Lesson in Hiram na Salita. mga salitang banyagang ginagamit sa Wikang Filipino.
Wala itong katumbas na salita sa wikang Filipino kayat hiniram na lang ang pagbigkas at pagbaybay ng banyaga dito.
Maaaring ang mga ito ay may taglay na mga hiram na titik gaya ng: C F, J, Q, V, X, Z
Mga alituntunin sa panghihiram o pagtutumbas ng mga salitang hiram:
1. Ginagamit sa pangngalang pantangi ang mga hiram na titik nang walang pagbabago.
Halimbawa: Mike, Colgate
2. Salitang katutubo mula ibang wika.
Halimbawa:
ifun (pinakamaliit na banak)
masjid (pook-dalanginan ng mga Muslim)
3. Kung konsistent ang pagbabaybay ng salita, hiramin ito nang walang pagbabago.
Halimbawa:
Ingles Filipino
alto alto
editor editor
memorandum memorandum
4.. Kung hindi konsistent ang pagbabaybay ng salita, hiramin ito at baybayin nang konsistent ayon sa tuntuning kung ano ang bigkas ay siyang baybay.
Halimbawa:
Ingles Filipino
meeting miting
leader lider
teacher titser
5. May mga salita sa Ingles na maaaring hiramin nang walang pagbabago. Ito ay ang simbolong pang-agham, salitang agham at teknikal at ang mga salitang Ingles na kapag binabaybay sa Filipino ay malayo na ang kahulugan.
Halimbawa:
calcium H2O (water)
x ray CO2 (carbon dioxide)
6. Kapag ang hiniram na salita sa Ingles ay may katumbas sa Filipino, katumbas na salita ang siyang gagamitin.
Halimbawa:
Ingles Filipino
ability kasanayan
rule tuntunin
south timogAng mga salitang hiram ay mga salitang nanggaling sa ibat ibang mga dayuhang nakarating sa ating bansa na kalimitan na nating ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap o talakayan.
Binago man ang baybayin o hindi, mahalaga ang mga salitang hiram sapagkat nakatutulong ito sa pagpapayaman ng ating bokabularyo o talasalitaan.
Ang mga salitang hiram ay mga salitang nanggaling sa ibat ibang mga dayuhang nakarating sa ating bansa na kalimitan na nating ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap o talakayan.
Binago man ang baybayin o hindi, mahalaga ang mga salitang hiram sapagkat nakatutulong ito sa pagpapayaman ng ating bokabularyo o talasalitaan.
Ang mga salitang hiram ay mga salitang nanggaling sa ibat ibang mga dayuhang nakarating sa ating bansa na kalimitan na nating ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap o talakayan.
Binago man ang baybayin o hindi, mahalaga ang mga salitang hiram sapagkat nakatutulong ito sa pagpapayaman ng ating bokabularyo o talasalitaan.
This document discusses cause and effect and provides examples. It defines cause as the reason or explanation for events, and effect as the outcome or result of an event. It lists words that indicate cause like "because" and "since" and words that indicate effect like "therefore" and "consequently." Examples are provided of causes and their effects, like Juan falling in the canal because he wasn't looking where he was walking. The document instructs to think of causes for given effects and write sentences combining them.
Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...Desiree Mangundayao
油
Ang mga slideshare na ito ay maaring makatulong sa mga bata, magulang at mga gurong nagnanais na matuloy ang edukasyon sa kabila ng pandemya.. MELC BASED na rin po at may mga learning activities
#parasabata. #tuloyangedukasyon
LIKE/ SHARE / SUBSCRIBE/ COMMENT DOWN BELOWAng mga slideshare na ito ay maaring makatulong sa mga bata, magulang at mga gurong nagnanais na matuloy ang edukasyon sa kabila ng pandemya.. MELC BASED na rin po at may mga learning activities
#parasabata. #tuloyangedukasyon
LIKE/ SHARE / SUBSCRIBE/ COMMENT DOWN BELOW
Yunit IV Aralin 31: Pag- ugnayin ang mga Sinasabi
- Paggamit ng mga pang- angkop sa pagpapahayag
Pagsulat ng mga pahayag o pangungusap na ginagamit ang mga pang- angkop.
Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...Desiree Mangundayao
油
Ang mga slideshare na ito ay maaring makatulong sa mga bata, magulang at mga gurong nagnanais na matuloy ang edukasyon sa kabila ng pandemya.. MELC BASED na rin po at may mga learning activities
#parasabata. #tuloyangedukasyon
LIKE/ SHARE / SUBSCRIBE/ COMMENT DOWN BELOWAng mga slideshare na ito ay maaring makatulong sa mga bata, magulang at mga gurong nagnanais na matuloy ang edukasyon sa kabila ng pandemya.. MELC BASED na rin po at may mga learning activities
#parasabata. #tuloyangedukasyon
LIKE/ SHARE / SUBSCRIBE/ COMMENT DOWN BELOW
Yunit IV Aralin 31: Pag- ugnayin ang mga Sinasabi
- Paggamit ng mga pang- angkop sa pagpapahayag
Pagsulat ng mga pahayag o pangungusap na ginagamit ang mga pang- angkop.
Ang **akdang naratibo** ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay ng isang kwento o karanasan. Ito ay isang pagsasalaysay ng mga pangyayari na may layuning magbigay aliw, magturo, o magbigay aral sa mga mambabasa. Kadalasang gumagamit ng mga tauhan, tagpuan, at kaganapan upang maipahayag ang isang kwento sa isang tiyak na ayos o pagkakasunod-sunod.
Ang **akdang naratibo** ay may mga pangunahing elemento tulad ng **tauhan**, **tagpuan**, **tema**, **salungatan**, at **banghay**. Ang **tauhan** ang mga karakter na gumaganap sa kwento, mula sa pangunahing tauhan hanggang sa mga sumusuportang karakter. Ang **tagpuan** ay ang lugar at oras kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa kwento. Ang **tema** naman ay ang pangunahing ideya o mensahe na nais iparating sa mambabasa. Ang **salungatan** ay ang problema o hamon na kinakaharap ng mga tauhan sa kwento, at ang **banghay** ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula sa simula, gitna, hanggang sa wakas.
Halimbawa ng akdang naratibo ay ang mga **maikling kwento**, **nobela**, at **talambuhay**. Sa mga akdang ito, ang manunulat ay nagkukuwento ng isang kwento na may mga tauhan at nagsisilbing gabay sa mga mambabasa upang matutunan ang mga aral na dulot ng kwento. Ang isang akdang naratibo ay maaaring magtaglay ng iba't ibang emosyon tulad ng saya, lungkot, takot, at pagmamahal, na nakatutulong upang mas maging makulay at buhay ang kwento.
Sa kabuuan, ang akdang naratibo ay isang mahalagang anyo ng panitikan na naglalaman ng mga kwento at karanasan na makapagbibigay ng kasiyahan at aral sa mga mambabasa.
2. 2
FILIPINO 4
QUARTER 2
Development Team of the Module
Author: Manuel P. Lacro Jr.
Editor:
Reviewer:
Management Team: Celedonio B. Balderas Jr., SDS
Gemma G. Cortez, Ed.D., CID - Chief
Leylanie V. Adao, EPS - LR
Learning Area EPS (Insert name here)
SDO Dasmarinas City
Gabay sa Paggamit ng Learners Module
Para sa Tagapagpadaloy
Layunin ng modyul na ito na tulungan kayo bilang tagapamatnubay ng mga
mag- aaral sapag-aaralng inyongmga anak satahanan. Hinihiling ang inyong
paggabay at pagtulong sa ating mga mag-aaral. Inaasahan din ang inyong
kooperasyon upang lubos nilang maunawaan at malinang ang kanilang
kakayahan at tiwala sa sarili sa pagtugon sa mga aralin.
Para sa Mag-aaral
Ang modyul na ito ay ginawa upang gabayan ka sa iyong pagkatuto gamit ang
iyong sariling kakayahan. Layunindin nito na tulunganka na mataposangmga
kompetensiyang itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon sa loob ng iyong
tahanan.
Inaasahan na iyong matatapos ang mga itinakdang gawain sa tamang oras.
Gumamit ng hiwalay na papel para sa iyong mga kasagutan at ipasa sa iyong
guro.
3. 3
MELC: Nakasusulat ng talatang naglalarawan
Week 5
Alamin Natin
Sa araling ito ay matututunan mo ang tungkol sa pagsulat ng talatang
naglalarawan. Anu ang talata, at paano ito nabuo.
Talata - Ang talata ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga
pangungusap na naglalahad ng isang bahagi ng isang buong pagkukuro, palagay,
o paksang-diwa. Lahat ng mga nakapaloob na salita dito ay magkakaugnay at may
iisang diwa batay sa inilalarawang paksa nito.
Tandaan na kapag tayo ay gumawa o sumipi ng talata ay dapat nating
isaalang-alang ang pag gamit ng malaking titik sa umpisa ng bawat pangungusap
at kailang ay magtapos ito sa pamamagitan ng isang tuldok.
Halimbawa:
Ang Punong Niyog
Sa lahat ng punong kahoy, ang niyog ang may pinakamaraming
pinaggagamitan. Lahat ng bahagi ng punong ito ay mahalaga. Mahusay na
panggatong ang katawan nito. Ang mga dahoon ay nagagawang basket, walis, at
mga kagamitang pambubong. Ang bunga ang pinakamahalagang bahagi nito. Ang
balat ng bunga ay nagagwang iskoba, bunot, at mga kutson. Ang bao ang
nagagawang mga alkansiya, butones, plorera, at laruan. Mula naman sa laman ng
bunga, maaaring makakuha ng langis at makagawa ng kendi at gamut.
Nanggagaling din sa laman nito ang mga sangkap na magagamit para sa pabango,
sabon, sorbetes, ulam at cake.
Pagsulat ng Talatang
Naglalarawan
Napinsin mo ba kung paano nabuo ang talatang nasa itaas?
Sa iyong palagay ito ba ay nag lalarawan sa mga bagay na
may kinalaman sa puno ng niyo?
Tama, ang bawat pangungusap na nakapaloob sa talatang
nasa itaas ay may pagkakaugnay sa bawat isa. Bawat
pangungusap ay may kinalaman sa paksang inilalarawan ang
Ang Punong Niyog.
4. 4
Tuklasin Natin
Buuhin ang talata sa pamamagitan ng paglagay sa bawat patlang ng
tamang salita na nasa kahon sa ibaba.
Maraming likas na kayamanan ang Pilipinas. _________________ ang mga
lupang pang-agrikultura na maaaring pagtaniman ng palay, mais, tubo,
tabako, at iba pang produkto. _______________ ang mga kagubatang
pinanggagalingan ng mga torso at _____________ na mga ibon at hayop.
Ang mga karagatan nito ay ______________ sa isada at iba pang lamang
dagat. Sa mga bundok matatagpuan ang mga ________________ tulad ng
ginto, pilak, karbon, chromiteat iba pa.
GAWAIN sa Pagkatuto Bilang 1.
Sa gawaing ito ay susubukan niyong bumuo ng talatang naglalarawan ng
kagandahan ng biyaya ng ating kalikisan, na bubuuin ng 3 hanggang 5 pangungusap
o higit pa. Pumili ng isang panimulang pangungusap para sa isusulat mong talata.
a.) Maraming kakaibang bulaklak sa paligid.
b.) Malamig ang tubig sa sapa.
c.) Sa dagat ay makakakuha tayo ng iba;t-ibang uri ng isada.
___________________________________________________________.
________________________________________. ______________________
__________________________. ____________________________________
____________________________________________.
Suriin Natin
kayamanang mineral Maluluwag
Malalawak mababangis
namumutiktik Malalalim
5. 5
GAWAIN sa Pagkatuto Bilang 2. Basahin ang mga sumusunod na talata.
Salungguhitan ang paksang pangungusap na nararapat sa bawat bilang.
(Dalawang puntos bawat bilang)
1. Maaga pa ay gising nalahat ang mga tao sa bahay ni Mang Isidro. Ang
bawat isa ay abalang nagbibihis at naghahanda papunta sa simbahan.
Nakasuot ng magandang puting damit si Eloisa. Ito ang araw ng kanyang
kasal.
2. May iba`t ibang kahulugan ang bawat kulay. Ang asul ay kapayapaan at
ang pula ay katapangan. Pag-ibig naman ang kahulugan ng rosas at
panibugho naman ang dilaw.Kasaganaan naman ang berde at kalungkutan
ang itim. Marami pang kulay ang may kahulugan.
3. Ang aklat ay nagbibigay ng iba`t ibang impormasyon. Ito rin ang nagdadala
sa atin sa ibat ibang bansa sa pamamagitan ng pagbabasa. Ang dating
pagkatao ay nagbabago rin. Ang lahat ng bagay ay matututunan natin sa
aklat. Ito ang mga kahalagahan ng aklat.
4. Ang isang pagdiriwang na pinakahihintay ng halos sa karamihan ay ang
kapaskuhan. Ang lahat ng tao ay abala sa paghahanda sa araw na ito. Mga
bagong damit at sapatos naman ang kinasasabikan ng mga paslit. Ang
pagpunta at pagbibigay-galang nila sa kanilang ninong at ninang ay
kinakikiligan din. At higit ay ang pagpapasalamat sa Diyos para sa araw na
ito.
5. Malalaki at matataas na gusali ang matatagpuan sa Ayala, Makati. Kilalang-
kilala ang lungsod na ito dahil na rin sa mga subdibisyong magagara at
malapalasyong bahay ng mga milyonaryo. Narito rin ang iba`t ibang mga
hotel at restawran na tanyag. Ang Makati ay isa sa pinakamayamang
lungsod ng bansa.
Pagyamanin Natin
6. 6
Isaisip Natin
GAWAIN sa Pagkatuto Bilang 3. Basahin ang sumusunod na
parirala/pangungusap. Isulat ang mga ito sa anyong talata sa iyong sagutangn
papel. Simulan sa malaking titik ang simula ng mga salita sa bawat panungusap.
Lagyan ng wastong bantas sa hulihan ang bawat pangungusap. Ibinigay na ang
pamagat para saiyo.
Iwasan ang Dengue Fever
ano ang dengue fever
isa itong uri ng sakit na dala ng kagat ng lamok
ang mga lamok na may dalang virus ng dengue ang nangingitlog at
nagpaparami sa mga pook na may tubig na hindi nahahalinhan tulad ng lata,
mga bote, o ibang lalagyang basag
higit na malaki kaysa pangkaraniwan ang lamok na may dalang dengue
abuhin ang kulay nito at patindig kung kumagat sa balat ng tao
sa araw lamang lumalabas ang lamok na ito mula sa kanilang
pinangingitlugan
upang malaman ng maaga kung may dengue ang isang tao, dapat
makilala ang mga palatandaan ng sakit na ito tulad ng sumusunod: paglalagnat
ng lampas sa tatlong araw, pamumula o pagpapantal-pantal ng balat at kung
may kalalalaan na ito, pagdurugo ng alinmang bahagi ng katawan tulad ng ilong
lubhang mapanganib ang sakit na dengue, kayat bilang huling paalala
sa lahat, lalung-lalo na sa mga batang nag-aaral, makabubuting tumulong sa
paglilinis araw-araw sa inyong kapaligiran upang maging malayo sa sakit na
dengue.
7. 7
TUKLASIN NATIN
1. Malalawak
2. Maluluwag
3. mababangis
4. namumutiktik
5. kayamanang mineral
SURIIN NATIN
Guro ang mag papasya sa markang makukuha ng bata batay sa ginawang
talata ng bata.
PAGYAMANIN NATIN
1. Ito ang araw ng kanyang kasal.
2. May iba`t ibang kahulugan ang bawat kulay.
3. Ito ang mga kahalagahan ng aklat.
4. Ang isang pagdiriwang na pinakahihintay ng halos sa karamihan ay ang
kapaskuhan.
5. Ang Makati ay isa sa pinakamayamang lungsod ng bansa.
ISAISIP NATIN
Ano ang dengue fever?
Isa itong uri ng sakit na dala ng kagat ng lamok.
Ang mga lamok na may dalang virus ng dengue ang nangingitlog at nagpaparami sa mga pook
na may tubig na hindi nahahalinhan tulad ng lata, mga bote, o ibang lalagyang basag.
Higit na malaki kaysa pangkaraniwan ang lamok na may dalang dengue, abuhin ang kulay nito
at patindig kung kumagat sa balat ng tao.
Sa araw lamang lumalabas ang lamok na ito mula sa kanilang pinangingitlugan.
Upang malaman ng maaga kung may dengue ang isang tao, dapat makilala ang mga
palatandaan ng sakit na ito tulad ng sumusunod: paglalagnat ng lampas sa tatlong araw, pamumula o
pagpapantal-pantal ng balat at kung may kalalalaan na ito, pagdurugo ng alinmang bahagi ng katawan
tulad ng ilong.
Lubhang mapanganib ang sakit na dengue, kayat bilang huling paalala sa lahat, lalung-lalo na
sa mga batang nag-aaral, makabubuting tumulong sa paglilinis araw-araw sa inyong kapaligiran upang
maging malayo sa sakit na dengue.
Susi sa Pagwawasto
8. 8
Yaman ng Lahi 4 ( Wika at Pagbasa sa Filipino; Kagamitan ng Mag-aaral pp 74-76)
Hiyas sa Wika 4 ( Pagsulat ng Talataan pp 94-97)
https://www.scribd.com/doc/167797443/Pagtukoy-Sa-Paksang-Pangungusap
Sanggunian