3. PAGKAKAPANTAY-
PANTAY
Sa isang panig, may
nagsasabing pantay-pantay ang
lahat dahil likha tayo ng Diyos,
dahil tao tayo.
Sa kabilang panig, may
nagsasabi rin namang hindi
pantay-pantay ang mga tao. May
mga taong mananatiling nasa
itaas, dinudungaw ang mga tao
sa ibaba.
4. Para kay Max
Scheler, bahagi
ng pagiging tao
ng tao ang
pagkakaroon ng
magkakaibang
lakas at kahinaan.
5. ASPEKTO NG
KASINOHAN NG TAO:
ang kinagisnang
pagpapalaki sa kaniya,
ang mga koneksyon ng
pamilya, ang kanyang
lahi, relihiyon, at iba pa.
Ang lahat ng ito ay
naglalatag ng maaabot ng
tao.
6. Ngunit, sinasabi rin ni Scheler na
dahil na rin sa hindi pagkakapantay-
pantay na ito, kailangang
sikapin ang pagkakapantay-
pantay sa pamamagitan ng
pagbabahagi ng yaman ng
bayan.
Hindi dahil maliliit ang manlalaro ng basketbol hindi na siya
kailanman magiging mahusay at masaya sa kaniyang paglalaro.
Hindi niya maaabot ang naaabot ng matangkad ngunit mayroon
siyang magagawa sa bukod-tangi niyang paraan na magpapaiba sa
kanya sa matangkad.
Kailangan lamang niya ng tiwala
at pagkakataon.
7. PRINSIPYO NG PROPORTIO,
(ayon kay Sto. Tomas de Aquino)
ang angkop na pagkakaloob
ng naaayon sa
pangangailangan ng tao. Sa
madaling salita, hindi man
pantay-pantay ang mga tao,
may angkop para sa kanila.
Kailangang maging patas
ayon sa kakayahan, ayon sa
pangangailangan.
9. PERO HINDI
PATAS!
Marahil magpipilit ang iba
at sasabihing, bakit hindi
na lang ibigay ang
tinapay sa lahat at bahala
na ang mga nakatanggap
na ipamigay o ibahagi sa
iba ang sobra sa kanila?
10. Ang tinapay ay
nariyan upang siya ay
busugin, palakasin, at
paginhawahin. May
pangingibabaw siya
sa tinapay; hindi ang
tinapay sa kanya.
11. tila tinatali ng tao ang
kaniyang sarili sa bagay,
na kung hindi siya
makakakuha ng bagay,
bumababa ang kanyang
halaga bilang tao.
Kung hahayaan niya na ang iba lamang ang
mabigyan ng tinapay, para siyang
nagpapalamang. Para niyang binitiwan ang
tinapay na karapatan naman niya talaga.
Pakiramdam niya ay nagpapaapi siya.
12. Bakit nga ba ako
nagtratrabaho at nagmamay-
ari ng mga bagay?
Nagtratrabaho ba si Tatay para
ipagmayabang niya sa kaniyang kapitbahay
ang kanyang kwarta? Bumibili ba si Nanay
ng gamit sa bahay para ibandera sa iba ang
kanilang mga bagong appliance?
Gumagawa siya dahil nais niyang
ipamalas ang kanyang sariling
galing. Nagtratrabaho siya upang
maging produktibo sa kaniyang
sarili.
13. Napakaganda ng salitang Filipino
para sa trabaho:
hanap-buhay.
Ang hinahanap ng
gumagawa ay ang
kanyang buhay. Hindi siya
nagpapakapagod lamang
para sa pera kundi para ito
sa buhay na hinahanap
niya.
14. Ang buhay ng tao ay isang
pagsisikap na ipakilala ang
sarili. Naipakikilala ng tao ang
kanyang sarili sa paggawa.
Hindi ang yaman, hindi ang mga kagamitan na
mayroon siya o wala, ang humuhubog sa tao. Ang
tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang
sarili sa bunga ng kanyang paggawa.
Hindi sa pantay-pantay na
pagbabahagi ng kayamanan ang
tunay na kayamanan. Nasa
pagkilos ng tao sa anomang
ibinigay sa kanya ang kanyang
ikayayaman
15. HINDI PANTAY
PERO PATAS
Ito nga ang prinsipyong
iniinugan ng Lipunang Pang-
ekonomiya. Ang lipunang ito
ay nagsisikap na
pangasiwaan ang mga
yaman ng bayan ayon sa
kaangkupan nito sa mga
pangangailangan ng tao.
16. Nakatutuwang malaman na ang
pinagmulan ng salitang
Ekonomiya
oikos (bahay)
nomos (pamamahala)
Ang ekonomiya ay tulad
lamang din ng
pamamahala sa bahay.
17. Ang Lipunang Pang-
ekonomiya, sa mas
malakihang pagtingin, ay
ang mga pagkilos na
masiguro na ang bawat
bahay ay magiging tahanan.
Pinapangunahan ito ng
estado na nangunguna sa
pangangasiwa at patas na
pagbabahagi ng yaman ng
bayan.
18. Hindi lamang sariling tahanan
ang binubuo ng mga tao sa loob
ng Lipunang Ekonomiya.
Ginagawa rin nilang isang
malaking tahanan ang
bansaisang tunay na tahanan
kung saan maaaring tunay na
tumahan (huminto, manahimik,
pumanatag) ang bawat isa sa
pagsisikap nilang mahanap ang
kanilang mga buhay.
20. GAWAIN 1
Panuto: Sagutin ang mga
tanong na nakapaloob
sa talahanayan upang
lubusang mapalawak
ang iyong
pagkakaunawa sa
aralin. Isulat ang sagot
sa sagutang papel
21. Anu- ano ang konsepto
at kaalaman na
pumukaw sa akin?
Ano ang aking
pagkaunawa at
reyalisasyon sa bawat
konsepto at kaalamang
ito?
Anu- ano ang hakbang
na aking gagawin upang
mailapat ko ang mga
pang- unawa at
reyalisayong ito sa
aking buhay?
1. Tungkol sa
pagkakapantay- pantay
2. Tungkol sa pagiging
patas
3. Tungkol sa Lipunang
Pang- ekonomiya
4. Iba pa.
GAWAIN 1
22. GAWAIN 2
Panuto: Mag- isip ng isang
proyekto na kayang magawa
sa loob lamang ng isang
linggo at may pangmatagalang
kapakinabangan ang
pamayanan. Gawan ito ng
proposal gamit ang ibinigay na
format. Gawin ito sa sagutang
papel.
23. GAWAIN 2
ISANG PROPOSAL NG ISANG PROYEKTO PARA SA LIPUNANG
PANG- EKONOMIYA
Pangalan ng Proyekto:_______________________
Layunin: (banggitin ang pangangailangan sa pamayanan o
barangay na tutugunan ng
proyekto)________________________________
Deskripsiyon:_________________________________________
______________________________________________
27. 1. Ang paniniwala na ang
tao ay pantay - pantay ay
nakaugat sa katotohan
na...
a. lahat ay dapat mayroong
pag-aari
b. lahat ay may kani-kanyang
angking kaalaman
c. lahat ay iisa ang mithiin
d. likha ang lahat ng Diyos
28. 2. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng
proportion ayon kay Sto. Tomas de
Aquino?
a. Pantay na pagkakaloob ng yaman
sa lahat ng tao
b. Angkop na pagkakaloob ng yaman
batay sa kakayahan ng tao
c. Angkop na pagkakaloob ng yaman
ayon sa pangangailangan ng tao
d. Pantay na pagkakaloob ng yaman
batay sa kakayahan at
pangangailangan ng tao
29. 3. Sa ating lipunan, alin sa mga sumusunod ang
patunay na naitatali na ng tao ang kanyang sarili
sa bagay?
a. Mas nararapat lamang na makatanggap ang
isang tao ng tulong mula pamahalaan, kahit na
kaya naman niya itong bilhin o kaya ay hindi
naman kailangan, dahil karapatan niya ito
bilang mamamayang nagbabayad ng buwis
b. Hindi mabitawan ni Sheila ang kanyang
lumang mga damit upang ibigay sa kamag-
anak dahil mayroon itong sentimental value sa
kanya.
c. Inuubos ni Jerome ang kaniyang pera sa
pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa
lamang mahahanap. Ayon sa kaniya, sa
ganitong paraan niya nakukuha ang labis na
kasiyahan
d. Lahat ng nabanggit
30. 4. Ang mga sumusunod ay
naglalarawan sa lipunang pang-
ekonomiya maliban sa:
a. Maihahalintulad sa pamamahala ng
budget sa isang bahay
b. Pagkilos para sa pantay na
pagbabahagi ng yaman ng bayan
c. Pangangasiwa ng yaman ng bayan
ayon sa kaangkupan nito sa mga
pangangailangan ng tao
d. Pagkilos upang masiguro na ang
bawat bahay ay magiging tahanan
sa pamamagitan ng pangangasiwa
ng yaman ng bayan
31. 5. Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang
pagkakaiba ng pantay sa patas?
a. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong
benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang
patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao
batay sa kanyang pangangailangan
b. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong
benepisyo sa lahat tao sa lipunan, ang patas
ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay
sa kanyang kakayahan
c. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong
pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, patas ay
ang paggalang sa kanilang mga karapatan
d. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong
pagturing sa lahat ng tao sa ipunan, ang patas
ay pagtiyak na natutugunan ng pamahalaan
ang lahat ng pangangailangan ng mga tao
32. 6. Paano masisiguro nang bawat bahay ay
magiging tahanan sa Lipunang Pang-ekonomiya?
a. Nagbibigay ng tulong pinansyal
angpamahalaan sa mga mahihirap na
pamilya
b. Sa pangunguna ng estado,
napangasisiwaan at naibabahagi ng
yaman ng bayan
c. Sinisikap ng estado, na mabigyan ng
trabaho ang bawat mamamayan kahit
hindi angkop sa kakayahan
d. Tinutulungan ng estado ang mga
mangagawa na makahanap ng
hanapbuhay sa ibang bansa
33. 7. Bakit mas epektibo ang patas kaysa sa
pantay na pagbabahagi ng yaman ng
bayan.
a. Sa pamamagitan nito, mas
isinasaalang-alang ang
kakayahan at pangangailangan
ng bawat isa
b. Walang kakayahang magpasiya
para sa sarili at sa iba ang mga
mamamayan
c. Karapatan ng bawat mamamayan
na matanggap ang nararapat
d. Hindi pantay ang mga tao, ngunit
may angkop para sa kanila
34. 8. Paano maipakikita ang tamang
ugnayan ng tao sa kaniyang mga ari-arian
a. Sa pagbibigay ng higit na mataas
na pagpapahalaga ng kaniyang
mga ari-arian kaysa sa kaniyang
sarili
b. Sa pagmamayabang sa mga
kakilala at kaibigan ang dami ng
naimpok na salapi
c. Sa pagpapakita na may
kakayahan siyang bumili ng mga
mamahaling gamit
d. Sa pag-iwas na maitali ang
kaniyang halaga bilang tao sa
kaniyang pag-aari
35. 9. Bakit magkaugnay ang pag-unlad ng sarili
sa pag-unlad ng bayan
a. Nakikilala at sumisikat ang mga
taong umuunlad
b. Malaki ang maitutulong sa bansa
kung maraming pera ang bawat tao
c. Ang bawat mahusay na
paghahanapbuhay ng tao ay may
mabuting dulot sa pag-unlad ng
bansa
d. Nagkakaroon ng maraming
oportunidad sa hanapbuhay ang
taong mahilig paunlarin ang sariling
kakayahan
36. 10. Ang tunay na mayaman ay ang taong
nakikilala ang sarili sa bunga ng kaniyang
paggawa. Hindi sa pantay-pantay na
pagbabahagi ng kayamanan ang tunay na
kayamanan. Nasa pagkilos ng tao sa anumang
ibinigay sa kaniya ang kaniyang ikayayaman.
Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
a. Ang tunay na mayaman ay hindi takot
gumastos para sa mga hilig niya
b. Naipakikilala ng tao ang kaniyang sarili
sa husay niya sa paggawa
c. Mahusay ang taong may kakayahang
makabili ng lahat ng kaniyang naisin
d. Maipagmamalaki ng tao ang kaniyang
sarili sa mga kagamitan na mayroon
siya
39. GLOSARI
EKONOMIYA- nagmula sa mga salitang Griyego na
oikos (bahay) at nomos (pamamahala)
LIPUNANG PANG- EKONOMIYA- ito ang lipunang
nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman ng bayan
ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao
PRINSIPYO NG PROPORTIO- angkop na pagkakaloob
ng naaayon sa pangangailangan ng tao
40. SANGGUNIAN
Alagbate N. R., et. al. (2015), Edukasyon sa Pagpapakatao
Modyul para sa Mag- aaral, FEP Printing Corporation
De Torre, J. M. (1977). The Roots of Society.
2nd
ed. Manila: Sinag-tala Publishers, Inc.
Frings. M.S. The Mind of Max Scheler. Milwaukee: Marquette
University Press.
Plattel, M. G. (1965). Social Philosophy. Pittsburgh: Duquesne
University Press