10. Ang buhay na handog sa atin ang siyang
pinaka sagrado.Ibig ng Diyos na ihandog natin
ito sa ating kapwa o sa iba pang maybuhay na
kanyang nilikha.Ibig ng Diyos na ating padaluyin
ang buhay para sa ibang tao. Kung gayon,
pananagutan nating mahalin igalang at pahalagahan
ang buhay ng ating kapwa tulad ng pagpapahalaga
natin sa ating buhay.
Paano natin
gagawin?
11. AKO BA AY….. MADALAS MINSAN HINDI
1. Nanunukso ako sa aking kaklase.?
2. Namimintas sa pananamit ng iba?
3. Nakikinig kapag may nagsasakita?
4. Nagtatakip ng aking bibig kapag umuubo o
bumabahin?
5. Nagpapasalamat sa taong pumuri sa aking
pagpati sa bago kong kamang aral?
6. Himihingi ng tawad kapag nakakasakit ng iba?
7. Nagbibigay ng upuan sa taong nakatatanda?
8. Nakikinig sa nagsasalita?
9. Nakikipag unahan sa pila?
10. Tinatawag ang kapwa tao gamit ang kanilang
pangalan?
12. 1. Batay sa inyong sagot, ano ang natuklasan mo
tungkol sa iyong sarili?
2. Masaya ka ba sa iyong natuklasan? Ipaliwanag.
3. Kung madalas mong ginagawa ang mali, ano ang
magiging epekto nito sa ugnayan mo sa iyong kapwa?
4. Sa mabubuting bagay na minsan mo lang ginagawa,
ano kaya ang maaari mong gawin?Bakit?
5.Kung hindi mo ginagawa ang nararapat mong
gawin, ano kayang maaaring maging bunga nito sa iyo
at sa pakikitungo mo sa kapwa?
14. Pangkatin ang klase sa apat. Ang
bawat pangkat ay magpapakita ng palabas
kung paano igagalang at pahahalagahan ang
sumusunod na gawa ng Diyos. Magsagawa ng
pagpaplano sa loob ng pitong minuto at
ipakita ito sa buong klase.
Pangkat 1-may mga kapansanan
Pangkat 2-mga nawalan ng bahay
Pangkat 3-mga may sakit
Pnagkat 4-mga biktima ng kalamidad.
15. PAMANTAYAN
Pakikiisa Lahat ng
kasapi ng
pangkat ay
nakiisa sa
gawain.
Isa o dalawang
pangkat ay
hindi nakiisa sa
gawain.
Tatlo o higit
pang kasapi
ay hindi
nakiisa sa
gawain.
Kagalakang
ipinamalsa sa
gawain
Lahat ng
kasapi ng
grupo ay
nagpakita
ng
kasiyahan
sa pakikiisa
sa gawain.
Isa o dalawang
kasapi ng
pangkat ay
hindi
nagpakita ng
kasiyahan sa
gawain.
Tatlo o higit
pang kasapi
ay hindi
nagpamalas
ng kagalakan
sa gawain.
16. Gumupit ng puso sa bond paper o
colored paper.
Magbalik tanaw ka. Isipin ang mga
taong nakasalamuha mo na iyong iginalang o
pinahalagahan. Isulat ang pangalan niya sa
isang bahagi ng puso na iyong ginupit. Sa
kabilang bahaginaman ay isulat kung paano
mo ipinakita ang pag galang at pag
papahalaga sa taong ito.
19. Ano ang dapat mong gawin sa bawat sitwasyon
kung ikaw ang tauhan dito? Itala din ang dahilan kung
bakit ito dapat gawin. Gawin ito sa inyong kwaderno.
1. Napanood mo ang lawak ng pinsalang dulto ng bagyo sa
Tacloban. Maraming nangangailangan ng gamot, damit
at pagkain.
Gawin:__________________
Bakit:___________________
20. 2.Si lola Amada ay 78 taong gulang na. Magisang
naninirahan sa kanilang bahay sa Barangay San Pedro,
Vigan City. Nasa Sultan Kudarat ang kanyang mga
anak. Napansin mong lagi siyang malungkot at
nakatingin sa malayo.
Gawin:___________________
Bakit:____________________
3. Nasira ang bahay ng pamilya Santos dahil sa malakas
na lindol. Wla silang matuluyan.
Gawin:____________________
Bakit:_____________________
21. Sumulat ng isang panalangin na
pasasalamat sa buhay na kaloob sa iyo
ng Diyos. Idadagdag ang pangakong
iyong gagawin upang maipakita ang
pagpapahalaga sa buhay na kaloob sa
iyo.
22. Pag aralan ang editorial cartoon.
Gamitin ito bilang gabay sa pagsulat ng isang
maikling sanaysay tungkol sa paksang ‘’ Buhay
ng kapwa-tao, Pahahalagahan kong lubos’’