際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
NAIISA-ISA ANG MGA
PANGYAYARI NA NAGBIGAY-
DAAN SA PAGTATAKDA NG
BATAS MILITAR
ANG BATAS MILITAR
ay pagpapataw ng kapangyarihang
militar sa isang lugar maging sa isang
bansa dulot ng pangangailangan. Ito ay
isang marahas na aksyon ng
pamahalaan upang hadlangan ang mga
nagbabantang panganib katulad ng
himagsikan,rebelyon,paglusob at
karahasan..
Ang pangulo bilang pinuno ng
Sandatahang Lakas, ay binigyan
ng karapatan ng Saligang Batas
na gamitin sa nasabing
kalagayan ang kapangyarihang
ito. Ito ay pinagtibay ng Artikulo
VII, Seksiyon 10, Talata 2 ng
Saligang Batas ng 1935
Ito ay kakaibang kapangyarihan
ng estado na karaniwang
ipinatutupad nang panandalian ng
isang pamahalaan kapag hindi na
nito maayos magampananan ang
pamamahala gamit ang sibilyan
nitong kapangyarihan (e.g.
pagpapanatili ng kaayusan at
katiwasayan, o magbigay ng mga
unang serbisyo).
Sa isang ganap na batas militar,
ang pinakamataas na opisyal ng
militar ang namumuno, o naitatalaga
bilang tagapamahala o puno ng
pamahalaan, kasabay ng pagbuwag o
pagtanggal ng lahat ng
kapangyarihan ng mga sangay ng
pamahalaan mula tagapagpaganap,
tagapagbatas, hanggang
panghukuman.
] Sa ilalim ng batas
militar, ang buong bansa ay
napapasailalim sa
kapangyarihan ng militar sa
pamumuno ng pangulo bilang
Punong Kumander ng Hukbong
Sandatahan.
Mga Pangyayaring nagbigay
daan sa pagdeklara ng Batas
Militar noong Setyembre 23,
1972.
1. Maraming kinaharap na suliranin
ang bansa.Hindi umunlad ang
ekonomiya gaya ng inaasahan sa
kabila ng tulong na ibinigay ng World
Bank, International Monetary Fund at
iba pang foreign banks.
2. Pag-usbong at pagkilos ng
oposisyon. Naging magulo ang
kalagayan ng politika ng bansa
dahil sa pagsibol ng ibat-ibang
ideolohiya at
paniniwala.Nakadagdag pa ang
black propaganda sa gulo at
pagkawatak watak ng mga
mamamayan.
3. Lumubha ang kaguluhan dulot ng mga
rebelde sa mga lungsod at lalawigan mula
sa pag-aalsa ng National People's
Army( NPA) at Communist Party of the
Philippines (CCP).
4. Suliranin sa kapayapaan o Peace and
Order sa paglawak ng
demonstrasyon,welga o mga rally. Noong
Enero 26, 1970,isang napakalaking rali
ang idinaos ng National Union of Students
of the Philippines sa harap ng gusali ng
Kongreso.
5. Pagbomba sa Plaza
Miranda. Noong Agosto
21,1971,isang miting de
avance ang idinaos ng Lapiang
Liberal para sa proklamasyon
ng kanilang kandidato para sa
halalan ng mga senador at
pinunong lokal.
ASSESSMENT ARAL PAN WEEK 1 QUARTER 4
Pangalan_________ Date:___________
Pagsasanay Blg.1
Iguhit ang / kung ang babanggiting pahayag ay
pangyayaring nagbigay daan upang ideklara ang
batas militar at X naman kung hindi.
___________ 1. Paglaganap ng mga makaliwang
grupo o rebelde
___________ 2. Pagdami ng mga demonstrasyon at
rally
___________ 3. Paglago ng ekonomiya ng bansa
___________ 4. Paglubha ng kaguluhang dala ng mga
rebeldeng NPA
___________ 5. Pagkaroon ng katahimikan at
kaayusan sa bansa
Pagsasanay Blg.2
Basahing mabuti ang mga pagungusap,isulat ang tsek ( /)
kung tama ang pakahulugan nito sa batas militar at ( x )
kung mali.
_______ 1. Ang batas militar ay pinamumunuan ng sibilyan.
_______ 2. Ang bansang nasa ilalim ng batas militar ay
napasailalim kapangyarihan ng militar sa pamumuno ng
pangulo bilang Punong Komander ng Sandatahang Lakas
_______ 3. Sa batas militar,iisang tao lamang ang may hawak
ng kapangyari- hang tagapagbatas,tagapagpaganap at
panghukuman.
_______ 4. Ang mga mamamayan ay malayang
makapagpahayag ng kanilang hinaing at saloobin sa ilalim
ng batas militar.
_______ 5. Ang batas militar ay isang marahas na aksyon ng
pamahalaan upang hadlangan ang mga nagbabantang
panganib katulad ng himagsikan,rebelyon,paglusob at
karahasan.
Pagsasanay Blg.3
Isulat ang Sang-ayon kung ang pahayag ay may
katotohanan alinsunod sa ating mga napag-aralan at
Hindi Sang-ayon kung ito ay hindi alinsunod sa ating
mga napag-aralan.
_________ 1. Ang Pangulo ay may karapatang ipatupad
ang Batas Militar kung kailangan sapagkat ito at
naaayon sa Saligang Batas.
_________ 2. Ang lahat ng naging pangulo ng Pilipinas ay
nagdeklara ng Batas Militar.
_________ 3. Noong Setyembre 23, 1972, idineklara ni
Pangulong Marcos ang Batas Militar sa Pilipinas.
_________ 4. Kaguluhan dulot ng kabi-kabilang
demonstrasyon at pag-usbong ng mga grupong rebelde
ang pangunahing daahilan kung bakit
idineklara ng Pangulong Marcos ang Batas Militar.
_________ 5. Ang mga mamamayan ay lubos na
nasisiyahan sa pagdeklara ng Batas Militar sa Pilipinas.
Epekto ng Batas Militar sa Pulitika,
Kabuhayan at Pamumuhay ng mga Pilipino
Markahan: Ika-apat na Markahan Linggo: Ikalawang Linggo
LAS 1 MELC Code: AP6TDK-IVe-f-6
Ang panahon ng Batas Militar ay itinuturing na madilim
na yugto para sa mga Pilipino. Nagkaroon ng maraming
pang-aabuso at paglabag sa karapatang pantao.
Sinumang sumalungat sa pamahalaan ay tiyak na
mapaparusahan. Maraming estasyon ng TV at radio ang
ipinasara. Pati na rin ang mga pahayagan. Ito
nakakaepekto sa kabuhayan ng marami. Dahilsa
kawalan ng demokrasya at kalayaan, ang mamamayan
ay nagtatrabaho ayon lamang sa itinakda ng
pamahalaan -- mula sa oras, sa uri ng trabahoat sa
sweldo.
Ang Proclamation no. 1081 o Batas Militar na
ipinatupad ni Ferdinand Marcos noong
Setyembre 21, 1972 ay may masama at mabuting
epekto sa pamumuhay ng mga mamamayang
Pilipino.
Ang Bagong Lipunan ayon kay pangulong Marcos
, isa pang layunin pagdeklara ng batas militar
ang pagbagong anyo ng lipunan para maging
isang sosyedad na mapayapa, may disiplina at
maayos . Upang maisulong ito, itinatag ang
Bagong Lipunan na may pitong Layunin: 1.Peace
and Order 2.Land Reforms 3.Educational
Reforms 4.Labor Reforms 5.Government
Reorganization 6.Economic Reforms 7.Social
Services
Masamang Epekto
1. Ang militar ay nang-aabuso sa kanilang
kapangyarihan kung kaya maraming mga
Pilipino ang takot at laging nangangamba na sila
ay mahuli o mapatay.
2. Ang karapatang pantao ng mga mamamayan
ang nasisiil kaya hindi sila makapaghanapbuhay
ng maayos at marami ang sadlak sa gutom at
kawalan ng seguridad sa pamumuhay.
3. Hindi malaya ang mga tao na masabi ang
kanilang opinyon  matinding ipinagbabawal ang
mga welga sa lansangan o kahit saan, at hindi
malaya ang pamamahayag tanging ang mga
pabor lamang sa pamahalaan ang
pinahihintulutang maisapubliko.
Mabuting Epekto
1. Ang nagkaroon ng mababang
pangyayari ng krimen dahil sa curfew
mula 12:00 ng hatinggabi hanggang
4:00 ng umaga,
2. Ang mga mamamayan ay disiplinado
3. Nagkaroon ng pansamantalang
kaayusan ang bansa.
Mga Pagsasanay Blg.1
Isulat ang MEP kung ito ay nagpapahayag ng mabuting
epekto ng Batas
Militar at DME kung hindi mabuting epekto.
_______ 1. Nagkaroon ng pansamantalang kaayusan ang
bansa
_______ 2. Namuhay sa takot at pangamba ang mga tao
sa kanilang kaligtasan
_______ 3. Hindi malaya ang mga Pilipino na ipahayag
ang kanilang opinion
_______ 4. Ang mga mamamayan ay naging disiplinado
_______ 5. Ang karapatang pantao ng mga mamamayan
ang nasisiil kaya
hindi sila makapaghanapbuhay nang maayos
Mga Pagsasanay Blg.2
Hanapin sa Hanay B ang naging bunga ng pahayag o pangyayari
na matatagpuan sa Hanay A.
Hanay A
________ 1. Sinuspinde ang writ of habeas corpus
________ 2. Ipinasara ang mga istasyon ng radyo at telebisyon
________ 3. Pagkaroon ng curfew hours
________ 4. Pagbawal sa pagdaraos ng welga o rali
________ 5. Pag-iral ng nepotismo sa pamahalaan
Hanay B
a. Limitado ang impormasyong nakukuha ng mga mamamayan
b. Marami ang mga namatay at naparusahan nang hindi dumaan
sa tamang proseso ng paglilitis
c. Nawalan ang mga mamamayan ng karapatang ipahayag ang
sariling opinyon at pagtutol sa mga di kanais-nais na patakaran
d. Halos mga kamag-anak at kaibigan lamang ni Marcos ang nagli-
lingkod sa pamahalaan at nawalan ng oportunidad ang mga
karapatdapat
e. Ang mga tao ay natutong pumirmi sa bahay sa oras ng curfew at
nabawasan ang krimen
Mga Pagsasanay Blg. 3 Isulat ang mga Mabuti at Di-
mabuting epekto ng Batas Militar sa Bansa
Mabuting Epekto Di- Mabuting Epekto
Mga Kontemporaryong Isyu sa Politika na Tumutugon sa mga
Hamon ng Malaya at Maunlad na Bansa
Markahan: Ika-apat na Markahan Linggo: Ikatlong Linggo LAS 1 MELC Code: AP6TDK-IVe-f-6
Ang mga kontemporaryong isyu ay ang mga suliraning
kinakaharap ng ating bansa nitong mga nakaraang taon.
Ang mga ito ay mga suliraning humahadlang at balakid
sa ating pag-unlad
Mga Isyung Pampolitika
1. Usaping panteritoryo sa Philippine Sea
An gating bansa at ang iba pang mga kalapi-bansa sa Timog-
Silangang Asya ay naninindigan laban sa pag-aangkin ng Tsina laban
sa malaking bahagi ng South China Sea. Ang ikinakatwiran ng Tsina
ay ang karapatan nito batay sa kasaysayan. Dahil mas malaking
bansa ang China kumpara sa mga kalapit-bansa nito at mas malakas
ang kanilang pwersang military, umaasa ang mas maliliit na bansang
tulad ng Pilipinas at Vietnam na tutulong ang Amerika at iba pang
makapangyarihang bansa sa paghahanap ng mapayapang solusyon sa
suliranin.
2. Graft at Korupsiyon
Ang usaping ito ay nakalilikha ng kawalan ng seguridad,
pangamba at ligalig sa ating bansa. Sa ganitong kalagayan ang
mga namumuhunan sa pagnenegosyo ay nag-aalangang
mamuhunan sa ating bansa.
Ang korupsiyon (corruption) ay ang tahasan at intensiyonal na
pagtatakwil sa tungkulin at obligasyon ng isang opisyal ng
pamahalaan o pagkilos na magbubunga ng kanyang kawalan ng
integridad o prinsipyo. Nagaganap ang korupsiyon sa
pamamagitan ng sabwatan ng mga tao. Ilan sa mga uri ng
korupsiyon ay ang Tax Evasion o Pag-iwas sa pagbabayad ng
kaukulang buwis, Ghost project o Ghost payroll, Paboritismo at
Tong o Protection money.
Ang graft ay ang pagkuha ng pera o posisyon sa paraang madaya
at kwestiyonable, tulad ng pagtanggap ng kabayaran para sa isang
pampublikong serbisyong dapat na naibigay ng libre o kayay
paggamit sa isang kontrata o lehislasyon bilang pagkakakitaan.
Ang graft ay karaniwang ginagawa ng isang indibidwal lamang.
3. Terorismo
Ang terorismo ay isa sa pinakamatinding suliranin sa
kapayapaang pandaigdig sa kasalukuyan. Ito ay isinasagawa ng
mga grupo, samahan o pamahalaan upang makamit ang
kanilang mithiing politikal o kriminal. May mga terorista din sa
Pilipinas na naghahasik ng lagim upang m- halimbawa:
pangingikil (extortion), pagdukot (kidnapping), pagnanakaw o
hijacking. agkaroon ng pera at guluhin ang pamayanan. Mga
dahilan ng terorismo:
Mga Gawain sa Pagkatuto
Pagsasanay 1
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Alamin kung anong uri ng
kontemporaryong isyu ang mga sumusunod. 1.Pangkabuhayan 2.
Relihiyon 3. Paghihiganti
1. Labanan sa relihiyon 2. Suholan sa Gobyerno 3. Panggugulo sa mga
pamayanan
4. Usapin sa West Philippine Sea 5. Paboritismo
hindi sila makapaghanapbuhay nang maayos
Pagsasanay 2
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na sitwasyon kung anong
kontemporaryong
isyu ang tinutukoy. Piliin ang titik ng tamang sagot.
A. Usaping panteritoryo sa Philippine Sea B. Graft at Korupsiyon
C. Terorismo
1. Pagpapasabog sa mga simbahan.
2. Pagbibigay ng lagay sa mga lumalabag sa batas.
3. Pag-aangkin ng Tsina sa ilang mga lugar sa West Philippine Sea.
4. Talamak na mga fixers sa pamahalaan.
5. Hindi pagbabayad ng tamang buwis.
Mga Pagsasanay Blg. 3
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang
titik sa sagutang papel
bilang inyong sagot.
1. Isa itong kontemporaryong isyu pampolitika kung
saan ang may kagagawan
ay mga terorista.
A. Usaping panteritoryo sa Philippine Sea C. Terosismo
B. Graft at Korupsiyon D. Gobalisasyon
2. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng
korupsiyon maliban sa isa, alin
ito?
A. Tax Evasion C. Paboritismo B. Kidnapping D.
Protection money
3. Ano ang graft?
A. Karaniwang ginagawa ng isang indibidwal lamang.
B. Pagkuha ng pera o posisyon sa paraang madaya at
kwestiyonable.
C. Paggamit sa isang kontrata. D. Lahat ng nabanggit ay
tama.
4. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng terorismo?
A. Tax evasion B. Paghihiganti C. Globalisasyon D. Open
trade
5. Paano masusulosyunan ang mga kontemporaryong
isyung pampolitika ng
bansa?
A. Pakikiisa sa mga adhikain ng pamahalaan
B. Pagkilos ng naayon sa batas.
C. Hindi pagtugon sa mga nagnanais pabagsakin ang
pamahalaan.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
Mga Kontemporaryong Isyu ng
LipunanPangkabuhayan
Ang mga kontemporaryong isyu ay ang mga suliraning
kinakaharap ng ating bansa nitong mga nakaraang taon. Ang
mga ito ay mga suliraning humahadlang at balakid sa ating
pag-unlad.
Mga Isyung Pangkabuhayan:
I. Open trade
Ang open trade ay ang malayang pakikipagkalakalan. Nagiging madali ang
pagluluwas o pag-aangkat ng mga produkto dahil sa pagtanggal ng mga
balakid sa kalakalan. Walang buwis ang mga produkto mula sa ibang bansa.
Dahil dito, ang mga ito ay naipagbibili sa murang halaga kaysa sa lokal na
mga produkto.
Epekto ng Open trade:
o Pagtindi ng kahirapan sa ating bansa dahil sa pagsulong at pagbibigay
pabor sa mga dambuhalang kapitalista at dayuhang namumuhunan,
o Pagdami ng mga taong walang trabaho dahil sa natutumba ang maliliit na
negosyo,
o Pagbaba ng halaga ng sahod ng mga manggagawa,
o Pagsasara o pagkalugi ng mga lokal na kompanya at industriya na hindi

makasabay sa pandaigdigang kompetisyon.
II. Globalisasyon
Ito ay ang malaya at malawak na pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa
daigdig sa mga gawaing pang-ekonomiya, panlipunan, pang-teknolohiya at
kultura.
Mabuting Epekto:
 Mabilis na pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng ibat-ibang bansa ng
daigdig;
 Mabilis na ang paglago ng pandaigdigang transakyon sa pananalapi;
 Lumaki ang pamumuhunan ng mga dayuhang mangangalakal na
nakapagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan at paglaki ng produksyon
na makatutugon sa pangangailangan ng mga tao;
 Lumaganap ang teknolohiyaat kaalaman sa tulong ng mabilis na
transportasyon at komunikasyon sa ibat-ibang panig ng daigdig;at
 Lumago ang ibat ibang sangay ng agham na nakatuklas ng gamot sa
pagsugpo ng ibat ibang sakit.
Di-Mabuting Epekto:
 Paglaki ng kakulangan sa mahuhusay na manggagawa o brain drain sa
bansa dahil naaakit ang mga tao sa mataas na pasahod ng mga bansang
umaangkat ng mga manggagawa tulad ng mga bansang Europe, Canada, at
sa Kanlurang Asya.
 Pagdami ng armadong labanan tulad ng nagaganap sa Mindanao na
binigyang suporta ng ibang bansa.
 Pagkasira ng kalikasan dahil sa paggamit ng mga likas na yaman na
pinagmumulan ng mga materyales at sa polusyong dulot ng paggawa at
industriyalisasyon.
 Pagkawala ng ktutubo o indigenous na kultura ng bansa dahil sa pagpasok
ng makabago at ibat ibang kultura ng ibang bansa.
 Pagkawala ng pagkakakilanlan ng bansa dahil sa pagiging sunodsunuran
sa mga mayayamang bansa na nagmamay-ari sa mga naglalakihang
kompanya.
 Pagpasok at pagkalat ng mga nakahahawang sakit sa ibat ibang panig ng
mundo.
 Pagkawala ng karapatan ng mga bansa na pairalin ang kanilang mga
patakaran dahil sa pagsunod sa mga patakaran ng mga institusyong
sumusuporta sa globalisasyon.
Pagsasanay 1
Direksyon: Tukuyin ang mga sumusunod na kontemporaryong isyu sa
lipunan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ang nakamamatay na COVID-19 virus ay mabilis na kumalat sa ibat-
ibang panig ng mundo na nagiging sanhi ng pagkamatay ng maraming tao
ay isa sa mga epekto ng?
A. Open trade B. Globalisasyon C. Isyung
pangkapaligiran
2. Ang _________ ay ang malayang pakikipagkalakalan.
A. Open trade B. Globalisasyon C. Isyung
pangkapaligiran
3. Ito ay nagiging sanhi ng pagkawasak ng mga local na industriya dahil
mas nabibigyan ng mas magandang insentibo ang mga dayuhan na
makipagkalakalan sa ating bansa kaysa sa mga mamamayang Pilipino.
A. Open trade B. Globalisasyon C. Isyung
pangkapaligiran
4. Ito ay ang malaya at malawak na pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa
daigdig sa mga gawaing pang-ekonomiya, panlipunan, pang-teknolohiya at
kultura.
A. Open trade B. Globalisasyon C. Isyung
pangkapaligiran
5. Isa sa mga halimbawa ng epekto nito ay noong 2003, ang nakamamatay
na pneumonia na tinawag na severe acute respiratory syndrome (SARS) mula sa
Hong Kong, China ay kumalat sa 37 bansa sa loob lamang ng ilang linggo.
A. Open trade B. Globalisasyon C. Isyung
pangkapaligiran
Pagsasanay 2
Tukuyin ang mga sumusunod na kontemporaryong isyu sa lipunan na may
kinalaman sa usaping pampolitika. Hanapin sa kahon sa ibaba ang titik ng
tamang sagot.
A. Panteritoryo B. Terorismo C. Graft at Korupsyon D. Graft E. Korupsyon
F. Extortion
1.Ang ating bansa at ang iba pang mga kalapit-bansa sa Timog-Silangang Asya
ay naninindigan laban sa pag-angkin ng Tsina sa malaking bahagi ng South
China Sea.
2. Ang usaping ito ay nakalilikha ng kawalan ng seguridad, pangamba at ligalig
sa ating bansa. Sa ganitong kalagayan, ang mga namumuhunan sa
pagnenegosyo ay nag-aalangang mamuhunan sa ating bansa.
3. Isa ito sa mga pinakamatinding suliranin sa kapayapaang pandaigdig sa
kasalukuyan. Isinasagawa ito ng mga grupo, samahan o pamahalaan upang
makamit ang kanilang adhikaing political o kriminal.
4. Ito ay ang tahasan at intensiyonal na pagtatakwil sa tungkulin at obligasyon
ng isang opisyal ng pamahalaan o pagkilos na magbubunga ng kanyang
kawalan ng integridad o prinsipyo.
5. Pagkuha ng pera o posisyon sa paraang madaya at kuwestiyonable, tulad ng
pagtanggap ng kabayaran para sa isang pampublikong serbisyong dapat na
naibigay nang libre o kayay paggamit sa isang kontrata o lehislasyon bilang
pagkakakitaan.
Direksyon: Suriin ang pangungusap sa bawat bilang kung itoy dulot ng
open trade o globalisasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang pagpasok at pagkalat ng mga nakahahawang sakit sa ibat ibang
panig ng mundo ay epekto ng
A. Open trade B. Globalisasyon
2. Isa sa mga mabuting naidulot nito ay nagiging madali ang pagluluwas
o pag-aangkat ng mga produkto dahil sa pagtanggal ng mga balakid sa
kalakalan.
A. Open trade B. Globalisasyon
3. Walang buwis ang mga produkto mula sa ibang bansa.
A. Open trade B. Globalisasyon
4. Lumago ang ibat ibang sangay ng agham na nakatuklas ng gamot sa
pagsugpo ng ibat ibang sakit.
A. Open trade B. Globalisasyon
5. Pagsasara o pagkalugi ng mga lokal na kompanya at industriya na
hindi makasabay sa pandaigdigang kompetisyon. A. Open trade
B. Globalisasyon
Aralin 5. Naisa-isa ang kontemporaryong isyu sa pulitika na
tumutugon sa mga hamon ng malaya at maunlad na bansa.
Panlipunan at Pangkapaligiran)
A.Ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa
anumang pangyayari, ideya, opinyon, o paksa sa
kahit anong larangang may kaugnayan sa
kasalukuyang panahon. Ito ay sumasaklaw sa
kahit anong interes ng mga tao.
Markahan: Ika-apat na Markahan Linggo: Ikalimang Linggo LAS 1
MELC Code: AP6TDK-IVe-f-6
A. Mga Isyu Panlipunan
1.Ang mga OFW May 37 taon ng nakakatulong amg
mga Overseas Filipino Workers o OFW sa ekonomiya
ng ating bansa.Sa ngayon ,itinatayang may mahigit na
isang milyong OFWs ang nagtatarabaho sa ibat ibang
panig ng daigdig ng mundo upang umunlad ang
kanilang pamumuhay .Malaking tulong ito sa ating
ekonomiya dahil nakakapagdadala sila ng malaking
halaga tungo sa kaunlaran ng bansa.Noong 2013 ,sila
ay nkapagpapadala ng halos $23 bilyon sa ating
bansa.Dahil ditto sila ay itinuturing na bagong bayani.
Mga Pang- aabuso (Pang -aabuso sa bata o child
abuse)
Ayon sa Department of Social Welfare and
Development (DSWD) libu libong mga bata
ang biktima ng ibat- ibang krimen at pang-
aabuso. May mga taong may masamang loob
na gumagamit ng mga bata at may mababang
pag-iisip sa pagsasakatuparan ng mga ilegal
na gawain.May mga dayuhan nagsasamantala
sa mga kabataan o pedopilya.
Ad

Recommended

ap6 batas militar [Autosaved].pptx
ap6 batas militar [Autosaved].pptx
MARIFEORETA1
ArPan6-4th quarter week1.pptx
ArPan6-4th quarter week1.pptx
MaryGraceOaferina
ap 4th quarter week1.pptx
ap 4th quarter week1.pptx
ssuser26b83d1
G6 QUARTER 4W1 ARALING PAN PPT(MELCS).pptx
G6 QUARTER 4W1 ARALING PAN PPT(MELCS).pptx
GiovaniMacariola4
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 LESSON 1
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 LESSON 1
DeliaSalva
DLL_AP 6_Q4_W2.docx araling panlipunan grade 5
DLL_AP 6_Q4_W2.docx araling panlipunan grade 5
RotchelleMacaranas
ap 4th quarter week power point presentation
ap 4th quarter week power point presentation
RobieDeLeon
Pagtatakda ng Batas Militar Araling Panlipunan 6.pptx
Pagtatakda ng Batas Militar Araling Panlipunan 6.pptx
RoseDGuzman
Ang pamamahala ni ferdinand marcos
Ang pamamahala ni ferdinand marcos
Val Reyes
Araling Panlipunan 6 Quarter 4 ........
Araling Panlipunan 6 Quarter 4 ........
MARYJEANDECRETALES
AP 6 PPT Q4 - Batas Militar at ang Kahalagahan Nito.pptx
AP 6 PPT Q4 - Batas Militar at ang Kahalagahan Nito.pptx
AnnbelleBermudo
Feb 17 Mga Suliranin at Hamon sa Kasarinlan at.pptx
Feb 17 Mga Suliranin at Hamon sa Kasarinlan at.pptx
JIMMYNARCISE1
AP6-IM-Modyul 10.pptx
AP6-IM-Modyul 10.pptx
RobinEscosesMallari
AP 6 PPT Q4 - Batas Militar at ang Kahalagahan Nito (1).pptx
AP 6 PPT Q4 - Batas Militar at ang Kahalagahan Nito (1).pptx
rossanaronda
AP 6 Q2 -11 Nailalarawan ang balangkas at layunin ng Pamahalaan Komonwelt.pptx
AP 6 Q2 -11 Nailalarawan ang balangkas at layunin ng Pamahalaan Komonwelt.pptx
MARYJEANDECRETALES
4th qtr module 4
4th qtr module 4
Juan Carlos Mendoza
pamahalaang militar at sibil------2.pptx
pamahalaang militar at sibil------2.pptx
Mae Cristian Marie Paminsan
AP6-ADM-WEEK-1-4.pdf
AP6-ADM-WEEK-1-4.pdf
PrinceJallieBienGura1
Dekada 60 at 70
Dekada 60 at 70
Mavict Obar
DLL_AP 6_Q4_W1.docx araling panlipuna grade 5
DLL_AP 6_Q4_W1.docx araling panlipuna grade 5
RotchelleMacaranas
MGA HAMON SA PAGKABANSA NG PILIPINAS MATAPOS ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDA...
MGA HAMON SA PAGKABANSA NG PILIPINAS MATAPOS ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDA...
CarlaTorre9
Reaksyon at Epekto ng Philippine Rehabilitation Act.pptx
Reaksyon at Epekto ng Philippine Rehabilitation Act.pptx
jeneferagustinamagor2
Batas militar
Batas militar
vardeleon
Session10 soberanya (1)
Session10 soberanya (1)
Rochelle Mae Ting
Modyul 4 batas militar learners module a.del rosario
Modyul 4 batas militar learners module a.del rosario
Jared Ram Juezan
Pagdedeklara ng Batas Militar.nnnnnnnnnnnnnnnnpptx
Pagdedeklara ng Batas Militar.nnnnnnnnnnnnnnnnpptx
OlinadLobatonAiMula
Araling panlipunan (Mga hamon ng nagsasariling bansa)
Araling panlipunan (Mga hamon ng nagsasariling bansa)
SuhartoSaliling
AP 6 PPT Q4 - Politika, Pangkabuhayan at Pamumuhay ng mga Pilipino, Batas Mi...
AP 6 PPT Q4 - Politika, Pangkabuhayan at Pamumuhay ng mga Pilipino, Batas Mi...
1006081
a-QBESBuwan_ng_Wika_Activity_Proposal.docxQ-1.docx
a-QBESBuwan_ng_Wika_Activity_Proposal.docxQ-1.docx
JanetEscosuraEspinos
SUBJECT IN STUDENTS NURSIN Histology-4.pdf
SUBJECT IN STUDENTS NURSIN Histology-4.pdf
JanetEscosuraEspinos

More Related Content

Similar to ARALING PANLIPUNAN WEEK 1 4TH QUARTER POWER POINT (20)

More from JanetEscosuraEspinos (9)

a-QBESBuwan_ng_Wika_Activity_Proposal.docxQ-1.docx
a-QBESBuwan_ng_Wika_Activity_Proposal.docxQ-1.docx
JanetEscosuraEspinos
SUBJECT IN STUDENTS NURSIN Histology-4.pdf
SUBJECT IN STUDENTS NURSIN Histology-4.pdf
JanetEscosuraEspinos
cover page old for your files annual procurement plans
cover page old for your files annual procurement plans
JanetEscosuraEspinos
Chapter_2SCIENCE_Atoms_MOLECULE Ions.ppt
Chapter_2SCIENCE_Atoms_MOLECULE Ions.ppt
JanetEscosuraEspinos
sLAC SESSION TOPICS ABOUT spycho social awareness.pptx
sLAC SESSION TOPICS ABOUT spycho social awareness.pptx
JanetEscosuraEspinos
1-Basic-Concepts-of-Disaster-Readiness-and-Risk-Reduction.pptx
1-Basic-Concepts-of-Disaster-Readiness-and-Risk-Reduction.pptx
JanetEscosuraEspinos
PPT FILIPINO QUARTER 4PAG GAWA NG PATALASTAS AT USAPAN GAMIT ANG MGA BAHAGI N...
PPT FILIPINO QUARTER 4PAG GAWA NG PATALASTAS AT USAPAN GAMIT ANG MGA BAHAGI N...
JanetEscosuraEspinos
WEEK 5 WHLP GRADE 6.docx
WEEK 5 WHLP GRADE 6.docx
JanetEscosuraEspinos
The_Necklace.pdf

Recently uploaded (20)

Araling panlipunan 6-INKNOE CODE ppt presentation.pptx
Araling panlipunan 6-INKNOE CODE ppt presentation.pptx
JoiRamosJuan
5 PAGLALAPAT.pptx PARA SAPAGTATAYA SA MGA NATUTUHAN NG MGA MAG-AARAL
5 PAGLALAPAT.pptx PARA SAPAGTATAYA SA MGA NATUTUHAN NG MGA MAG-AARAL
GelVelasquezcauzon
AP-Module 5-Pagbabatok, Kaugalian sa Paglilibing, Paggawa ng Bangka.pptx
AP-Module 5-Pagbabatok, Kaugalian sa Paglilibing, Paggawa ng Bangka.pptx
GhiePagdanganan1
AP 7 Week 1 Day 1.pptx panimula ng Aralin
AP 7 Week 1 Day 1.pptx panimula ng Aralin
Michael472037
1 - Abstrak.pptx OILING LARANG ANG PAGSULAT NG ABSTRAK
1 - Abstrak.pptx OILING LARANG ANG PAGSULAT NG ABSTRAK
GelVelasquezcauzon
Q1_LessonExemplar_GMRC 5_Lesson 1_Week 1.pdf
Q1_LessonExemplar_GMRC 5_Lesson 1_Week 1.pdf
NenenCario
Ikaapat Markahang Pagsusulit_AP9for printing.docx
Ikaapat Markahang Pagsusulit_AP9for printing.docx
CyrosRexesMadura
PILIPINO PILOSOPIYANG ESENSYALISMO.pptx
PILIPINO PILOSOPIYANG ESENSYALISMO.pptx
gemma259917
Quarter 1_LE_Filipino-8_Lesson-1_Week-1.pdf
Quarter 1_LE_Filipino-8_Lesson-1_Week-1.pdf
beatrizreyes92
PAGTALAKAY SA PONOLOHIYA ARALIN SA FILIPINO.pptx
PAGTALAKAY SA PONOLOHIYA ARALIN SA FILIPINO.pptx
KlarisReyes1
Values Education 8 [Q1, Wk 1 - Day 1].pptx
Values Education 8 [Q1, Wk 1 - Day 1].pptx
RayvenBoiserAbaiAbai
2 - BUOD AT SINTESIS.pptx ANG PAGBUBUOD AT SINTESIS SA MGA SULATIN
2 - BUOD AT SINTESIS.pptx ANG PAGBUBUOD AT SINTESIS SA MGA SULATIN
GelVelasquezcauzon
FILIPINO_Q1_W1.pptx quarter 1 week 1 grade 3
FILIPINO_Q1_W1.pptx quarter 1 week 1 grade 3
jutaydeonne
DLL-Ikapito Linggo-Kasaysayan ng Wikang Pambansa.docx
DLL-Ikapito Linggo-Kasaysayan ng Wikang Pambansa.docx
YasmeenMangrobang1
Q3-FILIPINO 8-KOMENTARYONG PANRADYO.pptx
Q3-FILIPINO 8-KOMENTARYONG PANRADYO.pptx
EstepPurisima
Akademikong Pagsulat Para sa Ikalabindalawang Baitang
Akademikong Pagsulat Para sa Ikalabindalawang Baitang
MariaCelesteLagata4
Quarter1_SHS_Curated_Pagaaral ng Kasaysayan.pdf
Quarter1_SHS_Curated_Pagaaral ng Kasaysayan.pdf
Alfredo Jr Arceo
Values Education 8 [Q1, Wk 1 - Day 4].pptx
Values Education 8 [Q1, Wk 1 - Day 4].pptx
RayvenBoiserAbaiAbai
Mga-Konseptong-Pangwika-Unang-Linggo.pptx
Mga-Konseptong-Pangwika-Unang-Linggo.pptx
YasmeenMangrobang1
Powerpoint presentation for Quarter One Week 1 Filipino
Powerpoint presentation for Quarter One Week 1 Filipino
AyaVergaraAdan

ARALING PANLIPUNAN WEEK 1 4TH QUARTER POWER POINT

  • 1. NAIISA-ISA ANG MGA PANGYAYARI NA NAGBIGAY- DAAN SA PAGTATAKDA NG BATAS MILITAR
  • 2. ANG BATAS MILITAR ay pagpapataw ng kapangyarihang militar sa isang lugar maging sa isang bansa dulot ng pangangailangan. Ito ay isang marahas na aksyon ng pamahalaan upang hadlangan ang mga nagbabantang panganib katulad ng himagsikan,rebelyon,paglusob at karahasan..
  • 3. Ang pangulo bilang pinuno ng Sandatahang Lakas, ay binigyan ng karapatan ng Saligang Batas na gamitin sa nasabing kalagayan ang kapangyarihang ito. Ito ay pinagtibay ng Artikulo VII, Seksiyon 10, Talata 2 ng Saligang Batas ng 1935
  • 4. Ito ay kakaibang kapangyarihan ng estado na karaniwang ipinatutupad nang panandalian ng isang pamahalaan kapag hindi na nito maayos magampananan ang pamamahala gamit ang sibilyan nitong kapangyarihan (e.g. pagpapanatili ng kaayusan at katiwasayan, o magbigay ng mga unang serbisyo).
  • 5. Sa isang ganap na batas militar, ang pinakamataas na opisyal ng militar ang namumuno, o naitatalaga bilang tagapamahala o puno ng pamahalaan, kasabay ng pagbuwag o pagtanggal ng lahat ng kapangyarihan ng mga sangay ng pamahalaan mula tagapagpaganap, tagapagbatas, hanggang panghukuman.
  • 6. ] Sa ilalim ng batas militar, ang buong bansa ay napapasailalim sa kapangyarihan ng militar sa pamumuno ng pangulo bilang Punong Kumander ng Hukbong Sandatahan.
  • 7. Mga Pangyayaring nagbigay daan sa pagdeklara ng Batas Militar noong Setyembre 23, 1972. 1. Maraming kinaharap na suliranin ang bansa.Hindi umunlad ang ekonomiya gaya ng inaasahan sa kabila ng tulong na ibinigay ng World Bank, International Monetary Fund at iba pang foreign banks.
  • 8. 2. Pag-usbong at pagkilos ng oposisyon. Naging magulo ang kalagayan ng politika ng bansa dahil sa pagsibol ng ibat-ibang ideolohiya at paniniwala.Nakadagdag pa ang black propaganda sa gulo at pagkawatak watak ng mga mamamayan.
  • 9. 3. Lumubha ang kaguluhan dulot ng mga rebelde sa mga lungsod at lalawigan mula sa pag-aalsa ng National People's Army( NPA) at Communist Party of the Philippines (CCP). 4. Suliranin sa kapayapaan o Peace and Order sa paglawak ng demonstrasyon,welga o mga rally. Noong Enero 26, 1970,isang napakalaking rali ang idinaos ng National Union of Students of the Philippines sa harap ng gusali ng Kongreso.
  • 10. 5. Pagbomba sa Plaza Miranda. Noong Agosto 21,1971,isang miting de avance ang idinaos ng Lapiang Liberal para sa proklamasyon ng kanilang kandidato para sa halalan ng mga senador at pinunong lokal.
  • 11. ASSESSMENT ARAL PAN WEEK 1 QUARTER 4 Pangalan_________ Date:___________ Pagsasanay Blg.1 Iguhit ang / kung ang babanggiting pahayag ay pangyayaring nagbigay daan upang ideklara ang batas militar at X naman kung hindi. ___________ 1. Paglaganap ng mga makaliwang grupo o rebelde ___________ 2. Pagdami ng mga demonstrasyon at rally ___________ 3. Paglago ng ekonomiya ng bansa ___________ 4. Paglubha ng kaguluhang dala ng mga rebeldeng NPA ___________ 5. Pagkaroon ng katahimikan at kaayusan sa bansa
  • 12. Pagsasanay Blg.2 Basahing mabuti ang mga pagungusap,isulat ang tsek ( /) kung tama ang pakahulugan nito sa batas militar at ( x ) kung mali. _______ 1. Ang batas militar ay pinamumunuan ng sibilyan. _______ 2. Ang bansang nasa ilalim ng batas militar ay napasailalim kapangyarihan ng militar sa pamumuno ng pangulo bilang Punong Komander ng Sandatahang Lakas _______ 3. Sa batas militar,iisang tao lamang ang may hawak ng kapangyari- hang tagapagbatas,tagapagpaganap at panghukuman. _______ 4. Ang mga mamamayan ay malayang makapagpahayag ng kanilang hinaing at saloobin sa ilalim ng batas militar. _______ 5. Ang batas militar ay isang marahas na aksyon ng pamahalaan upang hadlangan ang mga nagbabantang panganib katulad ng himagsikan,rebelyon,paglusob at karahasan.
  • 13. Pagsasanay Blg.3 Isulat ang Sang-ayon kung ang pahayag ay may katotohanan alinsunod sa ating mga napag-aralan at Hindi Sang-ayon kung ito ay hindi alinsunod sa ating mga napag-aralan. _________ 1. Ang Pangulo ay may karapatang ipatupad ang Batas Militar kung kailangan sapagkat ito at naaayon sa Saligang Batas. _________ 2. Ang lahat ng naging pangulo ng Pilipinas ay nagdeklara ng Batas Militar. _________ 3. Noong Setyembre 23, 1972, idineklara ni Pangulong Marcos ang Batas Militar sa Pilipinas. _________ 4. Kaguluhan dulot ng kabi-kabilang demonstrasyon at pag-usbong ng mga grupong rebelde ang pangunahing daahilan kung bakit idineklara ng Pangulong Marcos ang Batas Militar. _________ 5. Ang mga mamamayan ay lubos na nasisiyahan sa pagdeklara ng Batas Militar sa Pilipinas.
  • 14. Epekto ng Batas Militar sa Pulitika, Kabuhayan at Pamumuhay ng mga Pilipino Markahan: Ika-apat na Markahan Linggo: Ikalawang Linggo LAS 1 MELC Code: AP6TDK-IVe-f-6 Ang panahon ng Batas Militar ay itinuturing na madilim na yugto para sa mga Pilipino. Nagkaroon ng maraming pang-aabuso at paglabag sa karapatang pantao. Sinumang sumalungat sa pamahalaan ay tiyak na mapaparusahan. Maraming estasyon ng TV at radio ang ipinasara. Pati na rin ang mga pahayagan. Ito nakakaepekto sa kabuhayan ng marami. Dahilsa kawalan ng demokrasya at kalayaan, ang mamamayan ay nagtatrabaho ayon lamang sa itinakda ng pamahalaan -- mula sa oras, sa uri ng trabahoat sa sweldo.
  • 15. Ang Proclamation no. 1081 o Batas Militar na ipinatupad ni Ferdinand Marcos noong Setyembre 21, 1972 ay may masama at mabuting epekto sa pamumuhay ng mga mamamayang Pilipino. Ang Bagong Lipunan ayon kay pangulong Marcos , isa pang layunin pagdeklara ng batas militar ang pagbagong anyo ng lipunan para maging isang sosyedad na mapayapa, may disiplina at maayos . Upang maisulong ito, itinatag ang Bagong Lipunan na may pitong Layunin: 1.Peace and Order 2.Land Reforms 3.Educational Reforms 4.Labor Reforms 5.Government Reorganization 6.Economic Reforms 7.Social Services
  • 16. Masamang Epekto 1. Ang militar ay nang-aabuso sa kanilang kapangyarihan kung kaya maraming mga Pilipino ang takot at laging nangangamba na sila ay mahuli o mapatay. 2. Ang karapatang pantao ng mga mamamayan ang nasisiil kaya hindi sila makapaghanapbuhay ng maayos at marami ang sadlak sa gutom at kawalan ng seguridad sa pamumuhay. 3. Hindi malaya ang mga tao na masabi ang kanilang opinyon matinding ipinagbabawal ang mga welga sa lansangan o kahit saan, at hindi malaya ang pamamahayag tanging ang mga pabor lamang sa pamahalaan ang pinahihintulutang maisapubliko.
  • 17. Mabuting Epekto 1. Ang nagkaroon ng mababang pangyayari ng krimen dahil sa curfew mula 12:00 ng hatinggabi hanggang 4:00 ng umaga, 2. Ang mga mamamayan ay disiplinado 3. Nagkaroon ng pansamantalang kaayusan ang bansa.
  • 18. Mga Pagsasanay Blg.1 Isulat ang MEP kung ito ay nagpapahayag ng mabuting epekto ng Batas Militar at DME kung hindi mabuting epekto. _______ 1. Nagkaroon ng pansamantalang kaayusan ang bansa _______ 2. Namuhay sa takot at pangamba ang mga tao sa kanilang kaligtasan _______ 3. Hindi malaya ang mga Pilipino na ipahayag ang kanilang opinion _______ 4. Ang mga mamamayan ay naging disiplinado _______ 5. Ang karapatang pantao ng mga mamamayan ang nasisiil kaya hindi sila makapaghanapbuhay nang maayos
  • 19. Mga Pagsasanay Blg.2 Hanapin sa Hanay B ang naging bunga ng pahayag o pangyayari na matatagpuan sa Hanay A. Hanay A ________ 1. Sinuspinde ang writ of habeas corpus ________ 2. Ipinasara ang mga istasyon ng radyo at telebisyon ________ 3. Pagkaroon ng curfew hours ________ 4. Pagbawal sa pagdaraos ng welga o rali ________ 5. Pag-iral ng nepotismo sa pamahalaan Hanay B a. Limitado ang impormasyong nakukuha ng mga mamamayan b. Marami ang mga namatay at naparusahan nang hindi dumaan sa tamang proseso ng paglilitis c. Nawalan ang mga mamamayan ng karapatang ipahayag ang sariling opinyon at pagtutol sa mga di kanais-nais na patakaran d. Halos mga kamag-anak at kaibigan lamang ni Marcos ang nagli- lingkod sa pamahalaan at nawalan ng oportunidad ang mga karapatdapat e. Ang mga tao ay natutong pumirmi sa bahay sa oras ng curfew at nabawasan ang krimen
  • 20. Mga Pagsasanay Blg. 3 Isulat ang mga Mabuti at Di- mabuting epekto ng Batas Militar sa Bansa Mabuting Epekto Di- Mabuting Epekto
  • 21. Mga Kontemporaryong Isyu sa Politika na Tumutugon sa mga Hamon ng Malaya at Maunlad na Bansa Markahan: Ika-apat na Markahan Linggo: Ikatlong Linggo LAS 1 MELC Code: AP6TDK-IVe-f-6 Ang mga kontemporaryong isyu ay ang mga suliraning kinakaharap ng ating bansa nitong mga nakaraang taon. Ang mga ito ay mga suliraning humahadlang at balakid sa ating pag-unlad Mga Isyung Pampolitika 1. Usaping panteritoryo sa Philippine Sea An gating bansa at ang iba pang mga kalapi-bansa sa Timog- Silangang Asya ay naninindigan laban sa pag-aangkin ng Tsina laban sa malaking bahagi ng South China Sea. Ang ikinakatwiran ng Tsina ay ang karapatan nito batay sa kasaysayan. Dahil mas malaking bansa ang China kumpara sa mga kalapit-bansa nito at mas malakas ang kanilang pwersang military, umaasa ang mas maliliit na bansang tulad ng Pilipinas at Vietnam na tutulong ang Amerika at iba pang makapangyarihang bansa sa paghahanap ng mapayapang solusyon sa suliranin.
  • 22. 2. Graft at Korupsiyon Ang usaping ito ay nakalilikha ng kawalan ng seguridad, pangamba at ligalig sa ating bansa. Sa ganitong kalagayan ang mga namumuhunan sa pagnenegosyo ay nag-aalangang mamuhunan sa ating bansa. Ang korupsiyon (corruption) ay ang tahasan at intensiyonal na pagtatakwil sa tungkulin at obligasyon ng isang opisyal ng pamahalaan o pagkilos na magbubunga ng kanyang kawalan ng integridad o prinsipyo. Nagaganap ang korupsiyon sa pamamagitan ng sabwatan ng mga tao. Ilan sa mga uri ng korupsiyon ay ang Tax Evasion o Pag-iwas sa pagbabayad ng kaukulang buwis, Ghost project o Ghost payroll, Paboritismo at Tong o Protection money. Ang graft ay ang pagkuha ng pera o posisyon sa paraang madaya at kwestiyonable, tulad ng pagtanggap ng kabayaran para sa isang pampublikong serbisyong dapat na naibigay ng libre o kayay paggamit sa isang kontrata o lehislasyon bilang pagkakakitaan. Ang graft ay karaniwang ginagawa ng isang indibidwal lamang.
  • 23. 3. Terorismo Ang terorismo ay isa sa pinakamatinding suliranin sa kapayapaang pandaigdig sa kasalukuyan. Ito ay isinasagawa ng mga grupo, samahan o pamahalaan upang makamit ang kanilang mithiing politikal o kriminal. May mga terorista din sa Pilipinas na naghahasik ng lagim upang m- halimbawa: pangingikil (extortion), pagdukot (kidnapping), pagnanakaw o hijacking. agkaroon ng pera at guluhin ang pamayanan. Mga dahilan ng terorismo:
  • 24. Mga Gawain sa Pagkatuto Pagsasanay 1 Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Alamin kung anong uri ng kontemporaryong isyu ang mga sumusunod. 1.Pangkabuhayan 2. Relihiyon 3. Paghihiganti 1. Labanan sa relihiyon 2. Suholan sa Gobyerno 3. Panggugulo sa mga pamayanan 4. Usapin sa West Philippine Sea 5. Paboritismo hindi sila makapaghanapbuhay nang maayos Pagsasanay 2 Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na sitwasyon kung anong kontemporaryong isyu ang tinutukoy. Piliin ang titik ng tamang sagot. A. Usaping panteritoryo sa Philippine Sea B. Graft at Korupsiyon C. Terorismo 1. Pagpapasabog sa mga simbahan. 2. Pagbibigay ng lagay sa mga lumalabag sa batas. 3. Pag-aangkin ng Tsina sa ilang mga lugar sa West Philippine Sea. 4. Talamak na mga fixers sa pamahalaan. 5. Hindi pagbabayad ng tamang buwis.
  • 25. Mga Pagsasanay Blg. 3 Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang titik sa sagutang papel bilang inyong sagot. 1. Isa itong kontemporaryong isyu pampolitika kung saan ang may kagagawan ay mga terorista. A. Usaping panteritoryo sa Philippine Sea C. Terosismo B. Graft at Korupsiyon D. Gobalisasyon 2. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng korupsiyon maliban sa isa, alin ito? A. Tax Evasion C. Paboritismo B. Kidnapping D. Protection money
  • 26. 3. Ano ang graft? A. Karaniwang ginagawa ng isang indibidwal lamang. B. Pagkuha ng pera o posisyon sa paraang madaya at kwestiyonable. C. Paggamit sa isang kontrata. D. Lahat ng nabanggit ay tama. 4. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng terorismo? A. Tax evasion B. Paghihiganti C. Globalisasyon D. Open trade 5. Paano masusulosyunan ang mga kontemporaryong isyung pampolitika ng bansa? A. Pakikiisa sa mga adhikain ng pamahalaan B. Pagkilos ng naayon sa batas. C. Hindi pagtugon sa mga nagnanais pabagsakin ang pamahalaan. D. Lahat ng nabanggit ay tama.
  • 27. Mga Kontemporaryong Isyu ng LipunanPangkabuhayan Ang mga kontemporaryong isyu ay ang mga suliraning kinakaharap ng ating bansa nitong mga nakaraang taon. Ang mga ito ay mga suliraning humahadlang at balakid sa ating pag-unlad. Mga Isyung Pangkabuhayan: I. Open trade Ang open trade ay ang malayang pakikipagkalakalan. Nagiging madali ang pagluluwas o pag-aangkat ng mga produkto dahil sa pagtanggal ng mga balakid sa kalakalan. Walang buwis ang mga produkto mula sa ibang bansa. Dahil dito, ang mga ito ay naipagbibili sa murang halaga kaysa sa lokal na mga produkto. Epekto ng Open trade: o Pagtindi ng kahirapan sa ating bansa dahil sa pagsulong at pagbibigay pabor sa mga dambuhalang kapitalista at dayuhang namumuhunan, o Pagdami ng mga taong walang trabaho dahil sa natutumba ang maliliit na negosyo, o Pagbaba ng halaga ng sahod ng mga manggagawa, o Pagsasara o pagkalugi ng mga lokal na kompanya at industriya na hindi
  • 28. Mga Isyung Pangkabuhayan: I. Open trade Ang open trade ay ang malayang pakikipagkalakalan. Nagiging madali ang pagluluwas o pag-aangkat ng mga produkto dahil sa pagtanggal ng mga balakid sa kalakalan. Walang buwis ang mga produkto mula sa ibang bansa. Dahil dito, ang mga ito ay naipagbibili sa murang halaga kaysa sa lokal na mga produkto. Epekto ng Open trade: o Pagtindi ng kahirapan sa ating bansa dahil sa pagsulong at pagbibigay pabor sa mga dambuhalang kapitalista at dayuhang namumuhunan, o Pagdami ng mga taong walang trabaho dahil sa natutumba ang maliliit na negosyo, o Pagbaba ng halaga ng sahod ng mga manggagawa, o Pagsasara o pagkalugi ng mga lokal na kompanya at industriya na hindi makasabay sa pandaigdigang kompetisyon.
  • 29. II. Globalisasyon Ito ay ang malaya at malawak na pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa daigdig sa mga gawaing pang-ekonomiya, panlipunan, pang-teknolohiya at kultura. Mabuting Epekto: Mabilis na pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng ibat-ibang bansa ng daigdig; Mabilis na ang paglago ng pandaigdigang transakyon sa pananalapi; Lumaki ang pamumuhunan ng mga dayuhang mangangalakal na nakapagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan at paglaki ng produksyon na makatutugon sa pangangailangan ng mga tao; Lumaganap ang teknolohiyaat kaalaman sa tulong ng mabilis na transportasyon at komunikasyon sa ibat-ibang panig ng daigdig;at Lumago ang ibat ibang sangay ng agham na nakatuklas ng gamot sa pagsugpo ng ibat ibang sakit. Di-Mabuting Epekto: Paglaki ng kakulangan sa mahuhusay na manggagawa o brain drain sa bansa dahil naaakit ang mga tao sa mataas na pasahod ng mga bansang umaangkat ng mga manggagawa tulad ng mga bansang Europe, Canada, at sa Kanlurang Asya. Pagdami ng armadong labanan tulad ng nagaganap sa Mindanao na binigyang suporta ng ibang bansa. Pagkasira ng kalikasan dahil sa paggamit ng mga likas na yaman na pinagmumulan ng mga materyales at sa polusyong dulot ng paggawa at industriyalisasyon. Pagkawala ng ktutubo o indigenous na kultura ng bansa dahil sa pagpasok ng makabago at ibat ibang kultura ng ibang bansa. Pagkawala ng pagkakakilanlan ng bansa dahil sa pagiging sunodsunuran sa mga mayayamang bansa na nagmamay-ari sa mga naglalakihang kompanya. Pagpasok at pagkalat ng mga nakahahawang sakit sa ibat ibang panig ng mundo. Pagkawala ng karapatan ng mga bansa na pairalin ang kanilang mga patakaran dahil sa pagsunod sa mga patakaran ng mga institusyong sumusuporta sa globalisasyon.
  • 30. Pagsasanay 1 Direksyon: Tukuyin ang mga sumusunod na kontemporaryong isyu sa lipunan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Ang nakamamatay na COVID-19 virus ay mabilis na kumalat sa ibat- ibang panig ng mundo na nagiging sanhi ng pagkamatay ng maraming tao ay isa sa mga epekto ng? A. Open trade B. Globalisasyon C. Isyung pangkapaligiran 2. Ang _________ ay ang malayang pakikipagkalakalan. A. Open trade B. Globalisasyon C. Isyung pangkapaligiran 3. Ito ay nagiging sanhi ng pagkawasak ng mga local na industriya dahil mas nabibigyan ng mas magandang insentibo ang mga dayuhan na makipagkalakalan sa ating bansa kaysa sa mga mamamayang Pilipino. A. Open trade B. Globalisasyon C. Isyung pangkapaligiran 4. Ito ay ang malaya at malawak na pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa daigdig sa mga gawaing pang-ekonomiya, panlipunan, pang-teknolohiya at kultura. A. Open trade B. Globalisasyon C. Isyung pangkapaligiran 5. Isa sa mga halimbawa ng epekto nito ay noong 2003, ang nakamamatay na pneumonia na tinawag na severe acute respiratory syndrome (SARS) mula sa Hong Kong, China ay kumalat sa 37 bansa sa loob lamang ng ilang linggo. A. Open trade B. Globalisasyon C. Isyung pangkapaligiran
  • 31. Pagsasanay 2 Tukuyin ang mga sumusunod na kontemporaryong isyu sa lipunan na may kinalaman sa usaping pampolitika. Hanapin sa kahon sa ibaba ang titik ng tamang sagot. A. Panteritoryo B. Terorismo C. Graft at Korupsyon D. Graft E. Korupsyon F. Extortion 1.Ang ating bansa at ang iba pang mga kalapit-bansa sa Timog-Silangang Asya ay naninindigan laban sa pag-angkin ng Tsina sa malaking bahagi ng South China Sea. 2. Ang usaping ito ay nakalilikha ng kawalan ng seguridad, pangamba at ligalig sa ating bansa. Sa ganitong kalagayan, ang mga namumuhunan sa pagnenegosyo ay nag-aalangang mamuhunan sa ating bansa. 3. Isa ito sa mga pinakamatinding suliranin sa kapayapaang pandaigdig sa kasalukuyan. Isinasagawa ito ng mga grupo, samahan o pamahalaan upang makamit ang kanilang adhikaing political o kriminal. 4. Ito ay ang tahasan at intensiyonal na pagtatakwil sa tungkulin at obligasyon ng isang opisyal ng pamahalaan o pagkilos na magbubunga ng kanyang kawalan ng integridad o prinsipyo. 5. Pagkuha ng pera o posisyon sa paraang madaya at kuwestiyonable, tulad ng pagtanggap ng kabayaran para sa isang pampublikong serbisyong dapat na naibigay nang libre o kayay paggamit sa isang kontrata o lehislasyon bilang pagkakakitaan.
  • 32. Direksyon: Suriin ang pangungusap sa bawat bilang kung itoy dulot ng open trade o globalisasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ang pagpasok at pagkalat ng mga nakahahawang sakit sa ibat ibang panig ng mundo ay epekto ng A. Open trade B. Globalisasyon 2. Isa sa mga mabuting naidulot nito ay nagiging madali ang pagluluwas o pag-aangkat ng mga produkto dahil sa pagtanggal ng mga balakid sa kalakalan. A. Open trade B. Globalisasyon 3. Walang buwis ang mga produkto mula sa ibang bansa. A. Open trade B. Globalisasyon 4. Lumago ang ibat ibang sangay ng agham na nakatuklas ng gamot sa pagsugpo ng ibat ibang sakit. A. Open trade B. Globalisasyon 5. Pagsasara o pagkalugi ng mga lokal na kompanya at industriya na hindi makasabay sa pandaigdigang kompetisyon. A. Open trade B. Globalisasyon
  • 33. Aralin 5. Naisa-isa ang kontemporaryong isyu sa pulitika na tumutugon sa mga hamon ng malaya at maunlad na bansa. Panlipunan at Pangkapaligiran) A.Ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya, opinyon, o paksa sa kahit anong larangang may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Ito ay sumasaklaw sa kahit anong interes ng mga tao. Markahan: Ika-apat na Markahan Linggo: Ikalimang Linggo LAS 1 MELC Code: AP6TDK-IVe-f-6
  • 34. A. Mga Isyu Panlipunan 1.Ang mga OFW May 37 taon ng nakakatulong amg mga Overseas Filipino Workers o OFW sa ekonomiya ng ating bansa.Sa ngayon ,itinatayang may mahigit na isang milyong OFWs ang nagtatarabaho sa ibat ibang panig ng daigdig ng mundo upang umunlad ang kanilang pamumuhay .Malaking tulong ito sa ating ekonomiya dahil nakakapagdadala sila ng malaking halaga tungo sa kaunlaran ng bansa.Noong 2013 ,sila ay nkapagpapadala ng halos $23 bilyon sa ating bansa.Dahil ditto sila ay itinuturing na bagong bayani.
  • 35. Mga Pang- aabuso (Pang -aabuso sa bata o child abuse) Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) libu libong mga bata ang biktima ng ibat- ibang krimen at pang- aabuso. May mga taong may masamang loob na gumagamit ng mga bata at may mababang pag-iisip sa pagsasakatuparan ng mga ilegal na gawain.May mga dayuhan nagsasamantala sa mga kabataan o pedopilya.