ng Tulang Romansa
Ladylhyn Emuhzihzah
Mga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa
Mga Uri at mga Aspekto ng PandiwaMga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa
Mga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa
Mckoi M
Katuturan at limang tema ng heograpiya
Katuturan at limang tema ng heograpiyaKatuturan at limang tema ng heograpiya
Katuturan at limang tema ng heograpiya
Olhen Rence Duque

Similar to ML.KomunikasyongLokalAtGlobalSaMultikulturalNaSetting.pptx (20)

ARALIN 1 (PPT).pptx
ARALIN 1 (PPT).pptxARALIN 1 (PPT).pptx
ARALIN 1 (PPT).pptx
maritesalcantara5
Heograpiyang pantao2
Heograpiyang pantao2Heograpiyang pantao2
Heograpiyang pantao2
Aileen Ocampo
filipino at kultura. pptx
filipino at kultura.                pptxfilipino at kultura.                pptx
filipino at kultura. pptx
mellowysunshine
KULTURANG_POPULAR.doc
KULTURANG_POPULAR.docKULTURANG_POPULAR.doc
KULTURANG_POPULAR.doc
AprilNonay4
3.1_-_Mga_Tao__Wika__at_Diyalekto_sa_Aking_Lungsod_at_Rehiyon.pdf
3.1_-_Mga_Tao__Wika__at_Diyalekto_sa_Aking_Lungsod_at_Rehiyon.pdf3.1_-_Mga_Tao__Wika__at_Diyalekto_sa_Aking_Lungsod_at_Rehiyon.pdf
3.1_-_Mga_Tao__Wika__at_Diyalekto_sa_Aking_Lungsod_at_Rehiyon.pdf
FrancisJayValerio1
Grade 8 Q1 WK3
Grade 8 Q1 WK3Grade 8 Q1 WK3
Grade 8 Q1 WK3
ARMIDA CADELINA
kaunagayn ng kultura sa lipunan at wikapptx
kaunagayn ng kultura sa lipunan at wikapptxkaunagayn ng kultura sa lipunan at wikapptx
kaunagayn ng kultura sa lipunan at wikapptx
deadlynervous12
Narrative - Sikolohiyang Pilipino
Narrative - Sikolohiyang PilipinoNarrative - Sikolohiyang Pilipino
Narrative - Sikolohiyang Pilipino
Jeanelei Carolino
Fil 1 - Panimulang Lingguwistika.pdf
Fil 1 - Panimulang Lingguwistika.pdfFil 1 - Panimulang Lingguwistika.pdf
Fil 1 - Panimulang Lingguwistika.pdf
AiraDelaRosa4
Aralin-3-Ang-bansaNasyon-bilang-Hinirang-Bayan.pptx
Aralin-3-Ang-bansaNasyon-bilang-Hinirang-Bayan.pptxAralin-3-Ang-bansaNasyon-bilang-Hinirang-Bayan.pptx
Aralin-3-Ang-bansaNasyon-bilang-Hinirang-Bayan.pptx
CrisAnnChattoII
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at LipunanFil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
JoshuaBalanquit2
Araling Panlipunan grade 3 quarter 3 week 1
Araling Panlipunan grade 3 quarter 3 week 1Araling Panlipunan grade 3 quarter 3 week 1
Araling Panlipunan grade 3 quarter 3 week 1
MELANIEORDANEL1
Aralin 1: Wika at Kultura sa Filipino First Year
Aralin 1: Wika at Kultura sa Filipino First YearAralin 1: Wika at Kultura sa Filipino First Year
Aralin 1: Wika at Kultura sa Filipino First Year
KristelDizon2
YUNIT 1 Aralin 2.pptx
YUNIT 1 Aralin 2.pptxYUNIT 1 Aralin 2.pptx
YUNIT 1 Aralin 2.pptx
Samar State university
Ukol sa Wika at Kulturang Pilipino ni Zeus A. Salazar
Ukol sa Wika at Kulturang Pilipino ni Zeus A. SalazarUkol sa Wika at Kulturang Pilipino ni Zeus A. Salazar
Ukol sa Wika at Kulturang Pilipino ni Zeus A. Salazar
KyleHydenManalo
HEOGRAPIYANG PANTAO.pptxvang paghubog sa mga estudyanten tungkol sa kasaysaya...
HEOGRAPIYANG PANTAO.pptxvang paghubog sa mga estudyanten tungkol sa kasaysaya...HEOGRAPIYANG PANTAO.pptxvang paghubog sa mga estudyanten tungkol sa kasaysaya...
HEOGRAPIYANG PANTAO.pptxvang paghubog sa mga estudyanten tungkol sa kasaysaya...
OctavianoEivonMae
Grade 8 WK2 Q1
Grade 8 WK2 Q1Grade 8 WK2 Q1
Grade 8 WK2 Q1
ARMIDA CADELINA
Week-11-12.pptx Sanaysay at Talumpati: Pagtatalo
Week-11-12.pptx Sanaysay at Talumpati: PagtataloWeek-11-12.pptx Sanaysay at Talumpati: Pagtatalo
Week-11-12.pptx Sanaysay at Talumpati: Pagtatalo
MaritesLumabao
Y ii aralin 16Ugnayan ng Heograpiya, Kultura at Kabuhayan sa Pagkakakilanl...
Y   ii aralin 16Ugnayan ng Heograpiya, Kultura at Kabuhayan  sa Pagkakakilanl...Y   ii aralin 16Ugnayan ng Heograpiya, Kultura at Kabuhayan  sa Pagkakakilanl...
Y ii aralin 16Ugnayan ng Heograpiya, Kultura at Kabuhayan sa Pagkakakilanl...
EDITHA HONRADEZ
YUNIT II ARALIN 16 UGNAYAN NG HEOGRAPIYA KULTURA AT KABUHAYAN SA PAGKAKAKILAN...
YUNIT II ARALIN 16 UGNAYAN NG HEOGRAPIYA KULTURA AT KABUHAYAN SA PAGKAKAKILAN...YUNIT II ARALIN 16 UGNAYAN NG HEOGRAPIYA KULTURA AT KABUHAYAN SA PAGKAKAKILAN...

Recently uploaded (20)

ESP-grade 3-quarter 4-WEEK-1-pananalig sa Diyos.pptx
ESP-grade 3-quarter 4-WEEK-1-pananalig sa Diyos.pptxESP-grade 3-quarter 4-WEEK-1-pananalig sa Diyos.pptx
ESP-grade 3-quarter 4-WEEK-1-pananalig sa Diyos.pptx
MaryClaudineManandeg
FORESHADOWING na ipinakita sa akdang ibong adarna.pptx
FORESHADOWING na ipinakita sa akdang ibong adarna.pptxFORESHADOWING na ipinakita sa akdang ibong adarna.pptx
FORESHADOWING na ipinakita sa akdang ibong adarna.pptx
2pfkvqnksg
El Filibusterismo kabanata 1 sa Filipino.pptx
El Filibusterismo kabanata 1 sa Filipino.pptxEl Filibusterismo kabanata 1 sa Filipino.pptx
El Filibusterismo kabanata 1 sa Filipino.pptx
DanicaReyes23
10 ARALIN 1 Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo.pptx
10 ARALIN 1 Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo.pptx10 ARALIN 1 Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo.pptx
10 ARALIN 1 Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo.pptx
NymphaMalaboDumdum
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO katapatan sa salita at sa gawa WEEK 2.pptx
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO katapatan sa salita at sa gawa WEEK 2.pptxEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO katapatan sa salita at sa gawa WEEK 2.pptx
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO katapatan sa salita at sa gawa WEEK 2.pptx
symbamaureen
COT SCIENCE 3 Quarter 4 WEEK 5.pptxg jxychcicucici
COT SCIENCE 3  Quarter 4 WEEK 5.pptxg jxychcicuciciCOT SCIENCE 3  Quarter 4 WEEK 5.pptxg jxychcicucici
COT SCIENCE 3 Quarter 4 WEEK 5.pptxg jxychcicucici
amantebrian
Matatag CurriculDay 2-GMRC Q4-W1-D2.pptx
Matatag CurriculDay 2-GMRC Q4-W1-D2.pptxMatatag CurriculDay 2-GMRC Q4-W1-D2.pptx
Matatag CurriculDay 2-GMRC Q4-W1-D2.pptx
trapserachelleann
Introduksyon at Paglalahad ng Suliranin .pptx
Introduksyon at Paglalahad ng Suliranin .pptxIntroduksyon at Paglalahad ng Suliranin .pptx
Introduksyon at Paglalahad ng Suliranin .pptx
CATABAYJORDAND
Paninindidigan sa Katotohanan (Katotohanan bilang ilaw ng tao sa pagtuklas n...
Paninindidigan sa Katotohanan  (Katotohanan bilang ilaw ng tao sa pagtuklas n...Paninindidigan sa Katotohanan  (Katotohanan bilang ilaw ng tao sa pagtuklas n...
Paninindidigan sa Katotohanan (Katotohanan bilang ilaw ng tao sa pagtuklas n...
goada1997
grade 7 curriculum ang pagtatag ng asean quarer 4 week 1 Ang Pagtatatang ASEA...
grade 7 curriculum ang pagtatag ng asean quarer 4 week 1 Ang Pagtatatang ASEA...grade 7 curriculum ang pagtatag ng asean quarer 4 week 1 Ang Pagtatatang ASEA...
grade 7 curriculum ang pagtatag ng asean quarer 4 week 1 Ang Pagtatatang ASEA...
acirultra
Edukasyon Sa Pagpapakatao seksuwalidad pt 1.pptx
Edukasyon Sa Pagpapakatao seksuwalidad pt 1.pptxEdukasyon Sa Pagpapakatao seksuwalidad pt 1.pptx
Edukasyon Sa Pagpapakatao seksuwalidad pt 1.pptx
DanethGutierrez
PAMILYA BILANG GABAY SA PAGPILI NG MGA MABUTING.pptx
PAMILYA BILANG GABAY SA PAGPILI NG MGA MABUTING.pptxPAMILYA BILANG GABAY SA PAGPILI NG MGA MABUTING.pptx
PAMILYA BILANG GABAY SA PAGPILI NG MGA MABUTING.pptx
KrizzelleMaeVeriales1
APAN7_Q4_HAMON NA KINAKAHARAP NG ASEAN.pptx
APAN7_Q4_HAMON NA KINAKAHARAP NG ASEAN.pptxAPAN7_Q4_HAMON NA KINAKAHARAP NG ASEAN.pptx
APAN7_Q4_HAMON NA KINAKAHARAP NG ASEAN.pptx
LYRICOMAG
PRESENTATION ON FILIPINO_FLORANTE AT LAURA.pptx
PRESENTATION ON FILIPINO_FLORANTE AT LAURA.pptxPRESENTATION ON FILIPINO_FLORANTE AT LAURA.pptx
PRESENTATION ON FILIPINO_FLORANTE AT LAURA.pptx
mardelyncalimlim0130
ARALIN 2 SEKTOR NG AGRIKULTURA (1).pptx 9
ARALIN 2 SEKTOR NG AGRIKULTURA (1).pptx 9ARALIN 2 SEKTOR NG AGRIKULTURA (1).pptx 9
ARALIN 2 SEKTOR NG AGRIKULTURA (1).pptx 9
chezeltaylan1
Q4-W3-ESP-5 QUARTER 4 WEEK 3 IN ESP 5.pptx
Q4-W3-ESP-5 QUARTER 4 WEEK 3 IN ESP 5.pptxQ4-W3-ESP-5 QUARTER 4 WEEK 3 IN ESP 5.pptx
Q4-W3-ESP-5 QUARTER 4 WEEK 3 IN ESP 5.pptx
RENATOEGANG
Noli Me Tangere Aralin 4.2 Gawain: Sino Ako.pptx
Noli Me Tangere Aralin 4.2 Gawain: Sino Ako.pptxNoli Me Tangere Aralin 4.2 Gawain: Sino Ako.pptx
Noli Me Tangere Aralin 4.2 Gawain: Sino Ako.pptx
AizahMaehFacinabao
ESP-WEEK-3-paraan ng pasasalamat sa Diyos.pptx
ESP-WEEK-3-paraan ng pasasalamat sa  Diyos.pptxESP-WEEK-3-paraan ng pasasalamat sa  Diyos.pptx
ESP-WEEK-3-paraan ng pasasalamat sa Diyos.pptx
MaryClaudineManandeg
Q4_ESP_PPT_Q4 WEEK 4.pptx a powerpoint presentation for ESP 3 Quarter 4 week 4
Q4_ESP_PPT_Q4 WEEK 4.pptx a powerpoint presentation for ESP 3 Quarter 4 week 4Q4_ESP_PPT_Q4 WEEK 4.pptx a powerpoint presentation for ESP 3 Quarter 4 week 4
Q4_ESP_PPT_Q4 WEEK 4.pptx a powerpoint presentation for ESP 3 Quarter 4 week 4
MELANIEORDANEL1
Mga isyu patungkol sa di paggalang sa sekswalidad at dignidad ng tao
Mga isyu patungkol sa di paggalang sa sekswalidad at dignidad ng taoMga isyu patungkol sa di paggalang sa sekswalidad at dignidad ng tao

ML.KomunikasyongLokalAtGlobalSaMultikulturalNaSetting.pptx

  • 1. Komunikasyong Lokal at Global sa Multikultural na Setting
  • 2. Napakalawak na termino ang salitang kultura. Hindi ito maaaring ikahon sa iisang depinisyon gaya ng wika. Sa pangkalahatan, ang popular na kahulugan nito sa Ingles ay way of life o paraan ng pamumuhay sa Filipino. Halos lahat sa buhay ng tao ay maaaring saklawin ng kultura. Tinatawag din itong kalinangan sa ibang pananalita.
  • 3. Ang Malayuning Komunikasyon ay para sa pagkakaroon ng malawak, malalim at mataas na pagtanggap sa pagkakaiba-iba ng kultura ng bawat tao, bansa, lahi at iba pang pagtatalaytay sa daigdig. At dahil malawak ang kultura, tiyak na may mga baha- bahagi ito. Sa kabuuan, ang kultura ay sistema ng kaalaman, paniniwala, kaugalian, pagpapahalaga, tradisyon, katangian at artifacts na namamana, pinagsasaluhan at isinasabuhay ng mga miyembro ng isang partikular na lipunan.
  • 4. MGA KATANGIAN NG KULTURA 1. DINAMIKO Gaya ng wika, patuloy na nagbabago ang kultura dahil sa pabago-bagong panahon at henerasyon. Hindi maaaring maging stagnant ang isang kultura sapagkat hindi ito mabubuhay sa habampanahon. Kalikasan nito ang patuloy na magbago sapagkat realidad na walang permanente sa mundo kundi ang pagbabago.
  • 5. MGA KATANGIAN NG KULTURA 2. NAIPAPASA Bagamat patuloy itong nagbabago, may kulturang mananatili. Ito ang patuloy na ipapasa-pasa sa ibat ibang salinlahi. Patuloy itong isasabuhay ng mga taong lumaki at namulat sa kulturang ito.
  • 6. MGA KATANGIAN NG KULTURA 3. PINAGSASALUHAN May partikular kang kinaaniban kung bakit ganito o ganiyan ang kulturang dala-dala mo. Hindi ka basta nabuhay at/o mabubuhay na hindi mo yayakapin ang kultura kung saan ka nanggaling. Bagamat yunik o natatangi ang bawat nilalang, isang katotohanang ang kulturang taglay mo ay maaaring maimpluwensiyahan ng iyong pamilya, lipunan, kaibigan, paaralan, bansa, lahi at iba pang kategorisasyon sa buhay. Ang kultura ay pangkalahatang kaalaman. Nakukuha o naipapasa ang kaalaman, materyal na bagay at kaugalian dahil sa pakikisalamuha. Nakapaloob din dito ang idea, ugali, kinasanayang gawin at ano pa mang bagay.
  • 7. MGA HALIMBAWA NG KULTURANG PILIPINO 1. Pagdiriwang ng pista 2. Pagmamano 3. Mga pamahiin sa patay 4. Pamamanhikan 5. Simbang gabi
  • 8. Dahil malawak ang kultura, lilitaw at lilitaw ang tinatawag na kapuwakultura o ka-kultura o co-culture o sub-culture sa Ingles. Tinatawag na subkultura ang kultura sa loob ng mismong kultura o yaong mula ito sa pangkalahatang kultura subalit may nilalandas na kaibahan. Karagdagan, ito rin ay bahagi ng isang lipunang may pinagsasaluhang magkakaibang pag-uugali, kinagawian, paraan ng pag-iisip, pakiramdam at pagkilos na nakadepende sa kung anong pamamaraan o pagkakakilanlan mayroon ang mas malaking lipunan. KAPUWAKULTURA O KA-KULTURA
  • 9. MGA HALIMBAWA NG KAPUWAKULTURA 1. Mga half-half 2. Mga PWDs (Persons with Disabilities) o PDA (Persons Differently Abled) 3. Mga LGBTQI (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, and Intersexual) 4. Mga matatanda 5. Mga jejemon
  • 10. MGA ESTRATEHIYANG GINAGAMIT NG SUB-KULTURA UPANG MAPABILANG 1. Asimilasyon sistema na ang sub-kultura ay nagtatangkang isabuhay at/o maiakma ang sarili sa mas dominanteng kultura. - Ito rin ay isang prosesong ipinagpapaliban ng tao ang sariling tradisyon upang maging bahagi ng ibat ibang kultura. Ito ay karaniwang gawi ng minoryang miyembro ng pangkat na gustong sumunod sa pamantayan ng nakakarami.
  • 11. Mga Halimbawa ng Asimilasyon: Sa Hapon, may mga kaugaliang inaalis ang sapin sa paa tulad ng tsinelas o sapatos kapag papasok ng bahay. Upang makaangkop ang mga taong hindi ito inuugali at gustong manirahan dito, kinakailangan nilang gawin ang ganitong kaugalian. Pagsuot ng Barong Tagalog ni Ryan Bang na isang Koreano ay ilan lamang sa mga halimbawa ng asimilasyon.
  • 12. 2. Akomodasyon sistema kung saan ang sub-kultura ay pinananatili ang sariling pagkakakilanlan ngunit pinananatili ang magandang ugnayan sa mas dominanteng kultura. - Ang akomodasyon ay isang proseso ng akmang pagsang-ayon sa pagitan ng mga tao o pangkat. Ito ay karaniwang natatamo sa pamamagitan ng pagtatanggal o pagbabawas ng poot sa pamamagitan ng pagkakasundo o arbitrasyon.
  • 13. Halimbawa ng Akomodasyon: Kung may away sa barangay ay maaaring pag-usapan ito sa pamamagitan ng kapitan ng barangay. Kung mas malaki naman tulad ng salang pagpatay, pag-uusapan ito sa korte. Kung sa paaralan naman, magsisilbing tagapagkasundo ang guro sa magulong klase niya at kapag nag-away ang mga mag-aaral at humantong sa pagsusuntukan ay kakausapin sila ng Guidance Counselor. Kung sa bahay naman ay maaring pagbatiin ang mga nakakabatang kapatid ng panganay na anak. Puwede rin namang disiplinahin sila ng kanilang magulang.
  • 14. 3. Separasyon sistema kung saan ang sub-kultura ay nilalagyan ng pader at/o harang na makisalamuha sa mas dominanteng kultura. Halimbawa: Katoliko at Ibang Relihiyon
  • 16. ETNOSENTRISMO Ang tendensiyang pangatawanan na mas superyor ang sariling kultura kaysa sa iba ang tinatawag na etnosentrismo. Bawat kultura ay nagpapakita ng kani-kanilang pag- uugali na natatangi sa iba. Mahirap mauunawaan ang kanilang mga kinasanayan at paniniwala kung ihahambing natin ito sa mas malawak na kulturang kanilang kinabibilangan. Ang kultura ay kailangang pag-aralan nang nakabatay sa sariling pagpapakahulugan at paniniwala ng isang pangkat.
  • 17. Sinisikap ng mga sosyologo na iwasang magkaroon ng enthnocentrism, ito ay ang panghuhusga sa isang kultura dahil naiiba ito sa kinasanayan natin. Dahil sa pagkakaibang ito, mahirap para sa ating tanggapin ang kanilang mga idea at kinasanayan. Sa Sociology, kailangan nating alisin ang piring upang maunawaan ang iba't ibang kultura nang walang kinikilingan.
  • 18. Ang sociologist na si William Graham Sumner (1906) ang nakadiskobre ng salitang ethnocentrism na tumutukoy sa pag-iisip na ang isang kultura at ang kanilang paraan ng pamumuhay ay ang dapat na sundin at ito ang lubos na nakakaangat sa iba. Ang ethnocentric na tao ay ginagawang batayan ang kinabibilangang pangkat upang makabuo ng kahulugan ng kultura at tingnan bilang paglayo sa "normal" ang iba pang kultura.
  • 19. Mga Halimbawa: 1. Tinitigan ni MJ ang mga naka-two piece bathing suit dahil hindi niya maatim ang suot ng mga ito. 2. Balot na balot kung manamit ang mga bagong lipat dahil nanggaling sila sa Mindanao. 3. Pinagtawanan ng mga bata ang isang Muslim na nananalangin. 4. Pinatanggal kay Aling Rosa ang mga rebulto ni Sta. Maria sa kanilang bahay dahil ang biyenan niya ay kabilang sa Born Again. 5. Hindi na naligo si Amy sa dagat dahil kailangang magsuot ng bikini sa California.
  • 20. RELATIBISMONG KULTURAL Katumbalikan naman ng etnosentrismo ang relatibismong kultural na ang ibig sabihin ay ang pagtanggap sa ibang kultura bilang kahanay at/o kapantay ng sarili. Ang panghuhusga sa isang pangkat dahil sa sarili nitong pamantayan ay tinatawag na cultural relativism. Ang ethnocentrism ay ang pagbuo ng kongklusyon na ang sariling kultura ay ang dapat na sundin at hindi ang ibang pangkat habang ang cultural relativism ay inuunawa ang mga kagawian ng ibang tao mula sa pagtingin sa sariling kultura. Binibigyan nito ng karapatan ang isang kultura at hindi nililimita sa mga salitang "kakaiba" o "dayuhan."
  • 21. Ang cultural relativism ay nagbibigay-diin na ang pagkakaiba-iba ng mga kultura ay nagdudulot ng iba-iba ring interpretasyon kung ano ang karaniwan at dapat paniwalaan. Dahil dito, kailangan nating pag-aralang mabuti ang mga kagawian sa kinabibilangan nating kultura. Gayun pa man, hindi sinasabi ng cultural relativism na tanggapin natin agad ang pagkakaiba-iba ng mga kultura. Nangangailangan ito ng malaliman at walang kinikilingang interpretasyon sa mga nakagawian, paniniwala at tradisyon upang maunawaan ang natatangi nilang kultura.
  • 22. Mga Halimbawa: 1. Nagmamano ang mga Filipino sa matatanda. 2. Kapag nagsasalita, nakagawian nating gumamit ng po at at opo. 3. Napagalitan si Marie dahil nagwalis siya kagabi. 4. Pinaalalahanan si Nita ng kaniyang lola na magpagpag bago umuwi sa kanilang bahay. 5. Hindi kumakain ng dinuguan ang pamilya ni Chris dahil bawal ito sa kanilang relihiyon.
  • 24. Cultural Pluralism Tinutukoy ng cultural pluralism ang mga lipunang tanggap ang dalawa o higit pang magkakaibang pangkat na may iba-iba at pantay-pantay na tungkulin na hindi nangangailangang maging bahagi ng ibang lipunan. Ang bawat pangkat na ito ay kadalasang bunga ng hindi pagsang-ayon na mapabilang sa isang nakakataas na kultura upang mapanatili ang kanilang sariling lipunan. Maaaring ipahayag ang cultural pluralism sa pormulang ito A+B+C = A+B+C kung saan ang bawat pangkat etniko ay napapanatili pa rin nila ang kanilang pagkakakilanlan, mga sistema at institusyon bilang bahagi ng kanilang kultura.
  • 25. 2 Uri ng Cultural Pluralism 1. Tolerance Level Nasa tolerance level ang cultural pluralism kung ang pakikisalamuha sa ibang tao ay pormal at walang intimeyt na pakikipagugnayan. Maaaring matagpuan ang uri ng pluralism sa mga itim at puti sa Timog. 2. Good Group Relations Ang cultural pluralism na nasa lebel ng good group relations ay nakakasalamuha ang anumang pangkat. Kabilang sa uri ng pluralism na ito ang paggamit ng mga pampublikong pasilidad.
  • 26. Melting Pot (Mel- Pot) Sa Sosyolohiya, ang konsepto ng melting pot ay tumutukoy sa halo-halong lipunan na mas nagiging pare-parehong may iba't ibang elemento na "magkasamang natutunaw" patungo sa iisa at pare- parehong kultura. Karaniwan ding ginagamit ang konsepto ng melting pot upang ilarawan ang asimilasyon ng mga pumupunta at tumitira sa Estados Unidos ngunit maaari din itong gamitin sa anumang kontekstong may bagong kultura kasama ang iba pang mga pangkat ng tao na may iba ring kultura.
  • 27. Maaari ding ipahayag ang melting pot sa pormulang A+B+C = D. Ang bawat pangkat dito ay may kontribusyon ng bahagi ng kanilang 41 kultura at tinatanggap din ang ibang aspekto ng iba pang mga kultura na ipinapakitang ang isang lipunan ay ang pinaghalo-halong iba't ibang pangkat.
  • 28. Makikita naman ang mga halimbawa ng melting pot sa kasalukuyan dahil may mga nakukuha tayong kultura mula sa ibang bansa at sa pagtagal ng panahon ay nagiging bahagi na ito ng ating kultura. Halimbawa nito ay nang sinakop tayo ng mga dayuhan ay nakuha natin ang kanilang kultura at hanggang ngayon ay nasa kultura pa rin natin ito. Bawat isa rin sa atin ay pilit na bumabagay sa kung ano ang uso sa ibang bansa maging ito ay sa pananamit, pagkain at kahit sa lengguwahe upang maging bahagi tayo ng iisang pangkat lamang. Hindi natin hinahayaan ang sarili natin na mapag- iwanan dahil bumabagay tayo sa kung ano ang nangyayari sa ating lipunan.
  • 29. Makikita naman ang mga halimbawa ng melting pot sa kasalukuyan dahil may mga nakukuha tayong kultura mula sa ibang bansa at sa pagtagal ng panahon ay nagiging bahagi na ito ng ating kultura. Halimbawa nito ay nang sinakop tayo ng mga dayuhan ay nakuha natin ang kanilang kultura at hanggang ngayon ay nasa kultura pa rin natin ito. Bawat isa rin sa atin ay pilit na bumabagay sa kung ano ang uso sa ibang bansa maging ito ay sa pananamit, pagkain at kahit sa lengguwahe upang maging bahagi tayo ng iisang pangkat lamang. Hindi natin hinahayaan ang sarili natin na mapag-iwanan dahil bumabagay tayo sa kung ano ang nangyayari sa ating lipunan. Kahit sa social media ay makikita ang melting pot dahil bawat isa sa atin ay nagiging iisa na lamang ang interes at kung ano ang patok ay ating sinusunod.
  • 30. Apat na Talaban/Diyalektika sa Pagkakaiba-iba ng Kultura
  • 31. 1. Indibidwalistiko v Kolektibismong Kultura Indibidwalistiko ang kulturang pinananaig ang pansariling tunguhin, tagumpay at pangarap at nililinang ang pagkukusa at pagtatamo ng isang indibidwal. Sa simpleng pananalita, AKO laban sa TAYO. Ang kolektibismong kultura naman ay kulturang pinapanaig ang tunguhin o kagalingan ng pangkat at mas nililinang ang impluwensiya ng grupo. Sa simpleng pananalita, mas mahalaga ang TAYO kaysa sa AKO. Ang collectivistic culture ay ang pagbibigay-halaga sa isang pangkat o komunidad Lubos na binibigyang-halaga ng mga kabilang sa pangkatang kultura ang kapakanan ng nakakarami at hindi ng sarili o ng iisa. Sa collectivistic culture mahalaga ang pagkakakilanlan ng buong pangkat at hindi ang pagkilala bilang isang indibidwal lamang.at hindi sa sariling kapakanan.
  • 32. Ang individualistic culture ay maoobserbahan mismo sa sarili. Nangangahulugang mas nararapat na unahin ang sarili at hindi ang kapakanan ng ibang tao o ng nakakarami. Nais nitong patunayang ang pabibigay ng sapat na pangangailangan ng sarili ay makakatulong sa pagkakaroon ng isang maayos na pangkat o komunidad. Nagiging mas deretso at hindi maligoy ang nagiging usapan dahil sa individualistic culture. Mas nabibigyang-halaga ang desisyon ng isang indibidwal para sa kaniyang sarili at hindi nangangailangan ng opinyon ng ibang tao dahil isa ito sa pinakamakikitang katangian ng individualistic culture.
  • 33. 2. Mataas v Mababang Kontekstong Pangkomunikasyon Tradisyong nakatali sa sistema kung saan nakabatay sa hindi pagiging direkta ng komunikasyon ang Mataas na Konteksto samantalang ang Mababang Konteksto ay isang sistema na pinahihintulutan ang pagiging direktahan ng komunikasyon. Ang high context communication at low context communication ay tumutukoy sa kung gaano dumedepende ang tagapagsalita sa mga bagay bukod sa mga salita upang maihatid ang nais nitong ipakahulugan.
  • 34. HIGH CONTEXT COMMUNICATION LOW CONTEXT COMMUNICATION Pagngiti sa makakasalubong na kakilala Pagpupulong para sa partikular na agenda Pagdinig ng reklamo sa barangay Telephone Interview Pagtaas ng boses kapag nagagalit 1 Day Team Building Konsultasyon sa doktor Job Interview Pakikipagdebate Isang minutong speed dating
  • 35. 3. Malakas v Mahinang Pagitang Pangkultura Ang Malakas na Pagitan ay kulturang nakabatay sa malaking pagkakaiba-iba kung saan ang mahina ay itinatatwa ang malakas na kultura samantalang ang Mahinang Pagitan ay kulturang sumasampalataya na ang kapangyarihan ay gagamitin lamang kung lehitimo at/o nasa tama.
  • 36. 4. Kulturang Makalalaki v Makababae KULTURANG MAKALALAKI Ang kulturang nagpapahalaga sa pagiging agresibo, malakas at materyal na sagisag ng tagumpay ng mga lalaki ay Makalalaki siyempre. Hinihikayat ang mga miyembro nito na maging dominante at palaban. KULTURANG MAKABABAE Ang Makababae ay kulturang nagpapahalaga sa pakikipagmabutihan at pakikipag-ugnayan. Mas nakatuon ito sa pakikipagpalagayan, pakikipag-ayos sa mga gusot at lahat ay masaya at patas sa resulta.
  • 37. Istereotipo at Panghuhusga Tumutukoy ang istereotipo sa mga mental na imahen sa isip na maaaring positibo o negatibo at naglulundo kung paano tayo makisalamuha sa iba. Maaari itong magdulot ng diskriminasyon sa iba dahil ikinukulong nila ang isang bagay sa isang kahong hindi man lamang tinitingnan ang ibang perspektibang nakapalibot dito. Bilang karagdagan, ang konseptong ito ay pagmamalabis sa mga paniniwalang ang lahat ng miyembro ng isang pangkat ay kumikilos at nag-iisip sa pare-parehong paraan.
  • 38. MGA HALIMBAWA NG ISTEREOTIPO Ang mga mapuputi ay magaganda at pangit ang mga maiitim. Ang mga Muslim at terorista Ang mga pari ay hindi nakakagawa ng kasalanan Sa pamilya, kapag ang mga kapatid mo ay matatalino, inaasahan nila na matalino ka din. Ang pagtingin sa mga nag-aaral sa mga prestihiyosong paaralan bilang isang mayamang tao
  • 39. Istereotipo at Panghuhusga Ang Panghuhusga naman ay sinasabing ang positibo o negatibong impresyon sa isang tao at/o bagay. Naglalarawan ito ng isang pakiramdam sa tao at/o grupo ng mga tao na hindi pa naman natin masyadong kilala. Tinatawag ito sa Ingles na prejudice. Ito ay paghuhusga sa mga tao, bagay o sitwasyon sa paraang pangkalahatan. Maaaring positibo ito gaya ng paniniwalang ang mga nagtapos sa kolehiyo ay nakakagawa ng pinakamagandang negosyo o negatibo gaya ng paniniwalang ang mga taong may magandang buhay ay tamad.
  • 40. MGA HALIMBAWA NG PAGHUHUSGA kapag nakakita ka ng taong nakasalamin, sasabihin mo na agad na matalino siya ang mga lalaking nakatattoo ay masasabi nating adik o galing sa kulungan pero hindi natin alam na nasa kultura lang nila ito mayayaman ang mga taong may magagarang telepono matatalino ang mga anak ng mga guro
  • 41. ACTIVITY Sa isang Long bond paper, gumawa ng Islogan na tungkol sa paghuhusga sa tao. Criteria pagkamalikhain 40% impact ng islogan 40% neatness 20%