1. ARALIN 31
Propesyon Ko, Pipiliin Ko Nang Matalino
Panimula
Naisip mo na ba ang kursong kukunin mo sa Kolehiyo ? Alam mo na ba kung ano ang iyong magiging propesyon
sa hinaharap ?
Ano naman kaya ang dahilan ng pagpili mo ng iyong magiging kurso o propesyon ?
Hindi basta-basta pinipili ang isang propesyon o hanapbuhay .May mga bagay na kailangan mong bigyan ng
konsiderasyon para mo magawa ang pamimili.Alamin mo kung anu-ano ang mga salik o batayan na kailangan mong
tingnan.
Paghahalaw
Konsepto Ng Pagpapahalaga
Ang pagpili ng kurso at hanapbuhay ay isang malaking desisyon na nangangailangan ng matalinong pag-
iisip.Upang matiyak na tama ang magiging pagpili, Kailangang isaalang-alang ang mga bagay na makakaapekto sa
magiging kalagayan at kasiyahan ng isang tao sa kanyang magiging propesyon.Ang pagkilala sa sarili at sa pinapangarap
na propesyon ay makakatulong upang maging maayo ang desisyong gagawin.
Pagpapayaman ng Konsepto
Batayan sa Pagpili ng Tamang Hanapbuhay
Ang isang propesyon ay hindi mabubuo kung walang pangangailangan para ditto ang lipunan.Ang anumang uri
ng propesyon ay may kontribusyon sa ikabubuti ng isang lipunan.
Parami nang parami ang ibinibigay na opsyon ng lipunan sa mga tao ukol sa posibleng kurso o
hanapbuhay.Bagamat ito ay magandang senyales sa pag-unlad ng bansa, ginagawa nitong mahirap para sa isang
kabataan ang pamimili nang nararapat na kurso at propesyon. Napakaraming uri at klase ng hanapbuhay na maaaring
pagpilian subalit kinakailangang maging matalino ang pamimili upang matiyak na magiging kasiya-siya ang
paghahanapbuhay.
Ang kurso na mapipili ng isang tao sa panahon ng kanyang pag-aaral ay isang malaking hakbang sa propesyon o
hanapbuhay.Ang pagpaplano ng propesyon ay ginagawa bago pa man tumuntong ang isang tao sa kolehiyo. Mahirap
ang palipat-lipat at papalit-palit ng kurso dahil nasasayang lamang ang panahon at salapi.
Nakakalungkot dahil marami ang kumukuha ng isang kurso nang dahil lamang sa mababaw at maling
kadahilanan.Halimbawa, may mga tao na ang batayan ay ang kagandahan ng uniporme o kasuotan ,katanyagan o
prestihiyo ng isang hanapbuhay o minsay ayon lamang sa impluwensya ng barkada o ng pamilya.Ang mga ito ay
maaaring magbigay ng maling pagtingin sa kurso at propesyon na kanyang pipiliin.
Kailangan ang malinaw na batayan sa pagpili ng tamang hanapbuhay. Narito ang mga bagay na dapat isaalang-
alang sa pagpaplano ng karapat-dapat na propesyon.
INTERES
Isang importanteng bahagi ng pagdedesisyon ukol sa kurso at propesyon ang interes ng isang tao.Ang interes
kasi ay magbibigay ng tamang motibasyon sa kanya upang patuloy na gawin ang isang trabaho kahit pa ito ay mahirap o
maraming hadlang.Makabubuting malaman at maunawaan kung nasaan ang interes ng isang tao at pagkatapos ay
humanap ng kurso o propesyon na may ganitong Gawain.
KAKAYAHAN
Ang propesyon na pipiliin ng isang tao ay dapat na tugma sa taglay niyang kakayahan. Ang kakayahan ng tao ay
nagbibigay sa kanya ng abilidad na magampanan ang mga gawaing hinihingi at kailangan sa isang hanapbuhay.Maaari
din naming malinang sa pamamagitan ng pagsasany at pag-aaral ang isang kakayahan subalit kailangang may pagnanais
ang tao na malinang ito.Ang kakayahang isagawa ang isang Gawain ay nagbibigay ng kumpyansa o lakas ng loob sa
tao.Kapag hindi tugma ang propesyon sa kakayahan ay masasayang lamang ang panahon,lakas at salapi.
PAGPAPAHALAGA
Isa sa pangunahing konsiderasyon sa pagpili ng propesyon ay ang personal na pagpapahalaga sa paggawa ng
isang tao. Dapat na masusing suriin ng isang tao kung ang mga bagay na mahalaga sa kanya at binibigayan nya ng
prayoridaday matatagpuan sa kondisyon ng hanapbuhay na makukuha nya. Kailangang magkatugma ang pagpapahalaga
ng isang tao at ang mga kondisyon at benepisyong maibibigay ng kanyang mapipiling propesyon.Mawawala ang
kasiyahan sa paggawa kahit na mataas ang kita mula dito kung mararamdaman naman ng manggagawa na kailangan
niyang isakripisyo ang isang paniniwala at pagpapahalaga.
PERSONALIDAD
2. May mga partikular na katangian na kailangan sa isang hanapbuhay kaya ang kaangkupan ng personalidad sa
hanapbuhay na nais ay mahalagang alamin.Ang pagsasaalang-alang sa sariling personalidad ay makatutulong upang
mapili ang uri ng propesyon na magiging kasiya-siya at nararapat sa iyo.
PANGANGAILANGAN PARA SA KURSO
Ang pangangailangan o demand para sa isang kurso ay kailangan ding tingnan.Hindi rin magiging matalino ang
pagpili kung ang napupusuang kurso ay hindi makapagbibigay ng tiyak na trabaho kahit pa ang interes, pagpapahalaga,
kakayahan at personalidad ng isang tao ay tugma sa kanyang pinili. May mga kursong sobrang dami ang kumukuha kaya
mayroong tinatawag na over supply ng mga nagtapos sa kursong iyon. Bunga nito, masyadong marami ang kompetisyon
kung kaya nahihirapan siloa na makakuha ng trabaho. Gaya ng ating sa isang nakaraang aralin, may mga propesyonal na
may sapat na kakayahan, may tamang pagpapahalaga at personalidad at interes subalit walang makitang trabaho na
ayon sa kanilang kursong tinapos kung kayat napapasama sa lumalaking bilang ng mga walang hanapbuhay sa bansa.
Ang mga pangunahing batayan na ito sa pagpili ng kurso at propesyon ay makapagbibigay ng kasiguruhan sa
isnag tao na magtatagal siya at magkakaroon ng kasiyahan sa kanyang papasuking hanapbuhay.