Edukasyon Sa Pagpapakatao seksuwalidad pt 1.pptxDanethGutierrez
油
Ito ay isang presentasyon tungkol sa kawalan ng pag galang sa sekswalidad ng tao. Sa kasalukuyang lipunan, isa sa mga mahahalagang usaping panlipunan ay ang kawalan ng paggalang sa sekswalidad ng isang tao. Ang sekswalidad ay isang aspeto ng ating pagkatao na sumasaklaw sa ating pagkakakilanlan bilang lalaki, babae, o ibang kasarian, pati na rin sa ating oryentasyong sekswal at pagpapahayag ng ating sekswal na identidad. Gayunpaman, sa kabila ng kahalagahan nito, patuloy pa ring nararanasan ng maraming indibidwal ang diskriminasyon, pang-aabuso, at hindi makatarungang pagtrato dahil sa kanilang sekswalidad. Mga Anyo ng Kawalan ng Paggalang sa Sekswalidad
Diskriminasyon sa Kasarian at Sekswal na Oryentasyon
Isa sa mga pinaka-karaniwang anyo ng kawalan ng paggalang sa sekswalidad ay ang diskriminasyon laban sa mga LGBTQ+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, at iba pa). Maraming indibidwal ang nakakaranas ng pangmamaliit, paglayo ng pamilya, kawalan ng oportunidad sa trabaho, at maging pang-aapi sa paaralan o lugar ng trabaho dahil lamang sa kanilang sekswal na pagkakakilanlan.
Panggagahasa at Sekswal na Pang-aabuso
Ang sekswal na pang-aabuso ay isang marahas at hindi makatarungang anyo ng kawalan ng respeto sa sekswalidad ng isang tao. Kabilang dito ang panggagahasa, sapilitang pakikipagtalik, at iba pang uri ng sekswal na karahasan. Ang mga biktima nito ay madalas na pinapatahimik ng takot, stigma, at kakulangan ng suporta mula sa lipunan.
Catcalling at Sekswal na Panliligalig
Ang pambabastos sa lansangan o catcalling ay isang halimbawa ng kawalan ng respeto sa sekswalidad ng isang tao. Karaniwang biktima nito ay mga kababaihan, bagaman may mga kalalakihan ding nakakaranas nito. Ang sekswal na panliligalig ay nagdudulot ng matinding takot at kawalan ng seguridad sa mga biktima.
Sapilitang Pamantayan ng Pagpapakita ng Sekswalidad
Sa maraming kultura, may mga inaasahang pamantayan sa kung paano dapat ipahayag ng isang tao ang kanyang sekswalidad. Halimbawa, may mga babae na pinipilit na maging mahinhin at hindi dapat masyadong lantad sa kanilang sekswalidad, samantalang may mga lalaki naman na inaasahang maging agresibo o dominante. Ang ganitong mga pananaw ay nagpapalakas ng hindi pantay na pagtrato sa kasarian.
Paggamit ng Sekswalidad para sa Pagsasamantala
Sa media at industriya ng aliwan, madalas ginagamit ang sekswalidad ng mga tao, lalo na ng kababaihan, upang makabenta ng produkto o makakuha ng atensyon. May mga tao rin na napipilitang pumasok sa prostitusyon o pang-aabuso dahil sa kahirapan at kawalan ng pagpipilian. Ito ay isang malinaw na manipestasyon ng kawalan ng paggalang sa sekswalidad.
Epekto ng Kawalan ng Paggalang sa Sekswalidad
Ang kawalan ng respeto sa sekswalidad ng isang tao ay may malalim at pangmatagalang epekto hindi lamang sa indibidwal na biktima kundi pati na rin sa buong lipunan. Ang ilan sa mga pangunahing epekto ay ang mga sumusunod:
Ang kawalan ng paggalang sa sekswalidad ay isang seryosong suliranin na
2. Ilaw ng Tahanan
Ni Jan Daryll c. Cabrera
Sa paggising sa tuwina, ang iyong tinig ang maririnig
Sa pagtulog sa gabi, kayo ni itay ang dasal
Ang iyong paghele sa akin hanggang ngayo'y dinig
Lahat ng pangaral, sa isip ko'y laging dumaratal.
Ikaw ang gumagabay sa landas kong tinatahak,
Nanay
Ako'y inaaruga kapag ako'y nadarapa
Ang ilaw ng tahanan, ikaw ang may hawak,
Iyong itinatanglaw kahit saan man mapunta.
Ang mga ilaw ng tahanan, patuloy na kikilalanin at
pahahalagahan
3. Ilaw ng Tahanan
Ni Jan Daryll c. Cabrera
Ang pagmamahal sa kanilang mga anak ang iiwang pamana
Kaya't para sa lahat ng ina, isang mahigpit na
yakap at pasasalamat
Dahil sa inyo, pag-aaruga at pagkalinga ay hindi salat.
4. Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
A Song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora
Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta.
Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata,
Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo.
Mangusap ka, aking musmos na supling.
Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin.
Na puno ng tibay at tatag bagaman yariy munsik.
Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak.
5. Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
A Song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora
Kamay na magpapasaya sa iyong ama.
Tingnan mot nananabik na akoy sapulin:
Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim.
Aking giliw, ngalan ng mandirigma sayo ilalaan,
at mamumuno sa kalalakihan.
At ikay hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan,
Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.
6. Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
A Song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora
At ikay hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan,
Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.
Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa akin,
Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib,
At ang pagsulyap-sulyap sa akin.
Kapag ikay itinanghal na gererong marangal,
Akoy malulunod sa luha ng paggunita.
7. Munting mandirigma, paano ka namin pangangalanan?
Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan.
Hindi hamak na ngalan sa iyoy ibibigay,
Hindi ka rin ipapangangalan sa iyong amang si Nawal sapagkat
ikay panganay.
Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong kawan.
Ikaw bay tatawaging Hibang o Kapusugan?
Ikaw bay tatawaging waring dumi ng baka na anak ng
kamalasan?
Ang pooy di marapat na pagnakawan,
Sa iyoy wala silang masamang pinapagimpan.
8. Ikay kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.
Ikay biniyayaan ng mga matang naglalagablab.
At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay
Ay hindi ba palatandaan na ikay maingat nilang pinanday?
Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyoy kanilang inalay.
At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,
Maging sa iyong halakhak.
Paano ka pangangalanan, aking inakay?
Ikaw bay lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?
9. Munting mandirigma, sinong anito sa iyoy nananahan?
Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay?
Sinong yumuyungyong sa iyot nagpapasigla ng buhay?
Ikaw bay kanlong ng kapayapaan?
Ngunit ikay tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.
Hayaan, sa araw na yaoy iyong ibubuyangyang.
Aking supling, ngayon akoy nasa kaluwalhatian.
Ngayon, akoy ganap na asawa.
Hindi na isang nobya, kundi isang ina.
Maging maringal, aking supling na ninanasa.
10. Munting mandirigma, sinong anito sa iyoy nananahan?
Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay?
Sinong yumuyungyong sa iyot nagpapasigla ng buhay?
Ikaw bay kanlong ng kapayapaan?
Ngunit ikay tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.
Hayaan, sa araw na yaoy iyong ibubuyangyang.
Aking supling, ngayon akoy nasa kaluwalhatian.
Ngayon, akoy ganap na asawa.
Hindi na isang nobya, kundi isang ina.
Maging maringal, aking supling na ninanasa.
11. Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki.
Ikay magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.
Ikay irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama.
Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak.
Sa wakas, akoy kahati ng kaniyang puso, ina ng kaniyang unang anak.
Ang kaniyang kaluluway ligtas sa iyong pag-iingat,
Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyoy humulma.
Samakatuwid, akoy minahal.
Samakatuwid, akoy lumigaya.
Samakatuwid, akoy kapilas ng buhay.
Samakatuwid, akoy nagtamasa ng dangal.
12. Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siyay nahimlay.
Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw.
Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan,
Walang wakas sa kaniyay daratal mula sa pagsibol ng yong kabataan.
Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asat kaligtasan sa hukay.
Sa iyo, siyay muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan.
At ako ang ina ng kaniyang panganay.
Ikay mahimbing, supling ng leon, nyongezat nyumba.
Ikay mahimbing,
Akoy wala nang mahihiling.
13. Ano ang TULA?
ay isang akdang pampanitikang binubuo ng mga
saknong. Bawat saknong naman ay binubuo ng mga
taludtod o linya at ang bawat taludtod ay nahahati sa
mga pantig. Ito ay naglalaman ng mga salitang piling-
pili,may mga tayutay o matatalinhagang salita at
simbolo, at masining bukod sa pagiging madamdamin
at maindayog kung bigkasin kayat maari itong lapitan
ng himig.
14. Ano ang TULA?
Ang KASININGAN ng isang tula ay makikita sa paggamit ng
mga salitang ginagamit ng may akda. Tinataglay din nito ang
mga elemento ng tula na maingat na pinili at ginamit sa
pagsulat nito.
15. Gumagamit din ito ng mga SIMBOLISMO ng isang bagay,isang
kulay,isang tao o kahit na isang sitwasyon upang magbigay ng
mas malamin na kahulugan kaysa sa literal na kahulugan ng
teksto.
Halimbawa:
Pusang itim- malas, may mangyayaring masama o hindi
maganda
Kulay puti- kalinisan o kadalisayan
Kulay Pula- kaguluhan,pakikipaglaban o katapangan
16. Ang Matatalinhagang pahayag o salita ay may malalim o hindi tiyak na kahulugan na ginagamit din
upang maging mas kaakit akit ang akdang isinusulat at sumasalamin sa kagandahan ng wikang
Filipino. Ilan sa mga paraan ng pagfamit nito ay ang mga tayutay at idyoma.
Halimbawa:
Magsunog ng kilay- mag aral nang
Mabuti bugtong na anak- kaisa isang anak
17. Mga Elemento ng Tula
1. Sukat- ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod na
bumubuo sa isang saknong.
Halimbawa:
Ako ay isang tao= a/ko/ay/i/sang/ta/o= pitong pantig
2. Tugma- ito ay tumutukoy da magkakatulad na tunog ng mga huling
pantig sa bawat taludtod
Halimbawa:
Mahirap sumaya Tugmang ganap
Ang taong may sala
May isang lupain sa Silangan tugmang di ganap
Nag aalaga ay sikat ng araw
18. 3. Kariktan- ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula ang kabuuan nito.
Halimbawa:
Ito ba ang mundong hinila kung saan,
Na gulong ng iyong/hidwang kaunlaran?
Kariktan- lalabindalawahing pantig,tugmaang ganap at nagtataglay ng tayutay.
4. Talinghaga- tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay; iyo ang
pinakapuso ng tulasapagkat ito ang kahulugan ng tula o ang ipinapahiwatig ng may akda.
Halimbawa:
rosas may mukhang maamo,tinik sa loob nitoy namumuno
Kahulugan: mukha mang maamo ang pisikal na itsura ng isang tao o bagay,may itinatago pa
rin itong kasamaan.
19. Bakit kaya rito sa mundong ibabaw,marami sa taoy sa salapi silaw?
-panambitan ni Myra Prado salin ni Ma. Lilia Realubit
Kahulugan: ito ay nagpapahiwatig na may mga taong sa ating lipunan na sa
salipi umiikot ang pamumuhay.
Sa pagsusuri ng isang tula, tignan ang pagkabuo nito. Mula sa tugmaang
taglay nito,mga simbolo at matatalinhagang pahayag,at sa paksang
tinutukoy nito. Sinusuri ito bata sa istruktura at pagiging mabisang midyum
sa pagbibigay ng mensahae ng may akda.
20. Paano maiaantas ang mga salita ng ayon sa
damdaming ipapahayag?
Hindi lahat ng saling magkakasingkahulugan ay pareho ang ibig sabihin..
Hindi maaaring palitan ang gamit ng mga ito. Bagamat iisa ang malawak na
kahulugan,magkakaiba naman ang tindi ng ipinapahayag nito at ang pag
aantas ay tinatawag naman na Pagkliklino. Kayat maingat din ang mga
manunulat sa paggamit ng mga salita sa pagsulat.
Halimbawa:
Hindi maaaring sabihin na ikaw ay napupoot kung naiinis ka lamang. Kung
iyaantas natin ang sumusunod na salitang magkatulad ng kahulugan na
magkaiba naman sa tindi o digri ng nais ipahayag,ganito ang magiging ayos
ng mga ito.
inis galit muhi poot
21. 2. Pansinin ang salitang magkakatulad ng kahulugan, ngunit
magkakaiba sa tindi o digri ng nagpapahayag. Ganito ang
magiging ayos kung iaantas ito.
a. Pagkawala pagkaubos pagkasaid
b. Nasira nawasak