Kahulugan ng Komunikasyon.
Katuturan at Kahalagahan ng Komunikasyon.
Transaksyunal na proseso ng Komunikasyon.
Mga mabisang panuntunan ng komunikasyon.
Komponents ng komunikasyon.
Uri ng komunikasyon.
Mga antas ng komunikasyon.
Modelo at proseso ng komunikasyon.
narito ang kasaysayan ng pag-unlad ng wikang pambansa, sang-ayon na din sa mga saligang batas na umiiral.
Ang sanggunian nito ay : "Komunikasyong Epekyibo sa Wikang Epektibo" nina Bernales, R.A., et al. 2015
- ANO ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO?
- LAYUNIN AT KAHALAGAHAN
- PARAAN NG PAGLALARAWAN
- URI NG PAGLALARAWAN
- APAT NA MAHALAGANG KASANGKAPAN NA GINAGAMIT SA MALINAW NA PAGLALARAWAN
- HALIMBAWA
narito ang kasaysayan ng pag-unlad ng wikang pambansa, sang-ayon na din sa mga saligang batas na umiiral.
Ang sanggunian nito ay : "Komunikasyong Epekyibo sa Wikang Epektibo" nina Bernales, R.A., et al. 2015
- ANO ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO?
- LAYUNIN AT KAHALAGAHAN
- PARAAN NG PAGLALARAWAN
- URI NG PAGLALARAWAN
- APAT NA MAHALAGANG KASANGKAPAN NA GINAGAMIT SA MALINAW NA PAGLALARAWAN
- HALIMBAWA
Mahalagang matutunan ang kasayahan ng pagbasa. Makakatulong ito upang mahubog ang ating kaalaman at makakuha ng makabagong impormasyon. Ang ilan pa sa kahalagahan ng pagbasa ay ang sumusunod:
Nagdadagdag ng kaalaman Sa pagbabasa, nakakakuha tayo ng bagong kaalaman. Dagdag pa, nakakatuklas tayo ng mga impormasyon na hindi pa natin alam.
Napapayaman ang kaalaman at napapalawak ang
talasalitaan Napapaunlad din ng pagbabasa ang ating likas na kaalaman. Nakakatulong ito upang mapalago ang ating bokabularyo, bunga nito, mas gagaling pa tayo sa iba pang kasanayan tulad ng pagsasalita at pagsulat.
Nakararating sa mga pook na hindi pa narating Naniniwala ka ba na sa pamamagitan ng pagbasa ay maari kang makapaglakbay sa mga lugar na hindi mo pa napupuntahan? Sa tulong ng pagbasa, napagagana nito ang ating malawak imahinasyon at tila ba nailalagay natin ang ating sarili sa lugar kung saan nais tayong dalhin ng may akda.
Nahuhubog ang kaisipan at paninindigan Sa tulong ng pagbasa, nalalaman natin ang tama at mali. Natututo tayong maging mapanuri at nalalaman natin ang mga dapat ipaglaban.
Nakakukuha ng mga mahahalgang impormasyon Katulad din ng pagkuha natin ng kaalaman, tayo ay nakakakuha ng mahahalagang impormasyon sa pagbabasa. Ang halimbawa ng mga impormasyong ito ay impormasyon tungkol sa nangyayari sa paligid at mga impormasyon tungkol sa akademiko.
Nakatutulong sa mabibigat na suliranin at damdamin Hindi lang impormasyon ang pwede nating makuha sa gawaing ito. Maari din itong maghatid sa atin ng aliw sa tuwing tayo ay nalulungkot at may mabigat na nararamdaman. May mga babasahin din na nagbibigay ng hakbang upang makatulong sa pagresolba ng mga problema.
Nagbibigay ng inspirasyon at nakikita ang ibat ibang
antas ng buhay at anyo ng daigdig.
Nilalaman ng PPT na ito ang kahulugan, katangian, kahalagahan, mga pamaraan/teknik, mga kasanayan, proseso, antas at mga teorya ng pagbasa. Ito ay maingat na inayos ayon sa mga sanggunian na nakatala sa katapusan ng slide deck. Nawa'y makatulong ito sa iba pang mga guro na katulad ko lalong-lalo na sa mga estudyante ng ika-11 baitang. :) Pagpalain tayong lahat ng Panginoon! :) :) :)
Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng tekstomajoydrew
油
Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng teksto. Ang pagbasa ay pakikipagtalastasan. Mga layunin ng Pagbabasa. Pangkalahayang Uri ng pagbasa
GRADE 11-KAHULUGAN NG PAGBASA NA IBINIGAY NG IBAT IBANG MGA MANUNULATEllaKazzandraResuell
油
Ang pagbasa ay sistematikong proseso ng pagkilala at pag-unawa sa mga nakalimbag na titik o simbolo. Sa gawaing ito, ang mensaheng nais iparating ng manunulat ay inuunawa at binibigyan ng interpretasyon ng mga mambabasa. Sa pagbasa, kumukuha tayo ng impormasyon at ng kahulugan mula sa mga sagisag na nakikita ng ating mga mata.Ito ay matuturing bilang isang tiyak at maayos na pag-uugnay ng mga salita upang makabuo ng isang ediya o kaisapan.Ang pagbasa ay nagiging tulay upang magkaroon ng komunikasyon ang awtor sa kanyang mga mambabasa at maibigay ang kanyang nais ipahiwatig.
Ayon sa Webster Dictionary, ang pagbasa ay gawain ng isang taong bumabasa ng aklat at iba pang mga sulatin. Ito ay kinakailangan ng pag-unawa sa binabasang aklat o mga sulatin, maging sa nakasulat sa mga bagay.
Ayon naman kay Frank Smith, awtor ng Reading Without Non Sense
(1997), ang pagbabasa ay ang pagtatanong sa nakasulat na teksto, at ang pag-unawa sa teksto ang magsisilbing sagot sa iyong mga tanong.
Ang presentasyong ito ay tumatalakay sa mga makrong Kasanayan ng wika, partikular na ang pagsulat at pagbasa. Tinatampok dito ang kahulugan, gamit at kahalagahan ng paggamit nito sa komunikasyon.
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasaRochelle Nato
油
Ang unang aralin sa Pagbasa at Pagsusuri ng ibat' ibang teksto tungo sa Pananaliksik.
I. Batayang Kaalaman sa Mapanuring Pagbasa
Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang Teksto tungo sa Pananaliksik ni Crizel Sicat- De Laza (May-akda) at Aurora E. Batnag (Koordineytor)
Pagbasa at Pagsulat Tungo Sa Pananaliksik.pptxdumpass1
油
Layunin nito na malaman ng mambabasa ang mga kailangan at kung ano ang pagbasa. Dito nailathala ang lahat ng detalye ukol sa mga nasabing topic. Tuklasin ang mga sumusunod na topic at ipahayag ang iyong naintindihan ukol dito. Maraming Salamat!
Kahulugan ng Pagbasa
Kahalagahan ng pagbasa
Layunin ng Pagbasa
Proseso ng Pagbasa
MABUBUTING GAWI SA PAGLINANG NG KASANAYAN SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL SA JUNI...AJHSSR Journal
油
ABSTRAK: Ang pagsusuri ng pag-aaaral na ito ay naglalaman ng mga Epektibong Estratehiya sa paglinang ng
kasanayan sa Pagbasa ng mga mag-aaral sa Junior High School. Gumamit ang mga mananaliksik ng
Deskriptibong Pananaliksik o Qualitative Research sa kanuilang
sarbey na binuo ng Tatlumput anim na kalahok mula sa tatlong paaralan sa Zamboanga City. Sa tulong ng
Thematic Coding, limabas na ang SQ3R, Marungko Approach, Peer Teachung at Graphic Organizer ay iilan sa
mga Estratehiyang napatunayanng epektibo. Natuklasan rin ng mga Guro ay gumamit ng ibat ibang paraan
upang masanay ang mga mag-aaral sa pagunawa at pagbasa ngibatt ibang uri ng teksto. Ang pag-aaral na ito ay
nagpapatunay na ang Teoryang Top-down, kung saan aktibo ang mga mambabasa sa paggamit ng kanilang
naunang kaalaman ay may malaking papel sap ag-unawa ng mga teksto o babasahin.
MGA SUSING SALITA: Epektibong Estratehiya, Filipino, IMRaD
Pagtuturo at Pagtataya sa Makrokasanayang Pangwika.pptxkristineannealdaya
油
Sa karaniwang pakikipagtalastasan sa araw-araw, doble ang paggamit natin sa pakikinig kung ihahambing sa pagsasalita at apat hanggang limang ulit na ginagamit sa pagbabasa at pagsulat.
Ang pagbibigay interpretasyon sa nakalimbag na titik o simbolo. Napakahalagang mapagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng kasanayang ito sapagkat Malaki ang maitutulong nito sa isang indibidwal at maging sa buong komunidad.
2. Wika: Kasangkapan sa
Pagpapahayag
Ayon kay Whitehead, isang edukador at
Pilosopong Ingles: Ang wika ay
kabuuan ng kaisipan ng lipunang
lumikha nito.
Ibig ipahiwatig nito na ang wika ay
salamin ng lahi.
3. Ang wika ay mga simbolong salita ng
mga kaisipan at saloobin.
Ito ay isang behikulo o paraan ng
paghahatid ng ideya o palagay sa
tulong ng mga salita na maaaring
pasalita o pasulat.
4. Ayon naman kay Henry Gleason, ang
wika ay isang masistemang balangkas
ng sinasalitang tunog na pinili at
isinaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga tao sa
pakikipagtalastasan na nabibilang sa
iisang kultura.
5. Ito rin ay kaluluwa ng bansa, pag-iisip
ng isang bayan, kumakatawan sa isang
malayang pagsasama-sama at sa
pagkakaisa ng layunin at damdamin.
Ito ay paghahatid ng kaisipan at
damdamin sa pamamagitan ng mga
salitang binibigkas.
6. Ang wika ay isang penomenong
pumapaloob at umiiral sa loob ng
lipunan at may angking kakayahang
makaimpluwensya, magdikta, magturo,
tumulong, kumontrol, manakot,
pumatay, magpaligaya at lumikha ng
isang realidad sa kanyang ispesipikong
kakayahan.
7. Ang wika ay maaaring humubog ng
ating pananaw pandaigdig (world view).
Kung titingnan ang wika bilang isang
ideolohiya, maaaring magkaroon ng
ibat ibang pagpapakahulugan,
pagtingin, pag-unawa at karanasan
dahil may kani-kaniyang posisyon at
papel ang indibidwal sa lipunang
kanyang ginagalawan at kinabibilangan.
8. Isang disiplinang maituturing ang pag-
aaral sa wika sa loob ng lipunan at itoy
kabilang sa mga bagay na dapat
pagtuunan ng pansin at pananaliksik,
upang mas malinaw nating mailarawan
ang mga kalagayan o katayuan nito
para sa ating ikagagaling bilang
praktisyoner ng wika.
9. Wika Bilang Totalidad sa
Pag-iral
Isang katangian ng wika bilang
penomenong panlipunan ay ang
totalidad ng pag-iral at patuloy na
pagbabago ng wika kasama ang
maraming gamit at antas ng istruktura
nito na malinaw na sumasailalim sa
mga karanasan.
10. Ang wikang ginagamit ng isang lipunan
ay maaaring sumailalim sa mga
paniniwala nito at mga karanasan.
Maaari tayong hubugin ng ating wika
matapos natin itong mabigyan ng
kahulugan.
11. Sa pagsusuri natin sa sinasabi sa isang
okasyon at sa salitang dapat gamitin,
pinag-uukulan natin ng pansin ang
kaangkupan ng ginagamit na wika.
Ang mga pormal o impormal na pulong,
pagtatalumpati, kasal, binyag,
pagdarasal, pagtuturo, talakayang
pang-akademiya at iba pang mga
12. okasyon ay maaaring makabuo ng ibat
ibang diskurso depende sa kasapatan
at kaangkupan ng mga salitang
gagamitin para sa isang partikular na
okasyon.
Totalidad ng pag-iral ang wika dahil dito
umiikot ang ating kabuuang pag-iral sa
gitna ng lipunan.
13. Sinasalamin ng wika ang lipunang ating
binubuo at kinabibilangan.
Ito ang ginagamit sa pagpapahayag ng
saloobing may pagpapakahulugang
mula sa pag-unawa ng tao sa wika at
mga konseptong kinakatawan nito.
14. Mga Batayang Kaalaman sa
Pagbasa
Be more, read more.
The man who reads, is the man who
leads.
Talino ang natatanging puhunan ng tao
sa kanyang pakikipagsapalaran sa
buhay.
15. Mahalaga ang ginagampanang papel
ng pagbasa sa paghahasa ng talino at
isipan.
Kailangan ang masidhi at malawakang
pagbabasa na siyang nakapagbubukas
ng daan ng lahat ng karunungan at
disiplina tulad ng agham panlipunan,
syensya, matematika, at iba pa.
16. Ang karanasang dulot ng pagbabasa ay
nagbibigay ng lubos na kasiyahan at
kaluwalhatian sa buhay na hindi
maipagpapalit sa kayamanang
materyal.
Sa pagbabasa, nagiging ganap ang
pagkatao ng isang nilalang.
17. Ang pagbasa ay isang karaniwang
gawain sa paaralan na humuhubog sa
pag-iisip ng mga mag-aaral.
Layunin ng pagbasa sa mga kolehiyong
mag-aaral ang lalo pang maitaas ang
antas ng kanilang pag-iisip sa pagiging
kritikal at mapanuri.
18. Sang-ayon kina Curry at Palmunen
(2007), nababago ang paraan ng
pagbabasa ng mga kolehiyong mag-
aaral, nangangahulugang hindi lamang
pag-alam o pagsasaulo sa mga
pangunahing detalye na nakapaloob sa
teksto kundi ang pagtiyak kung paano
nagiging makatotohanan ang isang
impormasyon.
19. Nagiging sopistikado ang paraan ng
kanyang pagbabasa at nakasunod dito
ang paglinang ng kanyang abilidad sa
pag-iisip.
Magkaugnay ang mental at ang
gawaing pagbasa.
20. Upang matamo ang layunin ng pagbasa
sa kolehiyo, narito ang ilang mga
hakbang:
1. Maghandang bumasa.
2. Aktibong bumasa.
3. Mapanuring bumasa.
4. Bumasa nang kritikal.
21. Kahulugan ng Pagbasa
Batay sa depinisyong ibinigay ng
International Reading Association, ang
pagbasa ay pagkuha ng kahulugan
mula sa mga nakatalang titik o simbolo
na nangangailangan ng sumusunod:
- ang paglinang at pananatili ng
kawilihan sa pagbasa;
22. - ang paggamit ng istratehiya upang
makuha ang kahulugan ng teksto;
- ang sapat na kaalaman o prior
knowledge at bokabularyo na tutulong
sa pag-unawa ng teksto;
- ang kakayahan sa matatas na
pagbasa;
23. - ang istilong gagamitin upang
maunawaan ang salitang di pamilyar;
- ang kakayahang umunawa sa mga
nakatalang salita batay sa tunog o
pagbigkas nito.
Sang-ayon naman kay Frank Smith, ang
pagbasa ay pagtatanong sa nakatalang
teksto at ang pag-unawa sa teksto ay
24. ang pagkuha ng sagot sa iyong mga
tanong.
Mula naman kay Kenneth Goodman, ang
pagbasa ay isang psycholinguistic
guessing game, sapagkat ito ay
nagdudulot ng interaksyon sa pagitan
ng wika at pag-iisip, ang kakayahang
manghula, bumuo ng hinuha kaugnay
ng tekstong binabasa.
25. Ayon naman kina Austero et al, ang
pagbasa ay ang pagkilala at pagkuha
ng mga ideya at kaisipan sa mga
sagisag na nakalimbag upang mabigkas
nang pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa
wika ng awtor sa pamamagitan ng mga
nakasulat na simbolo.
26. Batay sa mga kahulugang ibinigay,
makikita na maraming kasanayan ang
nalilinang at kailangang malinang upang
magkaroon ng mabisa at makahulugang
pagbabasa.
Ang pagbasa ay masasabing isang
masalimuot (complex) na proseso.
27. Ang pagbasa ay isang gawaing
pangkaisipan at ang gawaing ito ay
mailalarawan bilang isang proseso.
Ayon kay William Gray, may 4 na
hakbang sa pagbasa:
1. Persepsyon hakbang sa pagkilala
sa mga nakalimbag na simbolo at
maging sa pagbigkas nang wasto sa
mga simbolong nababasa.
28. 2. Komprehensyon pagpoproseso ito
ng mga impormasyon o kaisipang
ipinahahayag ng simbolong nakalimbag
na binasa. Ito ay nagaganap sa isipan.
3. Reaksyon hinahatulan o
pinagpapasyahan ang
kawastuhan, kahusayan at
pagpapahalaga ng isang tekstong
binasa.
29. 4. Asimilasyon isinasama at
iniuugnay ang kaalamang nabasa sa
mga dati nang kaalaman at/o
karanasan.
30. Mga Teorya o Pananaw sa
Pagbasa
Mahalaga para sa sinumang mag-aaral
ang magkaroon ng sapat na pag-unawa
sa proseso ng pagbasa na inilalarawan
ng mga sumusunod na teorya:
1. Teoryang bottom-up ang pagbasa
ay ang pagkilala ng mga serye ng mga
nakasulat na simbolo upang maibigay
ang katumbas nitong tugon.
31. Ang proseso ng pag-unawa ayon sa
teoryang ito ay nagsisimula sa
teksto(bottom) patungo sa
mambabasa(up) kaya tinawag itong
bottom-up.
2. Teoryang Top-down napatunayan ng
maraming dalubhasa na ang pag-
unawa ay hindi nagsisimula sa teksto
32. kundi sa mambabasa (top) tungo sa
teksto (down).
Ayon sa mga proponent nito, ang
mambabasa ay isang napakaaktib na
kalahok sa proseso ng pagbasa, na siya
ay may dating kaalaman (prior
knowledge) na nakaimbak sa kanyang
isipan at may sariling kakayahan sa
wika.
33. 3. Teoryang Interaktib ang teksto ay
kumakatawan sa wika at kaisipan ng
awtor at sa pag-unawa nito.
- ang isang mambabasa ay gumagamit
ng kanyang kaalaman sa wika at mga
sariling konsepto o kaisipan.
- dito nagaganap ang interaksyong
awtor-mambabasa at mambabasa-
awtor.
34. 4. Teoryang Iskima mahalaga ang
tungkuling ginagampanan sa pagbasa
ng dating kaalaman ng mambabasa. Ito
ang batayang paniniwala ng teoryang
iskima.
- bawat bagong impormasyong
nakukuha sa pagbabasa ay
naidaragdag sa dati nang iskima.
35. Teoryang Metakognisyon sa
Pagbasa
Metakognisyon nangangahulugang
pagkakaroon ng kaalaman at
maunawaan , makontrol at magamit
nang wasto ang mga kaalamang ito (Tei
at Stewart, 1985).
Ang paggamit ng sinasabing mga
kaalaman ay makakatulong para
magkaroon ng mabisang pagbabasa.
36. Apat na Salik sa Prosesong
Metakognisyon
1. Teksto nakapaloob ang pagtukoy sa
istruktura, uri o anyo ng babasahin.
2. Gawain sa pagbasa kaugnay rito
ang mga gawain bago bumasa, habang
bumabasa at pagkatapos bumasa.
3. Istratehiya nakasalalay sa
mambabasa.Ito ay batay sa kanyang
edad, karanasan sa pagbabasa at
37. lawak ng kaalaman sa paksa.
4. Katangian ng mambabasa mahalaga
sapagkat kaugnay rito ang kanyang
interes, motibasyong
matuto, kakayahang mental at pisikal at
oryentasyon sa pagbasa at pagkatuto.